Lahat ng Kabanata ng Ang Napakalambing Kong Asawa: Kabanata 31 - Kabanata 40
1087 Kabanata
Kabanata 31 Hindi Siya Ang May Sala
Para bang nakarinig si Nell ng isang biro.Tinignan niya nang sarkastiko si Jason. “Sinasabi mo bang sila lang ang nasa mali? Hindi ka kasama?”Nanigas nang bahagya si Jason.Huminga siya nang malalim at saka nagpaliwanag. “Hindi ko alam na nilagyan nila ng droga ang inumin mo. Napansin ko ring may mali sa iyo, pero hindi umabot sa gano’ng direksyon ang naisip ko. Sa pagkakataong iyon, gusto sana kitang tulungan, kaya lang biglang sumakit ang tiyan ni Celine. Hindi ko siya maipagsawalang bahala.”Napataas ang kilay ni Nell. “At? Nalaglag ba ang bata?”Napatigil si Jason bago sumagot, “Hindi.”“Dahil hindi, bakit naman sasakit ang tiyan niya? Bukod pa roon, maayos rin naman siyang tignan sa una. Parang wala namang senyales na malalaglagan siya ng bata!”Nanlamig nang bahagya ang mukha ni Jason.“Anong gusto mong iparating?”Tumawa si Nell na para bang walang pakialam. “Wala naman. Iniisip ko lang na ang gano’ng klase ng pag-arte ay sapat na pala para maloko ka, mukhang masyadon
Magbasa pa
Kabanata 32 Tawagin mo Siyang Hubby
Tinignan ni Gideon si Nell na para bang nakangiti pero hindi talaga ito isang ngiti. “Ngayon? Pwede mo na bang sabihin?” Napatawa na para bang nahihiya si Nell. Subalit, nang makita niyang naghihintay ito, napuwersa na lamang siyang gawin ito kahit may alangan. Matagal bago niya nasambit. “Hubby.” Napakaliit nang boses nito na halos hindi na ito marinig ng mga lamok. Napataas ang kilay ni Gideon at hinawakan nito ang kanyang mga tainga. “Anong tinawag mo sa akin?” Nagngitngit ang ngipin ni Nell. Itinaas niya nang bahagya ang kanyang boses. “Hubby.” “Hindi kita marinig.” Nell. “…” ‘Kalimutan mo na. Umabot na tayo sa ganitong punto? Ano pa bang ikinakahiya ko?’ Niyakap niya ang leeg nito at biglang sumandal sa tainga ni Gideon, sabay sigaw, “Hubby!” Pagkatapos nito, agad niyang napagtanto ang ginawa niya kaya mabilis siyang napabalik sa kanyang upuan. Nagulantang si Gideon. Tinignan niya si Nell na tila ba hindi siya makapaniwala. Inalis ni Nell ang kanyang
Magbasa pa
Kabanata 33 Magkasamang Natulog
Dinala ni Gideon si Nell sa isang hanay ng mga kasambahay at sinabi sa isang mababang boses, “Gusto kong ipakilala sa inyong lahat ang asawa ko, si Nell Jennings. Mula ngayon, siya na ang magiging ginang ng tahanang ito. Galangin niyo siya gaya ng paggalang niyo sa akin, nauunawaan niyo ba?”Sabay-sabay silang sumagot. “Opo!”Malugod na tumango si Gideon at hinawakan niya ang kamay ni Nell bago pumasok sa loob.Nakatulala pa rin si Nell nang bahagya.Hindi pa rin siya nakababalik sa kanyang kamalayan. Bakit niya ba sinundan ang lalaking ito pabalik ng Leith Gardens?Nang makapasok na sila sa kwarto, saka lamang ito nakakilos at hinila ang kamay niya mula sa lalaki.“Uh, A-A…”“Titira ka na dito mula ngayon.”Seryoso siyang tinignan ni Gideon.Napatibok nang malakas ang puso ni Nell.Mukhang ngayon niya palang napagtanto na hind inga biro ang kasal na ito. Seryoso si Gideon.Itinaas ni Gideon ang kanyang kamay at nagtawag ng isang kasambahay. “Aunt Joyce, ipakita mo sa asawa
Magbasa pa
Kabanata 34 Hintayin Siya Bago Kumain
Nanigas ang katawan ni Nell na para bang hahatulan na siya.Subalit, wala namang ginawang kahit ano si Gideon.Nagpalit lamang ito ng kanyang pantulog saka tumabi sa kanya. Sunod, niyakap nito si Nell mula sa likod.Hindi makagalaw si Nell.Napuno ang ere ng mahinang amoy ng pinewood, at ang unan ay puno rin ng malamig na bango ng lalaking ito.Kasama ang mainit nitong temperature, nararamdaman niyang nalulunod siya sa pagkatao nito. Para bang isa siyang ibong nasa kulungan, hindi siya makatakas.Sa kabutihang palad, mukhang totoo naman ang sinasabi ni Gideon.Kahit nakayakap ito nang ganito sa kanya, wala naman itong ginawang masama.Hindi makahinga nang maayos si Nell. Kahit napigilan niya mang maunang makatulog, ang hininga ng lalaking nasa likod niya ay sapat na para bumagsak rin ang kanyang mga mata. Mamaya-maya, nakatulog na rin siya.Nang magising siya, dapit-hapon na.Hindi inakala ni Nell nag anito kahaba ang magiging tulog niya kaya gulat na gulat siya. Nang tignan
Magbasa pa
Kabanata 35 Kahit sa Kamatayan, Isasama Kita sa Impyerno
Ang mga dulo ng labi ni Gideon ay napaangat at ang mga mata niya ay tila ba napangiti rin.“Sige, papauwi na ako.”“Iyan lang naman.”“Mm, paalam.”Pagkatapos ibaba ang tawag, tinignan niya ang kanyang cellphone at masayang ngumiti.Ang papalubog na araw ay nagbuhos ng mala-gintong liwanag sa tanawin na para bang isang mainit na ilaw sa mundo. Kahit ang kanyang puso ay nababalot ng parehong pakiramdam.Tinabi niya ang kanyang cellphone at tumalikod, muli siyang bumalik sa conference room.Naghihintay ang lahat ng executives para sa kanya. Nakatayo ang marketing manager sa harap ng projector at handa na itong ipaliwanag ang report sa susunod na plano, subalit itinaas ni Gideon ang kanyang kamay.“Tama na muna iyan. Alam kong pagod na rin ang lahat. Ititigil muna natin ang meeting dito. Marami na akong pinapabago, iyon lang muna ang gawin niyo at ipakita niyo sa akin bukas ng umaga. Tapos na ang meeting na ito!”Sunod, umalis na ito.Nagulantang ang lahat ng naroroon.A-Ano…..
Magbasa pa
Kabanata 36 Asawa Ko
Tahimik na sinuri ni Nell ang mesa. Totoo nga, halos lahat ng naririto ay mga paborito niyang pagkain.Ang mga libro sa kanyang opisina, ang mga damit, at ngayon isang mesa na puno ng kanyang paboritong pagkain. Iniisip niya masyado naman yatang nagkataon.Subalit, walang kahit anong sinabi ang lalaki, kaya nagpanggap na lamang siya na walang napapansin at nanatiling tahimik.Hindi nagsalita ang dalawa habang kumakain para bang may patakaran sila ng katahimikan.Sunod, naglakad si Nell papunta sa harapang hardin para matunawan siya ng kinain habang nagsa-swipe ng kanyang cellphone para malaman ang pinakabagong balita.Isang malamig at mabangong amoy ng pinewood ang biglang tumama sa kanya.Napatalon siya sabay lingon para makitang nakatayo si Gideon sa tabi niya.“Huwag kang magcellphone habang naglalakad.”Inabot niya ang kanyang telepono at agad itong kinuha habang nagsasalita.Wala ang atensyon ni Nell sa kapaligiran kaya aksidente niyang natapakan ang isang bato sa kinatat
Magbasa pa
Kabanata 37 Ano Ang Pinaplano Niya
Agad na nilagay ni Simon ang kanyang daliri sa harap ng kanyang bibig at tahimik na umupo.Napasinghal si Gideon.Matapos ang ilang sandali, tinignan ni Simon ang dalawang taong nasa harap niya at hindi na siya makapagpigil.Napatanong siyang muli, “Pinsan, kailan ka kinasal? Bakit hindi ko ito alam?”Hindi man lang siya tinignan ni Gideon.“Kailangan ko bang ireport sa iyo kapag kinasal na ako?”“Hindi, haha.”Tumawa nang malamya si Simon. “Matagal nang hinihintay ni Lolo ang pagkakataong ito sa loob ng napakaraming taon. Ito lang talaga ang makapagpapasaya sa kanya!”Nandilim nang bahagya ang mga mata ni Gideon subalit nanatili siyang tahimik.Natural na hindi sumingit si Nell sa kanilang usapan.Matapos ang lahat, espesyal na kaso ang namamagitan sa kanila ni Gideon, at hindi pa siya handang kilalanin ang pamilya Leith. Subalit, imposibleng sabihin ito kay Simon.Kaya, hindi na lamang siya nagsalita.Kahit may ilang duda si Simon, nang makitang tahimik ang dalawa, hindi
Magbasa pa
Kabanata 38 Dating Tagumpay
Gaya ng inaasahan, matalino talaga ang asawa ni Gideon.Humigop ng kaunting tsaa si Nell at sinabing, “Kailangan mong maghanap ng taong tutulungan ka rito. Saka kita matutulungan sa ibang bagay.”Tumango si Simon.Hindi rin alam ni Simon kung anong ang intensyon ng babae, pero nang mapaalala ni Nell, naramdaman niyang may kakaiba nga. Kaya tinawagan niya ang kanyang agent para tulungan siya.Matapos ang tawag, nagpatuloy si Nell. “Sunod, ipapaliwanag ko ang plano ko. Sabihan mo ako kung ano ang gusto mong baguhin o idagdag.”Tumango si Simon. “Sige lang. Simulan mo na.”Pinaliwanag ni Nell ang balangkas ng kanyang plano, at pareho naman silang sumang-ayon.Masaya si Simon. Para bang nakahanap na siya ng makakapitan.Matapos ang lahat, kalahating buwan na ang nagdaan at wala pa ring maayos na solusyon ang nahanap para rito.Kahit balangkas pa lang ang ideya ni Nell, para bang perpekto nito at halos walang mali.Umalis na silang tatlo mula sa restawran at naghiwa-hiwalay ng daa
Magbasa pa
Kabanata 39 Mas Halata Kung itatago
Lahat sila ay mga tira-tira lamang ng industriya na hindi na pinulot ng sino pa.Nang makita ito, napakamot na lamang si Nell sa kanyang noo at hindi siya makapagsalita.Masasabing tunay na pagmamahal ang mayroon sa sampung taong ito dahil nagawa nilang manatili sa kumpanya.Inalis na niya ang kanyang mga dokumento, at sumulat ng mga mahahalagang detalye sa kanyang notebook. Mamaya-maya, napatayo na rin siya.Habang nagbabanat, napatingin siya sa orasan at napansin niyang 10:30 na ng gabi.Hindi niya namalayan, napakabilis talaga ng oras!Lumabas na si Nell.Nang mapadaan siya, narinig niyang may kausap si Gideon sa loob ng opisina. Para bang meeting ito.Hindi na ito pinansin ni Nell at bumaba na lang siya para uminom ng mainit na gatas. Pagkatapos uminom, pumunta siya sa kanilang kwarto at kumuha ng ilang damit bago nag-shower.Nagkataong kakaakyat lamang ni Aunt Joyce at nakita niya ang maleta sa kwarto nito. Nagtanong siya kay Nell, “Missus, kailangan ko bang ayusin ang ma
Magbasa pa
Kabanata 40 Magaling Siyang Mang-Akit
Sa huli, nahanap na lang ni Nell ang kanyang sarili na sinusubukang pakalmahin ang loob niya. Mamaya-maya, sinambit niyang, “Saglit llang. Magpapalit lang ako ng ibang damit.”Sunod, binuksan niya ang closet at nagsimulang maghalungkat.Dahil andyan si Gideon, mukhang hindi magandang ideya na sabihing magpapalit siya ng damit. Baka isipin nitong sinadya niyang magsuot ng ganyang damit at ngayon ay magpapalit siya para makuha ang atensyon nito.Kahit totoong ayaw niyang suotin ang pantulog na ito, alam niya ba?Agad na nakahanap si Nell ng isang maayos na bathrobe saka ito sinuot.Saktong-sakto ang bathrobe sa kanya at umabot ito sa kanyang tuhod. Nang itali niya ito sa kanyang baywang, natakpan na rin ang kanyang dibdib. Napalagay naman siya rito.Nanatiling tahimik si Gideon buong pagkakataon, subalit patuloy nandilim ang kanyang mga mata. Ubos na ang natitirang alak sa baso niya.“Tapos ka na ba?”Tumango si Nell.“Kung gano’n, matulog na tayo!”Tumayo siya at naglakad papu
Magbasa pa
PREV
123456
...
109
DMCA.com Protection Status