PINASADAHAN ni Rafael ng tingin ang papeles na hawak at masinsinan na binasa. Meron siya hindi maintindihan, pero hindi naman siya ganoong kabobo para hindi malaman kung ano ang hawak niya ngayon. Alam niya na isa itong prenuptial agreement.
Napataas ang isa niyang kilay nang mabasa doon na wala siyang magiging habol sa alin mang mga ari-arian at pera ni Nicolo, maliban sa halagang ibibigay nito sa kanya at tulong kay Riley bilang kabayaran sa pagpayag niyang pagpapakasal dito.
Inis na tiningnan niya si Nicolo. "Hindi ako maghahabol sa pera mo, at lalong hindi ko kailangan ng pera na ibabayad mo sa'kin."
Nilaro ng kamay nito ang ballpen na hawak. "I know, tulong ko na rin 'yun sa'yo kung kailanganin mo ng pera. Kung ayaw mo naman pwede mo naman ibigay na lang sa mga mahihirap."
Nailing siya. Mayabang din talaga ang lalaking ito. Kung hindi niya lang talaga kailangan ng tulong nito ay never niya itong pakakasalan.
Muli niyang ibinalik ang tingin sa papeles na hawak. Nabasa din niya na hindi niya pwedeng pakialaman o panghimasukan ang buhay nito.
Muling tumaas ang kilay niya. "Wala naman akong planong pakialaman ang buhay mo. Wala nga akong pakialam sayo." Pabulong niyang sabi, pero tiyak narinig nito iyon.
"Wala din naman akong pakialam sa'yo, alam mo 'yan. Magpapakasal lang tayo dahil kailangan natin ng tulong ng isa't isa." sagot naman nito.
Inismiran niya ito at pinagpatuloy ang pagbabasa. Nakalagay din sa papeles na hindi niya pwedeng ipagkalat o ipagsabi ang tungkol sa kanila o na mag-asawa sila.
"Hindi na kailangang malaman ng iba ang pagpapakasal nating dalawa, maliban sa pamilya ko. Of course they need to know kahit hindi sila sangayon, paano natin sila mapapaniwala kung ililihim natin ang tungkol sa kasal?" anito.
Muli niya itong nilingon. "Noon pa man hindi na kami gusto ng pamilya mo, kaya hindi na ako magtataka kung maliitin ako ng magulang mo kapag nalaman nila na ako ang pakakasalan mo, na magpapakasal ka na nga lang bakit sa isang lalaki pa?"
Lumamig ng mga mata nitong nakatitig sa kanya. "You're being judgemental. Hindi ka pa rin nagbabago, Raphael."
"Pamilya mo ang judgmental, hindi ako!" He hissed.
Tila pagod itong nagbuga ng hangin. "Look, I'm trying to solve our problems, kung hindi mo kayang ituloy ito it's not my problem. Hintayin na lang natin na manalo si Mario sa custody ni Riley. Nahihimigan niya ang pagkairita sa boses nito.
Hindi na siya nagsalita pa baka biglang magbago ang isip nito na tulungan siya. Muli niyang binasa ang papeles. Napasinghap siya sa pangatlong nabasa. No sexual involve. Sangayon siya 'dun.
"Hindi mo kailangan intindihin ang sex life ko, I have my ways." muling sabi nito mula sa pananahimik.
"Same to me as well." aniya na ang mga mata ay nasa papel lang.
"But if you want, you can ask me to have sex with yo—"
"That's not gonna happen!" He snapped.
Hindi porket silahis siya ay wala na siyang delikadesa. Pakiramdam niya ang pula-pula ng mukha niya sa hiya. Hindi ba ito nahihiyang sabihin iuon gayong kaharap nila ang abogado nito?
Tumawa ito ng pagak. "Baka lang naman."
Sinamaan niya ito ng tingin. "Sinabi nang hindi! Huwag mo akong itulad sa mga babae mo!"
"Natural, lalaki ka." Natatawa pa ring sabi nito. Pero para sa kanya insulto 'yun. Iniinis talaga siya nito.
Inis na binasa niya ang ikaapat. 'Don't fall in love with me.' Hindi niya inaasahan iyon kaya muli siyang napa angat ng tingin sa binata.
"That's the important part, Rafael," dumukwang ito palapit sa kanya. "Don't fall in love with me if you don't want to get hurt. Believe me, I always say goodbye." Seryosong sabi nito.
Sa pagkakatitig niya rito ay biglang bumilis ang pagtibok ng puso niya. Bakit kailangan nito iyong isama? Iniisip ba nito na iibig siya rito? No way!
Mabilis siyang umiwas dito ng tingin. "Ofcourse! I will never fall in love with you." mabilis at sigurado niyang tugon.
"Kung wala kang reklamo, pwede mo nang pirmahan." anito na iminuwestra ang kamay sa papeles. "If you also have a rules, you can tell to Atty. Santos, para maisama niya agad." He added.
"Okay na sa akin ito." aniya na pinirmahan na ang papeles.
"First we need to face my family and announce our wedding. After that, lilipad tayo papuntang paris, doon tayo magpapakasal."
"Paano kung tumutul sila?"
"That's why we need to make them believe that we are really in love with each other. Tsaka wala sila magagawa kung 'yun ang desisyon ko. What Nicolo wants, Nicolo gets."
"Eh, bakit sa Paris pa? Legal naman na ang kasal dito sa Pinas.?
"Hindi ka ba nag-iisip? Kung dito gaganapin ang kasal siguradong kakalat sa mga peryodiko, magazine at media ang pagpapakasal ko. Isa pa, mas madali ang proseso ng hiwalayan doon kaysa rito."
Tila siya nakaramdam ng lungkot pagkarinig sa hiwalayan. Hindi pa nga sila naikakasal, pero iyon agad ang kailangan nitong isa-alang-alang.
"W–wala pa akong passport."
"Don't worry, ako na ng bahala doon." kinuha nito sa kanya ang papeles at saglit na pinasadahan ng tingin bago iniabot sa abogado nito kuway tumayo na ito.
"Paki ayos na rin ang mga kailangan ni Rafael papunta sa paris, Attorney."
"Wala hong problema, Mr. De Lobo." sagot ng abogado na tumayo na rin.
"T-teka, paano si Riley?" maya'y tanong niya.
"Pwede natin siyang iwan kay Nana Adeng pansamantala. Ang tinutukoy nito ang matandang babaeng sumalubong sa kanila pagdating nila rito sa Hacienda. Hindi na siya umangal pa.
"And one more thing," humarap ito sa kanya. "don't mess with my surname, Raphael." Anito na tumalikod na. "Get ready. May aasikasuhin lang ako sandali bago tayo bumiyahe pabalik sa manila." pahabol nito.
"DON'T mess with my surname." ulit niya sa sinabi ni Nicolo kanina na nag make face. "Ako pa talaga ang dudungis sa pangalan niya?" tanong niya sa sarili.
Bumaba ang tingin niya kay Riley nang humagikhik ito habang nakatingin sa kanya. Nakahiga ito sa kama at siya naman ay nakahiga sa tabi nito.
Nilaro niya ang kamay nito. "Tinatawanan mo si papatito huh?!" kiniliti niya ito sa tiyan na lalo nitong kinahagikhik.
"Kasi naman 'yang uncle mo, akala mo kung sino! Ako pa talaga ang dudumi sa pangalan niya eh, matagal naman na siyang sira!" para namang hindi ito kilalang babaero. Wala nga laman ang peryodiko o magazine patungkol dito kundi ang pagiging babaero nito.
Muli itong humagikhik. "Boo boo gyah gyah!"
Bahagya niyang pinisil ng tungki ng ilong nito. "Kung hindi lang para sa'yo, hindi ko gugustohing ikasal sa kanya."
"Papapa!"
Lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Raphael at naramdaman niya ang paggaan ng dibdib nang tawagin siya nitong papa. Hinalikan niya ito sa noo.
"Oo Riley, ako ang papa mo."
Humagikhik ito. "Pappa!"
Niyakap niya ito. "Gagawin ni papatito ang lahat para sa'yo anak, hindi ko hahayaang makuha ka ng taong iyon. Hindi ako papayag." Diterminado niyang sabi.
Doon tumunog ang call ring tone ng cellphone niya. Muli niya itong kinintalan ng halik sa noo bago inabot ang cellphone na nasa bedside table. Nang makita niya kung sino ang natawag ay agad niya iyong sinagot.
"Ellias, napatawag ka—"
"Bruha ka! Totoo ba 'yung nabasa kong message mo na pumayag ka nang ikasal kay Nicolo De Lobo?!" bungad nito.
He rolled his eyes. Inaasahan na niya na magiging ganito ang reaksyon nito nang ipaalam niya ang pagpapakasal kay Nicolo.
"Oo."
"Omg!" Nai-imagine na niya ang reaksyon nito at ngayon pa lang ay gusto na niyang matawa.
"You hate him, right? Noong nasa kolehiyo pa tayo, kulang na lang tirisin mo siya sa sobrang inis mo sa kanya."
Totoo iyon. Dahil mayabang naman talaga si Nicolo noong nasa kolehiyo pa sila. Naiinis nga siya sa tuwing nakikita niya na iba't ibang babae ang girlfriend nito kada-araw. Minsan na rin silang nagkabanggaan noon sa hallway tapos tinarayan lang siya nito. Kasamaang palad nga lang hindi niya natapos ang pag-aaral noon dahil na rin sa kakulangan sa pera.
"Nakalimutan mo na ba kung paano kayo kutyain ng mga De Lobo? Tapos magpapakasal ka sa isang Nicolo pa?!" dagdag nito.
Nagbuga siya ng hangin. "Wala na akong pagpipilian pa Elli. Kahit sukdulan ang galit ko sa mga De Lobo, si Nicolo na lang ang alas ko. Gagawin ko ang lahat para manalo sa custody ni Riley."
Narinig niyang naghuntong-hininga ito. "Naiintindihan ko at sana nga tama iyang desisyon na gagawin mo at sana rin makatulong talaga siya sa'yo. Huwag mo sana pagsisihan sa huli 'yang pinasok mo."
Kung alam lang nito na ngayon pa lang ay gusto na niyang magsisi sa pagpapakasal kay Nicolo, pero ito lang ang paraan at tangi niyang makakapitan. Kahit ang pagkapit sa patalim ang huling alas niya ay walang pagdadalawang isip niyang gagawin alang-ala kay Riley, para sa pamangkin niya.
MULA nang nagkita sila Raphael at Mario at nang makabalik sila sa Manila ay palagi na siyang pinupuntahan ni Nicolo sa bahay niya kundi naman ay sa flower shop niya. Uupo lang ito sa sulok habang nagkakape at kung minsan ay doon nito ginagawa angbtrabaho hanggang sa magsara ang flower shop niya.Aminin man niya sa hindi, nadagdagan ng babaeng customer ang flower shop niya. Kung minsan nga iniisip na lang niya na bumibili lang ng bulaklak ang mga ito para lang masilayan si Nicolo. Ayaw man niya ang presensya nito ay nagpapasalamat na rin siya dahil dagdag kita rin 'yun."Kuya, hindi ba si Nicolo De Lobo 'yun?" pabulong na tanong ng babae nang iabot ang bayad nito sa kanya.Pasimple niyang tiningnan sa sulok si Nicolo na nakaharap sa tablet nito habang nagkakape."Bakit siya nandito? Ang gwapo pala niya sa personal ano? Friends kayo?" tanong pa nito."Oho, ma'am. Matalik ko siyang kaaway." aniya na pi
AGAD na sinalubong sila Rafael ng maraming tao pagkarating nila sa mansion ng mga Lacsamana. Iba't ibang tao na siguradong may sinabi sa lipunan at tiyak siya lang ang nabubukod tanging tanso na napapalibutan ng mga ginto.Akmang bababa na si Nicolo nang pigilan niya ito sa braso. Kunot ang noong tiningnan siya nito."H–huwag na kaya akong pumasok. Maghihintay na lang ako rito.""Kung ngayon pa lang natatakot ka na how much more kapag nagkaharap na kayo ni Rio sa korte? Akala ko ba gusto mong maipanalo ang custody ni Riley?" May iritasyong tanong nito sa kanya."G–gusto ko.""Then prove it to me." tugon nito. "Ipakita mo sa lahat na hindi ka nila pwedeng tapakan. Remember, pakakasalan mo ang isang De Lobo. No one can frightened a De Lobo." mariin nitong sabi.Marahan siyang tumango. "I will try.""Good." anito na nagpatuloy sa pagbaba sa sasakyan.I
NAKAGAT ni Raphael ang ibabang labi nang maalala niya ang ginawang paghalik sa kanya ni Nicolo. Alam niyang palabas lang 'yun, pero sa tuwing naaalala niya ng tagpong 'yun ay bumibilis ang tibok ng puso niya.Mariin niyang ipinikit ng mga mata at pagkakuway ay pinilig ang ulo. Hindi tama ito. Hindi tama na mahulog siya kay Nicolo dahil wala itong magandang maidudulot sa buhay niya.Hindi lingid sa kaalaman niya na kaya ito nagpasyang tulungan siya dahil meron din itong kailangan sa kanya. Kaya hanggat maaga kailangan na niyang supilin kung ano man ang nararamdaman niya para sa binata.Narinig niya ang pagtunog ng bell sa may pinto, tanda na may pumasok na customer."Good day, ma'am—"Natigil siya sa ginagawang pag-aarange ng bulaklak nang makitang si Minchin ang pumasok sa shop niya. Taas ang noo nitong humakbang palapit sa kanya."Señora..." aniya. Pero sa laki
"READY ka na ba?" tila naiinip na tanong ni Nicolo sa kanya habang sinisipat nito ang suot na orasan.Ngayon kasi ang flight nila papunta sa Paris para magpakasal. It should be next week, pero dahil sa lumabas na video pinamadali na ni Nicolo ang kasal nila."Ready na ako." aniya na hinarap si Apple. "Apple, 'yung mga bilin ko sa'yo huwag mong kakalimutan ahh?""Opo, Ate. Tatandaan ko po lahat.""Kapag meron nangyaring hindi maganda tawagan mo agad ako. Niloadan ko na yang cellphone mo." bilin pa ulit niya."Opo, Ate."Hinaplos niya ng buhok ni Riley. "Babalik agad si Papatito, anak. Mamimiss kita." kinintalan niya ito sa noo."You don't have to be worry. Nagtalaga na ako ng bodyguard sa abas. Magiging ligtas sila rito habang wala ka." sabi ni Nicolo na nasa likod niya. Naisakay na nito ang mga gamit niya.Nagbuga siya ng hangin. Muli niyang hinalik
A/N: Sorry na po agad kung may masabi man ako na maling infos about this custody case."BECAUSE Nicolo's sex video came out your marriage is under investigation." pag uumpisa ni Atty. Mendez na ikinahilamos ni Raphel ng mukha. Pagkabaik ni Nicolo galing sa Canada ay agad nilang kinausap ang abogado nito.Ito na nga ba ang sinasabi niya na posibleng mangyari. Na bababa ang tiyansa nila na manalo sa custody ni Riley. And this is Nicolo's fault.Dahil kasal na rin sila ni Nicolo ay wala siyang ibang pagpipilian kundi ang sumama na rito at tumira sa iisang bubong. Pero kahit magkasama na sila ay sa magkaibang kwarto sila natutulog."What do you mean by we under investigation, Atty?" tanong niya."Adoption is not a joke or a game so the court wants to make sure Riley's custody goes to the right person. Hindi questionable sa kanila ang same sex marriage, ang mas pinagtutuunan nila ng pansin ay ang magigin
SA mga araw na nagdaan masasabi ni Raphael na normal pa rin ang buhay niya, hindi nga rin sila ni Nicolo halos nagtatagpo. Sa umaga bago siya umalis para pumasok sa shop ay wala na ito, sa gabi naman kapag dumarating siya ay hindi pa ito nakakauwi.Kung siya ang tatanungin mas pabor sa kanya ang ganun. Nagkakaharap lang sila nito kapag pinag-uusapan nila ang tungkol sa custody ni Riley kasama ang abogado nito. Naghihintay na lang sila ng araw na kailan sila maghaharap ni Mario."Ano ang pakiramdam na maikasal sa isang De Lobo?" tanong ni Ellias."I'm not against with same sex marriage, but friend bakit kay Nicolo De Lobo pa? I mean marami naman sigurong babae dyan na papayag na pakasalan ka para lang sa custody ni Riley." segunda ni Amari.Abala siya sa pag-aarange ng bulaklak nang gambalain siya ng mga ito na may dalang mga alak at pulutan. Kaya heto tanghaling tapat nag-iinom sila. Amari and
HALOS sunod-sunod na nagsidatingan sila Nicolo at ng mga kaibigan niya sa Lucky 69. Kasama ni Dyon na dumating ang pinsan niyang si Ibarra na huling dumating."Hey, couz!" bati nito sa kanya na tinanguan lang niya.Apat lang talaga silang magkakaibigan, pero dahil sa naging kaklase ni Dyon si Ibarra sa isang subject noong collage ay lagi na itong napapasama sa mga night out nila at galaan. Wala naman problema sa kanya 'yun basta wala lang lalabas na kahit ano na dapat ay sa tropa lang."Binilhan ka namin ng cake." sabi ni Sergio kay Dyon."And we have a surprise for you!" si Arthur na nagtaas-baba ang kilay.Ngumisi si Dyon. "Magugustuhan ko ba yan?"Naka ngising tumango si Arthur at tinaas-baba nito ang kamay sa tapat ng bibig nito, kasabay ng pagsundot ng dila sa pisngi nito. It's a blow job.Lumawak ang pagkakangiti ni Ibarra habang si Sergio
"YOU owe us an explanation, Nicolo." seryosong sabi ni Arthur."Yeah, he's right." segunda ni Sergio.Kasalukuyan na nasa opisina niya ang tatlo. Ang aga-aga ay binulabog agad siya ng mga ito. Expected na niya 'yun dahil sa nangyari kagabi na kahit man siya ay hindi maka paniwala na nagawa niya 'yun.Hinilot niya ng sentido dahil parang mabibiyak 'yun sa sobrang sakit. Hindi kasi siya naka tulog kagabi kakaisip sa sinabi at sa ginawa niya kay Rafael. Daig pa tuloy niya ang may hangover."We asked Ibarra about it, pero sinabi niya na ikaw ang tanungin namin. So, what you said last night is it true?" si Arthur. Nakikita niya ang bahagya nitong pag ngiwi.Nagbuga siya ng hangin. "Yes." mabilis niyang sagot. Wala ng dahilan para maglihim pa.Nanlaki ang mga mata ng dalawa. "The fuck!""You married a man?" hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Arthur.