Share

Kabanata 23.2

Sa pagmamadali niyang mabuo yun ay nabitiwan niya. Bumaba siya para kunin iyun pero may nauna na para pulutin ang rubiks. Napatingala si Brylle para tingnan ang pumulot ng rubiks niya. Tinitingnan naman ni Aidan ang hawak-hawak niyang rubiks saka niya tiningnan si Brylle na nakatingala sa kaniya.

“Anak,” tawag ni Monique at nilapitan na ang anak niya ng hindi tinitingnan ang nasa harapan niya.

“Can I take my rubiks na po?” magalang na saad ni Brylle kaya napatingin na rin si Monique sa lalaking kaharap ng anak. Pakiramdam ni Monique ay humiwalay sa katawan niya ang kaluluwa niya nang makita niya kung sino ang kasama ng anak niya.

Napalunok na lang si Monique. Gusto niya na lang mawala sa kinatatayuan niya. Bakit ba sa dami ng starbucks, sa iisang starbucks sila palaging nagkikita? Hindi na sila bumibili sa starbucks na pinuntahan nila noong makita ni Monique si Aidan pero hanggang dito pa rin ba ay nandito si Aidan?

Napatulala na lang si Monique habang nakatingin kay Aidan. Hawak-h
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Missy F
mothers knows best daw kc..hahaha
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status