Share

Chapter 5: Birthday gift

"Miss Maiden, pwede bang ikaw na lang ang magbigay nito kay Sir Zack?"

Napatingin siya kay Dianne nang ibigay nito ang isang folder. Napakunot ang noo niya. "Bakit hindi ikaw ang magbigay sa kanya niyan?" Napahalumbaba siyang nakatingin dito. "Akala ko ba ay may something kayo ni Sir Zack kaya bakit hindi ikaw ang magbigay sa kanya niyan?" Hindi ito nakaimik. "Kaya nga ang lakas ng loob mo nang sagut-sagutin mo ako, 'di ba?" Natatawa na lang siya. "Let me guess again, initsapwera ka niya, 'di ba?"

Napayuko lang ito dahilan para mapailing siya. Bakit ba ang bibilis maniwala ng ibang mga babae sa mabubulaklak na salita ng mga lalaki? Kaya maraming naloloko, eh. Dapat din kasi hindi din sila nadadala sa mga gwapo nilang mukha.

Kinuha niya ang folder mula dito at tiningnan. "Okay na ito."

Nahihiya itong nakayuko. "Thank you, Miss Maiden." Napabuntong hininga na lang siya at tumango kaya umalis na ito.

Tumayo na siya at pumasok sa opisina ni Zack. Nakita niyang may kausap ito sa kabilang linya. Mukhang kalandian na naman nito ang kausap nito dahil sa uri ng boses nito.

"Okay. Asahan ko 'yan. Thank you. Later." Pinatay na nito ang tawag at tumingin sa kanya. "Yes, Maiden?"

Lumapit na siya dito at binigay ang folder na pinapaabot ni Dianne dito. Kinuha naman ito ng binata at binasa. Napatitig siya dito.

"Kinausap mo ba si Dianne?"

"Yeah," sagot nito habang hindi man lang siya tinapunan nang tingin.

"Pinagalitan mo?" Hindi ito sumagot. "Mukhang takot na takot nang humarap sa 'yo, eh."

Napabuntong hininga ito at sinara ang folder na binabasa. "She didn't respect you as my secretary kaya dapat lang na pagalitan siya. Kung hindi ka niya marespeto ay papaano pa niya ako marerespeto as her boss?"

May point din ang binata kaya napatango-tango siya. "Mabuti na lang at hindi mo siya tinanggal, 'yon pa naman ang hilig mo."

Last time kasi na may bumastos din sa kanya ay tinanggal ito ni Zack ng hindi man lang nagdalawang isip. Ayaw talaga nitong may nambabastos sa kanya na sinong empleyado. Kaya malaki ang respeto sa kanya ng mga dati ng empleyado. Baguhan lang si Dianne kaya gano'n kung umasta.

Nirerespeto din naman siya ng mga ibang empleyado dahil sa trabaho niya at siya palagi ang sumasalo sa mga ito kapag nagagalit o wala sa mood si Zack.

"Hindi ko siya tinanggal dahil sa 'yo." Bigla siyang natigilan sa sinabi nito. "Alam kong hindi mo magugustohan kapag tinanggal ko siya. Ayaw mong ikaw ang dahilan kaya napaalis ang isang tao sa isang trabaho kahit pa wala ka namang kasalanan."

Zack always considers her feeling more than anyone else. Kaya nga kahit minsan masakit sa ulo ang binata ay hindi niya pa din ito maiwan dahil palaging siya naman ang iniisip nito.

"Anyway, may party tayong ia-attend next week. I want you to be my date."

"Ako?" Turo niya sa sarili na ikinatango naman ng binata. "Bakit ako? Pwede ka naman maghanap ng ibang pwede mong isama sa party na 'yan." Napanguso siya. "Madami ka naman makaka-date kung gugustohin mo."

Hindi siya sanay sa mga party kaya nga hindi siya sumasama sa tuwing may party na pinupuntahan si Zack.

"I only want you," bigla siyang natigilan dahil ang seryoso ng mukha nitong nakatingin sa kanya. "to be my date in that party, Maiden." Napakurap-kurap siya. "Party 'yon ng isa sa mga business partner natin. Ikaw ang secretary ko kaya ikaw ang gusto kong kasama sa araw na 'yan."

Napailing na lang siya. Bakit ba parang may ibig sabihin ng sinabi nito sa kanya? Akala niya ay siya ang gusto nitong kasama dahil gusto siya nito. Napapailing na lang siya ulit. Ano ba itong pumapasok sa isip niya? Napabuga na lang siya ng malakas na hangin. Siguro ay pagod lang ito kaya kung anu-ano na lang ang mga pumapasok sa isip nila.

"Fine, pero mamimili pa ako ng mga damit na susuotin ko. Wala akong dress na maisusuot sa mga party na 'yan. Alam mo naman na hindi ko hilig ang mga ganyan."

Napangiti ito sa pagpayag niya. "Don't worry about the dress, sagot ko na 'yon."

Nanlaki ang mga mata niya. "Hindi na. Ako na ang bibili, ako naman ang magsusuot, e."

"Maiden..." Napatitig siya dito nang banggitin nito ang pangalan niya. "It's on me, okay? Ako ang nag-invite sa 'yo kaya ako na ang bahala sa lahat. All you have to do is relax and enjoy the party on that day, okay? No need to feel pressure."

Huminga naman siya ng malalim. "Paano kung makagawa ako ng hindi maganda sa party, Sir Zack? Baka makasira sa image mo at lalo na sa mga ka-business partners mo."

Tumayo na ito at lumapit sa kanya. Hinawakan ang magkabila niyang balikat. "You're gonna be doing great, Maiden. Isa pa, magaling ka naman sa lahat. Kahit nga ang pa-in love-n ako sa 'yo ay nagawa mo, e."

Naiiling na lang siya at inalis ang pagkakahawak nito sa balikat niya. "Ewan ko sa 'yo, Sir Zack. Masyado kang mapagbiro."

Ngumiti si Zack at sa isip-isip ay kung kailan kaya hindi magiging biro para sa dalaga ang mga sinasabi niya?

Tumawa na lang si Zack. "Kaya nga sinasabi ko sa 'yo, magiging okay ka lang sa party. Ikaw pa."

Nagulat siya nang hampasin siya nito sa balikat dahilan para medyo mapaabante siya. Sinamaan niya ito nang tingin. "Makahampas ka, ah."

Natatawa pa din ito. "Back to work, Miss Secretary," kinindatan siya nito dahilan para mapailing na lang siya at lumabas na ng opisina nito.

"HAPPY birthday, Babe," sabi ni Ryan kay Maiden sa kabilang linya. "Nagustuhan mo ba ang regalo ko?"

Napangiti na lang siya habang nakatingin sa cake na may kasamang bulaklak at mga balloons. Nagulat na lang siya kanina nang may nag-doorbell sa apartment niya at nakita ang mga dala ng isang delivery boy. Alas sais y medya pa lang ng umaga at hindi niya ito inaasahan.

"Yes, Babe. Thank you sa mga binigay mo." Kinikilig siya dahil palaging ma-effort ang boyfriend niya pagdating ng birthday niya. "Pero bakit ang aga naman ata? Hindi ba pwedeng mamaya mo na lang ito ibigay sa akin? Magkikita naman tayo mamaya, eh."

"About that, Babe." Kumunot ang noo niya dahil parang nag-iba ang boses nito. "I can't pick you up later."

"So, dideretso na lang ako sa restaurant?"

Narinig niya ang pagbuntong hininga nito sa kabilang linya. "Hindi tayo matutuloy mamaya, Babe."

Bigla siyang nalungkot sa sinabi nito. "Ha? Bakit naman? May usapan na tayo, Babe, at birthday ko pa naman."

"I'm really sorry, Babe. Truly, I am. Bigla kasing nagka-emergency sa opisina at kailangan naming ayusin ang naging problema."

Napaupo na lang siya sa sofa. "So, hindi pala kita makakasama sa birthday ko?"

"I'm sorry, Babe." Napapikit na lang siya dahil ayaw na niyang marinig ang paulit-ulit nitong pag-sorry. "Pero babawi ako sa 'yo. Kapag naging maayos na sa opisina ay babawi ako sa 'yo. We can still celebrate your birthday kahit pa lampas na tayo sa araw, 'di ba?"

Ngumiti siya ng maliit kahit pa hindi naman nakikita ng kausap niya. "Okay. I understand. Work is important."

"Babe, huwag ka ng magtampo. Hindi ko din naman ginusto na mangyari ito, eh."

Napabuga na lang siya ng hangin. "I know. Wala naman kahit na sino ang may gusto na mangyari 'yan. Anyways, I really do understand. Dapat kong intindihin ang trabaho mo gaya na lang ng pag-intindi mo sa trabaho ko."

"I know you'll understand. Basta babawi ako sa 'yo. I'll take you on a trip, I promise." Napangiti na lang siya dahil kahit hindi niya nakikita ang mukha nito ngayon ay alam niyang nakataas ang kamay nito bilang pangako. Gano'n kasi ang ginagawa nito kapag may pinapangako ito sa kanya.

"Okay. Asahan ko 'yan."

"Count on that, Babe. Okay, I have to go. Bye. I love you. Happy birthday again, Babe."

"Thank you. I love you, too. Bye." Pinatay na niya ang tawag.

Napatingin siya sa mga pinadala ni Ryan at napabuga na lang ng hangin. Gusto man niyang malungkot dahil hindi niya kasama ang boyfriend sa pag-celebrate ng birthday niya ay ayaw naman niya. Hindi siya dapat malungkot dahil araw niya ngayon.

Tumawag din ang ina niya at kapatid para batiin siya kaya kahit papaano ay napawi din ang lungkot niya. Kapag hindi na medyo busy sa opisina ay sasabihan niya si Zack na gusto niyang magbakasyon. Kung siya ang masusunod ay gusto niya ding makasama ang pamilya niya sa araw ng birthday niya.

Pumasok na din siya sa opisina. Binati siya ng iilang mga ka-officemate niya. Nagtataka siya ng lumipas ang isang oras ay hindi pa din pumapasok si Zack. Teka, wala na naman ba itong balak na pumasok? Nambabae na naman ba ito?

Gusto niyang mainis dito dahil birthday na birthday niya ay hindi ito pumasok. Ang ibig sabihin lang no'n ay matatambak ang mga trabaho niya. Napabuntong hininga na lang siya. Kahit gusto niyang magalit sa binata ay pinakalma na lang niya ang sarili.

Pinalalahanan niya ang sarili na birthday niya ngayon kaya dapat maging masaya siya. Pero hindi niya pa din maiwasan na maisip na ang malas ng birthday niya ngayon. Napailing na lang siya.

Dumaan ang ilang minuto ay kinuha niya ang cellphone nang mag-ring ito. Nakita niyang tumatawag si Zack.

"Nakakainis ka, Sir Zack," bungad niya dito nang sagutin niya ang tawag nito. "Alam mo naman na birthday ko ngayon tapos hindi ka pa pumasok. Dapat ay maaga akong aalis ngayon pero hindi ko magawa kasi wala ka."

Narinig niya ang pagtawa nito sa kabilang linya. "You miss me?" biro nito dahilan para mapailing siya.

"Miss mo mukha mo. Nakakainis ka talaga."

Tumawa ulit ito dahilan para umikot ang mga mata niya. "Anyway, bumaba ka dito sa parking lot. I have a surprise for you."

"Surprise?"

"Oo, surprise. Hindi ba birthday mo ngayon? Kaya meron akong surprise."

Hindi niya maiwasan na mapangiti at ma-excite. "Ano ba 'yan? Maganda ba 'yan?"

"Syempre hindi na magiging surprise kung sasabihin ko sa 'yo. Basta ayusin mo ang mga gamit mo at dalhin. Shut down your computer and clean your desk."

Ginawa niya ang sinabi nito. "Dapat maganda 'yang surprise mo, ha? Kapag talaga hindi ay babatukan kita kahit pa boss kita."

Tumawa naman ito. "Sigurado akong matutuwa ka. Walang makakatumbas sa regalo ko sa 'yo ngayong birthday mo, Maiden. Kahit regalo ng kumag mong boyfriend ay hindi niya mabibigay ang regalo na ibibigay ko sa 'yo ngayon." Naiiling na lang siya habang nakangiti. "Saan ka na?"

"Papasok pa lang ako ng elevator. Hindi ka makapag-intay?"

"Hindi, eh. Excited na akong makita ka." Umikot ang mga mata niya dahil sa biro nito. "I mean, excited na akong ipakita sa 'yo ang regalo ko," natatawang sabi nito.

Nang makababa siya sa parking lot ay agad niyang nakita ang binata dahil nasa labas lang ito ng sasakyan nito, kumakaway pa sa kanya dahilan para matawa siya. Para talaga itong bata kapag excited ito. Kaya natutuwa siya sa mukha nito. Pinatay na din niya ang tawag.

"Nandito na ako. Ano na?" bungad niya dito nang makalapit na siya dito.

Nakita niyang malaki ang ngiti nito. "Happy birthday, Maiden, Baby." Napangiti na lang siya dito. "This is my gift for you."

Binuksan nito ang likod ng sasakyan nito. Hindi niya maiwasan na mapangiti nang makita ang banner na may Happy birthday, mga bulaklak, at mga balloon. Kinuha ni Zack ang isang money bouquet na tig-iisang libo ang nakalagay na animo'y parang isang rosas. Hindi siya makapaniwala.

Wala sa sariling kinuha niya ang bouquet. "S-Sobra naman ata 'to, Sir Zack."

"Just call me, Zack, Maiden." Napatitig siya dito. "Tayo lang naman ang magkasama at wala tayo sa opisina. Hindi mo ako amo ngayon at hindi din kita secretary. And besides, you deserve this." Ngumiti ito sa kanya. "Hindi sapat ang perang ito bilang pasasalamat ko sa 'yo, sa pagtitiis mo sa ugali ko, sa palaging nandiyan para sa akin bilang secretary ko kaya hindi lang 'yan ang regalo ko sa 'yo."

"Meron pa?" gulat niyang tanong dito na ikinatango naman nito. "Sobra na ito. Hindi na kailangan dagdagan pa."

Hinawakan nito ang kamay niya dahilan para matigilan siya. "This is not enough. I want you to be happy on your birthday."

Napatitig siya sa mga mata nito. Ramdam niya ang sinseridad nito. "Ano 'yon?"

Hindi siya nakagalaw nang iipit nito ang kanyang buhok sa gitna ng kanyang tenga. "Sinabi ko sa 'yo walang makakapantay sa regalong ibibigay ko sa 'yo kahit ang kumag mong boyfriend." Hindi nakaligtas sa mga mata niya ang pag-ikot ng mga mata nito nang sabihin nito ang tungkol sa boyfriend niya. "Ngayon na birthday mo ay tutuparin ko ang isa sa mga pangarap mo."

Napakunot noo siya. "Anong pangarap?"

Ngumiti ito nang malaki. "Ang makasama ang pamilya mo sa araw ng birthday mo."

Nanlaki ang mga mata niya. "For real?" Tumango naman ito. Hindi niya maiwasan na yakapin ang binata dahil sa sobrang tuwa. "Thank you, Zack. Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya ngayon."

Niyakap din siya nito pabalik. "You know that I will do anything for you, Maiden."

Comments (5)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
Ang sweet ni Zack
goodnovel comment avatar
lovelove gonzales
ayieeehhh ang swerte ni maiden baby............
goodnovel comment avatar
Mec Brazil Oplejeda Florendo
Ayieeee kakilig nman ...️
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status