Share

Chapter Two

SA MGA sumunod na araw ay naging abala si Raphael sa flower shop. Nitong mga nakaraang araw kasi dumami ang mga naging customer niya at kabilaan ang mga order kaya kinakailangan niyang pumasok ng maaga at gabi na nakakauwi ng bahay. Mabuti na lang talaga naaasahan niya ang stay out baby sitter ni Riley na si Apple.

Katatapos lang niyang mag-arrange ng bouquet nang may pumasok sa shop niya.

"Good morning, ma'am— Reyna?" hindi makapaniwalang tinitigan niya ito.

"I'm glad I found you, Rap." malawak siya nitong nginitian at sa gulat niya ay bigla siya nitong niyakap.

"It's been awhile," tinitigan siya nito kuway ngumuso. "bakit umalis ka ng walang paalam?"

Kababata ni Raphael si Reyna sa Teharas La Union. Mula kasi nang mamatay ang mga magulang nila ni Shanel ay kinakailangan nilang ibenta ang maliit nilang Hacienda sa La Union para maipambayad sa mga natitirang utang ng mga magulang nila na kailangan nilang bayaran, pagkatapos ni'yon ay agad na rin silang umalis at tumira rito sa manila. Gusto man niyang magpaalam kay Reyna noon ay hindi niya nagawa.

"Pasensya ka na kung hindi ko nagawang makapagpaalam sa'yo, masyado kasing mabilis ang mga nangyari."

"Naiintindihan ko. Ang importante nakita na kita ulit." anito na muli siyang niyakap. "I'm glad to see you again, Rap."

Ginantihan niya ito ng yakap. "Ganun din ako."

"Maupo ka." alok niya rito. Tinuro niya ang single table set na nasa gilid ng shop. "Anong gusto mong inumin, coffee, juice or water?"

"Water na lang." nilibot nito nang tingin ang paligid ng flower shop. "Tinuloy mo rin pala ang pangarap mong magkaroon ng flower shop."

Nahihiyang napakamot siya sa batok. "Noon pa man mahilig na talaga ako sa mga bulaklak,"

"Tanda ko pa 'yun!" Malawak itong ngumiti. "Ginawan mo ako ng flower crown diba?"

"Oo, pati si Shanel ginawan ko rin noon," segunda niya.

"Kunwari nasa kaharian tayo noon, tapos ako ang reyna at ikaw ang hari. And I remember we kissed." humina ang pagkakasabi nito sa huli. Kinagat nito ang ibabang labi at nahihiyang nayuko.

Bigla tuloy siya nakaramdam ng pagkailang. Naalala nga niya iyon, pero sa pagkakaalam niya hindi iyon intensyonal kundi isa lang aksidente.

Tinalikuran niya ito para kuhaan ito ng bottled water sa maliit niyang refrigerator. Naalala pa pala nito ang tungkol doon. Santalang siya kung di lang nito pinaalala ay hindi na niya maaalala.

Pagkakuha niya sa tubig ay agad niya iyong iniabot sa dalaga. "May gusto ka bang kainin? Ibibili kita sa labas."

Mabilis itong umiling. "Busog pa ako."

"Are you sure?" Tumango ito. Naupo siya sa katapat nitong upuan.

"Raphael?" maya'y tawag nito sa kanya. "I miss you. Kahit matagal tayong hindi nagkita gusto parin kita."

"Reyna..." alam niya ang tungkol doon dahil nagtapat ito sa kanya noon, pero hindi niya iyon nagawang sagutin dahil noon pa man alam niyang meron ng kakaiba sa pagkatao niya. Noon pa man alam na niya na hindi sa babae tumitibok ang puso niya.

Tipid siya nitong nginitian. "You don't have to answer me. Ang mahalaga nagkita ulit tayo at masaya na ako 'dun."

Nakaramdam siya ng pagkaluwag ng loob. Malapit niya itong kaibigan kaya ayaw niya itong masaktan.

"How did you find me?"

"Kakalipat ko lang dito sa manila at aksidenteng nakita kita sa isang mall. Hindi pa ako sigurado na ikaw iyon, pero dahil gusto ko makasiguro nagpabalik-balik ako sa mall at pinuntahan ko ang mga malalapit na lugar doon hanggang sa sumilip ako rito at nakita kita. Ang galing diba?"

"Kakaiba ka talaga." natatawang sagot niya.

"Kumusta ka naman and how's Shanel?"

"Isang taon nang patay si Shanel," malungkot niyang sagot.

"Oh! Anong ikinamatay niya?"

"Namatay siya sa panganganak."

Hinawakan nito ang kamay niya. "I'm sorry to know that. Alam kong huli na, pero kibalulungkot ko ang pagkamatay ng kapatid mo." tipid niya lang itong nginitian.

"This is the reason why you didn't answer my call?" sabay silang napatingin ni Reyna sa nagsalitang lalaki.

It's Nicolo. Nakasuot ito ng damit pang opisina. Bakit hindi man lang niya narinig ang pagbukas ng pinto? Sinundan niya kung saan nakatuon ang mga mata nito, sa kamay ni Reyna na nakahawak sa kamay niya.

Pasimpleng binawi ni Raphael ang kamay niya mula sa pagkakahawak nito kuway tumayo siya.

"What are you doing here, Mr. De Lobo?" hindi niya inaasahan ang pagpunta nito rito.

Binigyan siya nito ng isang malamig na tingin. "I've been calling you many times, but you didn't answer my call kaya pinuntahan na lang kita rito, pero mukhang wrong timing ata ako. Anyway, never mind." anito at pagkatapos ay basta na lang itong lumabas ng shop.

"Reyna, sandali lang ha?" paalam niya sa dalaga bago mabilis na sinundan si Nicolo. Pasakay na sana ito sa BMW nang mabilis niya itong pigilan sa braso.

"Sandali!"

"Sa ibang araw na lang Raphael, wala na ako sa mood para kausapin ka." inalis nito ang kamay niya sa braso nito at sumakay na.

"Just make sure na matutulungan ka niya sa oras ng pangangailangan mo." anito na hindi man lang siya tinitingnan.

"Nicolo—" pero mabilis na nitong pinaharurot ang sasakyan.

Raphael tsked. "Anong problema ng isang 'yun? Pupunta-punta rito tapos aasta ng ganun?" kausap niya sa sarili. Iiling-iling na bumalik na dinukot niya ang cellphone mula sa bulsa ng pantalon niya nang mag-ring iyon.

Agad niyang sinagot nang makita niyang si Apple ang tumatawag. "Napatawag ka? Kumusta si Riley?"

"Kuya Raphael..." nahimigan niya ang pag-iyak nito kaya agad siyang nakaramdam ng kaba.

"Apple, anong nangyayari? May problema ba?!" 

"May lalaki na basta na lang pumasok dito sa bahay t–tapos..."

"Tapos ano?!" Hindi na niya mapigilang mataranta.

"K-kinuha ho niya si Riley."

"A-ano? Sinong lalaking sinasabi mo?!"

"Hindi ko po kilala. Ang sabi niya siya ang ama ng bata kaya siya ang may karapatan."

Nakuyom niya ang kamao. Hindi na niya kailangan isipin kung sino ang tinutukoy nito, walang iba kundi si Mario!

"Ang walang hiyang 'yon!" malalaki ang hakbang na bumalik siya sa loob ng shop.

"Reyna, pwede bang ikaw muna ang bahala rito sa shop? May pupuntahan lang akong importante, babalik din ako kaagad." aniya sa dalaga. Mabilis niyang kinuha ang mga gamit niya.

"Ha? May nangyari ba?"

"Babalik din ako kaagad." aniya na mabilis umalis.

Agad siyang pumara ng taxi at sinabi ang address kung nasaan ang opisina ni Nicolo. Marahil ito ang ipinunta ng binata rito, pero hindi lang niya alam kung bakit ito umakto ng ganun.

Nakuyom niya ang kamao. Hindi siya makakapayag na basta na lang kunin ni Mario si Riley sa kanya. Hanggat hindi pa natatapos ang kaso tungkol sa pitisyon nito sa custody ng bata ay hindi nito pwedeng basta nalang kunin sa kanya ang bata.

"Babawiin kita, Riley. Hintayin mo lang si Papatito."

Comments (1)
goodnovel comment avatar
MidnightFlameX
Present ate sammy
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status