Share

Kabanata 12

A night with him

"I thought ubos na mga 'yan?" Ani Kuya Orid.

"Tangina nakabuo nanaman ata sila ng panibagong grupo." Gigil na wika ni Zach.

"For what?" Tanong naman ni Jeard.

"Edi para ituloy tayong patumbahin." Sambit ulit ni Zach.

Nasa meeting room kami ngayon ng kompanya nina kuya Orid.Dito kami dumiretso pagkatapos ng nangyari.

Kanina pa ako palipat-lipat ng tingin sa tatlo, naguguluhan.Pero pinili ko nalang na manahimik at pilit nalang na iniintindi ang kanilang pinagsasabi.

"At una nilang target si Five," wika ulit ni kuya Orid sabay pasada ng tingin sakin.Lumingon naman si Rous kay kuya Orid na animoy may ginawang kasalanan.

Hindi ito pinansin ni kuya Orid.Itinuloy nya ang ideyang kanyang nabuo. "I don't know what they know about her but I'm sure  they want her gone or if they'll not succeed surely, be part of their group."

Ano namang kinalaman ko dyan? Doon na ako umalma.

"What do you mean kuya Orid, may mali ba akong ginawa?"

"Silly, of course nothing." Sagot nya.

"But, you did something." Pang-aagaw na pahayag ni Rous.

"H-huh?" naguguluhan kong wika.

"He only means, because of your skills nakikitaan ka nila ng pagbabanta." Pagpapaliwanag ni Zach.

Ano ako, gold? Wala namang espesyal sa akin.

"Let's just report this to president, before everything will be a mess," pagtatapos ni kuya Orid.

"Tamang-tama padilim na." Sang-ayon naman ni Zacharious. "Wait, saan ka pala tutuloy, Five?" Takang tanong niya.

"I got her." Simpleng wika ni Rous.

Muli nanamang tumibok ang puso ko ng paglalakas-lakas hindi sa kaba, pero hindi ko din maipaliwanag kung ano ito.Kailangan ko na talagang magpacheck ulit kay Doc Lazaro.

"Dahan-dahan lang bro.She's still a minor," wika ulit ni Zacha na may halong kalokohan.

"Fuck you!" Malutong na pagmumura ni Rous.Tumayo na sya at ako'y kany namang nilingon, "Let's go."

Kahit clueless pa rin sa aking mga naririnig.Agaran din akong tumayo.Nagpaalam muna kina Kuya Orid at Zacharious na parehong natatawa bago tuluyang sundan si Rous.

Pagkalabas namin sa building, binalot agad ako ng lamig.Isang buwan nalang kasi at ber-month na din kaya sa tuwing nalalapit ang pasko, nalalapit na din ang aking kaarawan—unang araw ng Desyembre.

Pagkapasok namin sa kanyang sasakyan.Tahimik lang kami pareho.Hindi ko alam kung anong kanyang iniisip.Gustohin ko man itong basahin pero alam ko wala din akong mapapala.

Diretso lang naming tinatahak ang kahabaan ng highway.Hindi ako masyadong pamilyar sa daan pero alam kong isa lang ang aming destinasyon, condo ni Rous.

Siguro naman may guest room sya.Hindi kasi ako sanay na may katabi matulog.Don't get me wrong! I'm just stating facts.Hindi ko naman gugustuhin na makatabi sya.May tiwala man ako sa kanya still, he's a man.Mabuti ng mag-ingat.

Maalala ko lang wala pala akong dalang gamit, kailangan naming pumunta sa apartment ko, kukuha lang ng damit.

"Ehem!" Kunwaring ubo ko para maagaw ang kanyang atensyon.Hindi naman sya lumingon, diretso pa din ang kanyang pagmamaneho gayunpaman alam kong narinig nya iyon.

"Pupwede bang kumuha muna ako ng gamit sa apartment ko?" Pagtatanong ko.

"Delikado pa." tanging sagot nya lang.

Nanahimik nalang ako.Wala akong choice kundi susuotin ko itong damit ko hanggang bukas.

Napabuntong nalang ako sa aking naisip.

"You can use my clothes if that's what you're worrying at." Sambit niya na diretso pa din ang tingin.Is he a mind reader or halata lang sa mukha ko kung anong gusto kong ipahatid? Nevermind, I chose the latter one!

"Okay." Mahinang wika ko.Bago umayos ulit ng upo at humarap na sa bintana.

Hindi naman ako maarte sa damit.I could wear anything as along as it's clean.

Naramdaman kong huminto na ang sasakyan.Nasa tapat na kami ngayon ng isang napakalaking building na may nakaukit na sinadyang malalaking letra sa gitna ng building.

ARAÑDIA

Cool!

Kung 'di ako nagkakamali pag-ma-may-ari ito ng pamilya ni Rous.

Pagkapatay nya ng sasakyan.Sabay na kaming lumabas.Sunod-sunuran lamang ako sa kanya hanggang sa makapasok kami sa loob ng building.

Namamanghang inilibot ko ang aking paningin sa loob.Ito ang kauna-unahan kong makapasok sa ganitong lugar.Alam ko may ganito din na pagmamay-ari ang mga magulang ko pero ni minsan hindi ko pa ito napupuntahan at walang balak puntahan.

Wala naman akong interest sa kung anong mga negosyo nila.Basta ang alam ko lang isa sila kasama ang mga Arañdia na kilala sa business world.

Lahat ng nadadaanan naming mga empleyado binabati si Rous ngunit ni isa wala syang binati pabalik.

Wala naman akong nakikitang mali sa mga empleyadong hindi nababati pabalik, siguro normal na sa kanila na ganito bumati pabalik si Jeard—walang reaksyon!

Pagkasakay namin sa elevator.Walang nagtangkang sumabay sa amin.

Perks of being the son's owner, huh?

Tahimik lang kami sa loob.Napapansin ko kanina pa sya tipa ng tipa sa kanyang cellphone.

Nang maalala ko si Tayl, hindi ko pa pala sya na-a-update, shit!

Kinuha ko ang aking cellphone sa loob ng aking bag, at binuksan ito.At kung mamalasin ka nga naman, oh...lowbat pa! Bigong ibinalik ko nalang ito sa aking bag.

Bumukas ang elevator, hudyat na nasa tamang palapag na kami.

Diretso lang ang lakad ni Rous, nasa likod nya lang ako nakasunod.Huminto na sya sa pinakahuling pintuan.At pansin ko lang, medyo iba ito sa lahat ng pintuan sa palapag na ito.

Kita kong sinwipe na ni Rous ang kanyang card bago ito tuluyang bumukas.

Tumambad samin ang walang kabuhay-buhay na condo ni Rous.Ano ito? Kay lawak-lawak wala manlang ka desi-desinyo?

Kung tutuusin maganda at malawak ang condo ni Rous, nagkulang lang sa disenyo.Pero hindi ko maitatanggi na lahat ng kagamitan at mga appliances dito ay de kalidad.Kitang-kita naman sa mga tatak.... branded!

Habang patuloy pa din sa pag-iikot ang aking mga mata. "May guest room ka?" Hindi ko na napigilang itanong.

"Sakin lang ang lugar na ito, bakit kailangan ko pa ng guest room?" Balik tanong na sagot nya.

Sabi ko nga, sa living room na ako matutulog.Malaki naman itong couch nya kahit magpagulong-gulong pa ako dito.

"Wait here, I'll prepare your clothes." Sambit nya ng hindi na ako sumagot pabalik.

Tumango lang ako at naupo sa couch na pagkalaki-laki dito sa living area.Nakita ko syang isang pintuan.Hindi ko napansin iyon, iisa lang pala ang pintuan na mayroon dito.Binatunakan ko naman ang sarili ko.

Nagugutom na ako.Ano kayang ipapakain sa akin ni Jeard, bisita ako kaya dapat 'yung mabubusog ako.

Naghintay pa ako ng mga ilang minuto ng bumukas muli ang pintong pinasukan ni Rous.

"You can use the bathroom inside.Nasa ibabaw lang ng kama ko 'yung damit." Anunsyo nya.

Tumango naman ako na parang isang masunuring bata.

"Pagkatapos mo, tumuloy ka sa kusina." Saad nya.Umalis na sya ng walang binibitawang salita at naglakad na papasok sa kusina.

Ako naman ay naglakad n papasok sa kanyang kuwarto.

It's my first time to see and step in, on a man's room.Kaya hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko.

It seems like, mens room are more like plain than woman's room.Ang nakikita ko lang ay kama kung saan may nakapatong na damit, isang working table, may isang maliit din na sofa, tv na nakadikit sa wall and hmm may nakita akong dalawang pinto.I think it's the walk in closet and bathroom.

Una kong binuksan 'yung medyo malapit sa banda ko.

Wow! It's a walk in closet.Binuksan ko isa-isa ang mga aparador and it amaze me more when all the clothes were folded in a clean and net one.All the t-shirts, shorts, pj's, boxers, are all separated accordingly to their colors.Yung mga nakahanger naman yung mga panglakad like long sleeve, jacket, Americana.

Pagkatapos kong isara ang lahat ng aparador.Lumabas na ako ng maalala kong hindi pala ito ang pinunta ko dito.

Akmang isasara ko na ang pintuan, nang mapatalon ako sa gulat.

"Shit!" Habang hapo-hapo ko ang aking dibdib.

Nasa gilid ko lang naman si Rous.Nakatingin sakin na parang may ginawa akong mali.

Umiling-iling naman ako, "W-wala a-akong ginawa.Na-namangha lang ako sa nakita ko." Nagkanda-utal-utal ko ng wika.

May kinuha sya sa ibabaw ng kanyang kama....cellphone. 

"Maligo ka na." Sambit lang nya bago lumabas ng kuwarto.

Huminga muna ako ng malalim bago kunin ang damit na aking susuotin sa ibabaw ng kama at tumuloy na sa banyo.

Halos same lang naman kami ng banyo sa bahay namin.May bathtub, sink in, maliit na mirror, shower at napapalibutan ng salamin.

Wala naman sigurong CCTV dito.

Binuksan ko na ang shower at binilisan ang pagligo, kukunin ko na yung sabon pati shampoo kaya lang panlalaki.Mag-aamoy lalaki ako nito, pero naglagay pa din ako sa aking palad, mabango naman sya kaya lang sobrang panlalaki talaga ng amoy.

Pagkatapos kong magbanlaw kinuha ko na agad yung itim na tuwalyang nakasabit.Inamoy ko muna ito bago ginamit, bagong labas, malinis.

Nang matuyo na ako, sunod kong kinuha ang aking susuotin.Isang itim na t-shirt na may nakakatak na Westlelife at isang boxer short na itim.

Isinuot ko nalang ito ng walang pag-aalinlangan.Mas mabuti na ito kaysa hindi naligo.

Umabot hanggang tuhod ang aking damit kaya Hindi din kita ang boxer.Sunod kong tinignan ang aking harapan, hindi naman sya halata.Di naman kalakihan ang hinaharap ko.Nang masiguro kong okay na lahat.Isininop ko naman ang damit ko at inilagay ito sa gilid.

Pagkalabas ko ng banyo, diretso labas na din ako ng kuwarto at tuloy-tuloy ng pumasok sa kusina.

Naabutan ko si Jeard na naghahalo ng kung ano sa harap ng kalan.Gusto ko sana itong tignan kaya lang medyo may kataasan ito, hindi ko din abot.

This is one of my flaws, my height.I hope na hindi natitigil dito ang katangkaran ko.I'm a flat 5, and that's not okay for me.

Napili ko nalang na maupo sa counter.Medyo nahirapan pa ako bago tuluyang maka-upo.Pagkaupo ko nakarinig naman ako ng isang napakalalim na halakhak.Nang tignan ko naman kung saan nanggaling iyon, bumalik agad ito sa walang ekspresyon.

Napairap na lamang ako sa kawalan.

Inihiga ko ang aking ulo sa lamesa.Nag-collab yung gutom at antok ko.

Habang nakadayukod ang ulo, naisip ko bigla yung mga nangyari kanina.Stalker na may katana at device na hindi ako pamilyar, panibagong grupo, ako ang target o maging miyembro.Kung aking pag-dudugtong-dugtungin.Isa lang labas nito, delikado ngayon ang buhay ko.

Grrr! Sinabunutan ko ang aking basang buhok na walang suklay sa aking naisip.

Nabaling lang ang aking pag-iisip ng may maamoy akong mabango sa harapan ko.

Umayos agad ako ng upo at nabuhayan dahil sa naamoy.

Adobo!

Inabutan naman ako ni Rous ng plato kaya't kinuha ko ito.Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras, kumuha na ako agad ng kanin at ulam.

Nagsisimula na akong kumain nang mapansin kong wala pang kanin sa plato ni Rous 

Nasa may gilid ko pala ang lalagyan ng kanin na hindi ko naibalik sa gitna.Inaabot ko naman ito sa kanya bago tumuloy sa aking pagsubo.

Hindi ko na alam kung ilan ang nakain kong hiwa ng manok basta ang alam ko sobra akong nabusog.

"Masarap kang magluto, may future ka pwede kang maging chef." Masayang pahayag ko kay Rous na tuloy pa din sa pagkain.

Ngayon lang ako medyo nahiya, bawat pagsubo kasi ni Rous kalkulado.Para syang babae kong kumain.

Inabot nya ang kanyang baso at uminom dito. "Attorney." Tipid nyang at nagpunas ng bibig, tapos na syang kumain.

"Wow! Attorney pwede din bagay mo." Muli kong wika.

"Hmm how about you?" 

"Agent, kung hindi papalarin kriminal nalang," biro ko.

Hindi naman sya natawa.Umigting lang panga nya pero hindi natawa.Kaya bumaba na ako sa upuan, ako nalang magliligpit sya na kasi nagluto.. nakakahiya.

"H-huh ako nalang magliligpit.Para makapagpahinga ka," pagpi-presinta ko sa kanya.

Tumango naman sya bilang pagpayag. "Kung abot mo." 

Pwede namang pumayag ng walang pang-iinsulto diba?

Sinimangutan ko naman sya. "Sabi ko nga ikaw nalang."

Hindi ko na inantay ang muli nyang sasabihin.Lumabas na ako sa kusina at dumiretso sa living area, naupo sa couch.Biglang bumalik yung antok ko kaya humiga na ako.

Inunat ko ang mga paa ko.Ang lambot ng couch, nakakarelax.Kinuha ko naman yung isang unan para yakapin.At unti-onti ng bumibigat ang talukap ng aking mata kung hindi lang nagsalita ang nasa tapat ko dahilan ng aking pagmulat.

"What are you doing here?" Takang tanong niya.

"Sleeping." Sagot ko at muling pumikit.

"Who said you're sleeping here?" Panibagong tanong nya.

"Me." Muli kong sagot.

"Get up! No one's sleeping here.Sa kuwarto ka matutulog." Pahayag nya bago kunin ang yakap-yakap kong unan.Napatayo naman ako sa narinig.

"No! I'm not going to sleep beside you.I'm only sixteen for your information."

"And so?"

"And so?" Ulit ko sa sinabi nya. "We can't do that!"

"What do you mean 'that'?"

"You know what I mean." Irap ko sa kanya.

"We will just sleep and nothing will happen including your 'that'." Paninigurado nya.

"No.A-yo-ko!"

"Do you trust me?"

"Of course, I do!" Mabilisan kong sagot.

"Then, end of discussion.Come on!" Nagtitimping wika nya.

Pinaalalahan ko ang sarili ko na kaya ako nandito kasi nanganganib ang buhay ko pero heto ako ngayon nakikipagmatigasan sa taong kakaligtas lang sa buhay ko.

I know he wants to protect me, and he can't do something improper he was protecting.Ano pang silbi ng pagtatangol nya sa akin, kung sa huli sya lang din ang magpapahamak sa akin.Right?

Kaya napagdesiyunan ko ng tumayo at mauna nang maglakad patungo sa kanyang kuwarto.

Pagpasok namin sa loob.Tumingin naman ako sa kanya nang may makalimutan ako.

"Hmm do you have a spare tooth brush?" Walang hiya-hiyang tanong ko.

"Follow me." 

Naglakad sya papasok sa loob ng banyo.May kinuha sya sa isang cabinet.

"Here," sabay abot nya sa akin ng isang kulay itim na toothbrush.

"Salamat."

Hudyat na iyon para lumabas na sya.At ako naman ay dumiretso na din sa sink in.

Pagtatapos ko, lumabas na din ako agad kasi alam kong maliligo din sya.

Nakita ko syang nakaupo sa kama habang hawak nanaman ang kanyang cellphone.Napaangat sya ng tingin sa akin bago tumayo.

"Matulog ka na." Pahayag nya.

Tumango lang ako at dumiretso na sa kama.May pag-aalinlangan man, panghahawakan ko nalang ang tiwala ko sa kanya.

"Don't worry, I'll sleep in the couch.Goodnight!" Muli nyang pahayag bago dumiretso sa banyo.

Nakahinga naman ako ng maluwag sa kanyang pahayag.Aminin ko man, hindi ako nakakatulog ng maayos pag may katabi... lalo na lalaki.

I want to thank him for treating me like this.When he's being around, he doesn't want me to feel uncomfortable.Palagi nalang syang nag-a-adjust pagdating sa akin.Inuuna nya palagi kapakanan ko.He totally respect me.

We're not friends and we're not close neither.We're just two people who can both trust each other.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status