Lahat ng Kabanata ng Ang Napakalambing Kong Asawa: Kabanata 51 - Kabanata 60
1087 Kabanata
Kabanata 51 Ang Tawag sa Opisina
Bumaba si Nell para magpaliwanag kay Aunt Joyce.Gaya ng inaasahan, hindi naniwala si Aunt Joyce sa kanya.Nagbigay pa nga ito ng suhestiyon sa kanya. “Naiintindihan ko po. Missus, hindi mo na kailangang mahiya. Ayos lang po. Magandang bagay para sa mga mag-asawa na magkaroon ng magandang relasyon. Mukhang malapit nang magkaroon ng munting young master dito; lalong sisigla ang ere sa Leith Gardens.”Sa huli, nagsalita lamang ito pero hindi siya naniwala sa kahit anong sinabi ni Nell.Sumuko na si Nell na magpaliwanag dahil hindi niya kayang ibahin ang iniisip ni Aunt Joyce.Mag-asawa naman talaga sila ni Gideon sa harap ng batas, kaya hindi naman kakaiba na maging malambing sila sa isa’t isa. Nakakahiya pa rin na mahuli ng mga matatanda pero hindi naman ito isang malaking bagay.Pinakawalan n ani Nell ang kanyang tsansa na bawiin ang nasa isip ni Aunt Joyce, kumuha na lang siya ng isang baso ng gatas tsaka umakyat sa taas.Nakarinig siyang may nag-uusap sa opisina ng lalaki.Sa
Magbasa pa
Kabanata 52 Nagseselos Siya
Habang naninigas ang likod, hindi nangahas si Nell na kumilos nang bigla-bigla.Sa gitna ng dilim, marahan niyang binuksan muli ang kanyang mga mata.Tulog ba talaga…. ang lalaking ito?Madalas nasa gilid lang naman ito ng kama, ano naman ang ginagawa nito ngayon? Nagpapanggap lang ba talaga siya?Naghintay nang sandali si Nell subalit tahimik lang ang nasa likod niya. Ang katahimikang ito at ang hininga ng lalaki ay sapat na para magbigay ng kapanatagan sa kahit sino.Ganoon man, umupo si Nell hanggang sa maramdaman niyang hindi na talaga ito kumikilos. Inangat niya ang kamay ni Gideon at marahang lumayo.Subalit, hindi nangyari ang gusto ni Nell at nakarinig siya ng mahinang tunog mula sa likod.Agad na bumalik ang kamay ng lalaki sa kanyang baywang. Ngayon, mas mahigpit na ang hawak nito.Dagdag pa roon, nakayakap na ang katawan nito sa kanya, at ang gwapo nitong mukha ay nakalubog sa kanyang leeg, para bang isa siyang malaking unan. Hindi siya makaalis sa teritoryo ng lalak
Magbasa pa
Kabanata 53 Walang Divorce
Habang nakatitig sa lalaki, mukhang naniwala naman si Nell.Subalit, nang maalala niya ang usapan nila, tila ba may tinik sa kanyang lalamunan. Hindi niya ito mapakawalan.Nandilim ang muli ang mukha ni Nell sabay matapat na sinabing, “Gideon Leith, hindi ko alam bakit mo ako pinakasalan, hindi ko rin alam kung gaano katagal ito, pero kung tatapusin mo, sabihan mo agad ako. Wala naman akong paki kung mahulog ka sa ibang babae, lalo naman ang divorce, pero ayoko ng pagtataksil, kahit sa pagiging mag-asawa natin o bilang business partners. Naiintindihan mo ba?”Nandilim rin ang mga mata ni Gideon.Tumitig siya nang malamig kay Nell at taimtim na tumugon, “Wala kang paki kung mahulog ako sa ibang babae?”Para bang tinusok ang puso ni Nell.Hindi niya alam kung bakit ganito ang pakiramdam niya.Hindi naman nila mahal ang isa’t isa, at magkasama lang naman sila sa dahil sa ibang rason. Wala namang dapat na dahilan para harangan niya ang lalaki kapag nakahanap na ito ng mamahalin.Tu
Magbasa pa
Kabanata 54 Magkahati ng Stage sa Audition
“Ayos lang. Ituloy niyo lang ang casting. May tiwala ako kay Mia.”Ngumiti nang malambing si Celine sabay harap kay Mia. “Mia, anong masasabi mo?”Para manakawan ng isang role, hindi papaya si Mia.Mayabang niyang inangat ang kanyang ulo. “Oo naman.”Napasimangot si Gareth.Ang role ni Nicole Block ay pagiging matalik na kaibigan sa female lead. Habang dala-dala ang sakit at pait para sa kanyang bansa, isa itong role na may halong pagtitimpi at pagkapirmi.Subalit, ang mayabang at hangal na itsura ni Mia ay hindi bagay sa ganito.Ganoon pa man, mabuti na lang na hindi magsalita si Gareth bago ang screen test para maiwasang maapektuhan ang isip ng mga aktres.Kaya ipinasa niya lamang ang mga s na may nakamarkang pula at sinabihan sila kung anong linya ang dapat nilang gawin, dapat nakatutok ito sa pag-aanalisa ng karakter at mabigyan rin dapat nila ng espesyal na atensyon ang kakayahan ni Nicole na magpigil.Kinuha na nilang dalawa ang mga s at saka naghiwalay para kabisaduhin
Magbasa pa
Kabanata 55 Masyadong Naisabuhay
Ganoon din, isang latigo ang pumagaspas sa ere.Napatalon si Mia sa gulat.Dahil sa takot o nginig, nautal siya at nakalimutan niya ang kanyang mga linya.“Kung sasaktan mo sila.a. A-Ako…”Ano nga ulit iyon?Namutla si Mia. Sa auditorium, napakunot ang mga kilay ni Gareth.Kakila-kilabot na rin ang itsura ni Celine.Marami siyang ginawa para pilitin si Gareth na makuha ni Mia ang role. Hindi lamang naririyan si Nell para sirain ang kanyang balak, kundi pati si Mia ay hindi umabot sa kanyang pamantayan!Hindi naman dahil sa gusto niya talagang maging mabuti kay Mia, pero mahirap umangat sa industriyang kinalalagyan nila.Bukod pa roon, pinsan niya si Mia, at nakakontrata rin ito sa kanyang studio. Kung sisikat si Mia balang araw, pwede niya itong maging manika.Samantala, ayaw namang dumihan ni Celine ang kanyang mga kamay dahil sa kapalpakan ni Mia. Magandang alagad sana ito.Tinabingi ni Celine ang kanyang ulo at ngumiti kay Garteh, “Seryoso naman si Mia sa mga bagay-bagay.
Magbasa pa
Kabanata 56 Isang Kunwariang Pagtatanghal
Nanigas ang mukha ni Celine.Hindi magiging maganda ang kanyang imahe kung tatanggi siya.Mabuti na lang ilang taon na siyang umaarte habang si Nell ay hindi pa nasusubok ang kahit anong role. Masasabing wala talagang alam si Nell sa ganito.Agad naman siyang pumayag para mapahiya si Nell.Dahil siya ang may alas, agad na ngumiti si Celine.“Walang problema!”Dahil pumayag na rin si Celine, ganoon rin si Gareth.Nang makabalik na siya sa likod ng monitor, puno ito ng ekspektasyon.Kahit pinili niya si Celine para gumanap na Ashley Watson, hindi si Celine ang perpektong desisyon para rito.Subalit, wala namang mas magaling pa, kailangan niya munang pumayag sa ganitong klaseng arrangement.Kung si Nell naman ang pag-uusapan, matagal ng nakuha nito ang kanyang loob.Ang kalmado ngunit iwas nitong dating at malamig na presensya ay nababagay sa karakter na gusto niyang ilabas mula kay Ashley Watson.Kaya lang, hindi isang aktres si Nell at mukhang wala rin siyang intensyon na um
Magbasa pa
Kabanata 57 Kabayaran Para sa Latigo
“Ginawa ko nga, pero bakit? Bakit nagpunta para wasakin ako?”“Alam mo ba kung gaano kahirap para sa akin na maging isang empress? Alam mo ba kung ano ang tiniis ko para maging empress dowager?”“Nakaupo na rin ako sa tuktok ng masa habang hindi pinanggigilan ng lahat? Bakit hindi mo ako hayaang lasapin ito?”Umiyak at nagsisigaw si Alison. Tumutulo na rin ang kanyang luha.Pinigilan ni Ashley na magsalita.Habang nakatitig sa kanyang minamahal na kapatid, napangiti si Ashley.“Anong ibig mong sabihin na walang nagmamahal sa iyo? Sino ba ang nabugbog nang nakawin mo ang jade fan ni Ama?”“Noong sampung taong gulang tayo, sino ba ang naglagay ng buhay sa peligro para lang iligtas ka habang nalulunod sa lawa?”“Noong 15 anyos tayo, habang nasa capital…”Napalunok siya, naalala niya ang isang masamang nakaraan.Ang mga magaganda at malalamig na matang iyon ay nagsisimula nang mamula, may bakas ito ng dismaya at kawalan ng pag-asa.“Sino nga ba ang nagpunta para sa iyo noong may
Magbasa pa
Kabanata 58 Gusto Niyang Baguhin Ang Aktres
Anong kalokohan ito?Papayagan niya ang isang baguhan na umarte sa isang apat na raang milyong dolyar na production?Nababaliw na rin yata si Gareth.Imposible ito para kay Celine. Magaling nga si Nell sa kanyang pag-arte, pero sa pananaw niya, dahil tinulungan niya lamang ito kaya naging maganda ang kinalabasan.Ganoon din, hindi niya na pinansin ito.Sa halip, agad siyang lumapit kay Gareth. “Director Leith, huwag mo rin akong kalimutan.”Napansin na rin nito si Celine sa wakas, ngumiti si Gareth. “Celine, magaling ka rin. Huh? Anong nangyari sa mukha mo?”Ngayong ang atensyon niya ay napunta sa mukha ng babae. Pumuwersa ng ngiti si Celine.“Wala naman. Sinampal ako ni ate kanina. A-Ayos lang naman.”Lumingon si Nell at saka ngumisi. “Oh, pasensya na. Masyado kong naisabuhay ang karakter ko at hindi ako nakapagpigil. Hindi mo naman maitatanggi na pinalakas nito ang mga damdamin mo. Hindi ba, Celine?”Ibinalik niya lamang ang mga salitang sinabi ni Celine kay Lucy.Hindi ma
Magbasa pa
Kabanata 59 Kahit Sino Huwag Lang Siya
Napasandal si Gideon sa kanyang kinauupuan, binigyan niya ng isang pilit na ngiti si Gareth.“Naalala kong sinabihan lang kita na ako ang bahala sa investment. Hindi ako kasali sa pagpili ng roles at sa shoot nito.”Nahihiyang ngumiti si Gareth.“Alam ko pero isang espesyal na kaso ito!”Napalunok si Gareth. Nauubusan na siya ng lakas ng loob.Pagod na suminghal si Gideon.“Oh? Bakit naman ito espesyal?”“Ganito kasi. Gusto ko sanang si Nell ang gumanap na Ashley Watson dahil nababagay siya rito at kapag pumayag si Celine, siya na lang ang gaganap bilang Alison Watson. Subalit, erm… baka alisin niya ang ilalagay niyang pondo…”Nahihiya na talaga siya. Pero madali namang intindihin ang kanyang intensyon.Napataas ang kilay ni Gideon.“Gusto mong mag-invest pa ako?”Tumango si Gareth.“Sige!”Hinila ni Gideon ang isang drawer sa kanyang mesa at kinuha niya ang kanyang checkbook. Sumulat siya ng isang cheke.Inilagay niya ito sa harap ni Gareth.“Pwede akong mag-invest ng 5
Magbasa pa
Kabanata 60 Ang Pagnanais na Halikan Siya
Napakasaya ng mga kasambahay.Dahil parehong maganda at gwapo ang missus at master, magiging kaaya-aya rin ang itsura ng young master!Hindi alam ni Nell ang iniisip nila.Lubog siya sa dami ng kanyang iniisip at kung paano niya kakausapin si Gideon nang makabalik na ito.Isang itim na Rolls Royce ang nagmaneho sa bakuran 6:30 ng gabi. Nakauwi na si Gideon.Inilagay na ng mga kasambahay ang mga pagkain sa hapag.Pagkatapos magpalit, nakaupo lang nang maayos si Nell habang hinihintay ang lalaki.Ang pagpapakitang kabutihan ni Nell ay isang sorpresa kay Gideon. Sumulyap siya sa mga pagkain at napansin niyang may dalawang kakaiba.Ganoon pa man, wala na siyang sinabi.Ngumiti si Nell sa kanya. “Nakauwi ka na! Tara kumain na tayo!”Tumango si Gideon. Umupo siya matapos punasan ang kanyang mga kamay gamit ang isang mainit na tuwalyang inabot ng kasambahay.Inabot niya ang unang pagkain. Isa itong nilagang bamboo shoots na may mushrooms. Luto ito ni Nell.Ang ilang taon na pag-aa
Magbasa pa
PREV
1
...
45678
...
109
DMCA.com Protection Status