Chapter 4
The Suitor
Brandon's POV
Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Sa dinami rami ng mga tao, bakit ang Principal pa ang napadaan?
What a coincidence. Hindi pa rin ako makapaniwala na nasa guidance office ako ngayon dahil napagkamalan akong gumagawa ng milagro kasama ng tomboy na 'to.
Binalingan ko ng tingin ang direksyon kung saan nakaupo si Brenda.
Nangunot ang aking noo nang makitang wala itong kapaki-pakialam sa sinasabi ng Principal. Hindi ba siya natatakot? Well, sanay na siguro dahil palagi siyang na-i-involve sa ganitong mga bagay?
"Ipaliwanag ninyo ang nakita ng principal, Mr. Garcia?" Ani ng guidance counselor. Umayos ako sa pagkakaupo
"Wala pong ibig sabihin 'yung nakita niyo, ma'am. We didn't do anything wrong, nagulat lang po ako kay Delos Santos kaya ko po siya natulak sa pader." I reasoned out honestly. Sana maniwala sila
"How can you explain your two centimeter distance with her face, Garcia?" Tanong ng Principal sa my diin na tuno.
"K-Kasi po—" Naputol ang aking sasabihin nang biglang sumabat si Brenda.
"Gusto po talaga niya akong halikan, ma'am." Napabaling ako sa pwesto niya na nanlalaki ang mga mata sa gulat. Did I heard her right?
"Wait, I didn't want to kiss you. Please don't make up stories." I give her a take it back look. Hindi ako makapaniwalang nilaglag niya ako.
But instead of listening to me she just rolled her eyes, "Hindi ako gumagawa ng kwento, ma'am. 'Yun po talaga ang totoo. Nagsisinungaling po siya." She sounded like a victim and now I’m at fault.
Napatayo ako sa sinabi niya dahil hindi ko iyon inasahan. Binigyan ko siya ng masamang tingin pero kalmado lang itong nakaupo habang binabaliwala ang aking mga titig. My hands balled into a fist.
"Ma'am, she's lying. Hindi ko magagawa ang bagay na binibintang niya, tsaka wala po kaming relasyon. We're just plain classmates." Saad ko habang sinisikap na maging kalmado.
"Sino ba talaga ang nagsisinungaling sa inyong dalawa?"
"Siya po!"
"Her!" Nagkasabay pa kaming dalawa sa pagsagot na kina buntong hininga ko.
"Pwes, kung walang aamin sa inyo kayong dalawa ang may kasalanan. Wala kaming magagawa kundi bigyan kayo ng suspension."
"Po!?" Sabay kaming napatayo sa pagkaalarma sa narinig. Suspension? Are they kidding?! Napahawak ako sa aking noo, contemplating what I heard.
"Ma'am, pwede naman po natin 'tong pag-usapan 'di ba? Hindi na po kailangang umabot pa 'to sa mga magulang namin." Katwiran ko. Pero tanging pagbuntong hininga lamang nila ang natanggap kong sagot.
"Ganito na lang, humingi kayo ng patawad sa isa't isa tapos mag-volunteer kayo sa ating Annual Theater Festival. Is that okay to the both of you?"
Theater—?
"Theater, ma'am? Ano namang gagawin namin do’n? Magpapasaway?" Lantarang tanong ni Brenda. There’s sarcasm in her question. Napailing na lang ako. Pinalala lang niya ang lahat. Kahit kailan talaga hindi mapigilan ang bibig niya.
"She's right, ma'am." Pagsang-ayon ko na lang.
"Well, I'm glad you ask. The both of you will volunteer as props men. It's better than a suspension right? Kapag narinig kung nagpasaway kayo ay ma-i-extend pa ‘yon." The guidance counselor gleefully said. Tuwang-tuwa dahil nakahanap ng aalilain.
Wala kaming nagawa kundi tumango. "Kailan po kami magsisimula, ma'am?" Tanong ni Brenda. Wow, she’s looking forward to it? Ang akala ko walang kwenta ‘yon para sa kanya?
"Tomorrow, hija. Pagkatapos ng klase niyo ay dumiretso agad kayo sa theatro. Anymore questions?" Umiling kami. Ugh! This is madness! I can’t believe I sign for this with this—tomboy?!
"Ayoko ng malamang may ginagawa na naman kayong kapusukan at maulit ito. Naiintindihan niyo ba?" sabay kaming tumango na walang kabuhay-buhay.
"You may now go."
Brenda's POV
Hindi ako makapaniwalang mag-vo-volunteer ako sa pinaka boring na event sa kasaysayan ng paaralan.
Props man pa talaga ah? Tatayo ba akong kahoy o palumpong ng dahon sa gilid? Alin do’n ang mas maganda? Ang boring naman! Argh! Badtrip naman kasi ang ganti ko at bumalik din sa'kin!
Ginulo ko ang aking buhok dahil sa iritasyon. Buong maghapon habang nagle-lecture ang guro namin sa harapan ay hindi ako makapag-focus. Okupado ng maraming bagay ang aking isip at isa na roon ang pagiging props man.
Nang mag-dissmisal ay nauna akong lumabas sa classroom. Lutang ang aking isip habang naglalakad. Hanggang dumating ako sa bahay ay gano’n pa rin ang estado ko.
Nagising lang ang aking diwa nang mabulabog ako ng malakas na tawanan ng aking mga pinsang lalaki at mga tiyuhin. Kasama nila si Itay sa isang mesa habang naglalaro ng uno.
Para man silang typical na mga mukhang snatcher pero kabaliktaran naman noon ang katotohanan. Uno lang ang kayang laruin ng mga 'yan kaya walang sapakang nagaganap, hindi rin sila nag-iinuman.
Nakakabulabog nga lang sila sa mga kapitbahay namin pero ayos lang, ang kapitbahay naman ang nabubulabog. Haha!
"Anak! Kanina ka pa? Sali ka dali!" Maligayang aya sa akin ni Itay.
"Halika ka na pinsan!" kinamay ako ng pinsan ko.
"Anong meron? Bakit nandito kayong lahat? 'Wag niyong sabihing makikikain na naman kayo?" Akusa ko. Inisa-isa ko sila ng tingin.
Sabay nag-iwas ng tingin ang mga pinsan ko na mukhang guilty.
"Ano ka ba naman, anak. Ang advance mong mag-isip. Inimbitahan ko sila rito para ipagdiwang ang araw na ‘to." Napakunot ang aking noo sa sinabi ni Itay.
"Ano po bang meron ngayon, Itay? Birthday niyo po ba? Sure akong hindi ko birthday ngayon, hindi rin kaarawan ni, Nanay. Tsaka ang lakas maka-millenials ng advance niyo Tay ah? Iba."
"Hay nako, ang slowpoke mo naman pinsan. Ipagdidiwang natin ang araw na ‘to dahil sa hindi mo pagkasangkot sa gulo ngayon. Akalain mong ilang buwan ka rin nanahimik?" Binalingan ko ng masamang tingin si Brent isa sa mga pinsan ko dahil sa sinabi niya.
"Oo nga noh? Dapat nga tayong mag-celebrate." May pagka-sarkastiko kong sabi. Kung alam niyo lang, muntik na naman. Ngayon pa talaga kayo magsi-celebrate ano? Napa-irap ako.
"D’yan na nga kayo. Tutulungan ko lang si Inay sa loob." Nagmadali na akong pumasok baka hindi ko mamalayang nasabi ko na pala sa kanila ang nangyari kanina.
Pagpasok ko ay agad kong nakita si Inay sa aming munting kusina. Bumati ako sa kanya at nagmano. "Nakauwi na pala ang pinakamaganda kong anak. Kumusta ang pag-aaral?" Hinalikan niya ako sa noo.
"Ayos naman po, Nay. Wala na masyadong gulo." Sabay kaming natawa ni Inay sa saad ko. Napaka-imposible kasi no’n.
"O s'ya, magbihis ka muna bago mo ako tulungan." Tumango ako at umakyat na lang muna para magbihis dahil sa pamimilit ni Inay.
Saglit kong nakalimutan ang aking iniisip dahil sa sigla ng aking pamilya. Natapos ang araw na may ngiti sa aking labi. Bahala na bukas. Sabi nga nila, hindi dapat pino-problema ang problema, problema niya na 'yan. Haha, tumpak!
Kinabukasan nang mag-dismissal ay sabay kaming lumabas ni Brandon. Nanlaki ang mga mata ng ilan naming mga kaklase sa kanilang nasaksihan.
Mga walang magawa sa buhay ang mga gaga. Ang sarap dukitin ng mata nako! Nakakagigil. Ano naman ngayon, aber?!
Nang dumating kami sa theater club ay may nag-assist kaagad sa amin kung ano ang gagawin. Habang gumagawa kami ng mga props ay hindi ako makapag-focus sa aking ginagawa dahil sa babaeng tingin ng tingin sa amin.
Pinanliitan niya ako ng mata at akala ko namamalik mata lang ako pero nakita ko talaga siyang umirap sa akin. Like what?
Anong problema ng babaeng 'to? Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. She is wearing the same thing as mine. XL t-shirt and pants.
Sa tingin ko naman ay hindi siya iyong tipo na babaeng chismosa sa gilid pero bakit kakaiba ang nararamdaman ko sa presensya niya?
"Bran, kilala mo 'yang babae?" Kuha ko sa atensyon ni Brandon na seryosong nagpipinta. Binaling niya ang kanyang tingin sa direksyon na nginuso ko.
Napansin ko ang gulat sa kanyang mga mata ngunit hindi niya iyon pinahalata at ibinalik ulit ang atensyon sa ginagawa.
"I don't know her. Why?" Malamig niyang turan na parang hindi siya nag-react nang nakita ito.
Napatango ako pero hindi naniwala sa sinabi niya, "Akala ko lang kilala mo. Kanina pa ako pinapatay ng tingin eh. Hay, kung nakakamatay ang tingin kanina pa ako nilagutan ng hininga rito sa kinauupuan ko dahil sa matalim niyang titig."
"Whatever." Maikling tugon niya sa sinabi ko. Napanganga na lang ako sa pagkadismaya. Sa taas ba naman ng sinabi ko isang salita lang ang tugon niya? Nakakagago ang puta.
Pinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko habang binabaliwala ang nakakamatay na titig sa akin ng babae. Nangangalahati na kami sa pagpipinta ni Brandon sa mga props nang makuha ang aming atensyon ng dalawang babaeng nagtutulakan papunta sa aming direksyon.
"Ibigay mo na, Sierra. 'Wag ka ng mahiya, pagkakataon mo na 'to." Hikayat ng kasama ng babaeng may matalim na tingin sa akin kanina pa.
Ilang sandali pa ay naglakas loob na itong lumapit sa amin. Napasunod ang tingin ko nang tinawag ng kasama niya ang atensyon ni Brandon.
Walang gana naman itong lumingon sa kanila. "What?" Malamig nitong sabi.
"P-Para sa'yo. S-Sana magustuhan mo." nginginig nitong bigkas.
Nilagay niya sa harap ni Brandon ang isang box na nakabalot at may kasama pa iyong love letter. Seriously? Agad umalis ang dalawa na hindi man lang hinayaan si Brandon na tumanggi.
"Wow, kaya pala masama ang tingin sa akin, manliligaw mo pala. Haha." Hindi ko napigilang sabihin habang natatawa.
"Ang gwapo talaga eh." Dagdag ko pa na puno ng kalokohan.
"Stop it, she's nothing." Depensa niya pero hindi nakaligtas sa akin ang pamumula ng kanyang tenga. She’s nothing daw oh pero mukhang hindi naman totoo.
"Si Brandon may manlilig---aaaw!" Malakas kong sigaw ngunit hindi ko iyon natapos nang bigla niyang takpan ang aking bibig.
"Kapag sumigaw ka hahalikan kita." Pananakot niya habang nakapulupot mula sa aking likod ang mga braso niya.
Biglang nagwala ang puso ko nang maramdaman ang hininga niya sa aking tenga. Shit! Parang may komuryente sa’kin! Napigil ko ang aking paghinga kasabay ng pagkatulala. I can’t believe that he just said that.
Sa tingin ko tumigil yata ang ikot ng mundo dahil sa sinabi niya. Is this a joke?!
Chapter 5TowelBrenda's POVNapatulala ako habang pinakiramdaman si Brandon na nakayakap sa akin. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang magiging reaksyon ko. Kung normal lang ito na araw ay siguro nasuntok ko na siya. Pero iba ngayon, parang may ibang komokontrol sa aking sarili."Hey, are you listening?" tanong niya."A-Ano 'yun?" Wala sa sarili kong tanong."Brenda?! Are you okay?" nakaramdam ako ng malakas na pagyugyog sa aking balikat.Nabalik ako sa aking sarili dahil doon. Napatingin ako kay Brandon na may pag-aalala sa mukha na nakatingin sa’kin."Ha? A-Ayos lang ako." Mahina kong sabi na nauutal pa sa kaba."I'm sorry about that, I didn’t mean what I said, nabigla lang ako." Defensive niyang paliwanag. Tinanguan ko lang siya, hindi makatingin ng diretso dahil sa pagk
Chapter 6I Think...Brenda's POVBago pa rin sa akin ang pakiramdam kapag nagkakatinginan kami ni Brandon at ang biglang pagwawala ng aking puso. Kahapon, pagkatapos ko siyang samahan sa locker niya ay nagpresenta siyang ihatid ako sa amin kahit okay lang naman na hanggang sakayan lang. Akala ko galit siya dahil sa masungit niyang mukha pero akalain mo 'yun?Ang daling natapos ng araw at dismissal na namin ngayon sa hapon. Nagi-guilty nga ako kila Mike at Clinton dahil hindi na ako masyadong nakakasama sa kanila nitong mga nakaraang araw.Paano ba naman eh ang dami naming ginagawa. Nakasanayan ko na nga na sabay kaming pumupunta ni Brandon sa theater club."Bran! Hintay naman! H'wag ka namang magmadali, bro!"Walang habas kong pinasok sa aking bag ang aking mga gamit at nagmadaling humabol sa kanya."Teka," ina
Chapter 7Slow motionBrandon's POVMalakas ang kabog ng dibdib ko habang buhat si Delos Santos papuntang clinic.Hindi ko mapigilan ang pag-aalala sa lagay niya dahil sa lakas ng pagkakatama ng noo niya sa props na may halong metal kanina."Nurse, paki asikaso po!" Nilapag ko siya sa pinakamalapit na higaan at mabuting agad naman siyang dinaluhan ng nurse at sinuri ang ulo niya."Anong tumama sa ulo niya?""Tumama po ang noo niya sa metal prop namin, nurse." Kinakabahan kong turan."D’yan ka na muna sa labas maghintay. Gigising din siya." Tumango na lang ako habang hindi napapanatag na palakad lakad sa harap ng pinto."Brandon! Is she okay?" Tiningnan ko ang mga bagong dating. It’s Mina with the art club President, Ms. Clara."Ginagamot pa siya sa loob."
Chapter 8He caredBrenda's POVI didn't think I am capable of falling in love. Namulat ako sa kagawiang parang lalaki kung kumilos at mag salita kaya naninibago ako sa aking nararamdaman.Nagdadalawang isip nga ako kung pagmamahal na ba kaya itong nararamdaman ko o appreciation lang para sa ginawa ni Brandon but there's this part of my heart that is telling me otherwise.I felt like floating everytime I think about it.Kinabukasan ay pumasok pa rin ako kahit anong tutol ni Inay at Itay. Ayaw ko lang maka-miss ng isang araw at baka mapag iwanan ako. Mahina pa naman din ako sa math kaya dapat masipag.When I get in class ay nagulat ako na okupado ang upuan sa tabi ko. A wide smile greeted me from a petite and kikay girl sitting beside my chair."Hi, I'm Christine! I just transferre
Chapter 9 How to be a Girl Brenda's POV After the awkwardatmosphere between me and Brandon ay tuloy pa rin ang pagtuturo niya sa akin. We meet every lunch break at dismissal sa library para turuan ako sa mga lessons na hindi ko maintindihan. Mabuti na lang din at tapos na ang pagbo-volunteer namin sa teatro at nakaka-focus na kami sa pag-aaral. Halos isang linggo na niya akong tinuturuan at kada may-tutorial kami ay na-e-excite ako palagi. Kahit mahirap ang pinagdadaanan ko sa pag-aaral ay inspirado ako dahil siya ang nagtuturo. Katatapos lang ng klase para sa buong araw and it is another time for our tutorial in the library hanggang sa magsira iyon. "Brenda, are you going to the library again?" si Christine na nakasimangot na naman dahil hindi ko siya masasamahan sa pag-uwi. "I'm sorry Christine, kailan
Chapter 10RelationshipBrenda's POVKinabukasan ay panay ang pangungulit ni Christine sa akin kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng tinanong ko sa kanya noong nakaraang gabi. Ayaw magpaawat ng ate niyo, ayaw talaga akong tantanan."Com'on, Brends. I'm dying in curiosity here." Pamimilit niya habang naka-angkla ang mga braso sa akin."Then I'm just watching you die." I shrug. Naglalakad kami ngayon pabalik sa classroom mula sa cafeteria.Habang naglalakad nga ay hindi matigil sa kada-dada si Christine."You're so heartless, Brenda! You know I'm here to help you. Com'on tell me, I know it is something serious for you to call me late at night." Napailing na lang ako sa pagiging pursigido niya. Nagsisisi na tuloy ako ngayon kung bakit nagpadalos-dalos ako sa aking desisyon na tawagan siya.Napatingin ako diretso sa kanyang mga mata at alam niya na ganito ako kapag seryoso."Kalimutan mo na lang iyon,
Chapter 11ConcludedBrenda's POVNakasunod ang mga mata ko kina Brandon at Sierra. Hindi ko namalayan na napatulala na lang pala ako habang nakatanaw sa kanila."Huli ka!" Napaigtad ako nang may biglang sumundot sa aking tagiliran. Bigla akong natauhan at inalis sa aking isipan ang nakita."Christine, kanina ka pa?" wala sa sarili kung tanong."Hindi no, kararating ko lang akala ko nga umuwi kana eh dahil sa tagal ko." Nguso niya."Uh, a-ano kasi nauhaw ako kaya bumili mo na ako ng maiinom habang naghihintay. Tara na nga, ang tagal mo eh,pa-famous ka masyado iwan ko sayo!" pabiro kong sabi at nagsimula ng maglakad."Nako sinisi mo na naman ako eh ikaw 'tong sobrang agang dumating sa usapan, ayan tuloy." Lintanya niya habang nakasunod sa akin.Halos shopping lang ang ginawa namin este ni Christine lang pala. She's so obsess with trendy kikay clothes, shoes,stilettos, and even cosmetics. Halos pagsama lang sa
Chapter 12FirstBrenda's POVKinabukasan ay wala ako sa sariling pumasok sa eskwela. Hindi pa rin nag-sink in sa aking isipan ang nangyari kahapon."If I will give you the right, will you be responsible for my heart?""I should be the one asking you that damn question, Dada,""Let's date then.""I actually love it when you call me love."Aaahhh!!!! I’m internally screaming in disbelief.Napakapit ako sa aking ulo nang rumehistro na naman muli sa aking isip ang mga binitawan niyang salita kahapon.Napakagat ako ng labi kalaunan, “Tama na please.” Pagmamakaawa ko sa aking sarili. Halos hindi ako makatulog kagabi, ang laki-laki na rin ng eye bags ko.Hindi ko nga alam kung pano ako nakapunta rito sa school ng ligtas. Ano ang gagawin ko kapag nakita ko siya? Ngingitian ko ba siya? Babatiin o magpanggap na parang walang nangyari?Argh!!! I’m doom!Sa