Share

Kabanata 2

Alone But Happy

We're now at the auditorium of our school practicing our marching for our upcoming moving up.I could see everyones same reaction....excited!

Our junior high has gave us a roller coaster vibes—surprise quizzes, reporting, dancing, acting, in addition aside from all of the high school drama, everyone has a place in the memories we all made there.It's going to be so interesting to see the different roads everyone will gonna take.And after getting our junior high school diploma, moving up may not be the end but this will remain as a proof that we accomplish something great.

Just like them, I'm also excited but not with the same reason.I'm excited cause this is it! I'm gonna start to live being independent not totally independent kasi sa magulang ko pa din mangagaling ang budget ko.Pero ng dahil dito matututo akong magbudget, gumawa ng mga household chores at mamuhay ng di umaasa sa iba, na tanging sarili ko lamang ang aking kasama.

"Saan kayo mag-s-senior high?" Dinig kong tanong ng isa kong classmate.

"Me! I'm staying here," sagot ni Jane ang sosyalera naming classmate.

"Iba din si Dane.She's really proving to us how to be a loyal person," natatawang sambit Cris, joker naming classmate.

"Ikaw Vein, san ka?" nakangiting tanong ni Cristile, president namin.

Nagulat naman ako dun pero di ko nalang pinahalata.Hindi kasi nila ako pinapansin kumbaga invisible lang ako sa school na 'to, nagiging visible lang pag may mali ng nagawa.

Nginitian ko nalang sila ng tipid bago sumagot. "Uhmm sa public ako ngayong senior."

Lahat naman sila ay napa "woah". Hindi siguro nila ini-expect na iyon ang isasagot ko.

"Why public?" Tanong naman nung vice president namin.

Curiousity are written all over their faces.Nakita kong inaantay nila ang aking sagot.

"I just like public," simpleng sagot ko nalang.

Tumahimik naman ang lahat na para bang doon na nagtatapos ang tanungang iyon.Mabilis naman silang nakabawi kasi tamang-tama nag-bell na, senyalis na break time na namin kaya nagkanya-kanya na silang alis kasama ang kanilang mga barkada.

Nag-umpisa na din akong maglakad patungo sa aking tambayan.Kung saan mas pinipili kong mapag-isa, tahimik at tanging hangin lang ang mararamdaman at tibok ng aking puso.

Inilabas ko na ang binili kong pagkain kanina.One piece of burger, my homemade salad with my black tumbler.

Habang ngumunguya hindi maiwasang matangay ng aking paningin ang langit.Maliwanag at tirik na tirik ang araw na animoy nagpapahiwatig na mahaba pa ang oras.Hindi pa oras ng pahinga.

Sabi nila pag mabait ka sa langit ka mapupunta.Pero pano naman yung mabait na nakagawa ng isang kasalanan, sa langit pa din ba mapupunta?

Inaamin ko na hindi ako gaanong kabait na tao.Madalas kong suwayin mga magulang ko, madalas akong gumawa ng mali.Pero kahit na ganito ako, hindi pa naman siguro ako dumadating sa puntong nilalamon na ako ng kasamaan.Nakakaramdam pa din kasi ako ng awa at sakit.

Hindi ko alam kung naiintindihan niyo ko o ano.Pero sa tuwing mag-isa ako doon ako nakakaramdam ng tunay na kasiyahan, na espesyal ako, na ako 'yung tama at wala akong kalaban.Doon ko mas na-a-appreciate ang pagiging ako sa tuwing mag-isa ako.I don't have a phobia or anything.Besides, I know how to socialize.I'm not afraid to other people pero mas pinipili kong mapag-isa kasi alam kong ito ang gusto ko.

Pero minsan dumaan na din sa isip ko, what if kumilala din kaya ako ng ibang tao.Magkaroon ng kahit isang kaibigan man lang na pwede akong damayan, kung pagod na ang sarili kong intindihin ako.Gusto kong subukan pero natatakot ako na baka ako pa ang dahilan ng pagiging miserable ng kaniyang buhay.Ayokong umabot sa ganon.

Siguro kung may dadating man doon ko nalang susubukan.Sa ngayon tuloy lang kung anong nakapagpapasaya sakin.

Nang akmang tatayo na ako, narinig ko ang bell naming dire-diretso sa pag-ugong nito.Kapag ganyan ang sesti ay may announcement na mangyayari sa auditorium.Kaya dali-dali na din akong bumaba.

Pagkapasok ko sa loob halos mapuno na agad ito ng mga estudyante karamihan mga ga-graduate ng senior at mag-mo-moving up.Hindi na 'ko dumiretso sa kinapupwestuhan ng mga kaklase ko.Nanatili na lang ako dito sa likod.Maririnig ko naman kung anong iaanunsyo nila.

"Good Morning my dear students!" bati ng aming dean."I am here to personally announce that there's a big change to your upcoming graduation and moving up.We did an emergency meeting.And all the staff, teachers, even your parents including the owner of these school agreed that Moving up and Grade 12 graduation will be in the same days."

Pagkarinig ng anunsyo madami na agad ang samo't-saring reaksyon ng mga kapwa ko estudyante.Tahimik lamang akong nakikinig.

"Please keep quiet!" Pagpipigil na sambit ni Dean na ikinatigil naman agad ng mga estudyante.

Isa ito sa nagustuhan ko dito sa school.Lahat ng estudyante may hiya at mabilis sumunod sa mga sinasabi ng teachers.Syempre sino bang hindi mahihiya kung halos lahat estudyante dito ay galing sa mga kilalang pamilya.

"I'm not yet done," pagpapatuloy ni Dean. "Yes, you may have the same dates but you don't have the same venue.Sa mga mag-mo-moving up mananatili kayo dito sa Auditorium pero sa mga ga-graduate you're venue is at Hidden Hotel.If you have any queries, you can ask your advisers.That's all for today.Thank you everyone and advance congratulations!" Mahabang paliwanag ni Dean at tinapos nya din ito ng maagang pagbati.Nagpalakpakan naman ang lahat.

Habang unti-onting lumalabas ang mga estudyante, nag-umpisa na din akong maglakad.Ngunit may narinig akong nakapagpatigil sa'king paglalakad.

"Hala paano 'yan? Sabay graduation ni kuya sa moving up ko.Gusto ko pa naman sanang si mom at dad ang kasama ko sa pag-marcha," problemadong sambit ng isang estudyante.

Siguro sa akin hindi na iyan problema, sabihin ko nalang kay Mom at Dad na si ate nalang sasamahan nila.Total tatangapin ko lamang ang aking Diploma at hindi naman graduation tulad ng kay ate.Graduation kasi ni ate sa senior high kaya talagang dapat sya ang samahan nina Mom at Dad.Idagdag pa ang mga awards nya.With high honor tas madami pang major at minor awards, sya pa ang overall outstanding sa grades.Nakakaproud lang bilang isang kapatid.At sobrang deserve nya lahat ng iyon.

Maniwala man kayo sa hindi, wala akong nararamdaman na kahit katiting na inggit sa kanya.I'm happy for her sa mga achievements nya and I'm happy too sa matatanggap kong Diploma.

Isa sa ipinagmamalaki ko marunong akong makuntento malaki man o maliit yan na bagay lahat yan may value sa'kin.Hindi ako naghahangad ng mataas, basta kung anong mapunta sa akin sapat na 'yon.Di man mapunta sa'kin lahat ng gusto ko at least masaya ako.Iyan lang ang mahalaga sakin ang kasiyahan at kalayaan ko.

Naglalakad na 'ko palabas ng aming gate ng maalala kong opening ngayon ng isang coffee shop.Medyo malapit-lapit din ito sa school namin at pupwedeng lakarin.

I-m-message ko nalang si Manong na hindi nya na 'ko kailangang sunduin kasi may pupuntahan pa ako.Sinabi ko na din sa kanyang medyo gagabihin ako.Nagrepy naman sya agad na mag-iingat ako at i-text ko lang sya kung wala na akong masakyan.

Natuto na akong mag-commute, simula nung nagkasakit si Manong.Sya lang kasi 'yung driver na ipinagkakatiwala ni Dad sa amin.Almost a week din syang nilagnat nun kaya sa mga panahon na 'yon, nagpaalam nalang ako kay Dad na kakayanin ko namang mag-commute.Di kasi ko pupwedeng makasabay sa kanila ni ate, 7:30 pasukan ko kailangan alas syete nakaalis na ako.Si ate kasi, 8 pa naman oras ng umpisa ng klase nya.At hindi din maalam si ate sa pag-c-commute siguro sa pag-grab sya ayon pupwede sya.Medyo mahina loob ni ate pagdating sa mga ganyan.

Pagkapasok ko sa loob ng CoffeeLicious.Nanuot agad sa'king ilong ang bango ng iba't-ibang flavor ng kape.

Sa tuwing nakakalanghap ako ng amoy kape,nagiging light 'yung mood ko at na-r-relax ang isip ko.Hindi ko alam kung anong merong hiwaga sa kape kasi sa tuwing umiinom ako,feeling ko nalalasing ako sa katotohanang wala akong bebe.Sinarili ko nalang ang aking tawa  sa mga naiisip ko.

Nilibot ko muna ang paningin ko sa buong loob ng shop and I must say napaka-detalyado lahat ng gamit.Medyo may kaliitan ang shop pero dito ko masasabi na magaling magplano ang may-ari at ang designer.Ito 'yung place na pupwede sa mga introvert o 'di kayay 'yung mga gustong mag-muni-muni.This is the perfect place to them.

Pumila na ako sa counter top.Pagtingin ko sa kanilang menu na nakapaskil sa harapan ng counter biglang nanubig ang aking bagang, maraming iba't-ibang klaseng kape ang kanilang ini-o-offer.May mga common na pero halos lahat bago.May black coffee, Green coffee, Organic Coffee, 4 in 1 coffee at iba pang klase ng kape.Nag-o-offer din sila ng mga cake.Blue berry cake, cute cake, summer cake, winter cake, rainy cake at marami pang iba na may kinalaman sa weather.Sigurado ako 'yung may-ari nito mahilig umasa...I mean mahilig sa PAG-ASA.

Napalunok ako ng paulit-ulit dahil sa mga pictures na nakikita ko.Ang sasarap na nilang tignan lahat, paano pa kaya pag natikman ko na.

Nang ako na ang sunod sa pila sinabi ko na agaran ang order ko para di na 'ko masyadong makaabala sa pila—masyadong mahaba na kasi.

"Hello po," ngiting bati ko. "Isang order sa Organic coffee at winter cake.Iyon lang po thank you.

"115.00 pesos po lahat Ma'am," agarang tugon ng cashier.

Pagkabigay ko ng aking bayad, tinanong naman ng cashier kung anong pangalan ang tatawagin.

"Feyn nalang po," tipid kong sagot.

Naghanap na ako nang pupwede kong mapuwestuhan at tyempo may nakita agad ako sa gilid na may isang upuan, siguro sinadya itong gawin para sa mga katulad kong gustong mapag-isa.

Habang inaantay na tawagin ang pangalan ko.Tumingin na muna ako sa labas.Pinaka-busy na lugar talaga ang kalasada.Maraming sasakyan na dumadaan, mga taong nag-uunahan sa pagsakay, may nakikita rin akong mga estudyante na masayang nagkukuwentuhan habang naglalakad at may mga tindera at tindero na di magkandaugaga sa pagbebenta.

Bilang isang Pilipino siguro kung mas lalo lang nating papalawakin ang ating kaisipan sa lahat ng mga bagay-bagay, lahat sana tayo ay matututong makuntento.

Sabi nila hindi ka mabubuhay kung wala kang kakampi.Eh, hindi mo naman kailangan ng kakampi kung wala kang kalaban.

Hindi ka aangat kung hindi ka magsisikap.Eh, kahit anong paghihirap mong magsumikap kung ang nasa taas lang din naman ang humihila sayo pababa.Wala din.

Wala namang mangyayaring ganito sa ating lipunan kung lahat tayo magtutulungan na i-angat ang isa't-isa.Pero napakalabong mangyari nyan.Maraming nagiging gahaman pagdating sa pera.Kung pera na ang pinag-uusapan dyan na nagkakatalo lahat ng tao.

Tandaan niyo!!

Ang pera ginagawa para may magamit na pambili at panggastos ang mga tao.Hindi ito dahilan upang makasakit at manlamang ng ibang tao.

Nawala lang saglit ang aking pakikipagtalastasan sa aking sarili nang marinig kong tawagin aking pangalan.Kaya agaran ko din itong tinungo.

Pagkabalik ko sa aking puwesto.Akmang iinumin ko na ang aking kape nang may mapansin akong nakasulat isang....quote!

"You'll never be alone—coffee is with you!♡"

I couldn't help but to smile.A cute relatable qoute for me!

Being alone is not that hard, kung sanay ka na.And choosing to be alone is not like, your closing a door for anyone who wants to enter it.People chose to be alone cause they enjoy the quiet, they value the privacy and it helps them to stay in touch with their  feelings.Beside they can still engage in activities thar really interest them but their not abusing their own freedom to be with everyone cause too much freedom can lead to loneliness.

I don't know if I said it before, no matter what happens, till the end, I would always chose myself and be alone but happy than being with someone who'll make me feel like...I'm lonely.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status