Ipinark ni Leo ang sasakyan di kalayuan sa tinutuluyang mansiyon ni Don Ysmael kung saan siya nagtatago. Pero tago iyon para di kami makita ng mga nagbabantay sa mansiyon. Halos malaglag ang panga ko habang nakatingin sa mansiyon di kalayuan samin. Iba talaga nagagawa ng pera. Sino ba naman mag-aakala na ang may-ari nang mansiyon na ito ay isa palang Drug Lord. Perang galing sa illegal. Siguradong bantay sarado ang mansiyon. Lumabas na si Leo. Lumabas na rin ako. Tinungo namin ang bukirin kung saan nakatayo ang mansiyon. Yumuko kami sa gilid ng mataas na gate para di kami makita. Sumilip si Leo sa uwang ng gate. Dahil sa matangkad siya kaya nakikita niya ang loob niyon."May mga nagbabantay sa labas. Apat na tao. Huwag kang hihiwalay sakin Rhianna. Kapag may nakita kang tao barilin mo na agad." pabulong niyang sabi sakin. "Oo, sige." wika ko. Diko maiwasang mapangiti. Talagang buo na ang tiwala niya sakin ngayon. Hindi na katulad nang dati na nagdududa siya sa kakayahan ko. Kaya m
Dahil sa hindi namin nahuli si Don Ysmael. Wala kaming nagawa kundi bumalik sa apartment. Habang sakay ng sasakyan na minamaneho ni Leo. Hindi ko maiwasang isipin ang mga binitawan niyang salita kanina. Tinatanong ko sa aking sarili kung may kulang ba sakin kaya hindi niya ako magawang mahalin. May mga katangian nang isang babae na gusto ni Leo na wala ako? Ayaw ko naman na ako ang una magsabi sa kaniya ng tatlong katagang iyon. Ayaw kong mapahiya. At tsaka ako nag babae, dapat lalaki ang unang magsasabi nang mga bagay na yun."Ang lalim ng iniisip mo Rhianna. Dahil ba ito sa hindi natin pagkahuli kay Don Ysmael?" tanong niya sakin. Tumingin siya sa rearview mirror para tingnan ako. Gusto kong sabihin na mali ang sinabi niya. Gusto kong itama ang mga sinabi niya pero hinayaan ko nalang. Mas maganda na yun ang isipin niya. Tumango ako at nilingon siya."Oo. Pero alam ko naman na mahuhuli din natin siya. Darating din ang oras na masisilo natin siya. Alam ko naman nandyan ka e." wika ko
Rhianna'sPOVWala namang masama kung tatanggapin ko ang alok ni Brandon na kumain sa labas. Friendly date kumbaga. Ang iniisip ko ngayon ay si Leo. Paano kung magalit siya? Natigilan ako. Bakit naman siya magagalit? Wala naman kaming relasyon. Hindi porket sinabi niya sakin na gusto niya ako ay pag-aari na niya ako. Hangga't di niya sinasabi na mahal niya ako may karapatan akong tanggapin ang alok ni Brandon. Mahal? Imposibleng sabihin sakin ni Leo ang mga bagay na yun."Oo. Pwede." wika ko. Pagkasabi ko nun. Lumabas si Leo sa kwarto na nakasuot na ng damit pang-itaas tsaka nagtungo sa kusina. Ni hindi man lang siya lumingon samin. Alam kong narinig niya ang mga sinabi ko. Nasa gilid lang ng salas ang kwarto niya. Samantalang ang kwarto ko naman ay mismong nasa harapan ng salas. Galit ba ito? "Sige maliligo at magbibihis lang ako." wika ko at tumayo na."Sige hihintayin kita Rhianna." sagot ni Brandon. Binigyan ko lang siya ng isang tipid na ngiti. Tinungo ko na ang kwarto kung sa
Nagtungo kami sa sa Sweet Angel Restaurant na nasa bayan di kalayuan sa apartment. Sampong minuto lang ang tinagal ng biyahe. Ipinark ni Leo ang kotse sa parking area ng Restaurant. Pagkatapos maipark, lumabas siya ng kotse at umikot patungo sa passengers seat para pagbuksan ako ng pinto. Nang mabuksan niya ang pinto ay agad akong bumaba. "Salamat." wika ko. Ngumiti naman si Brandon sakin. "Tara na." wika ni Brandon. Tumango ako at sabay kaming nagtungo sa Restaurant. Binati kami ng guard na nasa labas at tsaka kami pinagbuksan ng pinto. Nagpasalamat ako bago kami tuluyang makapasok sa loob. "Doon tayo Rhianna." wika ni Brandon tsaka itinuro ang isang mesa na nasa dulong bahagi ng restaurant. Sa may glass wall kung saan kita ang tanawin sa labas. Hinawakan niya ang siko ko at iginiya ako patungo roon. Subalit wala akong naramdamang kuryente sa pagkakadaiti ng aming mga balat. Hindi kagaya ni Leo na mayroon akong nararamdaman na kuryente patungo sa puso ko. Bakit ko ba iniisip si
Pagkatapos nilang kumain, agad nagbayad si Brandon. Tsaka ako niyayang umalis. Mabuti na rin yun kasi namimiss na niya si Leo. Ano kayang ginagawa niya ngayon? Galit pa kaya siya sakin? Malamang. Magpapaliwanag ako pagdating ko."Salamat sa pagpapaunlak nang aking paanyaya, Rhianna." ani Brandon at tiningnan siya. Nakasakay na kami sa kotse niya pabalik."Walang anuman Brandon. Naging mabuti kang kaibigan sakin. Walang dahilan para tanggihan kita." wika ko. Ngumiti siya sakin at tsaka ibinalik ang atensyon sa daan.Nang marating namin ang apartment. Nagpaalam na ako kay Brandon at agad akong bumaba sa sasakyan nito. Hindi muna ako pumasok. Tiningnan ko ang papalayong sasakyan niya. Nang hindi ko na siya makita pumasok na ako sa loob at hinanap si Leo. Tinungo ko ang kusina subalit wala siya doon. Marahil nasa kwarto at nagpapahinga. Tinungo ko ang kwarto niya at pinihit iyon. Nagulat ako sa tumambad sa aking harapan pagkabukas ko ng pintuan. Nakayukyok sa kama si Leo habang nasa tabi
Yun na ata ang pinakamasayang hapunan namin ni Leo. Masaya kaming nagkwekwentuhan habang kumakain at nagtulong na magkasama sa paghuhugas ng pinggan. Pagkatapos naming maghugas ng pinggan ay nagpaalam na ako kay Leo na magtutungo na sa aking kwarto. Pagkapasok ko sa kwarto ay agad akong nagtungo sa banyo para maghalf-bath. Pagkatapos ko ay agad akong lumabas ng banyo na may nakataping tuwalya sa aking katawan. Pagkalabas ko saktong pumasok si Leo sa kwarto. Natigilan ako nang magtama ang aming mga mata. Hinagod niya ako mula ulo hanggang paa. Namula ako sa paraan ng pagkakatingin niya. Nakita ko ang pagnanasa sa kaniyang mga mata. Tumikhim siya."Sorry. Wala kasing sumasagot kaya pumasok ako. Lalabas muna ako." wika niya at umalis na tsaka isinara ang pinto.Ako naman ay natulos lang sa kinatatayuan. Bigla akong nakaramdam ng hiya! Ano ba yan! Nagbihis agad ako. Nagsuot ako ng duster na sleeveless. Itinali ko ang buhok ko. Naglagay ng pulbos sa mukha. Nang makontento na ako sa aking
Pagkatapos nang agahan ay agad akong nagtungo sa aking kwarto para maligo para sa date namin ni Leo. Hindi ko maiwasang maexcite! Pagkarating ko sa kwarto ay agad kong tinungo ang banyo at naligo. Nilinisan kong mabuti ang aking katawan. Nang matapos ako ay lumabas na ako para magbihis. Nagsuot ako ng kulay crema na off-shoulder at tenernuhan ko iyon nang fitted pants na pinaresan ng black sandal. Kitang-kita ang makurba kong katawan. Inayusan kong mabuti ang sarili ko. Gusto kong maging maganda sa paningin ni Leo. Sa tanang buhay ko ngayon lang ako naging conscious sa sarili ko. Kahit may mga nanliligaw sakin noon. Ni minsan di ako nag-abalang ayusan ang sarili ko para sa kanila. Sinipat ko ang aking sarili sa salamin. Hindi ko akalain na ganito ang magiging epekto ng make-up sa aking mukha. Napakagat-labi ako. Magagandahan kaya sakin si Leo? O baka mas prepared niya ang walang make-up? Kinuha ko ang pouch ko na nasa bedside table. Naaalala ko wala pala akong cellphone. Pero de bal
Dahil sa pagsigaw na iyon ni Leo. Na-distract ang lalaki na nasa likuran ko at nawala ang baril na nakatutok sa tagiliran ko. Lumingon ako. Nakita ko kung paano tumakbo si Leo samin, medyo malayo pa siya samin. Dahil nawala ang atensyon nang lalaki sakin, nagulat ako nang itutok nito ang baril kay Leo. Bago pa man niya makalabit ang gantilyo, gumawa na ako ng hakbang para hindi mapahamak si Leo. Dumapa ako sa lupa at sinipa siya sa kanang binti na dahilan para ma-out of balance siya. Bumagsak ang hawak niyang baril sa semento at dumaosdos iyon palayo samin. Tumayo ang lalaki mula sa magkakadapa sa semento. Matalim ang tngin na ipinukol niya sakin."Fuck you!" wika niya sakin na nanggagalaiti ang boses. Napaatras ako nang may inilibas siya sa gilid ng kaniyang pantalon. Isang patalim. Bago pa man niya iyon maisaksak sakin. Nakita kong tumalon si Leo na nasa likuran niya at iniangat ang kanang binti nito para sipain sa leeg ang lalaki. Dahil sa impact nang pagkakasipa ni Leo sa leeg n