Dahan-dahan na inihiga ni Zack si Maiden, magkatitig ang mga mata nila. Hindi alam ni Zack kung lasing pa ba ang dalaga o seryoso ito sa sinasabi nito.Hinalikan niya ito sa noo dahilan para mapapikit ito. "Are you serious about this, Maiden, baby?" malambing niyang tanong dito. Hinaplos niya ang pisngi nito. "Ayaw kong paggising mo bukas ay pagsisihan mo ito."Ngumiti si Maiden at hinalikan siya sa labi dahilan para bahagya siyang magulat. Hindi niya talaga maiwasan na magulat dahil si Maiden ang gumagawa ng first move."Pwede na ba 'yong sagot sa 'yo, Zack? Mas matindi pa 'yon sa oo."Napatiim-bagang siya dahil hindi na talaga niya mapigilan ang sarili. Talagang inuubos ni Maiden ang pasensya niya at ang pagpipigil niya dito all this years. Hinalikan niya ito sa noo, sa pisngi, at sa labi nito."Always remember, Baby, that I love you with all of my heart."Hindi sumagot si Maiden at hinawakan lang ang batok niya at hinalikan siya sa labi. Hindi man sumagot si Maiden ng I love you to
Nagising si Maiden na masakit ang ulo at may tuyong lalamunan. Napahawak siya sa ulo at napabangon. Ano ba ang nangyari at bakit nagising siya na masakit ang ulo niya? Nagulat na lang siya ng gumalaw ang kamang hinihigaan niya at may biglang yumakap sa kanyang bewang.Dahan-dahan at puno ng kaba na bumaling si Maiden sa may-ari ng kamay. Kinakabahan kung sino ito. Halos lumuwa ang mga mata niya ng makita si Zack na mahimbing ang tulog habang nakayakap sa bewang niya. May parte sa kanya na nakahinga siya ng maluwag dahil si Zack ito pero may parte naman sa kanya na nagtatanong kung bakit si Zack pa? Ewan niya. Nalilito na siya sa sarili niya ngayon.Gusto niyang sumigaw pero pinigilan niya dahil alam niyang magigising niya ito at mas lalong hindi niya alam ang gagawin."Shit!" malutong pero mahina niyang mura.Dahan-dahan at puno ng ingat na inangat niya ang kamay ni Zack para ialis ito. Halos hindi na din siya huminga para lang hindi ito magising. Para siyang naging mannequin ng gumal
Nasa kalagitnaan nang pakikipaghalikan si Zack sa kanyang babae na nakilala niya lang sa club nang biglang may tumapik sa kanyang balikat.Napahinto siya at napatingin sa mapangahas na taong talagang inisturbo siya sa ginagawa niya. Nakikitang nitong nag-e-enjoy na siya sa ginagawa, eh, tapos may iistorbo lang sa kanya."Maiden, what are you doing here?" inosente niyang tanong sa dalaga na kanyang secretary na poker face na nakatingin sa kanya.Pinanliitan siya nito ng mga mata. "Hindi pa ba obvious, Sir Zack, kung bakit ako nandito? Kailangan mo pa ba talaga 'yang itanong sa akin?" Tinaasan siya nito ng isang kilay. "I bet alam mo na kung bakit nandito ako."Bahagya na lang siyang natawa nang taasan siya nito ng kilay. Bakit ang sungit nito sa kanya ngayon? May nagawa ba siyang kasalanan dito at nasusungit na naman ito sa kanya? "How the hell did you find me, Baby?" Kahit saan ata siya magpunta ay nahahanap siya ng dalaga. Sa isip-isip niya ay baka may nilagay itong gps sa cellphone
"Hindi ka pa ba tapos?" Napatingin si Maiden kay Zack na ngayon ay nasa harapan niya. Hindi niya napansin na nakalabas na pala ito ng opisina nito dahil naka-focus lang siya sa pagta-type sa computer niya. Napatingin ito sa relong pambisig. "Lunch time na, ah. Hindi ka pa ba kakain? Hindi ka pa ba nakakaramdam ng gutom?"Bumalik ang tingin niya sa computer at nagpatuloy sa pag-type. "Mamaya na lang. Tatapusin ko na lang ito. Kakain din naman ako kapag gutom na ako."Naupo si Zack sa gilid ng mesa niya. "Pwede mo naman 'yan tapusin mamaya, Maiden. Mahalaga ang kumain kaysa sa trabaho.""You know me, Sir Zack. Gusto kong natatapos ang trabaho ko bago magpahinga o kumain."Narinig niya ang pagbuntong hininga nito. "Aanhin mo ang pagtapos ng trabaho kung magkakasakit ka naman?"Napatigil na naman siya at napatingin dito. "You look like you're concern with me, Sir." Inayos niya ang suot niyang anti radiation glass."Of course, I am. Womanizer lang ako, Maiden pero hindi ako walang puso na t
Tatlong araw ng hindi pumapasok si Zack kaya naman napagdesisyunan ni Maiden na puntahan na ito sa bahay nito. Hindi siya papayag na hindi na lang pumasok ang boss niya dahil siya ang kawawa. Siya kasi ang natatambakan ng mga trabaho nito at marami na din itong meetings at appointment hindi natutuloy dahil lang sa hindi nito pagpasok.Nag-doorbell siya sa gate na hindi nagtagal ay pinagbuksan siya ng guard. "Ikaw pala, Maiden. Pasok ka."Mas binuksan nito ang pagkakabukas ng gate. "Thank you, Kuya. Si Sir Zack ba nandiyan?""Opo. Ilang araw na ngang hindi lumalabas, eh."Nagtataka siya sa sinabi nito. Hindi lumalabas? Bakit naman? Ang akala niya ay hindi ito pumapasok ay dahil busy na naman ito sa pambabae nito lalo na't gano'n ang binata sa tuwing hindi ito pumapasok ng opisina. Himala ata kung gano'n. Anong nakain nito at hindi ito naggagagala at nambabae?Kumatok siya sa pintuan na pinagbuksan naman siya ng maid. Nagtanong lang siya tungkol kay Zack at sinabi nitong nasa kwarto ang
"Babe, Babe..." Nabalik sa ulirat si Maiden nang paulit-ulit siyang tinawag ng nobyo niyang si Ryan."Ha? Ano nga 'yon?" Napabungtong hininga na lang si Ryan dahilan para medyo mahiya siya. "I'm sorry, Babe. May iniisip lang ako.""Is it about Zack?" Napakunot noo siya at nagtataka kung bakit napasok si Zack sa usapan nila. "Your boss again. Binibigyan ka na naman ba niya ng maraming trabaho kaya pagdating sa akin ay pagod ka na? Hindi man pagod pero wala naman sa akin ang isip mo."Parang nakahinga siya ng maluwag dahil akala niya ay kung anu na ang ibig nitong sabihin. Hindi naman nagseselos si Ryan pagdating sa kanyang boss, ang ikinaiinis lang nito ay parati siyang busy sa trabaho dahil sa tambak niyang trabaho dahil sa minsan nga ay umaalis si Zack para lang mambabae."Why don't you just quit your job?" Napatitig siya sa nobyo. "You know that I can support you and your mother."Napabuga na lang siya ng hangin at napatingin sa pagkain. "Alam mo naman na hindi ko magagawa 'yan. Ayaw
Bumaling ulit si Maiden kay Ryan. "I'm sorry, Babe, but I can't. May meeting pa kasi kaming pupuntahan ni Sir Zack ngayon," pagsisinungaling niya.Ayaw man niyang magsinungaling pero ayaw niyang isipin ni Ryan na mas pinipili niya si Zack kaysa rito. Ayaw niya din kasi na magtampo si Zack kapag sinabi niya ditong hindi na sila matutuloy lalo na't ginawa nito ang lahat kanina para lang mawala ang lungkot niya. She just want to pay him back for what he did for her."I'm really sorry, Babe."Hinawakan nito ang magkabila niyang braso. "It's okay, Babe. I understand.""Maybe next time? Promise, babawi ako."Ngumiti ito at hinawakan ang baba niya. "I know you will." Kinuha nito ang cellphone nang mag-ingay ito. "Oh, nag-text si mama. Pinapauwi ako ng maaga." Muli nitong nilagay sa bulsa ang cellphone at tumingin sa kanya. "So, I guess next time na lang talaga.""Okay, Babe. Ingat ka sa pag-uwi." Niyakap niya ito. "Pakikumusta mo na lang ako kay tita.""I will, Babe. Text mo kaagad ako kapag
"Miss Maiden, pwede bang ikaw na lang ang magbigay nito kay Sir Zack?"Napatingin siya kay Dianne nang ibigay nito ang isang folder. Napakunot ang noo niya. "Bakit hindi ikaw ang magbigay sa kanya niyan?" Napahalumbaba siyang nakatingin dito. "Akala ko ba ay may something kayo ni Sir Zack kaya bakit hindi ikaw ang magbigay sa kanya niyan?" Hindi ito nakaimik. "Kaya nga ang lakas ng loob mo nang sagut-sagutin mo ako, 'di ba?" Natatawa na lang siya. "Let me guess again, initsapwera ka niya, 'di ba?"Napayuko lang ito dahilan para mapailing siya. Bakit ba ang bibilis maniwala ng ibang mga babae sa mabubulaklak na salita ng mga lalaki? Kaya maraming naloloko, eh. Dapat din kasi hindi din sila nadadala sa mga gwapo nilang mukha.Kinuha niya ang folder mula dito at tiningnan. "Okay na ito."Nahihiya itong nakayuko. "Thank you, Miss Maiden." Napabuntong hininga na lang siya at tumango kaya umalis na ito.Tumayo na siya at pumasok sa opisina ni Zack. Nakita niyang may kausap ito sa kabilang li