Share

Chapter Three

"PAKI-CONFIRN na lang sa'kin kapag nakapagdesosyon ka na-"

"Mr. De Lobo!" marahas niyang binuksan ang pinto at basta na lang pumasok sa loob ng opisina ni Nicolo dahilan para mapahinto ang dalawang tao na seryosong nag-uusap.

"Sir, I'm sorry nagpumilit po kasi siyang pumasok." hinging paumanhin naman ng sekretarya ni Nicolo rito.

"Oh! You must be Raphael Perez, right?" tingnan niya ang lalaking kausap ni Nicolo. Kung hindi siya nagkakamali si Dyon ito, isa sa mga kaibigan ni Nicolo.

Mariing pumikit si Nicolo, sinusubukang pigilan ang pagkainis. "Iwan niyo muna kami." Nicolo said in deep tone.

"Nasaana ng pinsan mo?!" agad niyang tanong sa binata pagkasara ng pinto.

Pailalim siya nitong tiningnan. "Now you're asking me?"

"Nicolo naman! Sabihin mo na lang sa'kin kung saan dinala ng hayop mong pinsan ang pamangkin ko!"

"Hindi ko alam." wala gana nitong sagot. Hinarap nito ang mga hawak nitong papeles.

"Bakit ka nagpunta sa flower shop ko? Iyon ang dahilan diba?"

Inis na nilapag nito ang hawak kuway muli siyang tinapunan ng tingin. "Ano ngayon kung iyon ang dahilan? Busy ka kanina diba, tapos ngayon gagambalain mo ako sa trabaho ko?"

Naguguluhang tinitigan ni Raphael ang binata. "Ano bang problema mo?!"

Nagbuntong-hininga si Nicolo pagkakuway isinandal nito ang likod sa backrest ng swivel chair nito.

"You need a help right? Napagdesisyonan mo na ba ang inaalok ko sayo?"

"Ang magpakasal sayo?"

"Wala ng iba."

"H-hindi pa."

"Hindi pa, pero nandito ka ngayon para hingiin ang tulong ko at gusto mo na tulungan kita? Hindi ba unfair 'yun sa side ko? Wala ng libre sa panahon ngayon, Raphael. Lahat dapat may kapalit."

"Kasal ang hinihingi mong kapalit sa'kin, Mr. De Lobo at hindi kung ano-ano lang!" Raphael snapped.

Tumaas ang sulok ng labi ni Nicolo. "Pero hindi rin basta-basta ang makukuha mong kapalit kapag ikinasal ka sa'kin."

Totoo naman ang sinabi nito na meron din siyang makukuhang kapalit, pero higit na marami ang magbabago sa oras na maikasal siya rito, isa na doon ang magugulo lalo ang buhay niya dahil sa pamilya nito.

"Hindi ganun kadali na magdesisyon."

"So, wala na tayo dapat pang pag-usapan. Bakit hindi ka humingi ng tulong dun sa babaeng kalandian mo kanina?"

"Kalandian?" kunot-noong tanong niya. "Wala kaming relasyon ni Reyna!"

Tumaas ang isa nitong kilay. "Do you think I care? Wala akong pakialam kung jowa mo siya o hindi. Wala na tayong dapat pang pag-usapan." anito na muling hinarap ang mga papeles.

Mariin niyang kinuyom ang kamao. Nakakainis lang dahil kahit saan tingnan wala ibang pwede tumulong sa kanya kundi si Nicolo lang. Bukod sa ito lang ang kakilala niyang may impluwensya, ito lang ang nakakaalam kung saan maaari dinala ni Mario ang pamangkin niya. Meron pa ba siyang ibang pagpipilian?

Higit na dumiin ang pagkakuyom ng kamao niya. Kahit ayaw niya, pero alang-alang sa pamangkin niyang si Riley ay handa siyang pumasok sa mas kumplikadong sitwasyon. Pansamantala lang naman hanggang sa maipanalo niya ang custody ni Riley.

"I accept the marriage you offer in exchange for your promise to help me win Riley's custody." anas niya.

Huminto si Nicolo sa ginagawa nito at marahang nag-angat sa kanya ng tingin. "What is the magic words Raphael?"

Mariin siyang pumikit at muling iminulat ang mga mata. Ayaw man niyang sabihin ito, pero wala siyang magawa.

"I need your help, Mr. De Lobo. Please, marry me."

Saglit pa siyang tinitigan ni Nicolo bago ito nagkibit ng balikat. "That all I want to hear."

Tinawagan nito ang sekretarya nito mula sa intercom. "Cancel all my appointments today, meron lang akong iportanteng dapat gawin." anito bago tumayo.

"Let's go."

"Where to?"

Tinaasan siya nito ng kilay. "Akala ko ba gusto mong bawiin ang pamangkin mo?"

Gusto ni Raphael batukan ang sarili, iyon naman ang ipinunta niya rito. Malalaki ang hakbang na ginagawa niya habang nakasunod kay Nicolo hanggang sa makasakay sila sa sasakyan nito.

Tahimik lang siya dahil ito ang unang beses na nakasakay siya sa magara nitong sasakyan at higit sa lahat ngayon lang niya ito nasolo.

"Seatbelt."

"Ha?" Maang na tiningnan niya ito. Nicolo tsked.

Napasinghap siya nang ilapit ni Nicolo ang mukha nito sa kanya. Halos wala ng hangin ang lumalabas sa bibig niya dahil sa sobrang lapit nito sa kanya.

"I said seatbelt." anito na kinabit ang seatbelt niya bago nito binuhay ang makina ng sasakyan.

Pinamulahan siyanng mukha. Nakakahiya siya sa isipin na hahalikan siya ni Nicolo? Bakit nga ba niya iniisip na hahalikan siya nito?

Tumikhim siya. "Saan ba dinala ng walang hiya mong pinsan ang pamangkin ko?" tanong niya para maibsan ang hiyang nararamdaman.

"Somewhere in Batangas."

"Sa Hacienda Ezperanza?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Alam mo ang Hacienda Ezperanza ay sa Batangas? Nasabi ko ba sa'yo iyon?" sandali siya nitong nilingon at muling ibinalik sa daan ang atensyon.

Saglit na natigilan si Raphael. Iniisip niya kung kanino niya iyon narinig. "I-I don't know. I think I heard it from someone."

Nagkibit ito ng balikat. "Maybe your sister told you that. Madalas kasi sila doon magpunta ni Mario noon, alam mo ba 'yun?"

Marahan siyang umiling. "Wala naman nababanggit si Shanel sa akin at hindi rin naman ako nagtatanong. Tsaka lang naman nagsabi sa akin ang kapatid ko simula noong sinasaktan na siya ng pinsan mo."

Aniya kasunod nang pagkuyom niya ng kamao. Hindi niya maiwasang makaramdam ng galit sa tuwing naaalala niya ang mga naikwento sa kanya ni Shanel. Shanel is his twin sister, magkamukha sila nito at halos maaari na siyang akalaing ito kung hindi siya isang babae. Magkasing taas lang sila sa height na 5'7, pero dahil sa lalaki siya malaki talaga ang pagkakaiba ng katawan nila.

"And I heard from Mario na sa Batangas din ang province ninyo."

Marahan siyang tumango. "Oo, sa may Piñatas kami."

Kunot ang noo na saglit siya nitong nilingon. "Really? Malapit lang sa Hacienda Ezperanza 'yun."

Hindi siya umimik. Hindi na niya nais pang sabihin dito na sila rati ang may ari ng Hacienda Daliah dahil siguradong magtatanong pa ito at wala na siya balak pang balikan ang ala-ala ng nakaraan.

Laking pasalamat niya nang hindi na ito muli pang nagsalita. Binaling niya ang tingin sa labas ng bintana at tinanaw lang ang bawat nadadaanan nila, hanggang sa hindi niya namalayan na nakatulog pala siya.

"RAPHAEL." nagising siya dahil sa yugyog sa kanyang balikat. Umungol siya at pupungas-pungas na dumilat.

"We're here." anito.

"I'm sorry hindi ko namalayan na nakatulog ako sa byahe." nahihiyang inayos niya ang sarili.

"Sabi nila kaskasero raw ako magmaneho, but you proved them wrong."

Gusto niyang magsisi kung bakit nilingon niya pa ito. Malapad kasi itong nakangiti sa kanya.

"H-hindi ah! Sadyang pagod lang ako kaya kahit ang bilis-bilis mo magpatakbo nakatulog ako."

"Kung kaskasero ako sana kanina pa tayo nakarating dito."

Kunot ang noong tumingin siya sa labas ng bintana, madilim na nga sa labas. Nang sipatin niya ang suot na orasan ala-syete na ng gabi.

"Naglalaway ka pa kanina." anito na malokong tumawa.

Nahihiyang kinapa niya ang gilid ng labi, tinitingnan kung totoo ba ang sinasabi nito. Pero hindi naman. Inis na nilingon niya ang binata at malakas itong hinampas sa braso. Natigilan siya nang mapagtanto ang ginawa.

"I'm sorry."

Nicolo tsked. "Mabuti pang bumaba na tayo dahil gutom na rin ako at pagod." anito na umibis na sa sasakyan. Buntong hiningang sumunod na rin siya rito.

"Magandang gabi, Nicolo Hijo. Hindi mo pinasabi ang pag-uwi mo." halata ang pagkagulat sa mukha ng matandang babae nang pagbuksan sila nito.

"Napaghandaan man lang sana kita ng hapunan." sabi pa nito. Higit itong nabigla nang makita siya. "May kasama ka pala."

"Oho, Lola."

Nahihiyang humakbang siya palapit. "Magandang gabi ho!"

"Magandang gabi rin, Hijo." ganting bati nito sa kanya. "A-ano ang dahilan at biglaan ang pag-uwi niyo rito?"

"Kukunin ko lang ho sana 'yung pamangkin ko, Lola." siya na ang sumagot.

"Si Riley?"

"Manang sino ang duma— what the hell are you doing here?!" agad na sikmat sa kanya ni Mario. Mabilis itong bumaba mula sa hagdan.

"Kukunin ko ang pamangkin ko!".

Dinuro siya nito. "At anong karapatan mo para para kunin sa akin ang anak ko, bakla? Baka nakakalimutan mona ako ang ama, hindi ikaw!"

"Mula nang mamatay si Shanel sa akin niya iniwan at ipinagkatiwala si Riley! Hanggat hindi pa natatapos ang tungkol sa custody ni Riley ako parin ang may karapatan sa kanya!"

Nanlaki ang mga mata nito at namula ang mukha nito sa galit. "Ang kapal din talaga ng pagmumukha mo eh no?! Sa tingin mo ba mananalo ka laban sa'kin? Sa estado pa lang ng buhay mo talo ka na, higit pa kapag nalaman ng korte na binabae ka!"

Agad siyang natigilan sa sinabi nito. May patotoo naman din kasi ang sinabi nito. Ano nga ba ang laban niya kung estado ng buhay ang pag-uusapan.

"Tumigil ka na." matigas na sabi ni Nicolo mula sa pananahimik.

"Nicolo? Talagang dinala mo pa rito ang baklang ito? Talaga bang tataluhin mo ako?"

Marahas na naghuntong-hininga hininga si Nicolo. "Ibalik mo na 'yung bata." matalim na tingin ang ipinukol nito sa pinsan. "Alam mo ang batas, Mario. Hanggat wala pang bumababa na desisyon mula sa korte na ikaw ang nanalo sa custody ni Riley ay mananatili pa ito pansamantala sa guardian ng bata lalo pa't alam mo na merong iniwan na sulat si Shanel patungkol dito."

"Abat—"

"Kapag nagpumilit ka mapapatunayan sa korte na totoo ang sinasabi ni Shanel patungkol sa kawalanghiyaan mo." dagdag pa ni Nicolo.

Nakita ni Raphael ang pagtigas ng mukha ni Mario. Mariin itong nagkuyom ng kamao. Malakas itong tumawa.

"Hindi ko akalain na mas papanigan mo ang baklang ito. Ano ang pinakain niya sa'yo, ari niya?—"

Marahas na kinuwelyuhan ni Nicolo si Mario. "Watch your mouth, Rio." pagbabanta rito ng binata. "Sige, patunayan mo ang kagaspangan ng ugali mo para matalo ka sa kaso." sabi pa nito bago ito marahas din na pinakawalan.

Nanlilisik ang mga matang tinapunan siya nito ng tingin at muling ibinalik kay Nicolo. "Sige lang, magkampihan kayong dalawa. Tingnan natin kung hanggang saan kayo tatagal." nang akma itong lalapit sa kanya ay iniharang ni Nicolo ang sarili sa kanya.

"Hindi pa tayo tapos!" galit na binangga ni Mario ang siko ni Nicolo nang lagpasan sila nito.

"Pwede mo nang puntahan si Riley." sabi nito sa kanya.

"S-salamat!"

"Lola, pakisamahan na lang ho si Raphael sa bata."

"Sige." sagot nito na nagpatiuna na sa pag-akyat sa handan.

Lakad takbo ang ginawa niya sa pagsunod sa matanda. Miss na miss na niya ang pamangkin at gustong gusto na niya ito mayakap.

"Nandyan siya sa loob ng kwarto at natutulog." anito na huminto sa tapat ng pinto na nasa dulo ng pasilyo.

"S-salamat po!" binuksan niya ang pinto at agad na tumambad sa kanya ang pamangkin na naka-upo sa gitna ng kama habang humahagikhik. Nilalaro ito ng isang babae, sa tingin niya isa ito sa mga kasambahay.

"Riley!" agad niya itong nilapit at binuhat na lalong ikinahagikhik ng bata.

"Papa!" anito.

"Namiss ka ni Papatito." hinalikhalikan niya ito sa pisngi.

"Mukhang ayos lang naman siya." nilingon niya si Nicolo. Nakasandal ito sa pintuan.

Nginitian niya ito. "Salamat, Mr. De Lobo. Salamat talaga!"

Tiningnan ni Nicolo ang kasambahay na nandoon parin sa loob ng kwarto. Naiilang na lumabas ito at agad na isinara ni Nicolo ang pinto.

"Alam mong may kapalit ito, Raphael."

Nailang na iniwas niya ang tingin dito. "Alam ko at hindi ko 'yun nakakalimutan."

"Mabuti kung ganun. Ipabantay mo muna yan kay Mona para makakain tayo. Dito na tayo magpalipas ng gabi, bukas na lang tayo ng umaga babyahe pauwi." anito pagkakuway lumabas na ito ng kwarto.

Naghuntong-hininga siya. "Gagawin ni Papatito ang lahat para sa'yo, anak. Hindi ko hahayaan na mapunta ka sa walang hiya mong ama." aniya na mahigpit itong niyakap.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status