Share

Chapter One

MAHIGPIT na hawak ni Raphael ang kamay ni Riley habang mahimbing itong natutulog sa malaking puting sofa. Hindi niya inaalis ang tingin dito na para bang ano mang oras ay maaari itong mawala sa kanya. Gagawin niya ang lahat para sa kapakanan ng bata. Hindi siya makakapayag na makuha ni Mario ang nag-iisang ala-ala sa kanya ng kapatid. Hindi siya papayag na mapunta ito sa isang rapist.

Nangako siya kay Shanel na hindi niya ipapakita sa mga De Lobo ang bata at lalong hindi niya ibibigay ang bata sa ama nito kahit na anong mangyari. Pero sa pagkakataong ito, kailangan niyang harapin ang pinsan ni Mario na si Nicolo.

Hinaplos niya ang malambot na mukha ng paslit at masuyo niya itong kinintalan ng halik sa noo. Isang taon na ang lumipas mula nang mamatay ang kapatid niya mula sa panganganak, pero parang kahapon lang nangyari lahat. Ang sakit at ang pangungulila niya sa kapatid ay hindi pa rin humuhupa.

"Why are you here?" isang baritonong boses ang nagpatigil sa kanya.

Umangat ang tingin ni Raphael sa lalaking kanina pa niya hinihintay. Isang taon mula din nang huli niya itong nakita, pero tila ito higit na gumuwapo. This man had the kind of face that stopped you. He had tousled dark brown hair. His nose slender and rounded. His prominent jaw with an almost perfectly symmetrical face. He's taller, slim, muscular. He has an spanish heritage that shows in his features. But most caught her eyes is his gray eyes, but no emotion at all.

Bumaba ang tingin ni Nicolo sa batang mahimbing na natutulog at muling ibinalik sa kanya. Marahil nagtataka ito ngayon kung bakit siya nandito kasama ang bata. Naupo ito sa kaharap niyang upuan kuway pinagsalikop ang mga kamay nito. "Noong huli kitang nakausap, sinabi mo sa'kin na wala kang balak na ipakita sa amin ang bata. Now you're here." He asked coldly.

Tinapatan niya ng tingin ang malamig na pakikiharap nito sa kanya. Nothing is change. Noon pa man ganito na ang pakitungo ng pamilya nito sa kapatid niya.

"I'm here because of this." galit na inilapag ni Raphael ang papeles sa center table. Isa iyong pitisyon para sa custody ni Riley. "Ang kapal naman ng mukha ng pinsan mo para hingiin ang karapatan niya sa anak ng kapatid ko!"

Kinuha ni Nicolo ang papeles at binasa nang masinsinan at pagkatapos ay muling ibinalik sa kanya ang malamig nitong mga tingin. "Wala akong nakikitang mali sa gustong mangyari ni Rio," walang emosyong sabi nito.

Umarko ang isa niyang kilay. "Wala?"

"Wala. Ama ni Riley si Rio kaya may karapatan siya sa bata. Walang masama kung magpakatatay siya sa anak niya."

Gusto niyang matawa sa sinabi nito. Paanong walang masama kung isa itong rapist? "Sa tingin mo hahayaan ko ang pinsan mong rapist na kunin sa'kin si Riley?!" He hissed.

Tumaas ang sulok ng itaas ng labi nito. "Rapist? Napatunayan sa korte na inosente si Rio. Huwag mong sabihing nakalimutan mo na iyon?"

"Talaga ba? Alam kong alam mo na ginamit niyo lang ang pera ninyo para lang palabasin na inosente ng pinsan mo!" bahagyang gumalaw ang pamangkin niya dahil sa pagsigaw niya kaya tinapik-tapik niya ito sa hita para muling makatulog.

Nagbuga ng hangin si Nicolo. "Hindi lingid sa atin kung anong mayroong pagkakaunawaan si Shanel at si Rio. Kaya imposible ang ibinibintang mo sa kanya, Raphael."

Natigilan siya. Hindi nga iyon lingid sa kanya. Pero imposibleng gumawa ng kwento at magsinungaling ang kapatid niya tungkol doon. "So, sinasabi mo bang nagsisinungaling lang ang kapatid ko?"

"Sa bibig mo na lumabas, hindi sa akin."

"How dare you!"

Marahas na muli nagbuntong hininga si Nicolo. Halatang tinatamad na itong kausapin siya.. "Raphael, kahit anong gawin mo wala kang laban dahil hindi ikaw ang magulang ni Riley. Ngayong wala na si Shanel si Rio na ang may karapatan sa kanya, hindi ikaw."

Nakuyom niya ang kamao. "Hindi magiging mabuting ama ang pinsan mong kriminal!"

He tsked. "You're so judgmental. Wala pa nga pinangungunahan mo agad. Paano mo malalaman kung hindi mo siya bibigyan ng pagkakataon na magpakatatay?"

"Nagsasabi lang ako ng totoo!" He snapped.

Nagkibit ito ng balikat. "So, why you're here anyway?"

"Nandito ako dahil gusto kong sabihin mo sa walang hiya mong pinsan na hindi niya makukuha sa'kin si Riley!"

Dumilim ang mukha ni Nicolo, nauubusan na ng pasensya. "Hindi mo mapipilit ang gusto mo. Tanggapin mo ang katotohanan na wala kang karapatan sa bata."

Tumarak sa puso niya ang sinabi nito. Masakit pero iyon ang katotohanan. Napamahal na sa kanya si Riley, ito lang ang tanging naiwang ala-ala ng kapatid niya sa kanya. Muli niyang nakuyom ang kamao at sinalubong ang malamig nitong tingin. "Si Riley lang ang ala-alang naiwan sa'kin... siya na lang ang tanging pamilya ko. K-kaya nangako ako kay Shanel na hindi ko ibibigay si Riley sa ama niya."

Dumukwang ito ng bahagya palapit sa kanya. "Sa financial pa lang wala ka ng laban." tila nang-iinsultong sabi nito.

Alam niyang walang laban ang maliit niyang flower shop kumpara sa malaking negosyo ng pinsan nito. Pero malaki naman ang maitutulong niyon para sa mga pangangailangan ni Riley.

"Pera ba ang sukatan para maging isang magulang?"

"Pero hindi ka magulang, Rafael. Hindi ikaw ang ama, si Rio ang ama ni Riley."

"Lalaban pa rin ako!" He snapped again. Pumatak ang mga luha niya sa isiping mawawala sa kanya ang bata.

"Masasaktan ka lang kapag nagpumilit ka sa gusto mo." tama ba ang nakikita niya na awa mula sa mga mata nito? Siguro nga awa, awa dahil wala ako magiging laban kapag gumamit na ng pera si Mario.

"Hindi bale nang masaktan, kaysa masaktan ng hindi lumalaban. Kahit hindi ako ang tunay na magulang ni Riley, mahal ko siya higit sa buhay ko!"

Nagbuntong-hininga ito at hinilamos ang sariling mukha. "Hindi kita matutulungan kung gusto mong pakiusapan ko si Rio na tigilan na ang anak niya."

Bumaba ang tingin niya kay Riley na bahagyang gumalaw. Hindi niya talaga kakayanin kapag nawala sa kanya ang pamangkin. Napamahal na ito sa kanya. Ginagap niya ang maliit nitong kamay. "Gagawin ko ang lahat para hindi siya kunin sa'kin ni Rio."

"You'll do everything to win Riley's custody?" Putol ni Nicolo sa katahimikan.

Nilingon niya ito. Determinado siyang tumango. "Yes."

Tumango-tango ito. "Okay, I'll help you."

Nanlalaki ng mga matang tinitigan niya ito. "Tutulungan mo ako?" hindi makapaniwalang tanong niya. Paano isang De Lobo ang gustong tumulong sa kanya.

"Yes, I'll help you. But in return you will need to help me too. Kailangan mong isakripisyo ang kalayaan mo."

Nangunot ang noo niya. "Anong ibig mong sabihin?"

Pinagsalikop nito ang mga kamay habang ang mga siko nito ay nakapatong sa magkabila niyang hita at mataimtim na tumitig sa kanya. "Para mapasayo si Riley, kailangan mo siyang ampunin. Pero hindi mo iyon magagawa kung wala kang asawa."

"S-sinasabi mo bang kailangan kong magpakasal? S-sa ganoon bang paraan magkakaroon ako ng laban para sa custody ni Riley?"

Tumango ito. "Malaki ang laban mo, lalo pa't kapag nalaman ng korte ang naging issue ni Shanel at Rio."

Bigla siyang nabuhayaan ng loob. Pero hindi niya maiwasang magtaka kung bakit siya nito tinutulungan? "P-pero wala akong kilala na pwede akong pakasalan para lang sa custody ni Riley."

"You don't need to find someone who willing to marry you, Raphael. I'm here. I can marry you." anito na tila ba nabingi siya.

Hindi makapaniwalang tinitigan niya ito. "I-ikaw? Pakakasalan mo ako?" hindi makapaniwalang tanong niya. Bakit naman nito gugustohing pakasalan siya? Sa isang lalaking katulad niya?

"My grandfather wants me to get married. Sa ganoong paraan sa akin niya ipapamana ang Hacienda Ezperanza. Hindi naman nakasaad sa last will and testament ni Grandfa kung lalaki o babae ang dapat kong pakasalan. Isa pa naisabatas na din ang same sex marriage dito sa bansa, so why not you?" anito na hindi pa rin siya makapaniwala.

"Kapag pumayag ka, matutulungan mo ako at matutulungan din kita." sabi pa nito.

Nilunok niya muna ang bumabara sa lalamunan niya bago muling nagsalita. "May katanungan lang ako."

"Ask away."

"Bakit gusto mo akong tulungan kahit na may posibilidad na makakalaban mo ang pinsan mo?"

Nagkibit ito ng balikat. "Wala naman ako pakialam sa problema niya. Mas importante sa'kin ang problema ko."

"Paano ako makakasiguro na mananalo ako laban kay Rio?"

Ngumisi ito. "Nasa akin ang isa sa pinakamagaling na abogado. Believe me, honey... makukuha mo ang custody ni Riley."

Muli niyang tinapunan ng tingin ang pamangkin. Gagawin niya ang lahat para sa pamangkin. Kahit ano, pero magpapakasal siya at sa isang lalaki pa? Ano na lang ang iisipin ng ibang tao? ,Oo aminado siyang bisexual siya, pero never na pumasok sa isip niya ang magpakasal at makipagrelasyon sa kauri niyang lalaki.

"Your answer, Raphael?" Untag nito sa kanya.

"I'm sorry, but are you..."

"I'm not gay kung iyan ang itatanong mo," dugtong nito sa hindi niya masabi.

"Bakit sa isang katulad kong lalaki? I'm sure maraming babae ang papayag kapag inalok mo sila na pakasalan ka, so why me?"

"Exactly, pero bakit ikaw? Dahil alam kong you're into man at nasisiguro kong hindi sila papayag na makipag-divorce sa akin."

Ramdam niya ang bigpang pag-init ng mukha niya. "Paano ka nakakasiguro na papayag ako?"

Saglit muna siya nitong tinitigan, tinatantya kung nagsasabi siya ng totoo. "Because I know how much you hate me."

Umiwas siya ng tingin dito, hindi niya kayang tapatan ang tingin na binibigay nito sa kanya. Oo galit siya sa mga De Lobo, pero hindi naman galit ang nararamdaman niya kay Nicolo. "I can't answer you right now."

"You don't have to answer me right now. I'll give you time to decide, pero sana hindi pa huli."

Tumango-tango siya. "J-just give me time to think." kinarga na niya si Riley. "Aalis na kami, huwag mo na lang sabihin kay Mario na nagpunta kami rito."

Tiningnan ni Nicolo ang suot na orasan pambisig. "It's already late. Dito na kayo magpalipas ng gabi."

"No, it's okay," tanggi niya.

"I insist," tinawag ni Nicolo ang isa sa kasambahay nito. "Pakihatid sila sa guestroom." utos nito bago sila iwan. Sinundan niya lang ito ng tingin hanggang sa tuluyan itong nakapanhik sa ikalawang palapag.

"TALAGA nag punta ka sa bahay ni Nicolo De Lobo?" hindi makapaniwalang tanong ni Ellias sa kanya nang ikwento niya rito ang pagpunta niya sa bahay ni Nicolo. Dinaanan siya nito galing sa trabaho.

"Inilalayo mo ang bata, pero ikaw din naman ang naglapit sa isa ring De Lobo." hindi siya nakasagot sa sinabi ng kaibigan.

Sumubo ito ng mangga na pinagsasaluhan nila. "May maganda bang nangyari sa pagpunta mo 'dun?"

"Inalok niya ako ng kasal," nasamid si Ellias sa sinabi niya. Inabot niya rito ang bottled water.

"Ano, kasal? Sa isang lalaki? Tsaka bakit ka naman niya aalukin ng kasal?"

"Gusto raw kasi ng lolo ni Nicolo na magpakasal na siya at kapag naikasal na siya sa kanya ipapamana ang Hacienda Ezperanza."

"Hindi ko alam kung nang-iinsulto ba 'yang si Nicolo. Maraming babae ang agad na papayag kapag inalok niya ng kasal, bakit sayo po? Don't get me wrong, Raphael. Alam kong legal na ang same sex marriage sa panahon ngayon, pero bakit sa isang lalaki niya gustong ikasal? Ano na lang ang sasabihin ng pamilya niya tapos sayo pa, eh alam naman niya ang issue ngayon sa inyo ni Mario. Kaloka!"

Inubos muna niya ang laman ng bibig bago niya ito sinagot. "Iyan din ang tanong ko sa kanya. Ang sagot ni Nocolo hindi raw papayag ang babaeng pakakasalan niya na makipaghiwalay sa kanya pagdating ng panahon, alam din daw niya kasi kung gaano ko siya kadisgusto."

Ellias rolled his eyes. "Sus! Reason... ang daming lalaki dyan na pwede niyang alukin, dinamay ka pa!"

"Pumayag lang daw ako sa alok niyang kasal tutulungan niya akong maipanalo ang custody ni Riley."

"Naniwala ka naman?"

Hindi agad siya nakasagot. Paano nga ba niya mapagkakatiwalaan ang isang De Lobo? Paano nga ba siya makakasiguro na magagawa siya nitong tulungan at paano kung sa huli siya lang ang madehado?

Naghuntong-hininga siya. "Hindi ko alam, Elli. Wala naman ako ibang gusto kundi ang maipanalo ko ang custody ni Riley."

"Papayag ka sa alok ni Nicolo?"

Tinitigan niya ito. "I don't know."

Nagkibit ng balikat si Ellias. "Kung talagang matutulungan ka ni Nicolo kay Riley, bakit hindi? Pero paaalalahanan kita, Raphael. Mag-iingat ka sa kanya dahil isa pa rin siyang De Lobo, ikaw din baka masaktan ka rin sa huli tulad ng kapatid mo." huling katagang sinabi nito.

Hindi na rin siya nagsalita pa. Mula nang makausap niya si Nicolo magdamag niyang pinag-isipan ang alok nito, pero hanggang ngayon hindi pa rin niya alam ang dapat na gawin. Kailangan pa niya ng oras para makapag-isip pa.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status