Share

Chapter 8: The bitter Zack

"Mag-iingat kayo mga anak," sabi ng ina ni Maiden sa kanila ni Zack.

Babalik na kasi sila ng Manila ngayon dahil may pasok na sila kinabukasan. Nasa labas sila ng bahay para ihatid sila sa pag-alis nila.

Niyakap niya nang mahigpit ang ina. "Opo, Ma. Kayo din po, mag-iingat kayo ni Mark." Tinapik nito ang likod niya kaya naman kumalas na siya dito. Sunod naman na niyakap niya ay ang kapatid. "Mag-iingat kayo ni mama, Mark. Alagaan mo ng mabuti si mama. Huwag mo din pabayaan ang pag-aaral mo."

Niyakap din siya nito pabalik. "Pangako, Ate. Huwag kang mag-alala kasi ako na ang bahala kay mama. Basta, mag-iingat ka din sa Manila at tungkol naman sa pag-aaral ko ay hindi mo na kailangan mag-alala dahil mas bubutihin ko pa. I will make you proud of me."

Kumalas na siya at tumango dito. Ayaw pa man niya sanang umalis ay hindi pwede. Kailangan niyang magtrabaho para sa pamilya niya, para sa pangangailangan ng mga ito. Kaya titiisin niya ang pangungulila sa pamilya para mabigyan lang ito ng maga
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mec Brazil Oplejeda Florendo
update n po pls ...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status