Share

Chapter 6

Halos tatlong oras lang akong natulog. I wasn't even fully awake when I entered the coffee shop. Pinakain naman ako ni kuya Ian ng pandesal at binigyan ng kape para kahit papaano ay magising ang diwa ko.

As I was sipping my hot coffee, naalala ko ang nangyari kagabi. Sino kaya ang lalaking 'yon? Bakit kaya niya nasulat ang 'life is hard'? Masyado niyang naukopa ang isip ko na hindi ko man lang namalayan na pumasok si Charryn sa kusina. Tinapik niya ang balikat ko at nabigla ako sa kanya.

"Ano? Okay ka na ba? Aba, eh magtrabaho ka na doon," utos niya sakin. Kanina pa pala ako nakatulala. 

Nagmadali akong ubusin ang iniinom kong kape at sinimulang magtrabaho. There are lots of people today compared to previous days. And to think that there's no special event in the school, this set up is kind of overwhelming.

I was so tired when I finished my shift. Pumasok ako sa school at dumiretso muna sa student registration area. May bago na kasing attendance system ang school. Magpapa-install sila ng mga device sa hallway from the gate to the first building. We will just use our fingerprints for attendance. Kaya ngayon, mayroong registration para malaman kung ano ang current year mo, the name of your adviser, and the like. 

Once I was registered, I proceeded to my classroom. Nakita kong nakikipag-usap si Aesther sa iba naming kaklase. I went to my seat and sat. Plano ko sanang matulog ulit pero lumapit kaagad si Aesther sa akin.

"Hey! Sorry about kahapon ha," she said while rubbing my arm up and down.

"It's okay, no problem," I answered with a smile. "By the way, what are you and the other girls talking about?" I asked.

"Oh, I asked about the band na pumunta here kahapon. They said they're so gwapo and hot daw. Yieee," she said with admiration. Nagmumukhang heart-shaped pa nga ang mata niya.

"Teka, ba't nagiging conyo ka 'ata?" tanong ko naman sa kanya. Kanina ko pa napapansin pagiging conyo niya eh.

"Hahaha, nahawa lang ako sa mga girls doon," sagot niya sabay turo sa mga babaeng kausap niya kanina.

Tumango nalang ako at nagpaalam sa kanyang matutulog muna dahil may thirty minutes pa naman bago ang second period. Hindi kasi pumasok ang first period teacher namin dahil siguro late o baka nagpa-register din.

I leaned and rested my head on my arms that were folded on top of the desk. Naririnig ko paminsan minsan ang mga yapak ng kaklase ko pero mas lamang ang antok kaya nakatulog ako ng tuluyan.

I just woke up when my classmates greeted the teacher a good morning like a choir. Medyo nabigla ako kaya napakusot ako sa mata kung totoo bang may guro o wala. Baka kasi pinaprank lang ako ng mga 'to. Mabuti nalang at nandiyan nga si Miss. 

She settled down in front while I prepared my notebook and pen. Kailangan ko kasing mag take down notes sa subject niya kasi siya 'yong klase ng teacher na nakaupo lang habang nagdi-discuss. Ni hindi din siya nagbibigay ng handouts kaya kailangan mong sumikap talaga.

"Ok class, before we start with our discussion, I would like to call on Mr. Fernandez to introduce himself since this will be the first time he'll be in this class," panimula ni Ma'am. Pumunta naman sa unahan ang isang lalaki. Mula siya sa pinakalikod na upuan sa row ko, kaya likod niya lang ang nakikita ko. 

Teka, siya ba 'yong sinasabi ni Aesther na bagong kaklase namin? 'Yong kasing katawan ng lalaki sa bus terminal? When he reached the front, humarap siya sa amin. Doon ako mas nagulat.

Mula sa buhok niya papunta sa mata, ilong at labi niya, siya nga iyon. Siya nga 'yong lalaki kagabi. Iyong umupo sa harap ko at nag-iwan ng tissue na may sulat na 'life is hard'.

"Hi, I'm Sidhean Fernandez, from Barangay Talaban. I completed my Junior High School in Talaban National High School. I hope that we can get along as friends. Thank you," mahabang litanya niya at nag-bow pa sa huli. Ang laki pa ng ngiti niya. Mukha namang hindi hard ang life niya eh.

Noong naglalakad na siya pabalik sa upuan niya, nakatingin lang ako sa kanya, when suddenly, our eyes met. His gray orbs is really hypnotizing. It seems like they're taking you to the depths of his soul. It added to his mysteriousness.

Natigil lang ang eye to eye contact namin noong lumagpas na siya ng upuan ko. Nagsimula na din ang discussion ni Ma'am. 

A while later, the teacher decided to group us into two teams and we'll play a game to make learning more fun and interesting. Nag count off lang kami para fair at punta na sa sari-sariling mga grupo.

Aesther was in another group, kasama si Sidhean. Andaming babae sa kanila at lahat parang kinikilig kay Sidhean. Nagsimulang mag-explain si Ma'am ng mechanics ng game.

There will be one representative from each group to push the button. The first to push it has the right to answer or give the question to the other group. If they can't answer, the other group can steal it and provide the correct answer. Anyone in the team can answer.

Nagsimula na ang game. Dalawang lalaki mula sa magkabilang grupo ang taga pindot ng button. Sa unang tanong, ang kabilang team ang nauna kaya sila ang sasagot. We counted from one to five to wait for their answer but it never came out, so we stole the chance. The smartest in our team answered and we got the point.

Nagpatuloy ang laban at nakalalamang na kami. Hindi pa ako nakakasagot dahil halos alam na naman ng mga ka-grupo ko ang mga sagot sa tanong. Kanina ko pa napapansin ang pagiging walang kibo ni Sidhean. Nahihiya pa ba siya? Natatawa lang siya minsan kapag nakakatawa ang sagot ng mga ka-grupo niya. Ni hindi din siya nakasagot tulad ko.

"We are down to our last question," sabi ni Ma'am. "Score check, group one is fifteen, and group two is sixteen," dugtong niya.

Group two kami kaya lamang kami ng isa. Pero pwede pang mag tie and laban kaya dapat kami ang makasagot ng tama.

"For the last question, what does PAGASA stands for?" tanong ni miss. Mabilis naman na nag push ang kabilang team. Sayang, ang dali lang sana.

Nag-uusap usap pa sila ng sagot kaya nagbilang na si Ma'am. Nasa 4 seconds na ng biglang sumabat si Sidhean.

"Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Social Association?" patanong pa 'yong pagsagot niya.

"I'm sorry Sid. I know you tried your best but, the other group can steal it," sabi ni Ma'am.

Nag-usap usap din ang mga kasamahan ko ng sagot. Ang alam ko hindi Social 'yong S eh. Pero hindi ko maalala. Nakakagat ko na ang kuko ko dahil pilit kong inaalala kung ano ba 'yong S sa PAGASA. 

Nasa four na ang counting ni Ma'am nang biglang parang may light bulb sa ulo ko. Naalala ko na!

"Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Association," siguradong sagot ko. 

Nagpalakpakan at naghiyawan ang mga kasamahan ko nang sabihin ni Ma'am na tama ako. Nilapitan naman ako ni Aesther at nakipag-apir. Nanalo kami na may two points na lamang mula sa kanila.

Natapos ang klase na masaya ang lahat. Lumipas ang oras at natapos ang morning classes. It's lunch time and it's the first time that I'll be a slave. Natatakot ako dahil sa naging panaginip ko kagabi at natatakot din ako sa mga tanong ni Aesther kung sakaling makita niya.

"Girl, hindi na ako makaka-lunch with you. Dumating na kasi si mommy," sabi niya sa akin habang papalabas kami. I sighed as a relief. Mabuti nalang at hindi niya masasaksihan ang pang-aalipin sakin.

Tumango ako sa kanya at hinatid siya ng tingin papunta sa sasakyan nila. Kumaway siya sa akin at kumaway ako pabalik. When she left, I quickly went to the masters' room. Kaka dismiss lang nila kaya tamang tama lang ang dating ko. Naghintay ako sa labas ng room at inabangan ang paglabas nila.

When they got out of their room, they immediately handed their bags and books to me. Ang bibigat ng mga bags nila. Ano ba laman ng mga 'to? Notebooks or make up? Mukhang 'yong huli ang tama.

Pumunta muna kami ng locker nila at iniwan ang mga libro doon. Mabuti naman. Naglalakad lang sila sa harap at nasa likod lang ako at nakayukong naglalakad. Naririnig ko din ang mga tawa at pangungutya ng mga taong nadadaanan namin.

When we reached the cafeteria, umupo sila sa kanilang pwesto. Nilagay ko naman sa bakanteng upuan ang mga bags nila. 

"Slave, order us food. Mine's lunch meal 1," utos ng leader nila.

"Milkshake lang ako at isang burger, diet ako eh," sabi naman ng alipores 1.

"Mine's lunch meal 2," sabi din ng alipores 2.

"Okay po," sagot ko naman at pumila na sa counter.

Inorder ko na 'yong sa kanila at nag-order na din ng sa akin. Binayaran ko ang mga 'yon gamit ang pera nila. Sabi naman nila sila magbabayad ng kakainin ko eh.

Bumalik ako sa table nila dala ang pagkain na ang bigat. Binigay ko din ang sukli sa kanila. Hindi naman sila nagreklamo na kulang o ano.

Nagsimula silang kumain at panay ang utos nila sa akin. Kumuha ng tubig, bumili ng ganito, bumili ng ganyan, pulutin ang panyo na sinadya namang ihulog, at marami pang iba. Halos mamatay-matay ako matapos silang kumain.

Halos hindi ko na mabuhat ang mga bags nila dahil sa pagod. Sobra pa sila sa mga customer sa Morning Dew kung maka utos eh. Ang sakit ng likod ko.

Bumalik ako ng classroom para sa afternoon classes. Nag stretching muna ako habang wala pang tao para mabawasan ang sakit ng likod ko. Dumating si Aesther ilang minuto ang lumipas.

"Oh, diba sabi ko sayo, ang gwapo ni Sidhean," sabi niya na may kasamang impit na tili.

"Okay naman," sagot ko naman sa kanya. Okay naman talaga ang itsura niya, pero mas naa-attract ako sa mata niya.

"Nako girl, crush ko na 'ata siya. Waaaaahh!" tili niya. Natawa nalang ako sa kanya.

"Hahaha, marami ka namang crush eh," sagot ko sa kanya sabay iling.

"Oo, pero mga K-pop artists 'yon. Si Sidhean lang 'yong reachable, hahahaha," sagot niya sa akin.

Nag-usap pa kami tungkol sa mga crushes niya at tumigil lang iyon nang pumasok ang teacher kasunod si Sidhean. Siniko naman ako ni Aesther at nang tignan ko siya, nakangiting nakatingin siya kay Sidhean. Parang sira naman ang isang 'to. Napailing nalang ako sa kanya.

Natapos ang afternoon classes at hinatid ko muna si Aesther bago pumunta sa mga masters. Binuhat ko ulit ang kanilang mga mabibigat na bags at hinintay ang kanilang sari-sariling mga sundo. Nang makauwi silang lahat, dumiretso din ako sa bus terminal at naghintay ng masasakyan.

Nang dumating ang bus, umakyat ako at umupo malapit sa bintana. May naupo sa tabi ko at nang lingunin ko ay si Sidhean pala. Umayos ako ng upo at hindi ko alam pero parang ang awkward ng atmosphere. Hindi ko din alam kung bakit ang bilis ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ba ko?

Mas nabigla ako nang lumingon siya sakin at nagsalita ng 'hi'. Hindi ko alam ang gagawin kaya tumango nalang ako. Hindi naman ako pipi pero parang hindi ako makapagsalita. May problema yata ako. Naging tahimik lang kami hanggang sa bumaba siya. Nakahinga ako ng maluwag noong wala na siya. Dumiretso ako ng bahay pagkababa ko ng bus.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status