Share

Chapter 2.2

MALAKAS NA NAPAMURA na ang madrasta ni Bethany pagkababa niya ng tawag kay Albert. Hindi niya namalayan na lumapit sa kanya kanina ang babae upang makinig lang sa magiging usapan nila ng ex-boyfriend. Hindi nakaligtas sa pandinig nito ang huling mga sinabi ng pagbabanta ni Albert na mas ikinagalit lang ng madrasta niya.

“Walang utang na loob talaga ang lalakeng iyan! Anak talaga ng demonyo! Buhay pa siya dito sa mundo ay sinusunog na ang kaluluwa ng lalakeng iyan!”

Napaupo na si Bethany. Hindi na niya alam ang gagawin. Litong-lito na siya sa mga nangyayari. Bakit ganun? Bakit hindi umaayon sa kanya ang anumang planuhin niya?

“Huwag kang mag-alala, Bethany. Hanggang pangarap lang ang gagong iyon. Kahit pumuti ang kulay ng uwak ay hindi kami papayag ng Papa mo na sirain niya ang buhay mo. Mag-iisip tayo ng ibang paraan.”

Ganunpaman ka-positibo ang sinabi ng kanyang ma-drasta ay hindi pa rin mapigilan ng babaeng patuloy na lumuha. Alalang-alala na sa asawa.

“Huwag na huwag mong kakausapin ang sinabi niyang lawyer na future brother-in-law niya, Bethany. Oras na gawin mo iyon, ngayon pa lang ay siguradong matatalo na tayo!”

Mariing naipikit na ni Bethany ang mata. Sumasakit na iyon sa problemang hindi niya na alam kung alin pa ang uunahin. Ang ama niya, o ang pride niya. Hindi naman masama ang sumubok doon di ba?

“Umisip ka ng ibang paraan. Huwag mong ipilit ang magaling na lawyer na ‘yun kung sa bandang huli ay pababayaan niya tayo. Makinig ka sa aking mabuti, Bethany!”

“Tita, subukan pa rin natin na kausapin siya. Wala naman doong mawawala di ba?” harap ni Bethany sa madrasta, “Na-meet ko na isang beses ang lawyer na sinasabi ni Albert at sa tingin ko naman ay maayos ang reputasyon niya. Walang pamilya sa kanya oras na magkamali. Subukan lang po natin.”

Mapagmahal na madrasta ang babae pero mahigpit din naman ito. Suminghot-singhot siya nang maamoy ang alcoholic drinks sa hininga ni Bethany. Hindi lang iyon, nang hagurin niya ng tingin ang kabuohan ni Bethany ay nakita niya ang pag-aari ng lalakeng suot nito. Marami man siyang gustong sabihin kay Bethany ay hindi na niya isinatinig pa ‘yun, naniniwala siyang madiskarte ang batang ito at magagawan niya ng paraan lahat. 

“Sige, pagbibigyan kita sa gusto mo Bethany pero oras na maramdaman mo na wala kang mapapala, pakiusap hija, huwag mo ng ipilit pa.”

Marahang tumango si Bethany, medyo umiikot ang paligid niya dahil sa epekto ng alak. Kung kanina ay nawala iyon, ngayon ay nagbalik ito. 

“Sige na, magpahinga ka na muna.”

“Ako na ang bahala, Tita. Bukas na bukas din ay makakagawa na tayo ng paraan para mapawalang sala si Papa. Hindi tayo papayag na makulong siya at magdusa sa loob.”

Tinapik lang siya ng babae at tinalikuran na. Humakbang naman na si Bethany patungo ng silid niya.

KINABUKASAN ay maagang gumising si Bethany. Iyong tipong kahit masakit ang ulo niya ay pinilit niyang maligo, maghanda at maging okay nang dahil sa kanyang lakad.

“Kaya mo iyan, Bethany, laban lang!”

Hindi naging madali para sa dalaga ang makita si Attorney Gavin Dankworth. Sa lobby pa lang kasi ng Worthy Law Firm ay hinarangan siya agad ng receptionist ng tanungin niya kung anong palapag ng building ang opisina ng nasabing abugado.

“I’m sorry Miss, hindi ka pwedeng pumasok sa loob kung wala ka pong maiipakita sa aming appointment.”

Nang mga sandaling iyon ay sobrang pinagsisihan ni Bethany na hindi niya tinanggap ang inaalok na business card ng abugado. Kung alam lang niya na mapapadali nito ang problema niya ngayon, bukas-palad niya sanang tinanggap.

“Kung sakali na ngayon pa lang ako kukuha ng appointment, mga kailan ko siya pwedeng makita? Ngayon din ba agad?”

Natawa ang receptionist. Hindi alam ni Bethany kung may nakakatawa ba sa kanyang sinabi, pero medyo nainsulto siya ng reaksyon ng babae. Ina-underestimate ata siya.

“Anong nakakatawa? Tinatanong kita dahil wala akong alam.” may diin na sa boses ni Bethany, napipikon. 

“Pasensya na Miss, si Attorney Dankworth kasi ay famous na lawyer. Baka kasi hindi mo alam—”

“Hindi mo sinagot ang tanong ko. Gusto mo bang ulitin ko?” lagay na ni Bethany ng dalawang braso niya sa may counter ng receptionist, “Kung ngayon pa lang ako kukuha ng appointment, kailan ko siya maaaring makita? Uulitin ko pa ba?”

“Kalahating buwan po, Miss.”

Napamura ng lihim si Bethany. Kalahating buwan? Ganun katagal?

“Ganun katagal?!” napalakas na ang boses ni Bethany, gulantang pa rin. 

“Opo Miss, minsan naman po ay isang Linggo lang kayong maghihintay. Depende po sa schedule ni Attorney Dankworth.”

Iyong karampot na pag-asang pinanghahawakan ni Bethany ay unti-unting nalusaw. Napakatagal ng kalahating buwan. Sa loob ng kalahating buwang iyon, marami na ang maaaring nangyari sa Papa n’ya. Iyon ang pinakaiiwasan niya.

“Sige, maraming salamat.”

“Kukuha po kayo ng appointment?”

Hindi na ‘yun nasagot ni Bethany. Bumukas ang pintuan ng elevator sa gilid ng building. Lumabas doon ang pamilyar na bulto ng katawan ng lalake. Kasunod nito ay isang babae na halatang nasa early 30’s ang age. 

Sina Attorney Gavin Dankworth iyon. 

Parang fireworks na sumabog sa saya ang puso ni Bethany. Kapag sinu-swerte ka nga naman talaga. Hindi na siya mahihirapan pang kumuha ng appointment at maghihintay ng matagal. Sana lang ay hindi pa expire ang ino-offer nito sa kanyang business card kagabi.

“Hindi na siguro,” baling na ngiti niya sa receptionist na nagtaka na roon.

PAGBUKAS PA LANG ng elevator ay una ng nakita ni Gavin ang bulto ng babaeng nakahalikan ng nagdaang gabi. Tumikwas ang gilid ng labi pero hindi n’ya ito pinahalata. Hindi niya ito pinansin at dere-deretso lang ang naging lakad niya patungo sa pintuan ng building upang ihatid ang kanyang kliyente.

“Maraming salamat sa tiwala sa aming Law Firm.” kamay ni Gavin sa kliyente sa huling pagkakataon at matamis pa itong nginitian, kita sa sulok ng mga mata niya ang pagmamasid na ginagawa ng babae.

“Hindi, ako dapat ang lubos na kailangang magpasalamat sa’yo. Kung hindi dahil sa pagiging magaling mo ay hindi magiging maayos ang paghihiwalay namin ng asawa ko at hindi ako makakabahagi ng patas doon sa mga ari-arian niya. Mabuti na lang talaga at ikaw ang humawak ng kaso, deserve niya ang lahat ng iyon. Ako pa talaga ang babaliktarin niya at pagdadamutan gayong siya ang unang nanloko!”

“Walang anuman po.”

“Attorney Dankworth, kung hindi mo sana mamasamain pwede ba kitang i-invite na mag-dinner mamaya?”

Nang marinig iyon ni Bethany na nasa di kalayuan ay hindi niya alam saan galing ang mapaklang likido na umagos papasok ng lalamunan niya. 

‘Malamang, hindi niya kayang tanggihan ang babae. Maganda ito.’

Cool na sinipat ni Gavin ang pambisig niyang suot na relo. 

“Pasensya ka na, gustuhin ko mang pagbigyan ka pero may naka-set na kasi akong date mamayang gabi.”

“Ayos lang naman Attorney, sige, aalis na po ako.”

Pag-alis ng babae ay humakbang na rin pabalik sa loob si Gavin. Tumigil ito sa mismong harapan ni Bethany. 

“Anong ginagawa mo dito? Mukhang nagbago yata ang isip sa sinabi mong ayaw mo ng makipag-usap pa sa akin kahit kailan?”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status