Share

Chapter Seven

NAKAGAT ni Raphael ang ibabang labi nang maalala niya ang ginawang paghalik sa kanya ni Nicolo. Alam niyang palabas lang 'yun, pero sa tuwing naaalala niya ng tagpong 'yun ay bumibilis ang tibok ng puso niya.

Mariin niyang ipinikit ng mga mata at pagkakuway ay pinilig ang ulo. Hindi tama ito. Hindi tama na mahulog siya kay Nicolo dahil wala itong magandang maidudulot sa buhay niya.

Hindi lingid sa kaalaman niya na kaya ito nagpasyang tulungan siya dahil meron din itong kailangan sa kanya. Kaya hanggat maaga kailangan na niyang supilin kung ano man ang nararamdaman niya para sa binata.

Narinig niya ang pagtunog ng bell sa may pinto, tanda na may pumasok na customer.

"Good day, ma'am—"

Natigil siya sa ginagawang pag-aarange ng bulaklak nang makitang si Minchin ang pumasok sa shop niya. Taas ang noo nitong humakbang palapit sa kanya.

"Señora..." aniya. Pero sa laki

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status