Patuloy silang sinusundan ng mga ito at halatang nandito sila para dumanak ng dugo.Sa loob ng kakahuyan, magkakalapit ang mga puno sa isa't isa. Nagulat ang mga ibon sa tunog ng baril dahilan para magliparan ito. Nagtago si Cameron at Waylon sa likod ng malaking puno na sapat para itago silang dalawa.Tumingin siya sa mga sanga at nakita ang ilang lalaki na naghahanap pa rin, pero walang mapupuntahan sa harap nila dahil isla yon at ang dulo ay bangin.Kinawayan siya ni Waylon. “Akin na yung baril. Guguluhin ko sila.”Tiningnan siya ni Cameron. “Balak mo bang iwan ako mag-isa?”Ngumiti ni Waylon. “Pwede mo ring gawin yon.”Inabot ni Cameron ang baril sa kaniya at kinuha ang kutsilyo mula sa likod. “Mag-ingat ka. Mahihirapan ako sagutin ang pamilya mo kapag namatay ka dito.”Kinuha niya ang baril at kinasa yon. Binigay ni Cameron ang natitirang bala sa kaniya. “24 pa yan lahat. Kasya na ‘yan.”Tumingin siya kay Cameron at walang sinabi pagkatapos ay lumabas.Nakita siya ng lala
Tumalon patalikod si Waylon at iniwasan yon pero hindi tumitigil ang lalaki na yon. Umatake siya gamit ang kaniyang hita pero hinarangan siya ni Waylon gamit ang kaniyang braso. Namanhid ang braso ni Waylon sa malakas na sipa.Nagsalita ang lalaki. “Magaling ka makipaglaban, huh?”Nagsuot siya ng brass knuckles, mukhang gustong labanan si Waylon hanggang mamatay at sumugod.Dumating si Cameron sa oras na yon at hinawakan ang braso niya. Agad na nakaalis ang lalaki sa hawak niya at malakas na suntok ang inamba niya kay Cameron.Umatras siya pero pinadulas ng lalaki ang paa niya. Hinawakan ni Cameron ang balikat ng lalaki, tumalon sa likod niya at nag back kick. Inangat ng lalaki ang braso niya para harangan pero kailangan niyang umatras sa lakas.Sabay na umatake si Waylon at Cameron at nagsimula silang labanan ang dalawang lalaki.Kailangan nilang mag sabay para makaangat nang kaunti dahil malakas talaga ang lalaki.Patuloy siyang umaatras dahil sa atake nila ar pinunasan ang d
Madilim ang mukha ni Sunny habang nakakuyom ang kamao niya.Tumingin sa kaniya si Nollace. “Sa tingin ko nagpadala ang salarin ng dalawang grupo nang sabay. Isang grupo para atakihin si Daisie at ang isa naman ay para kina Cameron at Waylon.”Walang dalang armas ang mga taong umatake kay Daisie kaya halatang hindi nila balak na patayin si Daisie kundi kunin lang siya. Pero, ang grupo na sumunod kila Cameron at Waylon ay armado at handang pumatay.Nag-igting ang panga ni Sunny. “Pagkatapos ng nakaraang insidente, panigurado na hindi malakas ang loob ni Manuel na umatake ulit. Posible kaya na ang tao sa likod niya ang gumawa nito?”Kumuha si Manuel ng mga killer sa Skull Club pero hindi sila nagtagumpay. Ngayong kontrolado na niya ang The Serpent, hindi siya hahayaan ni Fabio kung magkakamali siya ulit.Inangat ni Nollace ang kilay niya. “Paano kung hindi si Manuel ang nagplano nito?”Kumunot si Sunny.Nagpatuloy si Nollace. “Huwag mong kalimutan ang tao na kumakausap sa The Serp
“Gising ka na.”Lumingon si Waylon at nakita si Cameron. Nakaupo siya sa harap ng apoy na lumiwanag sa maganda niyang mukha.Nanunuyo ang labi niya. “Gaano ako katagal na walang malay?”“Apat na oras.” Binato niya ang sahig sa paa niya. “Infected ang sugat at nagkaroon ka ng lagnat. May medical kit sa sasakyan kaya binigyan kita ng tetanus shot at anti-inflammatory, kaya mabubuhay ka.”Kinuha niya ang bote at binuksan ang bote.Sumakit ang braso niya sa ginawa niyang galaw. Kumunot siya at tahimik na ininom ang tubig pagkatapos ay tumingin sa bag sa tabi niya. Mukhang may ilang lata ng pagkain. “Handang handa ang sasakyan mo.”“Gutom ka ba?” Kinuha ni Cameron ang lata at inabot sa kaniya. “Hindi ‘to galing sa sasakyan ko. Sa sasakyan nila ‘to.”Kinuha ni Waylon ang lata pero hindi binuksan. Nang makita na nagdadalawang isip siya, ngumisi si Cameron. “Huwag kang mag-alala. Kumain ako nang kaunti. Walang lason.”Inangat niya ang kaniyang kilay at matagal siyang tiningnan. “Sala
Tumayo si Waylon. “Tara. Iisipin natin kung paano tayo makakaalis dito mamaya.”Pagkatapos ayusin ni Cameron ang gamit niya, pinatay niya ang apoy. Umalis sila sa ibang daanan.Sa kabilang banda, tumitingin si Mahina sa kakahuyan kasama ang grupo ng mga tao.Naglakad si Nollace sa isang pwesto at umupo para tingnan ang paligid.Lumapit si Mahina sa kaniya at tinanong, “May nahanap ka ba, Mr. Knowles?”Inunat niya ang kaniyang kamay at hinawakan ang sahig. “May nagsindi ng apoy dito. Mainit pa ang mga naiwang kahoy.”Nagulat si Mahina. “Si Mr. Southern at Mr. Goldmann siguro yon!”Tumayo si Nollace. “Humanap muna tayo ng paraan para kausapin sila. At least, kailangan nating ipaalam na tayo ang naghahanap sa kanila.”Naisip nila na kalaban sila kaya agad silang umalis. Naisip ni Nollace na may injury ang isa sa kanila. Kung hindi, hindi sila magtatago at titingnan ang sitwasyon kaysa umalis.Samantala, nakarating na sa dulo ng kakahuyan si Cameron at Waylob. Pagkatapos nilang lu
Kumain si Cameron ng lugaw at sumagot, “Totoo yon. Ganito na lang karami ang nandito sa fishing village. Umalis na ang mga bata sa Eastern Island at ang mga nanatili na lang ay matatanda. Ilang middle-aged na tao ang ayaw umalis dito dahil sa magulang nila kaya nanatili sila sa isla para sa pangingisda.”Tumango ang matanda at bumuntong hininga. “Halos lahat kami dito sa village ay mahirap na illegal immigrant mula sa Eurasia. Kung hindi dahil kay Mr. Southern Sr. na dinala kami dito sa isla at pinayagan ang mga lalaki sa village na magtrabaho sa fishing business para kumita kami ng pera para suportahan ang pamilya namin, hindi sana kami makakarating sa kung ano kami ngayon.”May babae at lalaking anak ang matandang babae pero nagtatrabaho sila sa Eurasia at babalik lang para bumisita minsan. Pero, matanda na sila. Hindi sila makapunta sa malayo kasama ang mga anak nila kaya kailangan nila manatili sa Eastern Island.Tumingin si Waylon kay Cameron pero walang sinabi na kahit ano.P
“Hindi ako nag-aalala sa kanila.” Inangat ni Sunny ang ulo niya. “Matalino sila kaya sigurado akong kaya nilang ayusin ang sarili nilang problema. Ang inaalala ko ay ang ibang tao.”Alam ng butler kung ano ang iniisip niya. “Nag-aalala ka ba na gagawa ng hakbang si Fabio?”Nagdilim ang mukha ni Sunny. “Kung talagang sumanib si Fabio kay Donald, baka hindi natin sila kayang tapatan. At saka, nagtatago sa dilim ang kalaban natin habang nasa liwanag tayo. Halata naman na hinahanda nila ang kanilang sarili na makipagdigma sa atin, base sa ginawa nila kay Cam. Iisipin nila na ayos lang sa atin ang lahat kung wala tayong gagawin.”Pagkatapos niyang magsalita, tumayo siya at sinabing, “Pupunta ako sa hospital.”Oras na araw para ligpitin si Manuel.Pumunta ulit si Sunny sa hospital para bisitahin si Joaqin.Nakakaupo na sa kama si Joaqin ngayon pero hindi pa siya makalakad. Nang makita niya si Sunny, nagulat siya.Nilagay ni Sunny ang jacket niya sa likod ng upuan at umupo. “Didiretsah
Malakas ang paniniwala ni Manuel na paaalisin ni Sunny lahat ng tauhan niya para hanapin si Cameron nang mawala siya. Kahit gaano pa kagaling makipaglaban si Sunny, hindi na siya kasing galing noon dahil matanda na siya, kaya mabilis siyang mapapagod.Kung kaya niyang patayin ang leader ng Southern Clan at si Joaqin nang sabay, madali na lang kalabanin si Cameron.Tumawa si Sunny. “Bata ka pa, Manuel.”Nagdilim ang mukha ni Manuel habang sinisigaw ang utos niya, “Hawakan niyo siya!”Ang dalawang lalaki na nakatayo sa likod ni Sunny ay pumunta sa harapan at tinapatan sila agad. Hindi lang din nanatili si Manuel sa likod. Kinuha niya ang kutsilyo at sinugod ai Sunny habang hindi siya nanonood.Pero, hindi madaling target si Sunny. Kahit na matanda na siya, ang karanasan niya at martial art skill ay mas angat kay Manuel.Pagkatapos nilang magpalitan ng atake, naiirita na si Manuel. Agad lumapit ang dalawang tauhan ni Manuel para tulungan siya at tatlo silang lumaban kay Sunny.Sina