Share

Chapter 3: Tailing

Chapter 3

Tailing 

Brandon's POV

Hindi ko talaga gusto ang ugali ng babaeng 'yun kahit kailan. Hindi ko lubos maisip kung bakit ako napapatulala kapag kaharap ko siya at biglang mauutal na parang tanga. Inaamin kong maganda talaga siya pero hindi siya 'yung mga tipo ng babae na gusto ko. 

Keep denying it. Shut up!

I think I hate her starting today. Hindi siya 'yong tipong magugustuhan mo kahit kalian, the end! Pinakakainisan ko ang mga salitang walang habas na lumalabas sa bibig niya na parang nakikipag-usap lang sa kalye.

Ginulo ko ang aking buhok sa iritasyon while I’m thinking deeply.

Anong sinabi niya? Huh! Akala ba niya na katulad ako ng mga barkada niya na inaminan lang jinowa agad ang babae. I don't even know the girl. 

Why would I? Argh! She’s getting into my nerves!

I calm myself and decided to go to the library to find some references at mag-advance study sa susunod naming topic. This should be better than thinking about what happened. After going through the shelves, pumuwesto ako malapit sa bintana dahil mahangin doon.

Habang nagbabasa ng libro, hindi ko mapigilan ang kakaibang pakiramdam. Parang may nakatingin sa akin na hindi ko alam kung saan galing.

Nilibot ko ang aking tingin sa kabuuhan ng library pero wala naman akong nakitang ibang tao maliban sa akin. Tiningnan ko rin ang pwesto ng librarian ngunit walang tao roon. Siguro nagpunta ng banyo? I scratch my neck feeling uncomfortable. 

Binalik ko na lang ulit ang atensyon sa aking binabasa. Matiim kong tinitigan ang nakasulat sa librong nasa aking harapan ngunit hindi talaga ako makapag-concentrate. 

Humampas ang malakas na hangin na mas lalong nagpadiin sa katahimikan ng paligid. I surveyed the premises again. Dahil ako lang mag-isa ay biglang tumaas ang balahibo sa aking batok.

My eyes started to become unsettled and my palms are sweating. Pakiramdam ko talaga may nanonood sa akin. Hindi ako 'yung tipo na matatakutin pero hindi ko pa rin mapigilan ang pagtaas ng aking balahibo. There’s something strange that I can’t explain.

Bigla akong napatayo sa gulat nang malakas na sumira ang pinto na gumawa ng malakas na ingay. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa gulat. Calm down, it’s just the wind. Napagdisesyonan ko na lang na umalis dahil hindi na ako makapa-focus. 

Baka pinaglalaruan na ako ng mga multo? But, should I believe in those?

Pagkagaling sa library ay dumiretso ako ng classroom. Habang naglalakad ay hindi pa rin nawala ang pagtaas ng aking balahibo. Damn hilarious of me to get scared, pero parang may kakaiba sa araw na ito kumpara sa mga nakagawian kong araw.

Nakaliko na ako sa unang hagdan nang may biglang may kumalabog ng malakas. Bigla akong naalarma roon. Bumaba ako para silipin kung ano ‘yun nanggagaling na sa tingin ko ay sa C.R. 

Napapalunok ako sa bawat kong hakbang dahil sa hindi maawat na pagtaas ng aking balahibo at paglakas ng kabog ng aking dibdib. 

Seriously?

Nasa harap na ako ng pinto ng C.R. kaya naglakas loob na akong sumilip sa loob, wala naman akong nakitang tao. Baka nasa loob siguro ng cubicle. Bakit ba ang praning ko ngayon? 

Get a hold of yourself, Brandon. Humakbang ako palabas pero hindi pa ako nakakalayo nang biglang may malamig na kamay na humawak sa aking balikat.

Suddenly, an eerie whisper made its way to my ears, "T-Tulong." Dahil sa gulat, replexes ko na siguro iyon dahil hinablot ko ang kamay na nakakapit sa aking balikat at pinihit ito paharap habang tinutulak sa pader.

"Araaay!!" Iyon ang tanging narinig ko dahil napapikit ako sa takot. I don't know, but I'm scared to see a ghost. 

Wait... Ghost? But how could I hold it? Bigla akong nalito.

"Hahaha, mukhang tanga!" Naidilat ko ang aking mga mata ng ‘di oras dahil sa pamilyar na boses na galing sa multo. It’s damn laughing!

"Brenda?" I ask hesitantly. I took a closer look to confirm.

Kaso hindi ko masyadong maaninag ang mukha sa aking harapan dahil hindi ko suot ang aking salamin.

Brenda's POV

Sinundan ko si Brandon nang lumabas siya ng cafeteria kanina hanggang sa umabot ako kakasunod sa library. I hide myself well so he won’t notice. 

Sa totoo lang wala pa akong naiisip na pwede kong pangganti sa kanya, pero hindi ko hahayaang matapos ang araw na’to na hindi ako nakagaganti.

Nakatitig lang ako kay Brandon habang seryosong nagbabasa ng libro. In fairness, ang ganda ng sideview. Ang taas ng ilong at ang ganda ng tabas ng mukha.

Ang gandang palahian—shit! Anong sinabi ko? Muli kong tinago ang aking sarili dahil sa hiya sa naisip ko.

Ilang minuto ang lumipas ay hindi ko talaga mapigilan ang aking sarili na silipin siya. 

Muli akong dumungaw at tiningnan siya. Hindi ko namalayan na napatulala na pala ako. He’s so charming, hindi nakakasawang tingnan promise.

Nabatukan ko ng wala sa oras ang sarili nang ma-realise ang ginagawa. Hoy! Anong ginagawa mo self! Hindi ka ganyan umayos ka! 

Inayos ko ang aking pagkakatago pero bigla akong napabalikwas sa gulat dahil sa malakas na tunog ng pagsara ng pinto. Muntik pa akong mapasigaw, buti na lang natakpan ko ang aking bibig. 

Shit! Napahawak ako sa aking dibdib at napahinga ng malalim. That was a close call. Baka kapag nagkataon ay mabuko pa ako at mapagkamalang stalker nito.

After kong kumalma ay sinilip ko si Brandon. Nakita ko siyang nakatayo na may kakaibang ekspresyon sa mukha. 

Bakit ganyan ang mukha niya? Natakot ba siya roon?

Bigla naman akong napangiti sa ideyang pumasok sa aking isip. Base sa reaksyon niya at sa biglaang pag-alis na nagmamadali at hindi mapakali ay isa lang ang naiisip ko. He was scared.

Hehe, huli ka balbon!

Sinundan ko uli siya pabalik ng building. Habang nakasunod ako ay hindi ko mapigilang tumawa dahil sa kinakabahan niyang mukha na lingon ng lingon. 

What? Hahaha, shame on you boy! Nang nagsimula na siyang pumanhik ay agad akong pumasok sa C.R. na nasa gilid ng hagdan.

Binalibag ko ng bukas ang pinto ng unang cubicle na nakita ko. Siniguro ko na sobrang lakas no’n na maririnig talaga sa taas. Maski ako ay napatakip ng tenga dahil sa lakas niyon.

Kahit walang kasiguraduhan na bababa si Brandon ay pinagpatuloy ko pa rin ang plano ko. Pumasok ako sa cubicle at sinara iyon. Nagsimula akong basain ang aking kamay ng tubig sa gripo hanggang sa lumamig ang mga ito 

Ayaw kong umaasa na si Brandon ang taong nasa labas ngayon, pero sana siya nga.

Hindi nga ako nagkamali dahil pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko ang patalikod na pigura niya. Napangiti ako. Pumapabor yata sa akin ang swerte.

Dali-dali akong tumakbo papunta sa kanya na hindi gumagawa ng ingay at hinawakan ang kanyang balikat. I felt his body jerk when my hand landed to his shoulders. 

"T-Tulong." Mahina kong bulong 'yung tipong pang horror movie.

Hindi ko inasahan ang sunod na nangyari. Nalaglag ang panga ko nang bigla niya akong pihitin at ibalibag sa pader habang kinukulong ako sa mga braso niya.

"Araaay!!" Napasigaw ako dahil sa masakit na paglapat ng likod ko sa pader sabay pikit sa sakit.

Binuksan ko ang aking mga mata pero nanlaki lang iyon nang bumungad sa akin ang sobrang lapit na mukha niya. The heck with him?!

Nakapikit pa siya na para kaming naghahalikan. Napatulala tuloy ako sa kanyang mukha. He looks more handsome up close. My hand found its way to my chest when I heard a loud thumping coming from there.

The atmosphere started to get awkward, kaya naisipan kong tumawa para ilihis ang aking kaba dahil parang sasabog yata ang puso ko sa posisyon namin.

"Hahaha, parang tanga!" Pagkabigkas ko niyon ay binuksan niya ang kanyang mga mata pero mas lalo lang yatang nagwala ang dibdib ko nang bumungad sa akin ang mala abo niyang mga mata.

It’s captivating.

"B-Brenda?" Bigkas niya ng may halong pagtataka. Bigla akong naalarma nang nilapit niya ang kanyang mukha ng sobrang lapit sa akin. 

Tang’na, anong gagawin ng gagong 'to? Wag mong sabihing...

Napapikit na lang ako bigla dahil hindi ko alam ang gagawin. Nabalik lang ako sa aking sarili nang may marinig akong matinis na sigaw.

"Dios mio!!! Anong ginagawa ninyo?! Sa dinami-rami ng lugar dito niyo pa talaga naisipang gumawa ng milagro?!"

Nanlaki ang aking mga mata nang makita na ang principal iyon. Napatakip ako ng bibig, hindi makapaniwala sa pagsulpot niya. Teka, is she assuming something bad?! Nag-panic ang sistema ko sa naisip.

"Ma'am, wala po kaming ginagawang masama." Pangangatwiran ni Brandon. Nilingon ko siya at tumango-tango sa pagsang-ayon sa sinabi niya.

"Ikaw pala 'yan, Garcia. I'm so disappointed. In my office, now!"

"Yes, ma'am!" Tanging nasabi namin dahil sa pagkabigla at takot.

Napatulala ako na parang biglang huminto sa pag-ikot ang aking mundo. Hindi ko inaasahan na mangyayari 'to.

"Lagot na." Mahina kong bulong habang nginangatngat ang kuko ko sa pagkabalisa.

Hindi ko natakot si Brandon sa multo pero kay Principal, oo! His dead expression shows it all. Mauubos ko yata ang kuko ko.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status