Share

Kabanata 4

Independent

Hinahanap ko ngayon kung saang banda 'yung nakita kong paupahan na apartment...online.Kagabi kasi nag-browse ako sa internet na pwedeng maupahan and luckily, I've found an all girls apartment.It simply means, bawal ang lalaki! At mas pabor ako dito.Hindi naman sa takot ako o ayaw ko sa mga lalaki, hindi lang ako komportable sa kanila.I just don't trust them.Of course except my Dad.

Ive already saw the pictures of the apartment I took, what's inside and I supposed that it's a good and comfortable place.I hope that everything will be okay when I started living there.

And before I search for an apartment, tinignan ko muna ang public school na papasukan ko para malaman ko kung mapapalayo ba ako o mas mapapalapit.Pero sadyang hindi na din ako pinahirapan ng tadhanan, nang may nakita akong apartment na lalakarin lang at sa pagkakalkula ko mga ten minutes lang makakarating ka na sa school.

Habang nagtatanong-tanong ako.May nakita akong Ali na nagwawalis, kaya sya na ang napili kong pagtanungan.

"Good morning po!" Bati ko.

Lumingon naman ang Ali at ngumiti, "Magandang Umaga din sa napakagandang katulad mo iha." Balik ganti nyang sagot.

"Uhm.Magtatanong lang po sana ako kung saan po banda dito iyong Lighten Apartment?" Magalang kong pakiusap.

Ngumiti naman sya at bumaling sa isang 'di kalayuang building, "Nakikita mo 'yung kulay pink na building," sabay turo ng Ali doon. "Ayon na iyon, iha." 

Nagpasalamat naman ako agad.At nakumpirma kong totoong malapit lang talaga sya sa papasukan kong school.

Pagkarating  ko sa building, medyo may kalakihan ito pero nailang lang ako ng kaunti sa kulay nya.I don't hate pink, it's just my eyes first love color is gray and I think that's normal for a girl.Every girl definitely don't have the same taste of color and with everything.

isang pindot ko lang sa doorbell, bumukas naman agad ang pinto.Hindi na ako nagulat na may security guard ito.Kitang-kita na ko na hindi lang pipityuging apartment ang napuntahan ko.

"Ano maipaglilingkod ko, Ma'am?" Agarang tanong ng Guard na tingin ko nasa mid 40's at may kalakihan din ang katawan.With the way he spoke and stand, I believe he has an experience being a bodyguard.

Tinignan ko muna ang aking paligid kasi pakiramdam ko may sumusunod sa akin kanina pa.

Nang wala naman akong mapansing kakaibang kilos ng mga taong nandoon.

Tumingin na 'ko kay Guard, "Hmm.Ako po 'yung nag-inquire online dito po sa Apartment niyo, bagong tenant niyo po."

Pinakita ko naman kay Manong Guard 'yung katibayan na tapos na'kong makipag-transaction sa manager ng apartment.

Tinignan nya naman ito, "Saglit lang po Ma'am, tawagan ko lang po ang Manager," pagpapaalam ni Manong Guard na ikinatango ko nalang.

Tahimik lang akong nakatayo at rinig ang usapan nila ng manager.

Pagkababa ni Manong sa telepono.Binalik nya naman ang kanyang tingin sa'kin. "Pupwede na po kayong pumasok Ma'am.Diretsuhin niyo nalang po iyang entrance at maupo muna kayo sa receiving area.Pababa na din po si Manager Lou," sabay bukas niya ng gate para makapasok na ako ng tuluyan.

"Salamat!"

Naupo muna ako sa kanilang pang-isahang sofa habang inaantay ang Manager.Nakakapanibago lang kasi masyadong tahimik ibang-iba sa pagkakaalam kong apartment.

Nang makita ko ang isang babae na nasa mid 40's naglalakad, sya na siguro ang manager.Si Manager Lou ang kausap ko kagabi through message nga lang, so, I don't have any idea what she looks like.Maihahalintulad ko sya at ang awra nya sa mga napapanuod ko sa TV na isang maniningil ng mga paupahan.

"Good morning, Miss Vein!" bati nya agad. "Nice to finally meet you." She offered her hands and I shook it.

"Sa inyo din po," tipid ko nalang na sambit.

"Handa mo na bang makita ang iyong tutuluyan?" Agaran nyang tanong.

I give her a nod.

Habang naglalakad kami.Di ko maiwasang mamangha sa bawat kuwartong aming nalalagpasan.Hindi talaga ito basta-bastang apartment.May kamahalan man ang bayad pero sapat na 'yon kung ganito naman ang madadatnan mo at titirahan mo.Sobrang tahimik at malinis.

Pagkatapat namin sa isnag pinto, binuksan agad ito ni Manager.Ito 'yung nakita ko sa page nila.At mas maganda pa pala ito sa personal.Hindi nga ako nagkamali.

"Ito ang magiging bahay mo dito.Ayaw kong sabihing kuwarto kasi kung kuwarto malamang sa malamang walang receiving area, kitchen, Cr at sariling kuwarto." Seryosong sambit ni Manager Lou.Hindi ko alam kung nagbibiro ba sya o talagang ganyan sya magsalita.

"Kompleto na din appliances mo dito," pagpapatuloy nya. "May coffeemachine, blender, oven, refrigerator, aircon, rice cooker, electric fan, TV.PERO," pagbibigay diin nyang sambit. "Ang rules ay rules once na may masira palitan agad iyong eksakto din sa bagay na nasira.Nagkakaintindihan ba tayo?" Nakita kong tumaas ang isang kilay niya kaya hindi talaga sya nagbibiro.

"I understand, Ma'am." Simpleng sagot ko.

"Okay next! Sa pagtanggap naman ng bisita, naiintindihan mo naman siguro ang exclusively for girls.Bawal ang lalaki! Ang oras sa pagtanggap ay 8:00 am to 8:00 pm pero ang pwedeng itagal lang ng bisita ay 2-3 hours 'yung isang oras bunos na 'yon." Pagpapaalala nya.

Isinaulo ko nalang lahat ng sinasabi niya mamaya ko nalang aalalahanin.

"Okay last na, sa bayarin naman," pagpapatuloy nya. "Wala na tayong poproblemahin doon kasi ang Tatay mo na ang magbabayad doon."

Napatango naman ako.Sabi ni Dad sya na daw ang bahala sa pagbabayad ng renta para hindi ko na daw isang isipin.And I thank him for that.

May inabot naman na isang susi sa akin si Manager Lou.

"Ito na ang susi ng bahay at kuwarto mo.Kung gusto mong padagdagan ang lock ng kuwarto mo okay lang pero gastos mo.Ang duplicate naman ng mga ito ay nasa akin, kaya kung mawala man ang susi mo hanapin mo lang ako.And finally, welcome to Lighten Apartment!" Pagtatapos niya.

"Thank you, Ma'am." At tuluyan na syang lumabas ng wala ng binibitawan ni isnag salita.

Nagtungo ako agad sa magiging kuwarto ko at hindi na masama may dalawang naglalakihang cabinet na para sa mga gamit tulad ng damit, queen size bed, sliding window, computer table, shoe rack at ang pinaka-favorite ko.....balcony.Ngayon palang nakikita ko na ang magiging buhay ko dito mapayapa malayo sa gulo.Pagkatapos kong libutin ang kabuuan ng bahay, napagdesiyunan kong ngayon na'ko lilipat para di na'ko mamahay.

Bitbit ang aking susi, sinarado ko na ang main door.

Bago ako lumabas ng gate, pinaalam ko na din kay Manong Guard na kukuhanin ko lang mga gamit ko, kasi ngayon na din ako lilipat.

Natigil lang ako sa paglalakad ng mapansin kong may kotseng nakaparada sa harapan ng apartment.Hindi ko naman ito kilalang kotse, napansin ko lang kasi kulay gray.Itutuloy ko na sana ang aking paglalakad ng bumisina ito.Kaya napalingon ako ulit.Siguro may inaantay syang nangungupahan din sa Lighten.

I just shrugged my shoulder and continue walking.Sa isip-isip ko ang suwerte naman ng sasakay don mukhang bagong labas.

Tatawid na ako para makapunta na sa sakayan ng jeep ng biglang may bumusina sa gilid ko, ito pa din 'yung gray na kotse.Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at nilapitan ko na agad ang driver ng sasakyan.

Akmang kakatukin ko na ang bintana nang bigla na lamang itong bumukas.At laking gulat ko nang makita ko ang driver si-

"Rous?" 

Anong ginagawa nito dito.At bakit nya ako sinusundo sa pagkakaalam ko 'di ko naman ito close.Naaalala ko nanaman 'yung kapalpakan ko noong isang gabi.

"Get in!" Seryosong utos nya ng di manlang ako tinitignan.Itong isang 'to kala mo ang tanda na kung kumilos at magsalita e, matanda pa nga si ate dito ng isang taon.

Nagtataka pa din ako ba't sya nandito kaya di pa rin ako umalis sa puwesto ko.Tatanungin ko nalang, sana sumagot 'di pa naman ito palasalita. "Sinong nagsabi na sunduin mo 'ko? Sinabi ko naman na kay Mommy na kaya kong mag-commute."

Umigting naman ang kanyang panga saking sinabi. "Maisasakay mo ba ang gamit mo sa pag-c-commute?" Wika nya na parang nauubusan na ng pasensya.

"Eh sinabi ko naman na kay Manong na ipag-d-drive nya ako sa pagbubuhat ng mga gamit ko," depensa ko.

"Pupunta ba ako dito kung nandito si Manong." Pabalang nyang sagot.

Hindi ko alam kung sinasagot nya mga tanong ko o pinag-iisip nya lang ako.

Naguguluhan man sa logic nya at medyo nahihiya pa ay pumasok nalang din ako sa loob ng passenger seat.Ngayon lang kami naka-encounter ng ganito katagal kasi 'di talaga kami close.I literally know him by his name and that's it! Wala na akong alam sa kanya.

"Papasok din pala dami pang tanong." Rinig kong bulong nya.Di ko nalang binigyang pansin.

After wearing my seatbelt.Hindi ko maikakailang kung anong ikinaganda sa labas ng sasakyan mas dumoble naman sa loob at ang bango pa.

Tahimik lang kami habang patuloy lang na tinatahak ang kahabaan ng EDSA.Medyo malayo-layo kasi ang apartment ko sa bahay namin.

"Bakit ka bubukod?" Dinig kong tanong nya na nasa daan pa din ang tingin.

Medyo di pa din ako makapaniwala na kasama ko sya ngayon.His presence makes me nervous and I'm not comfortable to be with him.

"I'm asking you!" Diing wika nya.

Napaayos naman ako ng upo sa gulat. "Gusto ko lang.Si Dad, sya ang may gusto na bumukod ako.Kaya tinanggap ko na din, sino ba naman ako para tanggihan ang instant freedom diba?" tuloy-tuloy kong wika sa kanya at pakiramdam ko sasabog na ang dibdib ko sa kaba.

Inaantay ko kung may sabihin pa syang muli o itanong pero tingin ko wala na.Sapat na siguro yung sagot ko.

Pagkatapos ng mahabahabang byahe.Narating din namin ang bahay namin.

Bababa na sana ako pero ayokong maging bastos.Tumingin muna ako kay Rous at ngumiti ng pilit, "Uhmm...salamat.Sige mauna na ako." 

Pagkababa ko akala ko didiretso na sya sa bahay nila kasi ilang blocks lang naman layo ng bahay nila samin.Nakita kong nagbabalak din syang bumaba.

"Hindi mo na kailangang bumaba," pagpipigil ko sa kanya.

"Hindi ko pa din kasi tapos 'yung mga iniimpake ko.Baka matagalan pa ako.Magpahinga ka na muna sa inyo, tapos tatawagan ko nalang si Tita Sabel kung aalis na tayo," dirediretsong pagpapaliwanag ko.

"Bawal na palang pumasok sa bahay niyo?" He sarcastically asked.

Napayuko naman ako dahil sa pagkakapahiya.

Wala na akong nagawa nang itinuloy nya na ang kanyang pagbaba at nagdire-diretso papasok sa loob ng aming bahay.

Huminga muna ako ng malalim bago sumunod sa kanya.

Naabutan namin si Dad at Mom na nasa sala......nagkukuwentuhan.Sunday kasi ngayon kaya rest day nila.Minsan 'yung Sunday, family day din namin pero simula noong makatungtong ako ng Junior High school madalang na namin iyon na ginagawa.Hindi ko alam basta bigla nalang nagbago ang lahat.

Agarang napatayo si Mom nang makita nila ang aming pagdating, "Oh.Nandito na pala kayo.Iho, baka nauuhaw ka.Anong gusto mong inumin?" Tanong ni Mom.

Iling lang naman ang isinagot ni Rous.

"Sasamahan ko po sana si Vein na tapusin 'yung iniimpake nya," turan nya na ikinalaki naman ng dalawang mata ko.Baliw ba sya??

Tahimik at nananantya lamang na nakatingin sa amin si Mom at Dad, inaantay ang susunod na sasabihin ni Rous.

"Kung okay lang po na pumasok ako sa kuwarto niya," paghingi nya ng pirmiso.

Napaubo naman ako ng kunwari para maagaw ko ang pansin ng magulang ko. "H-huh...eh..ano po ang ibig niya pong sabihin, magpapahinga daw muna sya sa guest room bago-" hindi ko na naituloy ang aking sasabihin ng marinig namin ang sagot ni Dad.

"You can, Rous." Tipid nyang wika.

Ganun nalang iyon Dad???

"Thanks Tito!" Nilingon nya naman ako, "Let's go!" 

Nauna nanaman syang naglakad paakyat pero bago pa man ako makasunod, binigyan ko muna ng hindi maipaliwanag na ngiti ang aking mga magulang.

Pagka-akyat ko sa taas naabutan ko nalang si Rous tuloy-tuloy na pumasok sa aking kuwarto.What the! Naloloka na ako sa kinikilos nitong kupal na ito.Kaya dali-dali akong naglakad papunta sa loob.Nakita kong tinatanggal na niya ang mga gamit sa ibabaw ng kama ko at pinapatong lahat yon sa maliit kong sofa.

Lumapit agad ako sa kinaroroonan nya, "Anong ginagawa mo?" Tanong ko na may halong inis.Pinag-t-tripan nya ba ako??

"Magpapahinga." Napaawang nalang ang aking bibig nang makita kung tinatanggal nya ang kanyang sapatos at humiga na sa aking kama.

"Bumangon ka nga dyan marurumihan ka puro alikabok nandyan.Doon ka nalang sa guest room," I suggested.Pero parang wala syang narinig.

"Pakigising nalang ako kung tapos ka na." 

Napabuntong hininga nalang ako, "Paano ako magliligpit kung matutulog ka dyan, maiingayan ka dito.Doon ka nalang kasi sa guest room," pangungumbinsi ko.Gustong-gusto ko na syang kaladkarin o itulak sa kama ko.

Wala na kong matanggap na sagot.At doon ko napagtantong tulog na pala ang kupal.Ang bilis naman 'yung kakahiga mo lang pero nilamon ka agad ng antok.Bilib na talaga ako sa taong 'to.Akala mo Luzon to Bicol ang binyahe pagod na pagod.Tsk!

Wala na akong nagawa kundi hayaan sya.Sininop ko nalang ang aking mga gamit na 'di pa tapos iligpit.Hindi ko naman dadalhin lahat ng aking damit iiwan ko na 'yung mga hindi ko naman masyadong ginagamit tas 'yung mga napaglumaan ko na.Sa sapatos at sandals naman tigli-limang pares lang.

Nang halos matapos na ako sa aking ginagawa.Nakita kong bumukas ang aking pintuan.Inaantay ko kung sinong papasok.

It's Mom.Sinenyasan ko nalang sya na dumiretso na papasok.

Pagkalapit nya sa akin.Napatingin naman sya kay Job na natutulog. "I thought he's going to help you?" Mom whispered.

"Naniwala naman kayo agad, Mom," sagot ko.

Habang isinasara ko na ang mga kahon.Tahimik lang si Mommy sa tabi ko kaya't hindi ko maiwasang magtanong. "Mom, hindi ba kayo nagtataka bigla-bigla nalang syang nagiging malapit sa akin?"

Lumingon naman si Mom kay Rous.Tulog na tulog pa din ang hari. "Hindi naman, Vein.Natutuwa pa nga kami kasi mukhang magkakaroon ka na ng kaibigan," masayang pahayag ni nya.

Hindi nalang ako nag-react.Hindi ko din naman talaga alam kung anong sasabihin ko.Kaya nang matapos akong ligpitin ang mga gamit ko, iniwan muna namin ang natutulog na si Rous.Inaya kasi ako ni Mommy para makapagmeryenda kasama si Dad.At kakausapanin or more on bibilinan na daw muna nila ako bago umalis.

Pagkaupo naming tatlo sa garden.Di ko maiwasang kabahan sa paninitig ni Dad.Kaya napainom ng juice na nasa tapat ko ako ng wala sa oras.

"Iha alam kong mahirap ang tatahakin mong iyan ang pagiging independent.Biruin mo mauunahan mo pa ate mong bumukod.Tutol man ako pro alam kong kakayanin iyan.Kung nahihirapan ka na,nandito lang kami.Mahal na mahal ka namin," pagbibigay mensahe ni Mommy.

Hinawakan ko naman ang kamay niya at pinisil. "Thank you, Mom!" I sincerely said.

Tumikhim naman si Dad.Kaya napunta sa kanya ang atensyon namin. "Ang napag-usapan ay napag-usapan, Vein," seryosong saad nya. "Ako ang magbibigay ng budget mo.At asahan mong maraming mababago.Kung kinapos ka man tawagan mo lang ako, ayokong humingi ka sa iba o sa Mommy mo," sabay lipat ng kanyang tingin kay Mommy.

"Nagkakaintindihan ba tayo Vein?" tanong ni Dad.

Tumatango naman ako. "Yes Dad!"

Marami pang naging bilin ang mga magulang ko, parang gusto ko nalang na hindi na tumuloy.Sa mga bilin palang kasi nila parang ipinapahiwatig nilang pagkabalik ko sa aking apartment dirediretso na ang paghihirap ko.Siguro ganito lang talaga 'yung unang mararamdaman mo puno ng what if pero isa lang ang mapapatunayan ko kakayanin ko ito.

Natigil lamang ang pag-uusap namin nang makita namin si Rous....papalapit sa amin.

"I'm sorry to interrupt you," paumanhin nyang wika.

"It's okay iho, we're already done talking," agarang sagot naman ni Mommy.

"Is it okay if we can go now?" He carefully asked.

Tumango naman si Mom at Dad.Niyakap ko naman silang dalawa sa huling pagkakataon bago sumama kay Rous.

At sa araw na ito magsisimula ang pagiging isang ganap na independent ko.Finally, I have my freedom!

New place.

New People.

New Challenges.

New Life.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status