WALANG paalam na lumabas ako ng kotse ni Ryker nang makarating kami sa bahay. Nag doorbell ako at agad kaming pinagbuksan ni Ate Rose na para bang kanina pa itong nakaabang sa pag-uwi namin.
Natigilan ako sa tangkang pagpasok sa gate ng hawakan ni Ryker ang braso ko. Nilingon ko siya at kita ko ang pagkalito sa kanyang.
“Is there a problem?" mababakas ang takot sa kanyang boses.
Hindi ko siya sinagot. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago ako humarap kay Ate Rose at maingat na iniabot sa kanya si Bennett na mahimbing pa rin na natutulog. Marahil ay ramdam ni Ate Rose na may problema kaya nanatili itong tahimik.
"Ate, pakisamahan po muna si Bennett sa
KINABUKASAN matapos ang gabing iyon ay nag resign agad ako sa restaurant ni Ryker. Labis ang gulat at pagtataka ng mga empleyado dahil sa biglaan kong pagre-resign. Nagkataon pang naroon si Ryker. "Inari, kausapin mo naman ako." Hindi ko siya kinikibo kanina noong ibigay ko ang resignation letter. Basta ko lang iyon ipinatong sa ibabaw ng table niya. Paalis na sana ako sa opisina niya pero hindi ako makalabas-labas doon dahil nakaharang siya sa pintuan. "Inari, parang awa mo na mag-usap naman muna tayo, oh!" Tiningnan ko ang kamay niyang pumigil sa tangka kong pagbubukas ng pinto. Simula sa kamay niya ay iniangat ko ang tingin ko hanggang sa mukha niya. Halata sa mga mata niya na wala pa siyang tulog dahil nangangalumata siya. Napaiwas ako ng tingin nang makaramdamn ng awa. Minsan ay nagagalit ako sa sarili ko dahil alam kong mabilis akong magpatawad. Alam ko sa sarili ko na hindi ko kayang magtanim ng galit kahit gaano pang kasaki
"INARI." Natigilan ako sa pagtitiklop ng mga damit ni Bennett nang marinig ang boses ni daddy. Nakita ko siyang nakatayo sa may hamba ng pinto. Pumasok siya at isinara iyon. Sinundan ko naman siya ng tingin nang dumiretso siya sa bintana at nakapamulsang tumingin doon. "Tapos na po kayong maglaro?" nakangiti kong tanong habang ipinagpapatuloy ang ginagawa. Hindi umimik si daddy kaya muli ko siyang tiningnan. Ganoon pa rin ang itsura nito. Muli ko na sanang ipagpapatuloy ang pagtitiklop nang marinig itong magsalita. "Kumusta na kayo ni Ryker?" Nawala ang ngiti sa labi ko at napatitig sa sando ni Bennett na nasa kandungan ko. Naikuyom ko ang mga kamao ko dahil sa kabang nararamdaman. Nilingon ko si daddy at lihim akong napabungtong-hininga nang makitang nakatingin na siya sa akin. "O-okay naman, Dad," pilit ang ngiting sabi ko. Ilang ulit siyang tumango-tango habang nakatingin sa akin. Nakagat ko ang ibabang labi at napapakit nang
"I THOUGHT he's different! He fooled us!" Napabuntong-hininga ako habang hinahagod ang likod ni mommy. Simula sa sasakyan ay panay ang pag-iyak niya hanggang sa makauwi kami. Mabuti na laman natutulog si Bennett at hindi nakikita na nagkakaganito si mommy ngayon. "Mom, tama na po. Kanina pa po kayo umiiyak." "Inari, anak, I'm so sorry. Kung mas kinilatis ko pa sana siya nang maayos, hindi sana nangyari ito." Niyakap ako ni mommy habang panay ang pag-iyak niya. "Don't blame yourself, Rina. It's not your fault," ani daddy na nakaupo sa harap namin at minamasahe ang kanyang sentido. Mabilis na kumalas si mommy sa pagkakayakap sa akin at hinarap si da
NATATARANTANG nagpalakad-lakad si Ryker sa harapan ko habang sapo ang kanyang ulo. Mukhang kahit siya ay hindi niya inaasahan ang nagawa niya. Umiiyak ko siyang pinapanood habang nakahiga sa sofa. Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako. Kunot na kunkt ang kanyang nok habang nakatitig sa akin. Pumikit siya at malalim na nagbuga ng hangin. "I-I'm sorry, Inari." Tinalikuran niya ako, nagtangkang aalis na pero bago pa man siyang makapaglakad ay bumukas na ang pinto ng bahay at nakangiting pumasok sila mommy. Agad na nawala ang ngiti nila nang makita ang kalagayan ko. Galit ang rumehistro sa kanila nang malingunan si Ryker. "What's the meaning of this!" Bakas ang galit sa mukha ni daddy. Mabilis siyang naglakad palapit kay Ryker. Kahit nanlalambot dahil sa pagkabigla kanina ay wala akong nagawa kung 'di ang tumayo para pigilan siya sa balak niya. Sa bilis ng kilos ni daddy ay hindi ko na nagawang pigilan ng malakas niyang sinuntok si Ryker
DAHIL sa takot na baka lumapit sa akin si Ryker ay nagmadali akong umikot sa driver's seat. Bubuksan ko na sana ang pinto niyon nang marinig ang pagtunog ng cellphone ko. Awtomatiko akong napatingin kay Ryker at nakita ito na naroon pa rin sa di kalayuan. Nakatapat ang cellphone sa kanyang tenga. "Inari," bungad niya nang sagutin ko ang tawag. Hindi ako sumagot pero mayroon sa loob ko na gustong malaman kung ano mang sasabihin niya. "Nagsisisi ako sa nagawa ko. Sa lahat lahat, Inari.” Nabasag ang boses niya. "Alam kong mahirap paniwalaan pero totoong minahal ko si Bennett na parang tunay kong anak. At hindi ko intensyon ang saktan ka, kayo ni Bennett." Napatungo ako nang maramdaman ang pagpatak ng luha ko at mahigpit na humawak sa pinto ng kotse habang patuloy siya pagsasalita. Ramdam ko ang sinseridad sa mga sinasabi niya, at kusa iyong tinatanggap ng puso ko. "Mahirap man pero sana mapatawad mo ako. Wala akong ibang hiling kung 'di ang kaligayah
NAKARATING kami sa isang fast food restaurant kung saan ko sinabing magkita kami ni Ryker. Maraming tao roon katulad ng bilin ni Atty. Huerto. Nasa sasakyan pa lang ay nakita ko na si Ryker na nakaupo sa pang-apatang table malapit sa glass wall. Kumpara sa huli naming pagkikita ay maayos na ang itsura niya. Bagong gupit ang buhok at bagong ahit. Nilingon ko si si Bennett na nasa tabi ko at nakitang nakatingala siya sa akin habang inosenteng nakatitig sa akin. Ngumiti ako at hinawakan ang kamay niya. Sa isang kamay ay hawak pa rin ang laruang bigay ni Ryker. "Narito na si Papa. Handa ka na bang makita siya ulit?" nakangiti kong tanong. Tanging tango lang ang isinagot niya roon.
"CALM down, Inari, please!" Hindi ako natinag sa nananaway na boses ni daddy. Patuloy akong nagpauli-uli sa harapan nila habang nginangatngat ang aking kuko. Nahinto lang ako nang lapitan ako ni mommy at pilit na pinaupo sa bench na naroon sa hallway ng ospital kung saan sila nakaupo ni daddy. "They're just having a test for Bennett, anak. Calm down." Napapikit ako at pilit na pinahinahon ang sarili. Kanina pa hindi matahimik ang puso ko at gustong gusto nang makita ang anak ko na nasa loob ng kwartong nasa harapan namin. Trenta minuto na yatang nasa loob si Bennett kasama ang doctor at dalawang nurse. Hindi ko makalimutan ang nararamdaman kanina noong makita si Bennett na namumula habang nahihir
[ Six Years Ago ] SABAY-SABAY kaming napalingon nila Karen nang marinig ang tunog ng doorbell. Agad na tumayo si Vera at lumapit sa pinto. Ibinalik ko naman ang atensyon sa pagkain ko. "Are you expecting a visitor?" "Wala ako. Baka si Vera," sagot ni Karen na nakatingin pa rin sa may pinto. Nagulat ako nang pabalang na tumayo si Karen. Nakita ko kung paanong napalitan ng galit ang seryoso niyang mukha. Nanlilisik ang mga mata; maging ang mga kamay ay nakakuyom. Naguguluhan kong nilingon ang pintuan. Nakatayo pa rin doon si Vera at nakatingin na kay Karen. Nahuli ko ang pagbuka ng bibig nito. Nang makita na nakatingin ako sa kanya ay mabilis siyang nag-iwas ng tingin. "May problema ba?" nag-aalala kong tanong kay Karen pero hindi niya ako sinagot, sa halip ay naglakad siya papalapit sa pinto. Hinuli ko ang kamay niya at hinarap siya sa'kin. Seryoso na muli ito pero alam kong kabaligtaran niyon ang nararamdaman niya. "Ren, tinatano