Umupo si Cameron sa upuan sa tabi ng kama. “Anong mangyayari sa akin? Pero iba ang bagay sa'yo. Hindi ka na bata tulad noon kaya ang dapat mong gawin ay tumakas kapag nasa magulo kang sitwasyon. Ano bang iniisip mo, tinapatan mo pa ang mga tauhan ni Manuel?”Binaba ni Sunny ang mangkok sa kamay niya. “Ayos lang ako. Kayo ni Wayne ang inaalala ko. Nakahinga na ako nang maluwag ngayong ayos kayong dalawa.”Humalukipkip si Cameron at walang sinabu.“Nga pala, salamat may Daisie, nagawa naming mahuli ang dalawang t*rantado na sinubukan samantalahin ang sitwasyon namin. Buhay pa si Joaqin kaya sigurado ako na iniisip ni Manuel na ipapatay siya.”Tiningnan siya ni Cameron. “Ikaw pala ang nagligtas sa kaniya. Kaya pala.”Pinaliwanag niya, “Cam, kahit ano pa nag mangyari sa pagitan natin at The Serpents noon, si Joaqin pa rin ang haligi ng Serrano. Matutulungan niya tayo nang malaki sa hinaharap. Sa ambisyon ni Fabio, hindi natin pwedeng maliitin ang mga bagay. At kay Manuel naman, oras n
Kinuha ni Cameron ang scorpion gamit ang tweezer at nilagay sa likod ng kamay niya.Mabagal na gumalaw ang scorpion pero hindi siya kinagat.Namanhid ang anit ng lalaki habang tinitingnan yon.‘May tao pala talaga sa mundo na ginagawang pet ang makamandag na scorpion! Sobrang wirdo!”Nakita ni Cameron ang tingin niya, naintindihan ang iniisip niya at ngumisi. “Pwede kitang pakawalan pero kailangan mo akong bigyan ng pabor. Kapag nagawa mo ang gawain na ‘to, may premyo ka. Pero kung hindi, ipaparanas ko sa'yo ang maligo kasama ang makamandag na scorpion.”Tinanggap yon ng lalaki at tinanong, “Anong gusto mong gawin ko?”“Simple lang. Ipakalat mo ang katotohanan sa publiko na buhay pa si Joaqin Serrano pati ang intensyon ni Manuel na patayin siya.” Lumapit sa kaniya si Cameron. “Kaya mo bang gawin yon?”Tumango agad ang lalaki. “Oo, oo!”Inutusan ni Cameron ang tauhan niya na pakawalan ang lalaki.Pagkatapos makawala ng lalaki, umalis agad siya sa takot na bawiin ni Cameron ang
Pinagaan ni Waylon ang loob ni Daisie. “You're doing great.”Pumunta silang dalawa sa baba at nakita ang butler na naglalakad na may hawak na manok.Nagtaka si Daisie. “Anong okasyon ang nangyayari?”Hindi nagsalita ang butler pero pumasok di Cameron at malakas ang boses na sinabi, “Walang okasyon. May sakit si Wayne at alam kong nakakatulong daw ang manok.”Ngumiti si Daisie. “Sobrang bait mo sa kaniya.”Kaswal na sumagot si Cameron. “Mabait ako sa lahat.”Hindi alam ni Daisie ang sasabihin niya. Nag-iisip ba siya ng malalim?Noong gabi, Sila Cameron, Daisie, at Waylon ay kumain ng chicken soup para sa dinner na sobrang masarap ang amoy.Inabot ni Cameron ang chicken soup kay Waylon. “Inalay ng manok na ito ang buhay niya at halaga niya sayo kaya dapat kumain ka pa.”Ngumiti si Waylon. “Salamat.”Tiningnan sila ni Daisie habang kinakagat niya ang nasa tinidor pero bago siya makapagsalita, binigyan siya ng bowl ni Cameron. “Marami kang pinagdaanan nitong nakaraang dalawang ar
Nakalagay ang kamay ni Cameron sa baba niya habang sinasabi, “Si Mateo ba yun at mga tauhan niya?”Tumango si Mahina. “Si Mateo ang pinaka pinagkakatiwalaan ni Joaqin, sobrang laki ng tiwala ni Joaqin sa kaniya. Matapos lumabas ang balita tungkol sa pagpatay kay Joaqin, ayos lang sa kaniya na si Florence ang pumalit sa posisyon pero matapos mangyari na si Manuel ang pumalit, nagsimula na siyang magtaka sa kinikilos ni Manuel.Ngumiti si Cameron. “Ngayon na buhay pa rin si Joaqin at si Manuel ang nagtakang pumatay sa kaniya, walang dahilan para hayaan lang iyon ni Mateo.”Tinikom ni Mahina ang labi niya at seryosong sinabi, “Hindi niya iyon hahayaan pero pinatay na ni Manuel ang mga taong nagkalat ng balita. Ngayon, halos lahat ng tao sa gang ay ayaw ng lumaban sa kaniya. Kaya kahit magplano si Mateo baka hindi siya sundin ng mga tauhan niya.”Hindi nagsalita si Cameron.Natural na gawain lang iyon ng isang tao. Kung wala sa kapahamakan ang buhay ng tao kaya nilang magtaka at magsa
Tumingin si Waylon sa kaniya. “Bakit mo yan tinanong?” Walang magawa si Cameron. “Laging may ngiti na nakalagay sa mukha niya simula nung pumunta kayo dito. Kahit kay Nollace ay hindi ganyan ang trato niya.”Ngumiti si Waylon. “Sa tingin ko kasalanan namin.”Nag-isip si Cameron at lumapit kay Waylon. “Papasok ka ba sa Southern Clan?”Ano pa bang iniisip ng Dad niya na maging isang ‘pamilya’ sila?Tiningnan ni Waylon kung gaano ka-seryoso si Cameron at hindi niya mapigilang ngumiti. “Ano sa tingin mo?”“I—”Tumama sa paa niya ang nakaroll na dyaryo at tiningnan niya si Sunny. “Lagi kang gumagawa ng sarili mong dahilan. Walang kailangan kunin. Sa tingin mo ba nahuhulog lang sa langit ang pera? Hindi madaling mangyari yun.”Kinuha ni Cameron ang dyaryo. “Sobrang kakaiba ng trato mo sa kanila.”Ngumisi si Sunny at parang proud siya. Hindi lang talaga maintindihan ni Cameron.“Sige, aalis na lang ako.” Binigay niya ang papel kay Waylon pagkatapos ay tumalikod at umalis. Susunod
Kumurap si Cameron. Bumalik na siya sa katotohanan, at tinulak niya si Waylon. “Ginulat mo ako!”Hindi niya napansin at natamaan niya ang kamay ni Waylon at napangiwi siya.Inunat ni Cameron ang kamay niya para hawakan si Waylon. “Tinamaan ko ba sugat mo? Patingin nga.”Nagsimula na siyang hubarin ang damit ni Waylon. Hinawakan ni Waylon ang kamay niya. “Ayos lang ako.”“Titingnan ko. Kung nagdudugo ka ulit, babalik tayo sa loob at sasabihin ko sa kanila na ulitin ang bandage mo.” Tinanggal na ni Cameron ang damit ni Waylon habang nakahawak siya sa kaniyang kamay at humihinga nang malalim. “Sigurado ka ba na ito ang tamang lugar para hubarin mo ang damit ko?”Huminto si Cameron at tiningnan ang entrance ng ospital. Ang lahat ay nagtatakang nakatingin sa kanila. Para sa kanila, isa sa mga lalaki ang sumusubok na tanggalin ang damit ng isang lalaki. Tama ba iyon?Ang pinakamahalaga, nagsimulang malukot ang damit ni Waylon, at dahil sinusubukan niyang pahintuin si Cameron, para
Tumango si Sunny. “Ayos lang iyon. Ano naman ang tungkol kay Mateo?”Sumagot si Mahina. “Sinabihan ko na si Mateo. Loyal siya kay Joaqin kaya hindi niya hahayaan lahat ng bagay na may kinalaman sa kaniya.Tinaas ni Sunny ang kilay niya. “Si Cam?” Nagdalawang-isip si Mahina pero mas mabuti na hindi niya itago. “Umalis siya… para makita si Mr. Puzo.”…Samantala, nang marinig ni Fabio na sinubukan ni Cameron na makita siya, naningkit ang mata niya. Bago pa siya makasagot, sobrang naging maingat ang taong nasa tabi niya. “Sobrang matalas si Mr. Southern tulad ng tatay niya. Sigurado akong gusto ka niya makita para pag-usapan ang tungkol sa The Serpents.”Nalaman nila na buhay pa rin si Joaqin pero wala silang pakialam kung si Manuel ba talaga ang nagtangkang pumatay sa kaniya.Ngayon na nasa ilalim na nila ang The Serpents, magkikita sila ng Southern Clan para pag-usapan iyon.Humithit si Fabio sa sigarilyo niya. Matapos ang matagal na paghinto, nilagay niya sa ashtray ang abo. “
Hinaplos ni Cameron ang relo niya at tumawa siya. “Sa tingin mo ba magiging loyal si Manuel sayo?”Agad na sumagot si Fabio, “hindi ko alam kung magiging loyal siya sa akin o hindi pero ang isang bagay na sigurado ako ay wala siyang lakas ng loob na gumawa ng kahit anong bagay dito sa lugar ko.”“Yeah, tama ka. Lalo na't kung may gagawin siyang masama, hindi mo na siya gagamitin.”Kumunot ang noo ni Fabio at parang iniisip niya ang sinabi ni Cameron.Lumalim ang ngiti ni Cameron at nagpatuloy. “Isang subordinate na biglang nagkaroon ng kapangyarihan sa isang organisasyon. Noong una, dapat pinagsisilbihan ka niya pero hindi natin alam sino ang pinagsisilbihan niya. Lalo na't, sigurado naman ako na hindi ikaw ang nagsasabi sa kaniya na gawin ang mga bagay na ginagawa niya, tama ba, Mr. Puzo?”Matalas ang mga salita niya at huminto ang ihip ng hangin. Tahimik lang sa hall at walang my lakas ng loob na gumawa ng kahit anong ingay.Uminom si Fabio sa tea niya at nagulat siya.Ngayon