Share

Chapter 4: Ang mahadirang si Dianne

Bumaling ulit si Maiden kay Ryan. "I'm sorry, Babe, but I can't. May meeting pa kasi kaming pupuntahan ni Sir Zack ngayon," pagsisinungaling niya.

Ayaw man niyang magsinungaling pero ayaw niyang isipin ni Ryan na mas pinipili niya si Zack kaysa rito. Ayaw niya din kasi na magtampo si Zack kapag sinabi niya ditong hindi na sila matutuloy lalo na't ginawa nito ang lahat kanina para lang mawala ang lungkot niya. She just want to pay him back for what he did for her.

"I'm really sorry, Babe."

Hinawakan nito ang magkabila niyang braso. "It's okay, Babe. I understand."

"Maybe next time? Promise, babawi ako."

Ngumiti ito at hinawakan ang baba niya. "I know you will." Kinuha nito ang cellphone nang mag-ingay ito. "Oh, nag-text si mama. Pinapauwi ako ng maaga." Muli nitong nilagay sa bulsa ang cellphone at tumingin sa kanya. "So, I guess next time na lang talaga."

"Okay, Babe. Ingat ka sa pag-uwi." Niyakap niya ito. "Pakikumusta mo na lang ako kay tita."

"I will, Babe. Text mo kaagad ako kapag nakauwi ka na para alam kong safe ka."

"Sure." Kumaway na siya dito kaya sumakay na ito sa kotse at tuluyan nang umalis.

Tumabi sa kanya si Zack at napatingin sa nakaalis ng kotse ni Ryan. "Himala ata at hindi ka sumama sa boyfriend mo? Nag-away pa rin ba kayo?"

"Hindi. Okay na kami." Napabutong hininga siya. "Sinabi ko sa kanya na may lakad tayo."

Napatingin sa kanya si Zack at hindi makapaniwala. "At pumayag naman siya?"

Tumingin siya dito. "I told him that it's about work." Nauna na siyang naglakad at sumunod naman ito sa kanya.

"You lied to him?"

"Anong magagawa ko? Hindi ko naman pwedeng sabihin na kakain lang tayo diyan dahil baka mamaya ay iba ang maisip niya and besides, nauna na akong nakaoo sa 'yo at nakakahiya naman na umatras pa ako dahil lang sa dumating si Ryan."

Napangiti naman si Zack sa sinabi niya. Sa isip-isip nito ay mas pinili siya ng dalaga ngayon kaysa sa kumag na 'yon. He was glad that for the first time, Maiden choose him.

"Don't worry, hindi ka magsisisi na ako ang pinili mo." It was a double meaning to him. "Tara na sa sweet shop!"

Natawa na lang siya na para itong bata na excited kumain ng sweets. "Basta ikaw magbabayad kahit ano ang piliin ko, ah?"

"Sure. Anything you want, just name it."

Napailing na lang siya habang may ngiti pa din sa labi. "Masyado mo na akong ini-spoiled, baka masanay ako niyan."

Huminto sila sa harap ng kotse ni Zack. Magkaharap sila ngayon. "Masanay ka na dahil hangga't kaya ko, I will spoiled you forever."

Hindi na siya nakasagot sa sinabi nito nang mauna itong pumasok sa driver seat. Hindi niya alam kung may ibig bang sabihin ang sinabi ng binata pero napailing na lang siya. Forever? That can't be happen dahil hindi habang buhay ay magkatrabaho sila.

Gaya nang sinabi ni Zack ay um-order siya ng marami. Minsan lang ito mangyari kaya susulitin na niya lalo na't kabayaran din ito sa paghihirap niya bilang secretary nito.

Hindi madali ang maging secretary ng isang womanizer na si Zack Balley. Mabuti naman itong amo sa kanya pero ang hindi niya lang gusto dito ay ang pagiging babaero nito.

"DIANNE, paki-check nga itong files kasi may kulang," sabi ni Maiden kay Dianne na nakikipagtsismisan sa mga kasama nito. "And as far as I know, office hour pa ngayon kaya bakit hindi kayo nagtatrabaho at nagtitsismisan lang kayo?" Napataas ang kilay nila.

"Sorry, Miss Maiden," sabi ng isa at bumalik sa trabaho.

Napatingin naman siya kay Dianne nang natatawa lang ito at parang wala lang dito ang sinasabi niya. Mas lalong napataas ang kilay niya dahil pakiramdam niya ay wala itong pakialam sa sinasabi niya.

"Kaya pala mali-mali itong binigay mong files sa akin kasi nakikipag-usap ka lang sa mga kasama mo." Napayuko ang dalawang babae habang wala namang pakialam si Dianne. "Ano? May balak ka bang ayusin ito?" Pinakita ko sa kanya ang folder.

Umikot ang mga mata nito nang kinuha nito ang folder mula sa kanya. "Kailangan ko pa ba talaga itong gawin?"

Hindi siya makapaniwala sa narinig. "At bakit? As far as I know, binabayaran ka para magtrabaho hindi para makipagtsismisan."

Dianne flip her hair. "Hanggang ngayon ba ay hindi mo pa din alam?" Mas lalo siyang nagtaka. "Me, and Sir Zack have something at kapag sinabi kong something... alam mo na 'yon." Natatawa siya sa sinasabi nito na tila ba'y nagsasabi ito ng isang malaking joke. "Anong tinatawa-tawa mo diyan?" Naiiling pa din siya habang natatawa. "Kapag ako naging asawa ni Sir Zack ay una-una kong sasabihin sa kanya na paalisin ka dahil kung umasta ka ay kung sino ka sa opisina. Daig mo pa si Sir Zack sa pagiging boss."

"Naniniwala ka ba talaga na seseryosohin ka ni Sir Zack?" Nginisihan niya ito. "Wake up, Dear." Pinitik niya pa ang kanyang dalawang daliri. "Baka nakakalimutan mo na womanizer si Sir Zack kaya paano mo nasasabi na seseryosohin ka niya?" Muli siyang napapailing. "Mga babae nga naman. Nabibilog sa mga matatamis na salita ng mga lalaki."

"How dare you say that to me?" Napatayo ito at galit siyang tiningnan. "Kung makapagsalita ka. Hindi mo alam kung anong nangyayari sa amin ni Sir Zack kaya hindi ka nakakasiguro."

"Oh, let me guess." Inilagay niya ang kanyang hintuturo sa baba niya at tila nag-isip. "Nag-usap kayo, nadala ka ng mga mabubulaklak niyang salita, tapos kumain kayo, talking, talking tapos ang ending may nangyari sa inyo." Nanlaki ang mga mata nito. "Tama ako, 'di ba?"

Bigla itong natahimik pero galit pa din na nakatingin sa kanya. Pinagtitinginan na sila ng mga kasama nila pero walang naglakas loob na makialam sa kanila dahil kilala siya ng mga ito.

"Makikita mo, iba ang turing sa akin ni Sir Zack. Sa akin siya titino at ako ang makakatuluyan niya."

Napakibit balikat siya. "Tingnan natin." Tinapik-tapik niya ang balikat nito. "Good luck, girl." Naiinis nitong inalis ang kamay niya pero nginisihan lang niya ito. "Pakiayos na lang ang trabaho mo, ha? Mamaya ka na mag-ala Donya kapag sigurado ka nang ikaw ang magiging asawa niya. Huwag kang mag-alala, kapag kayo nagkatuluyan ni Sir Zack ako mismo ang aalis pero sa ngayon, huwag ka munang umasta na kung sino, okay?"

Umalis na siya dito at iniwan itong nanggagalaiti sa kanya. Alam niyang masungit at estrikta ang tingin ng mga staff sa kanya pero kung hindi niya ito gagawin ay malamang hindi siya susundin ng mga ito lalo na't siya pa naman ang pinagkakatiwalaan ni Zack sa tuwing wala ito.

Pumasok siya sa opisina ni Zack. "What's with that face, Maiden, Baby?"

Tumaas ang kilay niya at masama niya itong tiningnan. "Bad trip ako, Sir Zack, kaya huwag mo akong bini-baby diyan at baka mabatukan kita."

Natatawa na lang ito. Kahit kailan ay hindi nito sineryoso ang pagiging bad trip o masungit niya. "Bakit ba? Sino ba ang nagpa-bad trip sa mahal ko?" Mas lalong sumama ang tingin niya dito. "Mahal kong secretary," natatawa nitong dugtong.

"Hindi ko alam na may something pala sa inyo ni Dianne."

Umalis ito mula sa pagkakaupo nito sa swivel chair. Pumunta ito sa harap at naupo sa mesa. Napa-cross arm ito at nakangising nakatingin sa kanya.

"Nagseselos ba ang aking secretary? Oh... May gusto ka na ba sa akin?"

Nginitian niya ito ng maganda. "Umasa ka, Sir Zack." Napangiti ito pero nawala din ang ngiti niya. "Na kahit kailan hindi ako magkakagusto sa 'yo." Umikot naman ang mga mata niya. "Ipinagmalaki lang naman sa akin ng Dianne na 'yon na may something kayo at kapag daw nagkatuluyan kayo ay ako ang una niyang ipapatanggal dito." Siya naman ang napa-cross arm. "Aba! Ang taas ng pangarap ni Accla."

Natatawa na lang si Zack. "Sineryoso mo naman?"

"Syempre hindi pero kung umasta akala mo'y sino. Tinatanong pa ba naman ako kung kailangan pa ba niyang magtrabaho gayong may something naman kayo." Napailing na lang siya. "Ayus-ayusin mo nga 'yang pambabae mo, Sir Zack. Pwede kang mambabae pero huwag dito sa opisina dahil nakakasagabal sa trabaho." Napatitig ito sa kanya. "Naiintindihan mo ba, Sir Zack?"

Natatawa na lang ito. "Sino ba talaga ang boss sa atin dito, Maiden?"

"Ikaw pero kung titino ka." Napailing na lang siya at napatingin sa relong pambisig.

"Lunch time na. Pwede ba tayong sabay na mag-lunch para naman kahit papaano ay mawala 'yang init ng ulo mo?" Tinaas-baba pa nito ang kilay sa kanya.

"Pass muna ako, Sir. May lunch date kami ni Ryan ngayon." Umikot ang mga mata nito. "Sige na, aalis na ako. Ayusin mo 'yang babae mo, ah." Tinuro niya pa ito na para bang wina-warningan niya.

Nang makalabas si Maiden sa opisina ni Zack ay siya namang pagpasok ni Dianne.

"Zack, Babe..." Lumapit ito sa kanya at niyakap kaagad ang dibdib niya. "Lunch time na. Kain tayo sa labas?" malambing nitong sabi sa kanya.

Napabuntong hininga siya at bahagya itong tinulak palayo sa kanya. "Kumain ka mag-isa mo."

Nagulat ito sa inasta niya. "Babe, may problema ba tayo?" Sinamaan niya ito nang tingin dahilan para kabahan ito at mapalunok ng mariin. "M-May nagawa ba akong masama?" Kinakabahan nitong tanong.

Bumalik siya sa swivel chair niya. "Sinong nagsabi sa 'yo na pwede mong pagsalitaan ng gano'n si Maiden?"

Umikot ang mga mata ng dalaga. "Nakapagsumbong na pala sa 'yo ang babaeng 'yon." Napaismid ito. "Nakakainis talaga ang secretary mo na 'yan, akala mo kung sino makaasta. Kung makapagsalita ay walang respeto sa akin na girlfriend mo."

Tumaas ang kilay niya. "Girlfriend ko?" Natawa siya ng mapakla. "Sino naman ang nagsabi na girlfriend kita? Are you out of your mind?"

Napalunok naman ito. "D-Di ba, maayos naman tayo kahapon? May nangyari pa nga sa atin, 'di ba?"

"At sa tingin mo girlfriend na kita kaagad dahil lang sa may nangyari sa atin?" Tumawa siya. "You must be hallucinating, woman." Hindi ito nakapagsalita. "Pasalamat ka at hindi kita papaalisin sa kompanya ko dahil sa ginawa mong pambabastos kay Maiden. You should respect my secretary, the way you respect me." Napayuko na lang ito at hindi nakapagsalita. "Lumabas ka na. Ayokong makita ang pagmumukha mo."

Umiiyak na lumabas ito. Napaupo na lang siya sa swivel chair at napasapo sa noo. Mabuti pa si Maiden ay hindi umaasta na kung sino sa buhay niya, hindi gaya ng mga babaeng nakikilala niya.

Natatawa na lang siya. Wala talagang babae na makakapantay kay Maiden. Kaya nga nagustuhan niya ito dahil naiiba ito sa mga babaeng nakilala niya.

Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Meg Saturno
mahilig ka rin kc sa babae tulad ng tatay mo...womanizer ka rin kc zack e...kaya kung gusto mo c maiden,magtino ka rin aiisssh
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
magtino Ka na kasi Zack baka magustuhan Ka pa ni Maiden
goodnovel comment avatar
lovelove gonzales
mgtino kna kasi.........
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status