Share

Chapter 3: The ruined date

"Babe, Babe..." Nabalik sa ulirat si Maiden nang paulit-ulit siyang tinawag ng nobyo niyang si Ryan.

"Ha? Ano nga 'yon?" Napabungtong hininga na lang si Ryan dahilan para medyo mahiya siya. "I'm sorry, Babe. May iniisip lang ako."

"Is it about Zack?" Napakunot noo siya at nagtataka kung bakit napasok si Zack sa usapan nila. "Your boss again. Binibigyan ka na naman ba niya ng maraming trabaho kaya pagdating sa akin ay pagod ka na? Hindi man pagod pero wala naman sa akin ang isip mo."

Parang nakahinga siya ng maluwag dahil akala niya ay kung anu na ang ibig nitong sabihin. Hindi naman nagseselos si Ryan pagdating sa kanyang boss, ang ikinaiinis lang nito ay parati siyang busy sa trabaho dahil sa tambak niyang trabaho dahil sa minsan nga ay umaalis si Zack para lang mambabae.

"Why don't you just quit your job?" Napatitig siya sa nobyo. "You know that I can support you and your mother."

Napabuga na lang siya ng hangin at napatingin sa pagkain. "Alam mo naman na hindi ko magagawa 'yan. Ayaw kong umasa na lang parati sa 'yo. At saka kahit na womanizer ang boss ko na 'yon at minsan ay sakit sa ulo ay malaki pa din ang utang na loob ko sa kanya."

"So, wala ka talagang balak na mag-resign?"

Nagtataka naman siyang napatingin dito. "Why should I, Babe? Hindi ka naman nagseselos sa kanya, 'di ba?"

"I am not jealous at him, Babe. Ang iniisip ko lang ay ikaw. Baka mamaya ay magkasakit ka dahil sa sobrang busy mo." Napabuntong hininga na naman ito. "Sana kapag kasal na tayo at may sarili na tayong pamilya ay pwede ka ng mag-resign. Gusto kong nakatutok ka lang sa mga magiging anak natin." Hinawakan nito ang kamay niya na nasa ibabaw ng mesa. "Alam kong malaki ang utang na loob mo sa kanya pero sapat na siguro ang ilang taon na pagtatrabaho mo sa kanya at palagi mong pagsalo sa mga trabaho niya bilang kabayaran. Think about it, Babe."

Maliit siyang ngumiti dito. "Not now, Babe, but maybe soon. May tamang panahon para diyan."

Ngumiti naman ito sa kanya. "Okay, let's continue to eat. Huwag natin sirain ang gabi natin."

Kakain na sana sila nang may isang babae na biglang lumapit sa kanila. "Ryan, long time no see."

Sabay silang napatingin sa babae. Nagulat siya nang walang anu-ano'y hinalikan sa gilid ng labi ang boyfriend niya at niyakap ng mahigpit. Akala mo'y walang kasama ang binata.

"Chloe, long time no see." Hindi niya maiwasan na mapatitig sa dalawa. Hindi naman halata na close sila. "Kailan ka pa umuwi galing States?"

"The other day lang. Actually, hinanap nga kita kaagad at hindi ko in-expect na makikita kita dito. How are you?"

"I am fine. Ikaw ang kumusta? Ang tagal din nating hindi nagkita, ah."

Hindi niya maiwasan na mapataas ng kilay lalo na nang makita niya kung papaano pisil-pisilin ng Chloe na ito ang braso ng boyfriend niya. Napaikot na siya ng mga mata, mukhang nakalimutan na siya ng nobyo.

"Ehem..." Talagang nilakasan niya ang pagtikhim para makuha niya ang atensyon ng dalawa na nagtagumpay naman siya.

"Oh, who is she?" tanong nito na hanggang ngayon ay nakapulupot pa din sa boyfriend niya.

Mas lalong tumaas ang kilay niya sa naging tanong nito. Napansin naman ni Ryan ang tingin niya kaya agad itong napalapit sa kanya. Ang kilay naman ni Chloe ang napataas nang yakapin siya ni Ryan sa bewang niya.

"Oh, Chloe, this is Maiden, my girlfriend."

Nagulat ito sa sinabi ni Ryan pero agad naka-recover. Ngumiti ito sa kanya pero alam niya ang ngiting 'yon. Ngiting hindi siya nito gusto. Papaano ba naman siya magugustuhan nito kung siya lang naman ang girlfriend ng lalaking nilalandi nito.

"Oh, hindi ko alam na may girlfriend ka na pala, Ryan. It's nice to meet you, Maiden." Nakipagbeso-beso ito sa kanya. "I'm Chloe, Ryan's ex-fiancee."

Kumunot ang noo ko at napatingin kay Ryan. "What does she mean, Babe?" nakangiti niyang tanong sa binata pero may kakaiba na sa ngiti niya at alam ng binata kung anong ibig sabihin no'n.

Sasagot na sana si Ryan pero inunahan na siya ni Chloe. "Oh, don't get us wrong, Maiden." Napatingin siya kay Chloe. "That was before. It was an arranged marriage with our families. Hindi kami pumayag ni Ryan kaya hindi natuloy kaya nga ex-fiancee na lang."

Ngumiti ako sa kanya pero may kasamang masamang tingin. "Mabuti na 'yong nilinaw mo. Hindi pa naman maganda ang ugali ko kung nagkakaroon ako ng misunderstanding."

Bigla namang kinabahan si Chloe. "Hindi ko alam na palabiro pala itong girlfriend mo, Ryan."

"Yeah, minsan talaga ay palabiro itong girlfriend ko," pagsang-ayon naman ni Ryan.

"Who said that, I'm just kidding?" Mas lalong naging matalim ang tingin ko sa kanila dahilan para mawala ang ngiti sa mga labi nila.

"Babe," may pagsusumamo na sabi ni Ryan. Para bang sinasabi nito na huwag siyang magsungit sa babaeng ito.

Napabutong hininga siya. "I'm sorry kung naabala ko ang masaya niyong reunion." Kinuha ko ang bag ko sa upuan at nakangiting tumingin sa kanila. "I guess, mauna na ako sa inyo and enjoy your night. Nice meeting you, Chloe."

Ngumiti siya sa dalaga at masama naman ang tingin na binaling niya sa boyfriend niya. Nauna na siyang lumabas sa restaurant. Her night was totally ruined. Hinabol siya ni Ryan pero hindi siya huminto sa paglalakad. Naabutan na siya nito nang makalabas na siya ng restaurant.

Napahinto siya nang mahawakan nito ang kamay niya. Napaharap siya dito. "What was that, Maiden?" may bahid ng inis nitong tanong. "Bakit gano'n na lang ang inasta mo? Nakakahiya kay Chloe. Baka ano pa ang masabi no'ng tao."

"Ako pa ba dapat ang mahiya, Ryan?" Tinuro niya ang sarili. "Talaga lang?" Binawi niya ang kamay mula sa pagkakahawak nito. "Baka nakakalimutan mong tayo ang may date at bigla na lang siyang sumulpot at halikan ka sa harapan ko."

"That was just a friendly kiss, Babe."

"I don't damn care, Ryan! Halik pa din 'yon. Sana man lang tiningnan niya muna kung may kasama ka bago ka niya nilandi sa harapan ko o baka nga siguro ay nakita niya talaga ako, but she choose to ignore me."

Nagtataka itong nakatingin sa kanya. "Nilandi? What are you talking about? Nag-uusap lang kami at walang landian na nangyari at saka baka talaga hindi ka lang niya napansin."

"At talagang pinagtatanggol mo pa siya? Hindi ako bulag, Ryan." Sinamaan ko siya nang tingin. "Akala mo ba ay hindi ko nakita the way na pisil-pisilin niya ang braso mo." Napangisi ako. "Don't tell me hindi mo naramdaman 'yon, eh katawan mo 'yan."

"Alam mo, pagod ka lang kaya kung anu-ano na 'yang iniisip mo. Ihahatid na kita pauwi."

"Pagod o sa hindi ako, I know what I see, Ryan. Hindi ako tanga, hindi ako bingi, at mas lalong hindi ako bulag." Tumalikod na siya at sumakay sa taxi ng huminto sa harapan niya. Wala naman siyang balak na magpahatid dito lalo na't bad trip na siya.

"Damn it! Open this door, Maiden. Mag-usap tayo," sabi ni Ryan na pilit binubuksan ang pintuan ng taxi pero hindi nito magawa dahil ni-lock niya ito.

"Tayo na, Kuya," sabi niya sa taxi driver na agad naman nitong sinunod.

Napasandal na lang siya sa upuan at napasapo sa noo. Hindi niya inaasahan na sasabog siya sa ganitong bagay. Noon naman ay kalmado lang siya kapag may ibang babae ang lumalapit sa boyfriend niya. Gwapo si Ryan kaya hindi na nakapagtataka kung may mga babae ang lumapit sa kanya.

But she knows, she can feel that there is something with that Chloe. Alam niyang nakita siya nito pero pinili lang nitong magbulag-bulagan. Hindi siya nito binigyan ng respeto kaya sa isip niya ay bakit bibigyan niya din ito ng respeto?

"ARE you okay?" Napatingin si Maiden kay Zack na taimtim na nakatingin sa kanya ngayon. "You look like hell, Maiden. Hindi mo ba nakikita ang sarili mo sa salamin ngayong umaga?"

Napabuga siya ng hangin at inayos ang buhok. Alam niyang para siyang panda ngayon dahil sa itim na nasa ilalim ng mga mata niya.

Hindi siya masyadong nakatulog kagabi dahil sa nangyari sa restaurant. Ni hindi man lang siya tinawagan o i-text ni Ryan, mukhang binalikan nito ang Chloe na 'yon.

Hinawakan ni Zack ang mukha niya at pinaharap dito. "What happen to you? Fan ka na ba ng mga panda kaya ginaya mo sila?"

Binawi niya ang mukha niya. "Nice try, Sir." Umikot ang mga mata niya. Wala siya sa mood para makipagpilosopohan dito.

"Eh, bakit nga ganyan ang mukha mo? Hindi ka ba nakatulog dahil sa kakaisip sa akin? Damn! Pinagpapantasyahan mo na ba ako, Maiden?" Sinamaan niya ito nang tingin pero parang wala lang dito. "Anyway, it's okay na pagnasaan mo ako lalo na kung ikaw. Pwede mo nga akong hubaran sa isip mo, eh. You can also rape me in your mind."

"Pwede ba, Sir Zack? Kung walang magandang lalabas diyan sa bibig mo ay huwag ka nang magsalita at baka makalimutan kong boss kita." Nagtataka siya nang mapatitig ito sa kanya. "Anong tinitingin-tingin mo diyan?" pagsusungit niya dito pero hindi ito natinag.

"Tell me, what happen?" Napatitig siya ng maigi dito. Hindi niya alam kung tama ba ang nakikita niyang pag-aalala sa mukha nito. "Come on, Maiden, womanizer man ako pero mapagsasabihan mo naman ako ng mga problema mo. You know that you can always lean on me, Baby." Napatingin siya sa kamay niya nang hawakan ito ni Zack at mahinang pisilin. "Spill it, Maiden."

Napabuntong hininga siya. Kahit pa womanizer ang lalaking ito ay alam naman niyang mapagkakatiwalaan niya ito. Gumagaan naman ang pakiramdam niya kapag kay Zack siya nagsasabi ng mga saloobin niya.

"Nag-dinner kasi kami ni Ryan kagabi." Hindi nakaligtas sa mga mata niya ang pag-ikot ng mga mata ni Zack. Marinig pa lang nito ang pangalan ng boyfriend niya ay naiinis na ito. "Tapos may babae na lumapit sa amin. Alam mo, napakalandi ng babaeng 'yon. Akala niya siguro ay hindi ko nakikita ang pagpisil-pisil niya sa braso ni Ryan. At ito namang lalaking ito parang wala lang. Sinong hindi maiinis do'n? Hindi man lang din ako tinawagan kagabi para suyuin ako."

Halos umusok na naman ang ilong niya nang maalala niya ang nangyari kagabi.

"Hays! Huwag mo na kasing isipin ang lalaking 'yon. He's not worth it." Pumunta ito sa likuran niya at hinilot ang magkabilang balikat niya. "Mag-focus na lang muna tayo sa trabaho at huwag ng isipin ang walang kwentang lalaking 'yon. Hindi ka nga niya tinawagan kaya hindi mo din siya dapat isipin." Medyo kumalma siya dahil sa paghihilot na ginagawa nito sa kanya. "Kaya kung ako sa 'yo ay ako na lang ang isipin mo, kikiligin ka pa."

Napa-poker face na lang siya at hinawakan ang kamay nito at inalis. "Okay na sana, eh. Na-comfort mo na ako pero sinira pa ng pagiging mahangin mo."

Natawa naman ito. "Pero aminin mo, kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam mo."

Napangiti na lang siya dahil tama ito. Kahit womanizer ito ay inaalala nito palagi ang nararamdaman niya. Hindi nito hinahayaan na buong araw siyang malungkot o down. Gagawa at gagawa ito ng paraan para mawala ang lungkot niya.

Kung hindi nga lang sana ito womanizer ay baka nahulog na ang loob niya dito.

"Yeah, and thank you for that, Sir Zack."

Ngumiti ito sa kanya at tinapik ang balikat niya. "Anytime, Maiden. Basta kapag may problema ka ay lagi mo lang isipin na nandito lang ako palagi para sa 'yo. Palagi," may diin nitong sabi sa salitang palagi.

Ngumiti siya dito at tumango. Bumalik na din sila sa trabaho.

"MAIDEN, libre kita ngayon." Napatingin si Maiden kay Zack na hindi niya napansin na nasa tabi na pala niya.

Uwian na nila kaya naghahanda na siya sa pag-uwi. Tumaas ang kilay niya. "Anong meron at may palibre kang nalalaman, Sir Zack?"

"Lonely at heart broken ka kasi kaya gusto kitang ilibre."

Napailing na lang siya sa sinabi nito. "Hindi po ako lonely at heart broken. Nag-away lang kami ng boyfriend ko, heart broken kaagad?"

"Whatever. Basta libre kita ngayon. May bagong sweet shop malapit lang dito sa kompanya. Um-order ka lang um-order hangga't gusto mo."

Natatawa siyang naiiling na naman. "Right timing ka din manlinbre, no? Talagang tina-timing mo na magkaaway kami ni Ryan sa tuwing nililibre mo ako."

"Oo naman. Hindi naman kita mailibre pagnandiyan ang kumag na 'yon. Pwede naman kitang ilibre araw-araw kung sasagutin mo na ako."

Napapailing na lang siya sa mga biro niya. Ang hindi alam ni Maiden ay sa bawat akala niyang biro ni Zack ay para sa binata ay totoo 'yon. Sinusubukan niya lang kung kailan mahuhulog sa bitag niya ang dalaga.

"Ano? Punta tayo? I know you like sweet and sweets can make someone bad mood into a good mood."

Napangiti siya dito. Kahit na minsan ay naiinis siya sa pagiging womanizer nito ay natutuwa siya dito lalo na kapag nasa ganito siyang sitwasyon. Palagi nitong pinapagaan ang loob niya.

"Sige na nga, mapilit ka, eh."

"Great. So, let's go?"

Tumango naman siya kaya naglakad na sila papalabas ng building. Nang makalabas ay hindi niya inaasahan na makikita si Ryan sa labas ng building, naghihintay sa kanya habang may hawak na bulaklak.

Lumapit ito sa kanya at ibinigay sa kanya ang bulaklak na kanya namang tinanggap. "I'm sorry for last night, Babe. Can you forgive me?"

Napasimot naman siya sa mabangong bulaklak. Napabutong hininga siya. "Sana hindi na maulit 'yon, Ryan. Ayaw kong ako pa ang parang out of place sa date natin."

"Promise, I won't let it happen again." Niyakap siya nito kaya naman napangiti siya. "Can I take you on a date today?"

Sasagot na sana siya ng oo pero bigla niyang naalala ang naging usapan nila ni Zack. Napatingin siya sa binata na bitter na namang nakatingin sa kanila.

Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
kawawang Zack
goodnovel comment avatar
lovelove gonzales
malas sir zack.........
goodnovel comment avatar
virgiezapanta55
selos n yarn
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status