Share

Chapter 18

"INARI."

Natigilan ako sa pagtitiklop ng mga damit ni Bennett nang marinig ang boses ni daddy. Nakita ko siyang nakatayo sa may hamba ng pinto. Pumasok siya at isinara iyon. Sinundan ko naman siya ng tingin nang dumiretso siya sa bintana at nakapamulsang tumingin doon. 

"Tapos na po kayong maglaro?" nakangiti kong tanong habang ipinagpapatuloy ang ginagawa. Hindi umimik si daddy kaya muli ko siyang tiningnan. Ganoon pa rin ang itsura nito. Muli ko na sanang ipagpapatuloy ang pagtitiklop nang marinig itong magsalita.

"Kumusta na kayo ni Ryker?"

Nawala ang ngiti sa labi ko at napatitig sa sando ni Bennett na nasa kandungan ko. Naikuyom ko ang mga kamao ko dahil sa kabang nararamdaman. Nilingon ko si daddy at lihim akong napabungtong-hininga nang makitang nakatingin na siya sa akin.

"O-okay naman, Dad," pilit ang ngiting sabi ko.

Ilang ulit siyang tumango-tango habang nakatingin sa akin. Nakagat ko ang ibabang labi at napapakit nang

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status