"Hindi ka pa ba tapos?" Napatingin si Maiden kay Zack na ngayon ay nasa harapan niya. Hindi niya napansin na nakalabas na pala ito ng opisina nito dahil naka-focus lang siya sa pagta-type sa computer niya. Napatingin ito sa relong pambisig. "Lunch time na, ah. Hindi ka pa ba kakain? Hindi ka pa ba nakakaramdam ng gutom?"
Bumalik ang tingin niya sa computer at nagpatuloy sa pag-type. "Mamaya na lang. Tatapusin ko na lang ito. Kakain din naman ako kapag gutom na ako."Naupo si Zack sa gilid ng mesa niya. "Pwede mo naman 'yan tapusin mamaya, Maiden. Mahalaga ang kumain kaysa sa trabaho.""You know me, Sir Zack. Gusto kong natatapos ang trabaho ko bago magpahinga o kumain."Narinig niya ang pagbuntong hininga nito. "Aanhin mo ang pagtapos ng trabaho kung magkakasakit ka naman?"Napatigil na naman siya at napatingin dito. "You look like you're concern with me, Sir." Inayos niya ang suot niyang anti radiation glass."Of course, I am. Womanizer lang ako, Maiden pero hindi ako walang puso na tao. Nakakasakit ka na talaga ng damdamin, Maiden, alam mo ba 'yon?" Um-acting naman ito na parang nasasaktan.Napailing na lang siya dahil sa kadramahan ng boss niya. "Ang o.a mo talaga kahit kailan. Salamat sa concern, Sir, pero ayos lang ako at para hindi ka mag-alala ay kakain ako pagkatapos nito."Napatitig ito sa kanya kaya ngumiti siya dito. Napabuga na lang ito ng malakas na hangin dahil alam naman nito na wala itong magagawa sa gusto niya."Fine! Kahit kailan talaga napakatigas ng ulo. Manang-mana ka sa bato, masyadong matigas."Ngumisi siya dito. "Mana lang po sa inyo.""Whatever!" Hindi niya maiwasan na matawa nang umikot ang mga mata nito. "Mauna na ako sa 'yo. Basta kumain ka na kapag tapos ka na. Ayaw kong magkakasakit ang secretary ko.""Noted, Sir." Tumango siya dito.Umalis na din ito kaya naman nagpatuloy na siya sa ginagawa. Hindi niya namalayan ang oras at tapos na pala ang lunch break na hindi man lang siya nakakakain. Napatingin na lang siya sa isang bento box na kakapatong lang sa mesa niya.Napatingin siya sa naglagay nito at nakita si Zack. "Ano po ito, Sir?""Bento box, malamang."Umikot ang mga mata niya dahil sa kapilosopohan nito. "Alam ko, ang ibig kong sabihin anong gagawin ko dito?""Hindi pa ba obvious? Eh, di kakainin mo. Ano bang ginagawa sa bento box, Maiden? Iniinom ba?" Napasapo ito sa noo na para bang sumasakit ang ulo nito sa kanya. "Nalipasan ka lang ng gutom ay lutang ka na. Kaya dapat hindi ka nalilipasan ng gutom, eh."Huminga siya nang malalim at pinapakalma ang sarili. Iniisip niya na boss niya ito kaya hindi niya ito pwedeng batukan.Ngumiti siya dito pero alam niyang alam ng binata kung anong ibig sabihin ng ngiti niya ngayon. "Ako ba'y sasagutin mo ng maayos, Sir Balley o---""Binili ko 'yan para sa 'yo, okay? Alam ko kasi na hindi ka pa kumakain kaya binilhan na kita. Alam mo naman na ayaw kitang nagugutom, eh. Magkakasakit ka pa, pag-aalahanin mo pa ako."Lihim siyang natawa sa sarili. Sa lahat ng nagustohan niya kay Zack ay ang pagiging masunurin nito at tila ba takot na magalit siya dito at mas lalong ayaw nitong magkasakit siya. Siguro ay ayaw lang nitong mawalan ng isang secretary na kagaya niya."Salamat, Sir Zack. Magkano po pala ito lahat?" Kinuha niya ang petaka sa bag niya para bayaran ang binata."It's free." Natigilan siya sa pagbukas ng petaka niya at napatingin dito. "Libre ko na 'yan sa 'yo.""Sigurado ka?""Ano ba ang tingin mo sa akin, Maiden? Poor?" Pinanlakihan siya nito ng mga mata.Imbis na matakot ay natawa na lang siya dahil ang cute din kasi nito mainis. "Salamat, Sir Zack."Hindi niya alam kung tama ba ang nakita niya na namula ang mukha nito. Bigla kasi itong napaiwas nang tingin sa kanya kaya hindi niya masyadong nakita."Welcome," tila padabog nitong sabi. "Kainin mo na muna 'yan bago ka magpatuloy sa pagtatrabaho." Magsasalita na sana siya nang magsalita ulit ito, "Huwag ka ng tumutol at kumain na lang. Nandiyan na 'yong pagkain sa harap mo, oh. Hindi mo na kailangan umalis pa."Napailing na lang siya. "Hindi naman kasi 'yon ang sasabihin ko.""Eh, ano?"Tinuro niya ang hawak nitong milktea. "Itatanong ko sana kung akin din ba ang milktea na 'yan? Mahirap din naman kasi na walang panulak sa binili mong pagkain."Nanlaki ang mga mata nito at hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya. "Aba, Miss Cruz, abuso ka na, ah. Akin kaya ang milktea na ito. Ako ang bumili kaya sa akin ito."Napahawak siya sa bibig at natawa. "Hindi ko alam na Maiden na pala ang pangalan na nilalagay mo sa baso ng milktea mo. Napaghahalataan kang crush mo ako," natatawa niyang sabi habang nakatakip sa bibig ang kamay.Namula ang mukha nito sa sinabi niya at napatingin sa baso kung saan nakasulat ang pangalan niya. Gusto niyang matawa dahil sa nahihiya nitong mukha habang namumula pa ang magkabilang pisngi."K-Ka... Kasi, ano... Ano..." Mas lalo pa siyang natatawa dahil sa pagkautal nito. "Sige na nga! Sa 'yo na 'yan." Inilagay nito sa mesa niya ang milktea. "Masyado kang abusado. Sa susunod hindi na kita bibilhan kahit secretary pa kita." Dinuro pa siya nito na akala mo'y galit pero para sa kanya ay hindi naman. "Diyan ka na nga!" Umikot pa ang mata nito bago umalis."Thank you, Sir Zack. The best ka talaga.""Tse!" Natawa na lang siya sa sinagot nito sa kanya.SUMAPIT ang hapon at tapos na ang oras ng trabaho. Nililigpit na niya ang mga gamit nang mapatingin siya sa opisina ni Zack na kakabukas lang at kalalabas lang ng binata. Napakunot noo siya sa mukha nito."Anong mukha 'yan?" naiiling niyang tanong at saka bumalik sa pagliligpit niya."I'm so tired, Baby," nakanguso nitong sabi at saka lumapit sa kanya.Napailing na lang siya sa tinawag nito sa kanya. Noon ay palagi niya itong pinagsasabihan sa tuwing tinatawag siya nitong baby pero matigas pa din ang ulo nito kaya naman pinabayaan na lang niya. Wala lang din naman kasi sa kanya ang pagtawag nito ng baby."Anong gusto mong gawin ko? I-massage ka?" sarkastiko niyang tanong dito.Inilapit nito ang mukha sa kanya kaya naman medyo napaatras siya. "Can you do that for me, Baby?"Tinakpan niya ang mukha nito at inilayo ito sa kanya. "Masyado kang malapit, Sir Zack." Inalis na niya ang kamay sa mukha nito. "At saka hindi ko 'yon gagawin dahil hindi naman ako masahista. Doon ka sa massage spa kung gusto mo. Or better yet," ngitian niya ito. "maghanap ka na lang ng babae na pwedeng magmasahe sa 'yo. Pwede ka ng mag-enjoy ngayon dahil tapos na ang trabaho natin.""But I want you. Only you, Maiden," malambing nitong sabi.Bigla siyang kinilabutan sa sinabi nito. "Maghunos dili ka nga diyan, Sir. At saka hindi ka ba kinikilabutan sa sinasabi mo diyan?""Why should I?"Napailing na lang siya at kinuha ang bag. Naglakad na din siya papunta sa elevator. Sumunod naman sa kanya si Zack at sabay silang sumakay. Iilan na lang din ang natitira sa building kaya silang dalawa lang ang tao sa elevator."Are you free today?" Napatingin siya dito nang nagtatanong. "Baka gusto mong kumain muna tayo bago ka umuwi sa inyo. Libre ko," nakangiti nitong sabi."Ayaw ko nga baka mamaya pagkatapos nating kumain ay dalhin mo ako sa hotel," biro niya.Natawa naman ito sa sinabi niya. "You're funny, Maiden. Alam mo naman na hindi ko magagawa sa 'yo 'yon. Takot ko lang sa 'yo, no."Napailing na lang siya. "I know, but I'm still not available today.""Ay, bakit naman?" Umikot ang mga mata niya nang makita niyang nagpapa-cute ito sa kanya ngayon para lang pumayag siya."May date kami ni Ryan ngayon. Susunduin niya ako kaya kailangan kong magmadali."Biglang sumungit ang mukha nito nang marinig ang pangalan ng boyfriend niya. "That guy again." Napailing na lang siya. Kahit kailan ay hindi nagustohan ni Zack ang boyfriend niya at hindi niya alam kung bakit mainit ang dugo nito kay Ryan. "Sinabi ko naman sa 'yo na hiwalayan mo na ang lalaking 'yan dahil niloloko ka lang niya.""Hindi naman ikaw ang kasama niya for five years, Sir Zack, kaya hindi mo siya kilala. And besides, hindi magagawa sa akin ni Ryan 'yon dahil mahal niya ako at hindi siya katulad mo.""Yeah, right." Umikot ang mga mata nito. "Hindi mo lang alam na kagaya ko pala siya dahil ako lantaran ang ginagawa ko habang siya naman ay patago kung gumalaw. Magaling magtago kaya hindi mo alam." Napailing na lang siya. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na itong sinabi sa kanya ni Zack. "Sinasabi ko talaga sa 'yo, Maiden, niloloko ka lang ng lalaking 'yon." Lumabas na siya ng elevator kasama si Zack. Naglalakad na sila ngayon palabas ng building. "Maiden, listen to me."Natigilan ito nang humarap siya dito. "Sir Zack, pwede niyong pakialaman kung ano man ang ginagawa ko sa loob ng opisina, but let me remind you na hindi mo pwedeng pakialaman ang buhay ko, ang private life ko. I know what I'm doing and I can take care of myself.""Nag-aalala lang naman ako sa 'yo, eh. Alam mo naman na kaibigan na din ang tingin ko sa 'yo. Ayaw kitang masaktan."Ngumiti siya dito, at tinapik ang balikat nito. "Thank you for the concern, but I will be fine, Sir Zack. Buhay pag-ibig ko ito kaya kami lang dapat ni Ryan ang nai-involve dito. Hindi ko hahayaan na may ibang taong magdedekta kung ano ang gagawin namin sa relasyon namin." Napabuntong hininga siya. "Goodbye, Sir. See you tomorrow."Naglakad na siya at pumasok sa kotse ni Ryan na kakarating lang. "Let's go?' tanong nito."Yeah," sagot niya naman.Nang umandar na ang sasakyan ay hindi niya napigilan na mapatingin kay Zack sa side mirror. Nakatingin pa din ito sa kotse nila kahit medyo malayo na sila. Napabuntong hininga na lang siya. Alam naman niya na nag-aalala talaga si Zack sa kanya pero mas kilala niya si Ryan dahil limang taon na din sila.Alam niya na hindi siya nito lolokohin dahil bago pa niya ito sinagot noon ay dalawang taon din itong nanligaw sa kanya. Talagang sinubukan niya ang binata kung hanggang saan ang kaya nito sa paghihintay sa kanya.Sinagot na niya ito nang makita niya na dalawang taon na itong nanliligaw ay sige pa din. Hindi talaga ito tumigil hangga't hindi siya napapasagot. Nakilala naman niya na isang mabait na tao si Ryan at gano'n din ang tingin ng mga taong nakakakilala sa binata.Tatlong araw ng hindi pumapasok si Zack kaya naman napagdesisyunan ni Maiden na puntahan na ito sa bahay nito. Hindi siya papayag na hindi na lang pumasok ang boss niya dahil siya ang kawawa. Siya kasi ang natatambakan ng mga trabaho nito at marami na din itong meetings at appointment hindi natutuloy dahil lang sa hindi nito pagpasok.Nag-doorbell siya sa gate na hindi nagtagal ay pinagbuksan siya ng guard. "Ikaw pala, Maiden. Pasok ka."Mas binuksan nito ang pagkakabukas ng gate. "Thank you, Kuya. Si Sir Zack ba nandiyan?""Opo. Ilang araw na ngang hindi lumalabas, eh."Nagtataka siya sa sinabi nito. Hindi lumalabas? Bakit naman? Ang akala niya ay hindi ito pumapasok ay dahil busy na naman ito sa pambabae nito lalo na't gano'n ang binata sa tuwing hindi ito pumapasok ng opisina. Himala ata kung gano'n. Anong nakain nito at hindi ito naggagagala at nambabae?Kumatok siya sa pintuan na pinagbuksan naman siya ng maid. Nagtanong lang siya tungkol kay Zack at sinabi nitong nasa kwarto ang
"Babe, Babe..." Nabalik sa ulirat si Maiden nang paulit-ulit siyang tinawag ng nobyo niyang si Ryan."Ha? Ano nga 'yon?" Napabungtong hininga na lang si Ryan dahilan para medyo mahiya siya. "I'm sorry, Babe. May iniisip lang ako.""Is it about Zack?" Napakunot noo siya at nagtataka kung bakit napasok si Zack sa usapan nila. "Your boss again. Binibigyan ka na naman ba niya ng maraming trabaho kaya pagdating sa akin ay pagod ka na? Hindi man pagod pero wala naman sa akin ang isip mo."Parang nakahinga siya ng maluwag dahil akala niya ay kung anu na ang ibig nitong sabihin. Hindi naman nagseselos si Ryan pagdating sa kanyang boss, ang ikinaiinis lang nito ay parati siyang busy sa trabaho dahil sa tambak niyang trabaho dahil sa minsan nga ay umaalis si Zack para lang mambabae."Why don't you just quit your job?" Napatitig siya sa nobyo. "You know that I can support you and your mother."Napabuga na lang siya ng hangin at napatingin sa pagkain. "Alam mo naman na hindi ko magagawa 'yan. Ayaw
Bumaling ulit si Maiden kay Ryan. "I'm sorry, Babe, but I can't. May meeting pa kasi kaming pupuntahan ni Sir Zack ngayon," pagsisinungaling niya.Ayaw man niyang magsinungaling pero ayaw niyang isipin ni Ryan na mas pinipili niya si Zack kaysa rito. Ayaw niya din kasi na magtampo si Zack kapag sinabi niya ditong hindi na sila matutuloy lalo na't ginawa nito ang lahat kanina para lang mawala ang lungkot niya. She just want to pay him back for what he did for her."I'm really sorry, Babe."Hinawakan nito ang magkabila niyang braso. "It's okay, Babe. I understand.""Maybe next time? Promise, babawi ako."Ngumiti ito at hinawakan ang baba niya. "I know you will." Kinuha nito ang cellphone nang mag-ingay ito. "Oh, nag-text si mama. Pinapauwi ako ng maaga." Muli nitong nilagay sa bulsa ang cellphone at tumingin sa kanya. "So, I guess next time na lang talaga.""Okay, Babe. Ingat ka sa pag-uwi." Niyakap niya ito. "Pakikumusta mo na lang ako kay tita.""I will, Babe. Text mo kaagad ako kapag
"Miss Maiden, pwede bang ikaw na lang ang magbigay nito kay Sir Zack?"Napatingin siya kay Dianne nang ibigay nito ang isang folder. Napakunot ang noo niya. "Bakit hindi ikaw ang magbigay sa kanya niyan?" Napahalumbaba siyang nakatingin dito. "Akala ko ba ay may something kayo ni Sir Zack kaya bakit hindi ikaw ang magbigay sa kanya niyan?" Hindi ito nakaimik. "Kaya nga ang lakas ng loob mo nang sagut-sagutin mo ako, 'di ba?" Natatawa na lang siya. "Let me guess again, initsapwera ka niya, 'di ba?"Napayuko lang ito dahilan para mapailing siya. Bakit ba ang bibilis maniwala ng ibang mga babae sa mabubulaklak na salita ng mga lalaki? Kaya maraming naloloko, eh. Dapat din kasi hindi din sila nadadala sa mga gwapo nilang mukha.Kinuha niya ang folder mula dito at tiningnan. "Okay na ito."Nahihiya itong nakayuko. "Thank you, Miss Maiden." Napabuntong hininga na lang siya at tumango kaya umalis na ito.Tumayo na siya at pumasok sa opisina ni Zack. Nakita niyang may kausap ito sa kabilang li
Excited si Maiden habang nakasakay sa kotse ni Zack. Papunta sila ngayon sa probinsya kung saan nakatira ang ina at kapatid niya. Hindi niya tuloy maiwasan na ngumiti habang nasa byahe."Maraming salamat talaga, Sir Zack.""I already told you, Maiden, just call me Zack. Wala tayo sa opisina."Ngumiti siya dito. "Thank you, Zack. Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya ngayong birthday ko. As in, ito talaga ang birthday wish ko, ang makasama ang pamilya ko sa araw ng birthday ko."Bumaling ito sa kanya at ngumiti pero agad ding binalik sa daan ang tingin nito. "Sabi ko naman sa 'yo, eh. Matutuwa ka sa surprisa ko.""Paano mo pala nalaman na ito ang gusto ko?"Napatingin siya sa kamay niya nang hawakan ito ni Zack. Nasa daan pa din ang tingin nito. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang tumibok ng mabilis ang puso niya. Siguro ay dahil sa galak o excitement na nararamdaman niya ngayon."I know you, Maiden, kaya alam ko kung ano ang mga gusto mo at hindi. Isa pa, matagal-tagal na din s
Kinabukasan ay namasyal sina Maiden kasama ang pamilya niya at si Zack sa plaza. Wala namang mall sa probinsya nila kaya sa plaza lang niya pwede ipasyal si Zack. Kumain lang sila sa isang street foods."Sigurado ka ba talaga na ayos lang sa 'yo na kumain ng street foods?" tanong ni Maiden kay Zack nang makalapit sa sila sa nagbebenta."Hindi ko na alam kung ilang beses mo na 'yang natanong sa akin, Maiden. Are you worrying over something?"Napabuntong hininga na lang siya. "Baka kasi ay biglang sumakit ang tiyan mo kapag kumain ka. Alam mo na, hindi sanay ang tiyan mo sa pagkain na 'yan."Gano'n pa naman ang nangyayari sa mga mayayamang kumakain ng pagkain na nasa gilid lang ng kalsada nabebenta."Sinong may sabi?" Ngumisi ito sa kanya. "Hindi por que mayaman ako, Maiden, ay hindi na ako kumakain ng ganito. Hindi mo ba alam? Noong bata pa kami ni Sabrina ay dinadala kami nina mommy at daddy sa kung saan may mga street foods.""Owws?" Hindi siya naniniwalang nakatingin dito."Oo kaya.
"Mag-iingat kayo mga anak," sabi ng ina ni Maiden sa kanila ni Zack.Babalik na kasi sila ng Manila ngayon dahil may pasok na sila kinabukasan. Nasa labas sila ng bahay para ihatid sila sa pag-alis nila.Niyakap niya nang mahigpit ang ina. "Opo, Ma. Kayo din po, mag-iingat kayo ni Mark." Tinapik nito ang likod niya kaya naman kumalas na siya dito. Sunod naman na niyakap niya ay ang kapatid. "Mag-iingat kayo ni mama, Mark. Alagaan mo ng mabuti si mama. Huwag mo din pabayaan ang pag-aaral mo."Niyakap din siya nito pabalik. "Pangako, Ate. Huwag kang mag-alala kasi ako na ang bahala kay mama. Basta, mag-iingat ka din sa Manila at tungkol naman sa pag-aaral ko ay hindi mo na kailangan mag-alala dahil mas bubutihin ko pa. I will make you proud of me."Kumalas na siya at tumango dito. Ayaw pa man niya sanang umalis ay hindi pwede. Kailangan niyang magtrabaho para sa pamilya niya, para sa pangangailangan ng mga ito. Kaya titiisin niya ang pangungulila sa pamilya para mabigyan lang ito ng maga
Bumalik si Maiden na may dalang mainit na lugaw, tubig, at gamot na nilagay niya sa tray. Nang makapasok siya sa kwarto ni Zack ay nakapikit ito, hindi niya alam kung natutulog ba ito o hindi. Inilagay niya ang tray sa bed side table."Zack, wake up." Mahina niyang tinapik ang balikat ni Zack. "Kumain ka na muna para makainom ka ng gamot."Iminulat ni Zack ang mga mata at napatingin sa kanya. "Wala akong ganang kumain."Kapag talaga may sakit ay walang ganang kumain kaya nga lugaw ang niluto niya para kahit papaano ay magkalaman ang tiyan nito. Hindi naman ito pwedeng uminom ng gamot ng walang kain."Pero kailangan mong kumain. Papaano ka makakainom ng gamot kung hindi ka kakain? Lugaw lang naman itong niluto ko kaya madali mo lang itong makakain."Napatitig ito sa kanya dahilan para magtaka siya. "Ikaw ang nagluto? You cooked for me?"Tumango naman siya. "Oo, nagluto pa ako para sa 'yo kaya kailangan mong kumain. Huwag mong sayangin ng effort ko."Kahit walang gana si Zack ay pipiliti