Lumabas ang doctor at agad silang nagtanong, “Kumusta si Mr. Southern Sr.?”Hinubad ng doctor ang mask niya at sinabing, “Huwag kayong mag-alala. Ayos lang si Mr. Southern Sr. Tinahi na namin ang sugat. Siguraduhin niyo lang na makapag pahinga siya nang maayos at hindi mababasa ang sugat ng ilaw araw. Pagkatapos ng isang linggo, babalik siya rito at ipapatanggal ang tahi.”Binuksan ni Daisie ang pinto pumasok siya sa ward.Nakita niya na nakahiga si Sunny sa kama, may infusion habang namumutla ang mukha dahil sa pagod. Hindi niya kayang isipin ang nangyari kung nahuli siya ng dating.Pumasok ang mga tauhan ni Sunny at sinabing, “Huwag ka mag-alala, Ms. Vanderbilt. Magiging ayos lang si Mr. Southern Sr.”Tumango siya at tinanong, “Nga pala, anong ginagawa ni Mr. Southern Sr. sa hospital?”Sumagot ang lalaki, “Nandito si Mr. Southern para makita si Joaqin.”Nagulat si Daisie. “Buhay pa si Joaqin?”Tumango siya. “Plano ni Manuel na patayin si Joaqin pero niligtas siya ni Neal.”P
Bahagyang nagdalawang isip si Waylon. “Ikaw…”“Nahihiya ka ba?” Tiningnan siya ni Cameron at bahagyang inangat ang kilay niya. “Huwag kang mag-alala. Wala akong gagawin sa'yo. Tratuhin mo lang akong lalaki.”Walang masabi si Waylon.Inayos ni Cameron ang unan niya at para makagawa ng espasyo para sa kaniya, nakatigilid lang siya habang nakatalikod kay Waylon at idinagdag, “Hindi ako malikot kapag tulog ako. Nangangako ako na hindi kita hahawakan habang tulog ka, kaya huwag kang mag-alala.”Ngumiti na lang si Waylon, inayos ang kumot niya at humiga na. Maliit nga para sa dalawang tao ang maliit na single bed at imposible nang umikot.Nakatagilid si Cameron at may kaunting espasyo sa pagitan nila, siguro ay natatakot siyang magalaw ang sugat sa braso ni Waylon.Tumitig si Waylon sa kisame nang ilang sandali pagkatapos ay tumingin sa gilid niya at tiningnan ang babaeng nakahiga sa tabi niya habang nakatalikod. “Wala lang talaga ito sa'yo, huh?”Nagulat siya pagkatapos ay pinatong
Lumabas si Daisie mula sa likod ng grupo ng mga lalaki. Nagulat ang isa sa mga assassin at may napagtanto siya. “Hindi ba't ikaw yung nurse sa nurse station?”Naningkit si Daisie at ngumisi. “Doctor ka na ba dahil nakasuot ka ng white coat?”Natahimik ang dalawang lalaki.Gusto nilang pumasok sa hospital sa kalagitnaan ng gabi para patayin si Joaqin pero hindi nila inakala na maghihintay ang mga tao na ‘to para i-ambush sila. Mukhang hindi rin nag tagumpay ang mga tao na pumunta kay Sunny.…Mag uumaga na at lumiwanag ang araw sa kwarto sa butas ng bintana.Dahil nakahiga si Cameron sa isang posisyon, namamanhid ang braso niya nang magising siya.Agad siyang umikot at nalaman na may isa pang kumot sa katawan niya at wala ng tao ang kabilang parte ng higaan. Nang hinaplos niya ang kaniyang kamay sa kama, wala ng naiwan na init doon.‘Mukhang mas maaga siyang nagising.’Nag basic stretching si Cameron, bumaba sa kama, at nanghihinang lumabas ng kwarto. Pero, bago pa siya maka
Sumagot si Cameron. “Ang lakas ng loob niyong titigan ako? Gusto niyo bang hilain ko lahat ng balahibo niyo ngayon?”Nang makita na nakikipaglaban at nagsasaya si Cameron kasama ang dalawang manok, ngumiti si Waylon at umiling.Tumayo ang dalawa sa gilid ng kalsada at naghintay ng masasakyan. Pagkatapos ng ilang sandali, may dumaan na tractor.Papunta sa Southernshire ang tractor kaya sumakay si Waylon at Cameron sa tractor. Nakabilad silang dalawa sa araw, walang silong at baku-bako ang kalsada. Kaya naman, ang hirap ng naging byahe nila pauwi.Nang dumating ang tractor sa intersection sa harap ng bayan, bumaba ang dalawa sa sasakyan, at tumakbo si Cameron papunta sa gilid ng kalsada, hinawak ang kamay niya sa puno at sumuka.Binigay ni Waylon ang lahat ng sukli na mayroon siya sa driver. Tumingin ang driver kay Cameron at tinanong, “Buntis ba ang asawa mo? Bakit suka siya nang suka?”Naiilang na tumikhim si Waylon pero bago pa siya makapagsalita, inabot na sa kaniya ng driver a
Umupo si Cameron sa upuan sa tabi ng kama. “Anong mangyayari sa akin? Pero iba ang bagay sa'yo. Hindi ka na bata tulad noon kaya ang dapat mong gawin ay tumakas kapag nasa magulo kang sitwasyon. Ano bang iniisip mo, tinapatan mo pa ang mga tauhan ni Manuel?”Binaba ni Sunny ang mangkok sa kamay niya. “Ayos lang ako. Kayo ni Wayne ang inaalala ko. Nakahinga na ako nang maluwag ngayong ayos kayong dalawa.”Humalukipkip si Cameron at walang sinabu.“Nga pala, salamat may Daisie, nagawa naming mahuli ang dalawang t*rantado na sinubukan samantalahin ang sitwasyon namin. Buhay pa si Joaqin kaya sigurado ako na iniisip ni Manuel na ipapatay siya.”Tiningnan siya ni Cameron. “Ikaw pala ang nagligtas sa kaniya. Kaya pala.”Pinaliwanag niya, “Cam, kahit ano pa nag mangyari sa pagitan natin at The Serpents noon, si Joaqin pa rin ang haligi ng Serrano. Matutulungan niya tayo nang malaki sa hinaharap. Sa ambisyon ni Fabio, hindi natin pwedeng maliitin ang mga bagay. At kay Manuel naman, oras n
Kinuha ni Cameron ang scorpion gamit ang tweezer at nilagay sa likod ng kamay niya.Mabagal na gumalaw ang scorpion pero hindi siya kinagat.Namanhid ang anit ng lalaki habang tinitingnan yon.‘May tao pala talaga sa mundo na ginagawang pet ang makamandag na scorpion! Sobrang wirdo!”Nakita ni Cameron ang tingin niya, naintindihan ang iniisip niya at ngumisi. “Pwede kitang pakawalan pero kailangan mo akong bigyan ng pabor. Kapag nagawa mo ang gawain na ‘to, may premyo ka. Pero kung hindi, ipaparanas ko sa'yo ang maligo kasama ang makamandag na scorpion.”Tinanggap yon ng lalaki at tinanong, “Anong gusto mong gawin ko?”“Simple lang. Ipakalat mo ang katotohanan sa publiko na buhay pa si Joaqin Serrano pati ang intensyon ni Manuel na patayin siya.” Lumapit sa kaniya si Cameron. “Kaya mo bang gawin yon?”Tumango agad ang lalaki. “Oo, oo!”Inutusan ni Cameron ang tauhan niya na pakawalan ang lalaki.Pagkatapos makawala ng lalaki, umalis agad siya sa takot na bawiin ni Cameron ang
Pinagaan ni Waylon ang loob ni Daisie. “You're doing great.”Pumunta silang dalawa sa baba at nakita ang butler na naglalakad na may hawak na manok.Nagtaka si Daisie. “Anong okasyon ang nangyayari?”Hindi nagsalita ang butler pero pumasok di Cameron at malakas ang boses na sinabi, “Walang okasyon. May sakit si Wayne at alam kong nakakatulong daw ang manok.”Ngumiti si Daisie. “Sobrang bait mo sa kaniya.”Kaswal na sumagot si Cameron. “Mabait ako sa lahat.”Hindi alam ni Daisie ang sasabihin niya. Nag-iisip ba siya ng malalim?Noong gabi, Sila Cameron, Daisie, at Waylon ay kumain ng chicken soup para sa dinner na sobrang masarap ang amoy.Inabot ni Cameron ang chicken soup kay Waylon. “Inalay ng manok na ito ang buhay niya at halaga niya sayo kaya dapat kumain ka pa.”Ngumiti si Waylon. “Salamat.”Tiningnan sila ni Daisie habang kinakagat niya ang nasa tinidor pero bago siya makapagsalita, binigyan siya ng bowl ni Cameron. “Marami kang pinagdaanan nitong nakaraang dalawang ar
Nakalagay ang kamay ni Cameron sa baba niya habang sinasabi, “Si Mateo ba yun at mga tauhan niya?”Tumango si Mahina. “Si Mateo ang pinaka pinagkakatiwalaan ni Joaqin, sobrang laki ng tiwala ni Joaqin sa kaniya. Matapos lumabas ang balita tungkol sa pagpatay kay Joaqin, ayos lang sa kaniya na si Florence ang pumalit sa posisyon pero matapos mangyari na si Manuel ang pumalit, nagsimula na siyang magtaka sa kinikilos ni Manuel.Ngumiti si Cameron. “Ngayon na buhay pa rin si Joaqin at si Manuel ang nagtakang pumatay sa kaniya, walang dahilan para hayaan lang iyon ni Mateo.”Tinikom ni Mahina ang labi niya at seryosong sinabi, “Hindi niya iyon hahayaan pero pinatay na ni Manuel ang mga taong nagkalat ng balita. Ngayon, halos lahat ng tao sa gang ay ayaw ng lumaban sa kaniya. Kaya kahit magplano si Mateo baka hindi siya sundin ng mga tauhan niya.”Hindi nagsalita si Cameron.Natural na gawain lang iyon ng isang tao. Kung wala sa kapahamakan ang buhay ng tao kaya nilang magtaka at magsa