Share

Chapter Twenty Five

KINABUKASAN, maaga silang lahat nagising para sulitin ang huling araw nila sa Puerto Galera.

Nagkahayaan ang magpipinsan na mag snorkeling habang sila Nicolo at Reyna ay nagkaayaang mag jet ski.

Kahit ayaw niyang tapunan ng tingin ang mga ito ay hindi niya maiwasang hindi tingnan ang dalawa lalo na kapag nagtatawanan ang mga ito.

"Hey!" tawag pansin sa kanya ni Hecthor nang makaahon na ito mula sa pag-snorkeling.

"Hey,"

"Bakit hindi ka sumama?" naupo ito sa tabi niya.

"I'm not in the mood,"

Sinulyapan nito sila Nicolo at Reyna na masayang nag jejet ski. Paikot-ikot ang mga ito at rinig na rinig ang bawat pagsigaw ni Reyna.

Nagbuntong-hininga ito. "Nakakahalata na si Kalila sa nangyayari ngayon sa inyo nila Nicolo at Reyna. Nakita niya kanina na lumabas si Nicolo mula sa cabin ni Reyna."

Mapait siyang ngumiti. Kaya pala hindi sa kwarto nila natulag ito.

"Napagdesisyonan na namin na maghihiwalay na kami pagkabalik namin sa manila." aniya.

"At si Reley?"

"Problema ko na si Riley, Thor."

T
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status