Womanizer Series 05: Zack Balley

Womanizer Series 05: Zack Balley

By:  Blazingfire  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
4 ratings
17Chapters
5.3Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Zack Balley is one of the womanizer in town. Nagmana ito sa ama nitong si Zaver Balley na dati ding womanizer. Zack is a cold person, but not in his secretary, Maiden, na siyang palaging kalaban nito pagdating sa mga babae niya. One night, isang mainit na pagtatalik ang nangyari sa kanila. They are both drunk, but Zack was in his right mind when it comes to Maiden. Matagal na niya itong gusto pero hindi niya maligawan dahil may boyfriend na ito. Dahil sa nangyari sa kanila, Maiden decided to leave. Hindi niya kayang harapin si Zack. Hindi pumayag si Zack sa pag-alis nito kaya naman umalis na lang siya ng walang pasabi. Pumunta siya sa ibang lugar para magsimula ng bagong buhay pero hindi niya inaasahan na sa bagong buhay na sisimulan niya ay may kasama na siyang bata. Hindi niya inaasahan na magbubunga ang nangyari sa kanila. Sa nakalipas na limang taon, muling magkikita ang landas nila. Makikilala kaya ni Zack ang anak nilang kasing mukha nito, pero kasing ugali naman ni Maiden?

View More
Womanizer Series 05: Zack Balley Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments
user avatar
Jhean Nudo
nice story
2023-04-10 12:16:15
1
user avatar
nerdy_ugly
Recommended
2023-03-18 01:22:15
1
user avatar
Kuya Alj
The best! ......
2023-03-09 19:12:05
2
user avatar
Blacksheep1096
highly recommended story
2023-03-06 23:40:17
1
17 Chapters
ZACK BALLEY
Nasa kalagitnaan nang pakikipaghalikan si Zack sa kanyang babae na nakilala niya lang sa club nang biglang may tumapik sa kanyang balikat.Napahinto siya at napatingin sa mapangahas na taong talagang inisturbo siya sa ginagawa niya. Nakikitang nitong nag-e-enjoy na siya sa ginagawa, eh, tapos may iistorbo lang sa kanya."Maiden, what are you doing here?" inosente niyang tanong sa dalaga na kanyang secretary na poker face na nakatingin sa kanya.Pinanliitan siya nito ng mga mata. "Hindi pa ba obvious, Sir Zack, kung bakit ako nandito? Kailangan mo pa ba talaga 'yang itanong sa akin?" Tinaasan siya nito ng isang kilay. "I bet alam mo na kung bakit nandito ako."Bahagya na lang siyang natawa nang taasan siya nito ng kilay. Bakit ang sungit nito sa kanya ngayon? May nagawa ba siyang kasalanan dito at nasusungit na naman ito sa kanya? "How the hell did you find me, Baby?" Kahit saan ata siya magpunta ay nahahanap siya ng dalaga. Sa isip-isip niya ay baka may nilagay itong gps sa cellphone
Read more
Chapter 1: THE SWEET ZACK
"Hindi ka pa ba tapos?" Napatingin si Maiden kay Zack na ngayon ay nasa harapan niya. Hindi niya napansin na nakalabas na pala ito ng opisina nito dahil naka-focus lang siya sa pagta-type sa computer niya. Napatingin ito sa relong pambisig. "Lunch time na, ah. Hindi ka pa ba kakain? Hindi ka pa ba nakakaramdam ng gutom?"Bumalik ang tingin niya sa computer at nagpatuloy sa pag-type. "Mamaya na lang. Tatapusin ko na lang ito. Kakain din naman ako kapag gutom na ako."Naupo si Zack sa gilid ng mesa niya. "Pwede mo naman 'yan tapusin mamaya, Maiden. Mahalaga ang kumain kaysa sa trabaho.""You know me, Sir Zack. Gusto kong natatapos ang trabaho ko bago magpahinga o kumain."Narinig niya ang pagbuntong hininga nito. "Aanhin mo ang pagtapos ng trabaho kung magkakasakit ka naman?"Napatigil na naman siya at napatingin dito. "You look like you're concern with me, Sir." Inayos niya ang suot niyang anti radiation glass."Of course, I am. Womanizer lang ako, Maiden pero hindi ako walang puso na t
Read more
Chapter 2: ANG KULANG SA ARUGA NA SI ZACK
Tatlong araw ng hindi pumapasok si Zack kaya naman napagdesisyunan ni Maiden na puntahan na ito sa bahay nito. Hindi siya papayag na hindi na lang pumasok ang boss niya dahil siya ang kawawa. Siya kasi ang natatambakan ng mga trabaho nito at marami na din itong meetings at appointment hindi natutuloy dahil lang sa hindi nito pagpasok.Nag-doorbell siya sa gate na hindi nagtagal ay pinagbuksan siya ng guard. "Ikaw pala, Maiden. Pasok ka."Mas binuksan nito ang pagkakabukas ng gate. "Thank you, Kuya. Si Sir Zack ba nandiyan?""Opo. Ilang araw na ngang hindi lumalabas, eh."Nagtataka siya sa sinabi nito. Hindi lumalabas? Bakit naman? Ang akala niya ay hindi ito pumapasok ay dahil busy na naman ito sa pambabae nito lalo na't gano'n ang binata sa tuwing hindi ito pumapasok ng opisina. Himala ata kung gano'n. Anong nakain nito at hindi ito naggagagala at nambabae?Kumatok siya sa pintuan na pinagbuksan naman siya ng maid. Nagtanong lang siya tungkol kay Zack at sinabi nitong nasa kwarto ang
Read more
Chapter 3: The ruined date
"Babe, Babe..." Nabalik sa ulirat si Maiden nang paulit-ulit siyang tinawag ng nobyo niyang si Ryan."Ha? Ano nga 'yon?" Napabungtong hininga na lang si Ryan dahilan para medyo mahiya siya. "I'm sorry, Babe. May iniisip lang ako.""Is it about Zack?" Napakunot noo siya at nagtataka kung bakit napasok si Zack sa usapan nila. "Your boss again. Binibigyan ka na naman ba niya ng maraming trabaho kaya pagdating sa akin ay pagod ka na? Hindi man pagod pero wala naman sa akin ang isip mo."Parang nakahinga siya ng maluwag dahil akala niya ay kung anu na ang ibig nitong sabihin. Hindi naman nagseselos si Ryan pagdating sa kanyang boss, ang ikinaiinis lang nito ay parati siyang busy sa trabaho dahil sa tambak niyang trabaho dahil sa minsan nga ay umaalis si Zack para lang mambabae."Why don't you just quit your job?" Napatitig siya sa nobyo. "You know that I can support you and your mother."Napabuga na lang siya ng hangin at napatingin sa pagkain. "Alam mo naman na hindi ko magagawa 'yan. Ayaw
Read more
Chapter 4: Ang mahadirang si Dianne
Bumaling ulit si Maiden kay Ryan. "I'm sorry, Babe, but I can't. May meeting pa kasi kaming pupuntahan ni Sir Zack ngayon," pagsisinungaling niya.Ayaw man niyang magsinungaling pero ayaw niyang isipin ni Ryan na mas pinipili niya si Zack kaysa rito. Ayaw niya din kasi na magtampo si Zack kapag sinabi niya ditong hindi na sila matutuloy lalo na't ginawa nito ang lahat kanina para lang mawala ang lungkot niya. She just want to pay him back for what he did for her."I'm really sorry, Babe."Hinawakan nito ang magkabila niyang braso. "It's okay, Babe. I understand.""Maybe next time? Promise, babawi ako."Ngumiti ito at hinawakan ang baba niya. "I know you will." Kinuha nito ang cellphone nang mag-ingay ito. "Oh, nag-text si mama. Pinapauwi ako ng maaga." Muli nitong nilagay sa bulsa ang cellphone at tumingin sa kanya. "So, I guess next time na lang talaga.""Okay, Babe. Ingat ka sa pag-uwi." Niyakap niya ito. "Pakikumusta mo na lang ako kay tita.""I will, Babe. Text mo kaagad ako kapag
Read more
Chapter 5: Birthday gift
"Miss Maiden, pwede bang ikaw na lang ang magbigay nito kay Sir Zack?"Napatingin siya kay Dianne nang ibigay nito ang isang folder. Napakunot ang noo niya. "Bakit hindi ikaw ang magbigay sa kanya niyan?" Napahalumbaba siyang nakatingin dito. "Akala ko ba ay may something kayo ni Sir Zack kaya bakit hindi ikaw ang magbigay sa kanya niyan?" Hindi ito nakaimik. "Kaya nga ang lakas ng loob mo nang sagut-sagutin mo ako, 'di ba?" Natatawa na lang siya. "Let me guess again, initsapwera ka niya, 'di ba?"Napayuko lang ito dahilan para mapailing siya. Bakit ba ang bibilis maniwala ng ibang mga babae sa mabubulaklak na salita ng mga lalaki? Kaya maraming naloloko, eh. Dapat din kasi hindi din sila nadadala sa mga gwapo nilang mukha.Kinuha niya ang folder mula dito at tiningnan. "Okay na ito."Nahihiya itong nakayuko. "Thank you, Miss Maiden." Napabuntong hininga na lang siya at tumango kaya umalis na ito.Tumayo na siya at pumasok sa opisina ni Zack. Nakita niyang may kausap ito sa kabilang li
Read more
Chapter 6: Ang simulang pagbilis ng tibok ng puso ni Maiden para kay Zack.
Excited si Maiden habang nakasakay sa kotse ni Zack. Papunta sila ngayon sa probinsya kung saan nakatira ang ina at kapatid niya. Hindi niya tuloy maiwasan na ngumiti habang nasa byahe."Maraming salamat talaga, Sir Zack.""I already told you, Maiden, just call me Zack. Wala tayo sa opisina."Ngumiti siya dito. "Thank you, Zack. Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya ngayong birthday ko. As in, ito talaga ang birthday wish ko, ang makasama ang pamilya ko sa araw ng birthday ko."Bumaling ito sa kanya at ngumiti pero agad ding binalik sa daan ang tingin nito. "Sabi ko naman sa 'yo, eh. Matutuwa ka sa surprisa ko.""Paano mo pala nalaman na ito ang gusto ko?"Napatingin siya sa kamay niya nang hawakan ito ni Zack. Nasa daan pa din ang tingin nito. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang tumibok ng mabilis ang puso niya. Siguro ay dahil sa galak o excitement na nararamdaman niya ngayon."I know you, Maiden, kaya alam ko kung ano ang mga gusto mo at hindi. Isa pa, matagal-tagal na din s
Read more
Chapter 7: The sweet Zack
Kinabukasan ay namasyal sina Maiden kasama ang pamilya niya at si Zack sa plaza. Wala namang mall sa probinsya nila kaya sa plaza lang niya pwede ipasyal si Zack. Kumain lang sila sa isang street foods."Sigurado ka ba talaga na ayos lang sa 'yo na kumain ng street foods?" tanong ni Maiden kay Zack nang makalapit sa sila sa nagbebenta."Hindi ko na alam kung ilang beses mo na 'yang natanong sa akin, Maiden. Are you worrying over something?"Napabuntong hininga na lang siya. "Baka kasi ay biglang sumakit ang tiyan mo kapag kumain ka. Alam mo na, hindi sanay ang tiyan mo sa pagkain na 'yan."Gano'n pa naman ang nangyayari sa mga mayayamang kumakain ng pagkain na nasa gilid lang ng kalsada nabebenta."Sinong may sabi?" Ngumisi ito sa kanya. "Hindi por que mayaman ako, Maiden, ay hindi na ako kumakain ng ganito. Hindi mo ba alam? Noong bata pa kami ni Sabrina ay dinadala kami nina mommy at daddy sa kung saan may mga street foods.""Owws?" Hindi siya naniniwalang nakatingin dito."Oo kaya.
Read more
Chapter 8: The bitter Zack
"Mag-iingat kayo mga anak," sabi ng ina ni Maiden sa kanila ni Zack.Babalik na kasi sila ng Manila ngayon dahil may pasok na sila kinabukasan. Nasa labas sila ng bahay para ihatid sila sa pag-alis nila.Niyakap niya nang mahigpit ang ina. "Opo, Ma. Kayo din po, mag-iingat kayo ni Mark." Tinapik nito ang likod niya kaya naman kumalas na siya dito. Sunod naman na niyakap niya ay ang kapatid. "Mag-iingat kayo ni mama, Mark. Alagaan mo ng mabuti si mama. Huwag mo din pabayaan ang pag-aaral mo."Niyakap din siya nito pabalik. "Pangako, Ate. Huwag kang mag-alala kasi ako na ang bahala kay mama. Basta, mag-iingat ka din sa Manila at tungkol naman sa pag-aaral ko ay hindi mo na kailangan mag-alala dahil mas bubutihin ko pa. I will make you proud of me."Kumalas na siya at tumango dito. Ayaw pa man niya sanang umalis ay hindi pwede. Kailangan niyang magtrabaho para sa pamilya niya, para sa pangangailangan ng mga ito. Kaya titiisin niya ang pangungulila sa pamilya para mabigyan lang ito ng maga
Read more
Chapter 9: Meet the new generation womanizer
Bumalik si Maiden na may dalang mainit na lugaw, tubig, at gamot na nilagay niya sa tray. Nang makapasok siya sa kwarto ni Zack ay nakapikit ito, hindi niya alam kung natutulog ba ito o hindi. Inilagay niya ang tray sa bed side table."Zack, wake up." Mahina niyang tinapik ang balikat ni Zack. "Kumain ka na muna para makainom ka ng gamot."Iminulat ni Zack ang mga mata at napatingin sa kanya. "Wala akong ganang kumain."Kapag talaga may sakit ay walang ganang kumain kaya nga lugaw ang niluto niya para kahit papaano ay magkalaman ang tiyan nito. Hindi naman ito pwedeng uminom ng gamot ng walang kain."Pero kailangan mong kumain. Papaano ka makakainom ng gamot kung hindi ka kakain? Lugaw lang naman itong niluto ko kaya madali mo lang itong makakain."Napatitig ito sa kanya dahilan para magtaka siya. "Ikaw ang nagluto? You cooked for me?"Tumango naman siya. "Oo, nagluto pa ako para sa 'yo kaya kailangan mong kumain. Huwag mong sayangin ng effort ko."Kahit walang gana si Zack ay pipiliti
Read more
DMCA.com Protection Status