Share

Chapter 2: ANG KULANG SA ARUGA NA SI ZACK

Tatlong araw ng hindi pumapasok si Zack kaya naman napagdesisyunan ni Maiden na puntahan na ito sa bahay nito. Hindi siya papayag na hindi na lang pumasok ang boss niya dahil siya ang kawawa. Siya kasi ang natatambakan ng mga trabaho nito at marami na din itong meetings at appointment hindi natutuloy dahil lang sa hindi nito pagpasok.

Nag-doorbell siya sa gate na hindi nagtagal ay pinagbuksan siya ng guard. "Ikaw pala, Maiden. Pasok ka."

Mas binuksan nito ang pagkakabukas ng gate. "Thank you, Kuya. Si Sir Zack ba nandiyan?"

"Opo. Ilang araw na ngang hindi lumalabas, eh."

Nagtataka siya sa sinabi nito. Hindi lumalabas? Bakit naman? Ang akala niya ay hindi ito pumapasok ay dahil busy na naman ito sa pambabae nito lalo na't gano'n ang binata sa tuwing hindi ito pumapasok ng opisina. Himala ata kung gano'n. Anong nakain nito at hindi ito naggagagala at nambabae?

Kumatok siya sa pintuan na pinagbuksan naman siya ng maid. Nagtanong lang siya tungkol kay Zack at sinabi nitong nasa kwarto ang binata at hanggang ngayon ay hindi pa nakakababa. Anong oras na pero nasa kwarto pa din ito, it's not like Zack.

"Maiden, Hija." Napatingin siya sa babaeng tumawag sa kanya at nakita si Mrs. Sky Lher Balley, ang ina ni Zack. Kahit na may edad na ito ay hindi pa din maitatago ang ganda nito. Lumapit ito sa kanya at niyakap siya. "It's good to see you again, Dear. Ang tagal mo din hindi dumadalaw dito sa bahay. Nag-away ba kayo ni Zack?"

Hindi niya maiwasan na magtaka sa tanong nito. "Hindi naman po. Bakit po naman ninyo natanong?"

Napahawak ito sa pisngi. "Ilang araw na kasing hindi lumalabas sa kwarto si Zack kaya I assume na nag-away kayo. Alam mo naman ang batang 'yon, ayaw na ayaw na nag-aaway kayo."

Napailing na lang siya sa sinabi ng ginang. Ganito talaga ito sa kanya kahit noong unang linggo pa lang niya bilang secretary ni Zack. Gusto siya nito dahil nakikita nito ang sarili sa kanya. Nalaman niya kasi na isa din itong matapang na babae dahilan para mahalin ito ng asawa.

"Wala naman po siyang sakit?"

Umiling ito. "I checked on him yesterday pero wala naman. Mukhang nagmumukmok lang siya."

"Hay naku, Tita. Baka naman binusted ng babae kaya ganyan siya ngayon, nagmumukmok."

Napakibit balikat na lang ito. "I don't know. Ayaw din naman kasi magsalita ng batang 'yon. Kailangan ko pangbatukan para lang magsalita." Natawa naman siya. "Oh, siya... Puntahan mo na si Zack at pababain mo para sabay-sabay na tayong kumain."

Hindi niya maiwasan na mapangiti dahil ang bait nito sa kanya. Actually, ang buong pamilya nito ang mabait sa kanya. Para na nga siyang membro ng pamilya kung ituring, eh.

"Sige po, Tita." Naglalakad na siya sa hagdan nang makasalubong niya si Mr. Zaver Balley, ang ama ni zack. "Good morning, Tito."

"Good morning, Maiden. I guess nandito ka dahil kay Zack."

Natatawa na lang siya habang naiiling. "Hay naku, Tito. Itong anak niyo kasi ay ilang araw ng hindi pumapasok. Mukhang tinuyo na naman."

Napailing na lang din ito at tinapik ang balikat niya. "Ikaw na ang bahala sa kanya. Sa 'yo lang naman siya nakikinig."

Tuluyan na itong bumaba sa sala. Limang taon na siyang nagtatrabaho bilang secretary ni Zack. Bago pa siya ang naging secretary nito ay marami nang dumaan na secretary kay Zack at lahat ng 'yon ay naakit lang ng binata at ang ending, may nangyayari sa dalawa dahilan para paalisin ito ni Zack.

Siya lang ang nagtagal hanggang ngayon. Kaya nga gustong-gusto siya ng mga magulang nito dahil siya lang ang hindi naakit kay Zack.

Kumatok siya sa pinto ng kwarto ni Zack nang nasa harap na siya nito. Wala siyang sagot na nakuha mula dito kaya naman muli siyang kumatok, at tuluyan nang pumasok.

Medyo madilim ang kwarto nito kahit pa sikat na ang araw dahil sa makapal na kurtina na nakaharang sa malaki nitong bintana. Agad siyang pumunta sa bintana at binuksan ito.

"What the hell?" sigaw ni Zack nang masilaw ito sa sinag ng araw. "Bakit mo binuksan ang bintana? Can't you see? I'm f*cking sleeping!" Natigilan ito at napatingin sa kanya. Nagulat ito nang makita siya kaya tinaasan niya ito ng isang kilay. "Maiden? What are you doing here? Kanina ka pa dito?"

Hindi pala nito napansin ang pagpasok niya sa kwarto nito.

"Nandito ako, Sir Zack para papasukin ka na sa opisina. Ilang araw ka na kasing hindi pumapasok." Nagtalukbong lang ito dahilan para mainis siya. Lumapit siya dito at kinuha ang kumot nito. "Bumangon ka na diyan, Sir, at kailangan mo nang pumasok. Hindi pwede na nandito ka lang. May kompanya kang pinapatakbo, Sir Zack."

"Ayaw ko nga. Tinatamad ako." Muli nitong kinuha ang kumot nito at muling nagtalukbong.

"Ano bang nangyayari sa 'yo?"

"Galit ako sa 'yo!"

Kumunot ang noo niya. "At bakit naman? What did I do? Did I do something wrong that can make you mad?" Hindi ito sumagot dahilan para mas mainis siya. "Ano ba talaga, Zack?" Napamewang na lang siya. "Kapag talaga hindi ka bumangon diyan, hindi mo magugustohan ang gagawin ko."

Inalis nito ang kumot at galit na nakatingin sa kanya. "Ano naman ang gagawin mo?"

Ngumisi siya dito. "Alam kong ayaw mong umalis ako, 'di ba?"

"You can't just leave me like that, Maiden. You know that." Masama siya nitong tiningnan.

"Alam mong kaya ko," nakataas noong sabi niya. "Kung ayaw mong umalis ako, bumangon ka na diyan, maligo, magbihis, at bumaba dahil naghihintay na ang mga magulang mo sa baba para kumain, okay?"

Aalis na sana siya nang hawakan nito ang kanyang kamay. "Hindi mo ako iiwan, 'di ba?"

Ginulo niya ang buhok nito. Para talaga itong bata. Minsan napapansin niya kay Zack ay kulang ito sa aruga kaya hinahanap niya ito sa babae. Pero bakit gano'n kung mahal na mahal naman ito ng pamilya nito?

"Hindi, kapag nagpakabait ka. Alam mo naman na ayaw ko ng sakit sa ulo." Nagtaka siya ng hindi pa din siya nito bitawan.

"Sasabay ka sa amin kakain?"

Hinawakan niya ang kamay nito at pinabitaw mula sa pagkakahawak sa kanya. "Oo kaya bilisan mo na diyan."

Lumabas na din siya sa kwarto nito at pumunta sa dining area at nakita ang buong pamilya ni Zack. Ang ina, ang ama nito, at ang kambal ni Zack na si Savrina.

"Maiden!" Niyakap kaagad siya ni Savrina nang makita siya. "Mabuti naman ang dumalaw ka dito sa bahay. Teka, kaya ba hindi ka dumadalaw dito dahil pinagbabawalan ka ni Zack?"

Natawa naman siya sa sinabi nito. "Walang kinalaman si Zack doon, Sav. Medyo busy lang ako sa opisina."

"Oh, let me guess..." Inilagay nito ang hintuturo sa baba nito habang nakataas ang isang kilay. "Madami kang trabaho dahil tumatakas si Zack sa trabaho dahil nambababae, right?"

Napailing na lang siya. "Yeah, kilala mo naman ang kapatid mo."

"Yeah, tama ka diyan. Nagmana kasi siya kay dad," sabi ni Savrina habang may pasiring na tingin sa daddy niya.

"That was before, Savrina. Alam mo naman na nagbago na ako dahil sa mommy mo." Mahina naman silang napatili nang makita nila na niyakap nito ang asawa mula sa likod at hinalikan sa pisngi.

"Hay naku! Ang cheesy talaga ni daddy. Natatanggal ang angas niya," natatawang sabi ni Savrina.

"Ayos lang na matanggal ang angas ko basta pagdating sa mommy mo."

Napailing na lang si Sky at mahinang tinapik ang kamay nitong nakayakap dito. "Maupo ka na nga diyan, puro ka kalokohan."

"What? Hindi 'yon kalokohan, Honey. Alam mo naman 'yon, eh."

"Yeah, yeah... Alam ko, okay? Kaya maupo ka na diyan."

"Yes, Ma'am." Bahagya silang natawa nang sumaludo pa ito sa asawa.

"Maupo ka na din, Maiden. Samahan mo kami sa pagkain." Tinuro ni Sky ang upuan.

Ngumiti naman siyang umupo. Hindi nagtagal ay bumaba na din si Zack, bagong ligo at nakabihis na.

"Mabuti naman at lumabas ka na sa lungga mo, Bradder," sabi ni Savrina. Umikot lang ang mga mata nito at tumabi ng upo sa kanya.

Mukhang wala pa din sa mood si Zack kaya naman tahimik lang siya. Iba kasi kapag wala sa mood ang binata, masyado itong moody, at masungit. Dinaig pa ang may regla.

Natapos sila sa pagkain kaya naman nagpaalam na silang aalis. Naghihintay na siya ng taxi nang lumabas mula sa gate ng bahay ang kotse ni Zack. Binuksan nito ang bintana sa driver side.

"Anong ginagawa mo diyan?" nakataas na kilay na tanong ni Zack.

"Malamang, naghihintay ng taxi."

"What for?"

"Malamang para sakyan papunta sa opisina." Umikot ang mga mata niya dahilan para sumama ang tingin nito sa kanya.

"Huwag kang mamilosopa, Maiden, wala ako sa mood." Napalunok na lang siya. Kapag ganito ang mood ng binata ay hindi siya pwedeng magsungit dito. "Sumakay ka na dito. Iisang kompanya lang naman ang pupuntahan natin."

Hindi na siya nagprotesta at sumakay na. Baka kasi ay mapagalitan pa siya nito kapag umayaw siya. Nakakatakot pa naman ito kapag galit.

"WHAT the hell is this?" Napakunot ang noo ni Maiden nang marinig mula sa labas ang sigaw nito.

Agad siyang napatayo at napapasok sa opisina nito. Hindi na niya nagawang kumatok bago pumasok dahil nataranta siya sa sigaw ni Zack. Nagulat siya nang makita na ang ibang papeles ay nagsikalat sa sahig. Nakayuko din ang ibang mga empleyado na kaharap nito.

"What happen?"

"Ano? Ganito lang kayo? Hindi ko kayo binabayaran para lang sa ganitong trabaho niyo!" sigaw ulit ni Zack. "Ilang araw lang ako nawala tapos nagpapabaya na kayo?"

"Pasensya na po, Sir."

Napasapo na lang siya ng noo. Napatingin sa kanya ang mga trabahante na para bang humihingi sila ng tulong sa kanya. Napailing na lang siya.

Tumango siya dito. "Sige na, ako na ang bahala dito."

"Lumabas kayong lahat at ayusin niyo ang mga trabaho ninyo!" Mabilis na nagsilabasan ang mga ito.

Napabuntong hininga na lang siya at pinulot ang mga papel. "Masyado naman atang mainit ang ulo mo ngayon, Sir Zack."

Napaupo ito sa swivel chair at napasapo sa noo. "Hindi naman sana magiging mainit ang ulo ko kung inaayos nila ang mga trabaho nila. Ikaw lang ata ang maayos na empleyado dito."

Napabuntong hininga siya at inilagay sa mesa ang mga pinulot niyang papeles. "Gusto mo ng malamig na juice para naman lumamig 'yang mainit mong ulo?"

Napabuga ito ng malakas na hangin. "I'm sorry if you see that side of me, Maiden."

Ngumiti lang siya dito. "Sanay naman na ako sa ugali mo, eh. Ipagtitimpla muna kita ng juice."

Natigilan siya sa paglalakad nang tawagin siya nito. "Thank you, Maiden," nakangiti nitong sabi.

Ngumiti din siya dito. "Wala 'yon, Sir Zack."

Kahit kasi boss niya ito ay itinuring na din niya itong kaibigan lalo na't isa ito sa tumulong sa kanya ng magkasakit ang ina niya. Hindi ito nagdalawang isip na pahiramin siya ng malaking halaga para sa pagpapagamot sa ina niya sa probinsya.

Kaya kahit tinatakot niya si Zack na umalis ay hindi naman niya magagawa dahil malaki ang utang na loob niya dito.

Comments (4)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
Yun Naman pala Zack Hindi Ka iiwan ni Maiden
goodnovel comment avatar
lovelove gonzales
nag seselos yarrnnn.........
goodnovel comment avatar
Vickai Usares
ng jejely ata c Zack kaya moody
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status