Share

Whirlwind Chase
Whirlwind Chase
Author: Daimondeuxe

Chapter 1: Brenda Mariz Delos Santos

PROLOGUE

“If I will give you the right, will you be responsible for my heart?”

It burst me inside, what a way to melt a person’s heart. Little did I know that it’s… unworthy. 

“H’wag mo akong hawakan! Lumayo ka sa’kin! Masaya ka siguro ngayon na nakikitang nasasaktan ako!”

“Ano pang hinihintay mo, Brandon? This is your chance to get even with her.” Ang sulsol na ‘yun ang mas lalong nakapabasag sa puso kong durog na durog na.

It tormented me.

And that instance fueled the whirlwind chase to unfold its pace. 

I run to the unknown direction my situation pushes me to go.

Should I run as fast as I can? Or will I allow myself to be caught in the near future like what my heart whispers?

The school is small but the world is big. Will he… find me?

It all started when...

Chapter 1

Brenda Mariz Delos Santos

Brandon’s POV

Naabutan ko siyang nakayuko sa kanyang lamesa habang may nakalagay na headphone sa kanyang tenga.

The room is silent; everyone is out for the break.

Ilang ulit akong napabuga ng hangin dahil sa bilis ng tibok ng aking puso. 

I keep on walking back and forth undecided to continue. Napatingin pa nga ako sa hawak na notebook at muling binaling ang aking tingin sa kanyang direksyon. 

Ang hangin na mula sa ceiling fan ay nililipad ang buhok na nakatabing sa kanyang mukha. Parang biglang humina ang takbo ng oras habang nakatitig ako sa kanyang maamong mukha.

I didn’t notice that I’m already staring at her.

“Anong tinitingin-tingin mo dyan, Brandon? Gago ka ba? Bakit mo ako tinititigan? Type mo ako noh?” pasaring niya nang mapansin ang aking pagsulyap.

Nagising ako sa pagkakatulala nang marinig ang mala-lalaking basagulero na boses ng anghel sa aking harapan. I can’t believe those words came from her. It’s shameless.

Napaka balahura talaga ng bawat salita na lumalabas sa bibig niya. For a woman, she’s quite different.

Pinanlakihan niya ako ng mga mata nang napansing nakatulala lang ako sa kanya habang nakaawang ang mga labi sa gulat. Bigla akong nanliit sa mga tingin niya. Shame on me too.

“Uhm… A-Ano, kasi tapos ko na ‘yung assignment na pinapagawa mo.” I finally brought up. Damn with my stuttering. 

Nanginginig na inabot ko sa kanya ang notebook na dala ko. My eyes widen when she expertly snatch it from me. 

“Ayos! Maaasahan ka talaga, tol.” Aniya na kumikinang ang mga mata sa tuwa.

Tinanguan niya ako at tinapik ang aking balikat. Napahawak ako sa aking salamin  nang muntik na itong tumilapon dahil sa lakas ng pagkakatapik niya sa’kin na may halong tulak.

“Uhm… s-salamat?” nagdadalawang isip kong bulong na may halong sarkastikong tono, para kasing wala siyang balak magpasalamat man lang.

“Sa susunod ulit ah?” pinasok niya sa loob ng bag ang notebook at nginitian ako. Natulala ako sa ngiti niyang iyon pero mabilis ko iyong winaksi sa isip ko. 

There’s a next time? Anong tingin niya sa’kin taga gawa ng assignments niya? I know I feel different for her but I won’t tolerate students like her.

“Sige, mauna na ako. See you next class.” Paalam niya. I’m left with no words watching her going out.

Brenda Mariz Delos Santos, siya ang siga namin sa klase, the sergeant at arms. Malakas ang loob niya na mangbugbog ng mga kaklase naming lalaki na mas malaki pa sa kanya. 

Hindi siya takot sa kamao, pinagmamalaki pa niya ang mga iyon kapag pumasok siya nang may mga pasa sa bibig at kilay galing sa pakikipag- away. She’s totally not your typical girl.

Buti na lang hindi na siya masyadong nasasangkot sa gulo nitong nakaraan. Sounds unbelievable for me! 

Mahigit kumulang apat na buwan din siyang tahimik. Ano na naman kaya ang pinagkakaabalahan niya? God! I’m so nosy.

As I said, hindi siya typical na babae na kolorete ang palaging inaatupag dahil hindi na niya kailangan ang mga iyon. She’s beautiful at hindi lang ako ang nakaka-appreciate roon. Honestly, kabaliktaran ng maamo niyang mukha ang ugali niya. 

She is a bully pero hindi ko siya magawang pigilan. She is my total opposite too. I am Brandon Emanuel Garcia, the president of our class and a total nerd with glasses minus the braces and books. 

Likas na akong matalino sabi nga nila. Pero nagkulang naman sa lakas ng loob. Matagal ko ng gusto ang sigang babaeng iyon, but I never got the chance to tell her. Mas malakas pa ang loob niya kesa sa akin eh. Halata naman.

I sigh in disbelief.

Brenda’s POV

Patalon-talon ako habang naglalakad papuntang cafeteria. Malaki ang aking ngiti dahil naisahan ko si Mr. Perfect. Alam ko naman talaga kung paano sagutan ang assignment namin. Hindi naman ako masyadong bobita, isa lang talaga ang kahinaan ko—math.

Ginawa ko lang ‘yun dahil gusto kong makita ang nanginginig niyang mukha habang inaabot sa akin ang assignment na ginawa niya.

Ang sayang isipin na  takot sayo ang lahat ng tao sa paligid mo at walang magtatangkang mang-api sa’yo.

Naisipan kong dumaan muna sa locker room para iwan ang mga libro na laman ng bag ko. Natigilan ako sa paghakbang nang makuha ang atensyon ko ng mga estudyanteng nagbubulungan sa gilid ng hallway. 

“Ang hot talaga ni Garcia ano? Matalino na, gwapo pa.” the voice said dreamily and giggled afterwards. 

“I agree. Ang alam ko nga president ‘yan sa klase nila. Sayang at ayaw niyang tumakbo bilang president ng Student Government.”

“Girls, alam niyo ba na wala pang naging girlfriend ‘yan? Imposible ‘di ba?” sunod-sunod ang singhapan nila nang marinig ‘yon sa kasama.

“Oo nga, sa gwapo at talino niyang ‘yan? No worries though, I will volunteer as his first girlfriend, I’m very much willing!” 

“Mga ambisyusa,” bulong ko sa aking sarili habang pinanliliitan sila ng tingin.

Walang magawa ang mga gaga! Pumapasok lang yata para mag-boy hunting. Umirap ako sa iritasyon at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Habang naglalakad ay biglang pumasok sa aking alaala ang mukha niya kanina, ni Garcia. Napahinto ako para mag-isip.

Gwapo nga siya… ang kaso lang… masyadong tahimik at seryoso. Ang mga taong tulad niya ‘yung tipong hindi mo gustong makasama kapag namamasyal, in short mga Kj! Mabo-bored ka lang dahil iba ang trip nila sa pagsasaya.

Binuksan ko ang laman ng locker ko. Pagkabukas niyon ay napaatras ako nang may nahulog na letter. 

Hindi na ako nagtataka kung bakit may naglalagay pa rin ng ganito sa locker ko kahit alam naman nila ang reputasyon ko sa eskwelahan na’to. Mga pabibong estudyante talaga. Tsk!

Binuksan ko ang letter at binasa ang laman. Napakunot ang aking noo nang mabasang kakaiba ang laman ng love letter na ito kesa sa mga nauna. 

Hindi ko masabi kung love letter nga ba ito kasi para lang siyang journal entry ng buhay ko na sinulat ng iba. Ewan!

“Smile often like what you did earlier, You really look happy.”

-B

How does the person who left this note know so much about me? Isa ba siya sa mga taong kilala ko o malapit sa akin? Pero bakit kailangan pa ng ganitong kadramahan? In fairness, nakaka-touch ang English niya ah? And nice penmanship too.

Binulsa ko iyon at sinarado na ang aking locker. Napagpasyahan kong maglakad lakad muna bago pumunta sa next class ko. Habang nalalakad ay nadaanan ko ang grupo nila Clinton na nasa bleachers.

Nagpang-abot ang kilay ko sa tanawing aking nakikita, para silang gang ng mga tropa niya dahil sa mga drug pusher nilang mga mukha na nagkukumpulan doon.

"Delos Santos! Sup man?!" Tinawag ako ni Clinton at kinamay para tumigil sa pwesto nila nang mapansin niya ako.

"Yow!" bati ko sa kanya sabay apir.

"Anong pinagkakaabalahan ni’yo? Wala ba kayong mga pasok? H'wag mong sabihing may balak kayong mag-cutting classes?" sunod-sunod kong tanong habang pinapasadahan sila ng tingin.

"Wow, ang daming sinabi. Ang Judgemental mo naman Santos, bakit pwera ba ganito kami...” Tinuro niya ang kanyang mukha at ng mga kaibigan niya. “... Mga basagulero agad?"

“Nandamay ka pa, gago!” reklamo ng isa nilang tropa.

"Aba, kung makapagdrama naman ang isang 'to, sige ako na ang  jugdmental. Sorry ah? Sorry, sana mapatawad mo pa ako." Panggi-guilt trip ko.

"Tingnan mo nga 'yan ako pa ang nagmukhang masama. Ipagtanggol niyo nga ako." Sumbong niya sa mga kasama.

Hindi kumulang mga walo ata silang lahat, puro malalaki ang mga katawan kaya hindi ko talaga mapigilang mapagkamalan silang gang o school bullies. Mabuti na lang at nakasuot sila ng uniform kundi mas lalo silang magmumukhang nakakatakot. Pero kahit gan’yan ang mga mukha ng mga 'yan alam ko naman na mga mabubuti silang mga tao, hindi nga lang para sa iba na judgemental at mapang-akusa.

"Bakit mo ba ako tinawag? Fifteen minutes na lang magsisimula na ang klase ko."

"Para namang maaga kang pumapasok, late ka nga palagi eh." Bulong ni Mike na hindi nakawala sa aking tenga.

"May sinabi ka, Enriquez?" Sabay nagtawanan ang lahat nang marinig ang sinabi ko.

"Sinong Enriquez 'yan, Santos? Hahaha, excuse me po!" Natatawang tanong ni Kris na halatang gino-good time si Mike. Binatukan naman siya ni Mike dahil sa inis. "Sige, isang hirit pa pababaunan kita ng pasa." 

Natawa na lang ako sa reaksyon niya, "Tama na 'yan Enriquez, Ano? Babatukan mo rin ako? Eh, Enriquez naman talaga ang apelyido mo ah? Ayaw mo no’n, magaling kang TV newscaster?"

Malakas kaming nagtawanan. Para namang bulkang sasabog ang mukha ni Mike nang tingnan namin siya. But we’re not bluffing, dahil siguro ka apelyido niya kaya parehong pangalan na rin ang binigay sa kanya. Malay ba naming malakas trip ng mga magulang niya.

"Ayaw kong makipagsuntukan sa babae, arm wrestling na lang oh! Ang matatalo pipitikin ng sampong beses sa noo." Hamon ni Mike na nagpipigil sa galit.

"Woaaah!!!" napanganga silang lahat sa lakas ng loob nito.

"Ano, Santos? Pagbigyan mo naman tong si pareng Mike. Kapag nanalo siya hindi na natin siya i-bu-bully. Dapat lang di ba?" Saad ni Clinton. Tumango sila sa pagsang-ayon.

"Sige ba, siguraduhin mo na mananalo ka Mike ah, kung ayaw mong..." Nginuso ko ang noo niya.

"Sinong tinatakot mo?" aniya pero hindi makatingin ng diretso sa mga mata ko.

"Wooaah! Lakas ng loob."

"H'wag kang magpatalo, Santos. Kaya mo ang damulag na 'yan!" Bulong niya habang minamasahe ang aking balikat. 

Pinatunog ko ang aking kamao at tiningnan si Mike ng seryoso. May nakakalokong ngisi sa kanyang labi na kinainis ko. Just wait till I get that smirk off your face boy!

"Start!" sigaw ni Clinton. Nag-ingay silang lahat para i-cheer kami.

"Wooooh, ano 'yan?! Magpapatalo ka ba, Santos? Laban!" napatingin ako kay Mike na sini-seryoso talaga ako. Determinadong manalo ang gago.

I grit my teeth and grip the side of the table. Kumuha ako roon ng lakas at mas lalong hinigpitan ang hawak sa kamay niya. Napasigaw siya dahil sa sakit ng pagkakahawak ko. Binitawan niya ang mga kamay ko nang hindi niya na kinaya.

"Woaaahhh! Panalo si Santos!" malakas nilang sigawan habang nagtutulakan pa sa tuwa.

"Yeeeessss!!!" Napatalon ako sa saya. Malaki ang ngiti kong nakikipag-apir nang mahuli ko ang pagyuko ni Mike sa hiya. 

The devil in me came out, "Akin na 'yang noo mo. Ilan nga ulit yun? Sampu ‘di ba?" nagtawanan sila pagkarinig sa tanong ko.

"Dalian mo, pre. Hay nako, natalo ka ng babae oh, paano na ang reputasyon mo n'yan? Pitik lang ‘yan, ‘di mo ikakamatay." tinulak nila ito palapit sa’kin.

"Don’t worry, para lang ‘tong kagat ng langganm, bro, handa ka na?" Biro ko na kina lunok niya

“Isa!” I start laughing.

"Aray! Bakit ang lakas mong pumitik? Babae ka ba talaga? Sabi mo parang kagat lang ng langgam?" natawa kami sa reklamo niya na parang bata. 

"Isa pa nga 'yun eh. Paano kung sampu na? Mawawalan ka na siguro ng malay. Haha!" Pabirong sabi ni Kris.

"Ready? Dalawa!" Pitik ko ulit na mas nilakasan ko pa.

"Tatlo!"

"Apat!"

"Lima!"

"Aaaarghhh!!!" hiyaw niya sabay tulak palayo ng kamay ko. Para naman akong baliw sa kakatawa na napahawak pa sa aking t’yan. Natigilan lang ako nang mapansin ang nanlilisik niyang tingin sa’kin. 

"Pang-anim na 'to Mike, kaya pa? Mukhang mahihimatay ka na ah?" tanong ko nang makita ang sobrag pamumula ng noo niya.

"Anong sinasabi mo? Ituloy mo na! Hooo!" aniya sabay buga ng malakas na hininga. Napangiti na lang ako sa determinasyon niya.

“Okay,” I shrug and continue. 

"Aaaanim!" Pagkalapat ng daliri ko sa pang-anim na pitik ay gano’n na lang ang panlalaki ng aking mga mata nang bigla na lang nabuwal si Mike sa kinauupuan niya. Napatikip ako ng bibig sa gulat. Anong ginawa ko?

"Hala, nahimatay?” niyugyog nila ito. 

“Anong arte ‘yan, pre?” ani Kris na lumapit dito. Mas lalo akong dinaga sa kaba nang hindi talaga ito gumagalaw.

“Nakakahiya ka pre! Dalhin niyo 'yan sa clinic." Hindi ko alam kung sino ang nagsalita dahil hindi pa rin nag-sink in sa’kin ang nangyari.

Parang tumigil ang mundo ko sa nangyari, hindi naman siguro sobrang lakas ng ginawa ko para mahimatay siya ‘di ba? Nahimatay na nga gaga!

"Clinton, hindi naman siguro ako mapapatawag sa guidance office ano?" kinakabahan kong tanong.

"Ano bang sinasabi mo? Mas lalong nakakahiya 'yun para kay Mike kapag may ibang makaalam na nahimatay siya dahil sa pitik ng babae." Pinanliitan ko siya ng mata.

"Gusto mo rin ba?" Saad ko sabay pakita ng aking daliri.

"Ayaw ko nga! D'yan ka na, pupuntahan ko lang si Mike sa clinic." Mabilis niyang iling.

Napakagat ako sa aking labi. Nako naman.

Nakaalis lang ako roon nang matauhang ako na lang pala ang naiwan. Habang naglalakad papunta sa classroom ay biglang nagpantig ang tenga ko sa narinig. Napahinto ako roon. 

"Bakit daw nahimatay?" Nakagat ko ang aking labi, pinag-uusapan nila ang nangyari!

"Pinitik daw kasi ni Delos Santos. Hindi kinaya kaya nabuwal." Bulong ng isang chismosang bubuyog.

"Kaya ayaw ko sa mga babaeng mas malakas pa sa mga lalaki eh. I prefer feminine one." Tinaasan ako ng dugo sa huling narinig.

Aba! Paki niya ba?! Sino ba ‘tong pakialamerong ‘to?!

Hinanap ko kung sino ang nagsabi niyon dahil baka lang gusto niyang magbakasyon sa clinic. Nagpang-abot ang kilay ko habang hinahanap kung sino iyon.

Makita lang kita—shit!

Nanlaki ang aking mga mata sa gulat, hindi makapaniwala nang mapagtanto kung sino ang aking nasumpungan

The hell?!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status