Share

Chapter 17 : Di Makatulog sa Gabi sa Kaiisip

“Ayun. Nando’n pa rin tayo. May natural kang galit kay E dahil he reminds you of Lord Voldemort.”

“You know… Lord Voldemort. As in ‘he who must not be named’ ‘you know who.’ That damn-blasted, good for nothing, son of a gun, ex-boyfriend of yours. ‘Babe.’”

Muli akong napabalikwas sa aking kama noong marinig ko sa aking isipan ‘yong mga sinabi ni Hannah kanina. Marahas kong ipinikit ang aking mga mata para pilitin ang sarili kong matulog ngunit isang alon ng mga alaala ang aking nakita.

Isang babaeng nakapulang bestida ang mangiyak-ngiyak na tumalikod noong nakita niya kami ni Enrique na magkayakap.

Umiling ako sa alaalang iyon at sinubukan kong bakantehan ang aking isipan para makatulog na. Mas lalo ko pang ipinikit ang nakapikit ko nang mga mata para pigilin ang pagdalaw ng isa nanamang alaala.

“Look. It’s not—”

“Please don’t say ‘it’s not you, it’s me,’” the girl begged the guy in front of her.

“I—I can’t. You see, it really is not you. It is me. Maybe, we should just stay friends.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status