Share

Chapter 2: Gusto Kita

Chapter 2

Gusto kita

Brenda's POV

Hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa kakaisip kung anong mabuting gawin sa Mr. Perfect President slash Mr. Side Comment na 'yon.

Akala niya ba hahayaan ko lang siyang maglakadlakad sa campus ng hindi ako nakakaganti sa kanya? 

Huh! Anong karapatan niya? Ano naman ngayon kung malakas pa ako sa lalaki? 

Nakuha pa talaga niyang magparinig ah. Gumaganti ba siya dahil sa pinagawa ko siya ng assignment ko? Parang sa assignment lang, ang damot!

Bago ako pumasok ay dumaan muna ako sa classroom nila Mike at Clinton.  Makiki-balita lang ako kung makakapasok ba si Mike. Isa pa 'yang kumag na 'yun, para sa pitik lang eh! Feel ko tuloy para akong criminal sa nangyari.

"Psst! Clinton!" Mahina kong bulong habang nakasilip sa bintana ng classroom nila.

Agad naman siyang lumapit nang makita ako, "Ikaw pala, Brends. Anong atin?"

"Wow, so nagbebenta ka?" pamimilosopo ko. Takte! Ang galing ko!

"Santos naman eh! Gusto mo ng sapak?" pinakita niya sa’kin ang kanyang kamao na kina ‘woah’ ko.

"Hehe, syempre ayaw. Kumusta na si Mike? Nand’yan ba siya?"

"Sa kabutihang palad ay hindi naman siya na comatose kaya syempre pumasok na siya. Bakit?" sarkastiko niyang sagot na parang nauubusan ng pasensya sa’kin.

"Haha, akala ko kailangan pa niya ng true loves kiss para gumising eh!" biro ko na ako lang ang natawa. Langya! Walang pakisama, tsk!

"Umayos ka nga! Gusto mo ikaw ang ipahalik ko sa kanya? Puro ka kalukohang babae ka! D'yan ka na nga! Walang kwentang kausap." Nakabusangot niyang sabi sabay alis. 

"Hoy bumalik ka rito, para ka namang ibang tao eh." nguso ko. Napakaikli ng pasensya ng gago.

"Oh, sabihin mo na agad. Kokopya pa ako ng assignment sa calculus."

"Uhm, paki sabi kay Mike na sorry. Hindi ko na rin siya i-bu-bully, nakaka-guilty eh."

"'Yan lang ba? Ge bye. Makakarating." Tumalikod siya agad pagkatapos ‘yong sabihin.

"Tingnan mo 'tong lalaking 'to oh. Boy where's your manners?! Magsama kayong lahat! Mga plastic!" sigaw ko na pabulong.

Padabog akong naglakad papunta sa building ng classroom ko dahil sa pagka-badtrip. Napabuntong hininga uli ako na mas lalong na-badtrip nang makaharap ang sobrang taas nahagdan. 

Bakit ba kasi nasa fourth floor kami? Ganun ba talaga kami kasama para parusahan ng ganito? Hay! Kaya nali-late ako eh! Ang hagdan ang dapat sisihin.

Halos maubos na ang tubig sa katawan ko dahil sa tumatagiktik kong pawis. Gosh! Sobrang fresh ko kanina ngayon naman sobrang haggard na. 

Nang sa wakas ay nasa fourth floor na ay dumungaw ako sa baba. Napailing ako nang makaramdam ng pagkalula sa taas. Nakakapagod kapag walang teacher ngayon, bababa na naman sa sobrang taas na hagdan.

Napahinga ako ng malalim sabay pikit ng aking mga mata habang dinadama ang hangin na humahalik sa aking mukha. 

Para lang akong nag-mountain climbing. Gano’n ang feeling. Pero, hindi gano’n ang feeling kapag pagmulat mo sa iyong mga mata ay ang kinaiiritahan mong tao ang una mong makikita. 'Yung feeling na gusto mong pumatay? My gahd, Cassie!

Nagkatinginan kami ng ilang segundo, siya ang unang umiwas at diretsong naglakad na walang emosyon ang mukha. Sayang, gwapo pa naman. Kung ako ang may gan’yan ka gwapong mukha siguradong pinagkakaguluhan na ako ng mga chiks ngayon. 

Tsk! tsk! Sayang, sayang.

Ipagpapaliban ko na lang sana ang ganti ko sa kanya nang bigla akong magka-idea nang mahagip ng aking mga mata ang mga dala niyang papel. 

Hehe.

Pasimple akong naglakad patungo sa kanya at binundol siya ng sobrang lakas. Sorry not sorry! Bigla namang humangin ng malakas kaya nilipad niyon ang ilang mga papel pababa ng building. Perfect timing!

"Pasensya na! Lagot, hindi ko talaga sinasadya. Tulungan na kita." maarte kong alok.

Nanatili lang na walang emosyon ang mukha niya pero alam ko na nagulat siya nang mabunggo ko at nang nilipad ng hangin ang mga dala niya. ‘Yan nga, kalmado lang para hindi ma-out of character.

Nagpulot ako ng konti at inabot sa kanya, "Ito oh, pasensya na talaga ah? Paano na 'yong nilipad pababa?" may simpatya kong arte.

"Ako na. Pakihawak, d'yan ka lang." Tumango ako habang hawak- hawak ang mga papel na inabot niya. Hindi ko mapigilan ang ngisi sa aking labi. Umabot ng sampung minuto bago siya makaakyat ulit sa fourth floor na hingal na hingal.

Nawala ang seryoso niyang awra kanina dahil sa pagod at mas napangisi ako nang makita ang mga malalaking butil ng pawis sa noo niya.

"Ayos ka lang? Ito oh." Inabot ko ang mga hawak sa kanya ngunit nang lumakas ang hangin ay niluwagan ko ang pagkakahawak sa mga papel. 

Opsies! Napanganga ako nang ang ilan sa mga iyon ay nalipad pababa, ang iba naman ay hinabol niya. Pilit kong pinipigilan ang aking tawa dahil sa pagkataranta niya. Buti nga.

May round two pa ha? Humanda ka. I covered my mouth with my palm while suppressing a smile. Nang tumunog ang bell ay nagpaalam na ako sa kanya na mauuna na ako. Hindi ko na talaga kayang pigilan ang tawa ko. Hanep!

Brandon's POV

Ang sarap magmura. Ramdam ko talaga na sinadya niyang bungguin ako. Tangina! 

Pinahid ko ng panyo ang pawis sa aking noo. Kanina pa ako nagpupunas  pero hindi pa rin matigil ang pawis ko. Ang init-init ng pakiramdam ko. Hooo! 

Dalawang beses ba naman akong pumanhik papuntang fourth floor at habulin ang mga papel na nilipad. 

Sino ang magaling na tao na hindi lalabas ang dila sa hingal dahil do’n?

Pagkatapos kong ilapag ang mga papel sa table ni Ma'am Agatha ay dumiretso na ako sa classroom. 

Pagpasok ko ay nilibot ko ang aking tingin. Tumigil iyon sa kanya na may earphone na naman sa tenga habang nakapikit ang mga mata.

Brenda Delos Santos, ano na naman ang masamang balak mo? Bakit ako ang napili mong biktima ngayon?

Pagkatapos ng sunod-sunod na lecture sa wakas ay dismissal na. Nagmamadaling lumabas ang ilan dahil sa sobrang gutom na kinailing ko. 

"Ahem! Uhm, sorry pala kanina Mr. President. Pasensya na talaga." Napatalon ako sa pagkagulat sa biglang nagsalita. Si Delos Santos pala.

Napatitig ako sa kanya. Maganda siya kaya ko siguro siya nagustuhan pero ayaw ko talaga sa babae na may maraming lalaking kaibigan. Gusto kong ako lang ang lalaki sa mga mata niya.

"Ayos lang, hindi mo naman siguro sinasadya." Tugon ko na may halong pagpapahiwatig. Bigla siyang napaubo sa aking sinabi.

"Ayos ka lang?" tanong ko.

"Ayos lang ako, ge, una na ako ah? Gutom na talaga ako eh. Bye!" Nagmadali siyang lumabas. Napatunganga na lang ako. Anong problema ng babeng iyon?

Dumiretso kaagad ako ng cafeteria dahil sa sobrang gutom. Habang hawak ang tray ng pagkain ay naghanap ako ng pwedeng pwestuhan.

May isa akong nakita sa dulo na agad kong pinuntahan. Ilang minutong katahimikan ang namayani habang kumakain nang may biglang umupo sa aking harapan.

"Pwedeng maki-share ng table? Wala na kasing bakante." Tumango na lang ako kasi wala na naman akong magagawa dahil umupo na siya.

Ang akala kung matiwasay na pananghalian ay biglang naging nakakailang. 

Ang awkward dahil ako lang at ang babaeng ito na hindi ko kilala ang nakaupo sa isang mesa. I didn’t even take a gaze at her dahil hindi ako komportable. Hahayaan ko na lang sana nang bigla siyang magsalita.

"Hindi mo ba nararamdaman?" bigla nitong tanong na kinalito ko.

"Ang ano? Ako ba ang kausap mo?"

"Sino pa ba?" She raised a brow.

"Ahhh, I feel the awkward atmosphere, ikaw?” I honestly said, but not sure if we’re pointing the same.

Her brows arch again. Napatitig siya sa akin gano’n din ako sa kanya. May nasabi ba akong masama? 

Nagulat ako nang bigla siyang tumawa ng malakas.

"What’s funny?"

"Nakakatawa ka kasi. Your straight forward, I like that." She looks so amuse that I found strange. 

"Well, you don't need to like it." I said harshly. Umayos siya sa pagkakaupo sa aking harapan.

"Ahem! Right. What I mean is that this is so romantic right? We're like a couple." Ako naman ang nabilaukan sa sinabi niya.

I mean, out of the blue?! What’s with her?

"Not really." Turan ko hindi pinapahalata ang gulat. Biglang sumeryoso ang mukha niya. Siguradong may masama na naman akong nasabi.

"Para sayo hindi pero para sa akin oo. Ang totoo niyan...” nilapit niya ang mukha na kinaatras ko, “Gusto kita Brandon. Can you like me back?" Halos maiubo ko yata ang baga ko sa gulat sa narinig.

"What?! I think you’re getting ahead of yourself. Ngayon lang tayo nagkakilala at gusto mo na kaagad ako? Imposible." Natawa pa ako roon.

"I won't know your name if ngayon lang tayo nagkakilala. You’re quite popular in our school." She said and wink.

Napaatras ako at napaupo ng maayos, "I don't want to sound rude but, Stalker ka ba? Pasensya na talaga Ms. Uh, sig-ge mauna na ako." Nagmadali akong tumayo at umalis sa lugar na ‘yon. Nakahinga lang ako nang makalayo sa kanya. She creeps out the hell of me.

"Haba ng buhok natin ah? Nag sunsilk ka girl? Haha." my steps halted when my eyes darted to the person who said those. What?! Is she talking about me? 

I set my eyes straight pretending to not notice Brenda, saving myself from humiliation. Nakaupo siya sa gilid habang sumisipol. Too late though. Biglang uminit ang mukha ko sa hiya. 

Narinig niya ang usapan namin ng babae? Tang 'na!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status