Share

Chapter 21

DAHIL sa takot na baka lumapit sa akin si Ryker ay nagmadali akong umikot sa driver's seat. Bubuksan ko na sana ang pinto niyon nang marinig ang pagtunog ng cellphone ko. Awtomatiko akong napatingin kay Ryker at nakita ito na naroon pa rin sa di kalayuan. Nakatapat ang cellphone sa kanyang tenga.

"Inari," bungad niya nang sagutin ko ang tawag. Hindi ako sumagot pero mayroon sa loob ko na gustong malaman kung ano mang sasabihin niya. "Nagsisisi ako sa nagawa ko. Sa lahat lahat, Inari.” Nabasag ang boses niya. "Alam kong mahirap paniwalaan pero totoong minahal ko si Bennett na parang tunay kong anak. At hindi ko intensyon ang saktan ka, kayo ni Bennett." 

Napatungo ako nang maramdaman ang pagpatak ng luha ko at mahigpit na humawak sa pinto ng kotse habang patuloy siya pagsasalita. Ramdam ko ang sinseridad sa mga sinasabi niya, at kusa iyong tinatanggap ng puso ko. 

"Mahirap man pero sana mapatawad mo ako. Wala akong ibang hiling kung 'di ang kaligayah

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status