Share

Who's at Fault
Who's at Fault
Author: kapenang

Simula

Sa mundong ating ginagalawan kung mahina ka,talo ka! Kung mahirap ka,talo ka! Kung wala kang hitsura,talo ka! At kung matalino ka pero di ka naman pinapakinggan talo ka pa din.

Tanggapin na lang natin na hindi LAHAT ay kayang umintindi at maka-appreciate.

Ang pangit lang kasing pakinggan na kung sino pa may itsura sila pa yung mas lalong kinikilala,kung sino pa sapat na ang yaman,sila pa yung mas yumayaman pa at madalas kung sino pa yung mga kurakot at may masasama ng nagawa,sila pa yung pilit na ipinagtatanggol ng iba.

Oo! Alam ko,matagal ko nang alam!

Na kung naipanganak ka sa mundong ito asahan mo na ang samo't-saring reaksyon ng lipunan sayo.May magawa ka mang mabuti,may napatunayan ka man,may naipaglaban ka man na iyong naipanalo.Lahat 'yan mabubura ng parang bula pagka ikaw na ang nagkamali na kahit isang beses man lang.

Hirap maging ikaw sa mundong ito,ibubuka mo palang ang bibig mo may nanghuhusga na agad sayo!

Nakakatakot na din kumilala ng ibang tao.Hindi mo namamalayan sila na pala ang dahilan ng ikakabagsak mo.Hindi mo na alam kung sinong paniniwalaan mo,kasi kahit sarili mong pamilya kaya kang baliktarin mapatunayan lang na ikaw ang mali at sila ang tama.

Nakakalungkot lang isipin na kahit nasa realidad tayo ultimong sarili mo,di mo na lubosang mapagkatiwalaan.

Namumuhay ako na may punong-puno nang hinanakit sa lahat ng mga taong nakapaligid sa'kin.Pinipilit kong baguhin ang pagkakakilanlan nila sakin matanggap lang nila kung ano ako.Ngunit hindi ko lubusang inisip na kung ikakabuti ko ba ang pagbabagong ito o  mas ikakasama ko pa pala.

Pinilit kong magbago kasi iyan ang gusto ng magulang ko at inaasahang kong iyan din ang ikakasaya nila,kahit na 'di ko ikasasaya ito.

Pero sa huli ako pa rin ang masisisi.Ako pa rin ang nasasaktan.Ako pa rin ang mali.

Cheering myself up is the hardest thing, I've ever done!

I don't have any special friend to call out.Well, actually that's not new to me.To be more specific,I don't really have someone to look back....only myself.

Whatever I'm doing,whatever circumstances I might face nor consequences,I won't hate myself because it's the only one I have.

Everyone see me as a strong and hard person.Ako daw 'yung patunay na kayang mabuhay kahit walang kasama.Funny isn't? I'll take the strong person as a compliment part pero yung walang kasama,parang mas pinapalabas lang nila na deserve kong mapag-isa!

I've been hurt all of time but I remain strong.I've been struggling in pained most of the time but I remain strong.

I've been always proving myself to everyone that this is me but they didn't give me a chance to prove it.BUT you know what, I remain strong!

In my entire life, I've always been choosing to be strong but one day everything happen and it changes so fast.....

Parang sinasaksak ng paulit-ulit ang aking puso.Pero inihahanda ko na ang sarili ko na kung anuman ang kahihinatnan ng situwasyon ngayon labag man sa kalooban ko,tanggapin ko.

Muli kong ibinalik ang tingin ko kina Mom and Dad. "Naniniwala ba kayo na magagawa ko 'yon? Mom?" nang-aawang tanong ko sa kanila.

Kitang-kita ko na nahihirapan na din si Mommy sa situwasyon.Hinawakan nya ang aking kamay na umiiling habang patuloy na umaagos ang kanyang mga luha. "Hindi ko na alam Vein," nasasaktan nyang wika.

Napangiti na lang ako ng sobrang pait pero hindi ko pa din pinakita sa kanila na sobra,sobra na ang sakit na aking nararamdaman.

Sunod kong nilingon naman si Daddy. "Ikaw Dad, naniniwala ka ba?" pilit kong kinukumbinsi na lalaban ako kahit isa lang sa kanila ang manilwala.

Seryoso lang syang nakatingin sa akin habang nakayakap sa kanya si Mommy.Ilang segundo na ang lumipas akala ko 'di na sasagot si Dad.Nakikita ko na may gusto syang sabihin ngunit parang may kung anong pumipigil sa kanya

Ilang saglit pa bago ko marinig ang sagot ni Dad na biglang ikinagunaw ng tsansang ang aking ipaglalaban.

"Nakaya mo ngang bumaril ng isang taong walang muwang....ang makapatay pa kaya." paulit-ulit kong kinukumbinsi sa aking sarili na nababalot lang sila ng lungkot kaya nila ito nasasabi pero hindi.Wala ako sa aking panaginip.Ang hirap tanggapin...ang sakit tanggapin na sariling pamilya mo pa ang hindi naniniwala sayo.  

Doon na mas napahagulgol si Mommy.Hindi na nila hinintay ang aking sagot.Iginaya na agad ni Daddy si Mom paupo.

Kung pagtatagpiin-tagpiin ko mga sagot ng magulang ko isa lang ang labas na tingin nila sakin.....isa akong mamamatay tao.Wala na bang mas sasakit pa? Sana todo na 

'yon,kasi mukhang malapit na akong bumigay.Paano pa ako lalaban ngayon kung 'yung mga taong gusto kong maniwala sakin, ni katiting na tiwala wala akong natanggap.

Tumingin muna ako sa pamilya ko,bago magsalita.Sa tingin ko ay mas mapapadali ang kasong ito sa aking magiging desisyon. 

"Ako po si Froileyn-Vein Fabiana ay inaakusahang pumatay sa isang bussineman," tahimik lamang na nakikinig ang lahat inaantay kong anong sunod kong sasabihin.

"Your honor," tumingin muna ako sa kanya bago huminga ng malalim. "I plead  guilty!" 

Pagkasabi ko nun nakita ko nalang ang sarili kong pinupusasan na ng pulis.Hindi na ako nag-aksayang tumingin pa sa aking pagid.Para saan pa?

Palabas na kami ng Korte nang makita ko ang taong alam kong nag-iisa lang na naniniwala sa akin pero huli na ang lahat.

Pagkalapit nya sa akin,tinignan nya naman ako ng masama. "What did you do this time? Hindi mo talaga ako hinintay,nagdesisyon ka na agad!" tila nagtitimping galit nyang sambit.

Wala na akong lakas para magpaliwanag pa.

I just cares his face. "Bisitahin mo ko,love a.Baka magbago isip mo kung marinig mo sa balita,'Nobya ng isang kilalang attorney,isang priso!" nakangiti kong sambit pero punong-puno ng pait.

Tinanggal nya naman ang aking kamay sa kanyang mukha at ako'y niyakap nya na ng napakahigpit. "Stupid! Hindi kita bibisitahin," sa wika nyang iyon,mas nadagdagan lamang ang sakit na aking nararamdaman ngayon.Ngunit ito'y biglang guminhawa ng marinig ang kadugtong nito.

"Kasi hindi ko kakayaning makita kang nahihirapan sa loob.Napaka walang kuwenta kong Attorney kung sariling mahal ko 'di ko kayang ipaglaban at mailalabas dito," patuloy nya lang akong niyakap na para bang pinprotekhan sa mga pupwedeng kumuha sa akin.

At sa senaryong ito, I saw myself crying not for me but for someone I didn't know who'd became my both weakness and strength at the same time.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status