Lahat ng Kabanata ng Ang Napakalambing Kong Asawa: Kabanata 21 - Kabanata 30
1087 Kabanata
Kabanata 21 Sino Ba Ang Inaakit Mo
May mga nagbubulungan na agad. “Sino iyan? Ang ganda naman niya!”“Hindi ko alam, pero isa siyang bisita na inimbita ng pamilya Jennings!”Bata pa si Nell noong umalis siya sa Jennings limang taon ang nakararaan. Hindi pa halata ang ganda niya noon at lagi pa siyang nag-aaral, kaya wala ring nakakita sa kanya.Ngayong nagpakita na siyang muli, walang makakilala sa kanya.Subalit, kahit walang makakilala sa kanya, makikilala pa rin siya ni Celine.Napapalibutan si Celine ng isang grupo ng mga tao nang makita nila ang babaeng naglakad mula sa entrance. Hindi rin niya mapigilang mamangha.Si Nell Jennings iyan?Sa kanyang impresyon, laging nakasuot ng propesyonal si Nell o kaya ordinaryong mga damit.Kahit maganda itong tingnan, nakakabagot naman ito sa mata. Kung matagal silang nakatitig dito, mararamdaman nilang kulang ito sa pagkababae.Dagdag pa roon, hindi ito mahilig sa make-up at hindi rin nito inaalagaan ang kanyang buhok. Laging diretso lamang ang itim na buhok nito.Ma
Magbasa pa
Kabanata 22 Muling Pagsisinungaling
Nanigas si Mrs. Jones at pati na rin ang ekspresyon ni Sylvia ay nagbago,“Ano ang sinasabi mo? Wala akong….”Sumingit si Nell. “Grand-godmother, hindi kami bagay ni Jason para sa isa’t isa, kaya naghiwalay na kami dati pa. Hindi mo na kailangan pang isipin ang relasyon namin.”Napasimangot si Mrs. Jones at napatingin kay Sylvia nang may pagdududa.“Nelly, sinabi niya bang sabihin mo ito?”Ngumiti lang si Nell at walang sinabi.Agad na nagitla si Sylvia. “Nell! Anong sinasabi mo? Kailan kita sinabihan ng ganyan? Ikaw ang nagsabing gusto mong magpaliwanag nang personal kay Mrs. Jones dahil ito lang ang paraan para mapatawad ka niya. Nakalimutan mo na ba?”Ngumiti nang sarkastiko si Nell. “Hm? Hindi ako sigurado kung anong ginawa kong mali para hingiin ang kapatawaran ni grand-godmother.”Sa pagkakataong iyon, lumakad si Celine at Jason, magkahawak kamay.Tumayo ito sa tabi ni Sally at tumingin kay Nell na tila ba napagkamalan siyang mali.“Ate, tapos na ang lahat, tigilan mo n
Magbasa pa
Kabanata 23 Masyadong Walang Hiya
Napailing si Mrs. Jones. Wasak na wasak ang kanyang puso.“Nelly, pinagkatiwala ka ng ina mo sa akin at sinabihan niya akong alagaan ka, pero nang mangyari ang insidenteng iyon, pumunta ka lang sa ibang bansa nang walang sinasabi sa akin. Hindi kita makausap, pero dahil iyon sa kapabayaan ko. Subalit, hindi ko akalaing ito na ang kahihinatnan mo!”“Wala akong pakialam kung ang gusto mong kasama ay ang kagaya ni Isaac Collins, pero sana sinabihan mo man lang ako! Kahit hindi ako pumayag, kung gusto mo siyang pakasalan, tatanggapin ko pa rin!”“Kahit apihin ka pa ng basurang ito, nasa tabi mo ang pamilya Jones at Garrett, hindi ka niya masasaktan! Sa halip, itinago mo ito sa akin at ayaw mo pa ring umamin pagkatapos ng lahat. Ano ba ako sa iyo?”“Ako pa rin ang pinaka-ginagalang mong tao? Sa limang taon na hindi kita nakausap, nag-alala ako sa iyo, sa araw at gabi, na baka nabigo ko ang mama mo, pero ikaw? Ganito mo ba ako tatratuhin?”Namutla ang mukha ni Nell.Binuka niya ang kan
Magbasa pa
Kabanata 24 Ang Babae Niya
“Dumating na si Gideon Leith mula sa Gideon Corporation!”Agad na nanahimik ang maingay na masa, napalingo sila sa gulat. Isang payat at matangkad na lalaki ang biglang nagpakita.Nanlaki ang mata ni Nell sa gulat.Tila ba inalis nito ang bugso ng hangin. Mabilis ang lakad niya, pero hindi naman ito mukhang nagmamadali. Matalas ang kanyang mga kilay at tila ba gawa sa pinakamagandang jade ang kanyang mga mata, nagniningning ito sa liwanag. Malamig at pirmi ang dating nito kaya napapaiwas ang iba.Sa likod niya ay naroroon si Matthew Starks. May iilan ring mga bodyguards na nakasuot ng itim ang nasa pinto.Inabot niya ang regalo ni Gideon sa reception area bago tuluyang pumasok.“Gideon Leith! Andito nga siya! Anong ginagawa niya rito?”Napabulong ang iba sa mababang boses, saka sila bumalik sa kanilang kamalayan. Gulat na gulat ang lahat.Halos lahat ng bisita rito ay mga taong mataas ang posisyon sa lipunan, kahit hindi pa nila nakita si Gideon Leith sa personal, nasa magazine
Magbasa pa
Kabanata 25 Maglabas ng Galit Para sa Kanya
Ang pamilya Jennings, kasama na rin si Isaac Collins na sinubukang tumakas, ay nasa ilalim na rin ng kanilang control.Natapos ang party at umalis ang mga bisita na nalilito. Nagulantang sila sa mga nangyari.Subalit, dahil nariyan si Gideon Leith, walang kahit sino ang nagtanong.Nanghuhula na lamang sila ng kung ano-ano.Sino nga ba si Gideon Leith?Siya ang tagapagmana Leith maganate; ang lalaking may hawak ng puso at ugat ng buong komunidad ng Chinese business.Hindi masasabing pagmamalabis na ang lalaking gaya niya ay magpapakasal sa isang prinsesa kung gugustuhin niya.Dagdag pa roon, ang pamilya Leith, kasama ng Graham, Garrett, at Foster, ay kilala bilang Four Great Clans. Masasabing sila ang tagapagtatag ng China, at bibihira lamang sa mga miyembro ng pamilyang ito ang magkaroon ng pagkakataong pumili ng papakasalan nila. Halos lahat ito ay political marriages.Bakit naman hahayaan ng Leith na ang kanilang pinakamagaling na tagapagmana ay magpakasal sa isang ordinaryon
Magbasa pa
Kabanata 26 Payag Ako
“May yellow snake grass na nakahalo sa drogang nilagay nila kaya pansamantala nitong pinaparalisa ang vocal cords, pero hindi naman ito nagtatagal. Nakakapagsalit rin siya.”Tumango si Gideon at pinahatid niya kay Matthew ang doktor palabas.Pagkaalis nila, tumungo siya sa kama at tinignan ang babaeng nakahiga roon.Mas tahimik si Nell ngayong nakahiga na siya. Tila ba natutulog lang ang babae.Ang mamula-mula niyang mukha ang natatanging bakas na may nagdurusa ito at nasasaktan.Pinanood siya ni Gideon nang wala sinasabi bago ito tuluyang umalis.Ilang segundo ang makalipas, ang tunog ng umaagos na tubig ay maririnig mula sa banyo.Binuksan ni Nell ang kanyang mga mata nang maramdaman niyang isang malaki at matangkad na anino ang nasa malapit niya.“Ilalagay muna kita sa malamig na tubig, ha?”Tinignan siya ni Nell saka ito tumango.Binuhat na siya ni Gideon at saka dinala sa banyo.Ang malaking bathtub ay puno na ng tubig. Nang ilagay siya ni Gideon, nanginig sa lamig si N
Magbasa pa
Kabanata 27 Masyadong Malisyoso
Nagulantang si Gideon sa diretsahang sagot ni Nell, subalit agad rin siyang napangiti.“Pero may kondisyon ako.”“Sabihin mo lang!”“Una sa lahat, hindi mo pwedeng sabihin sa publiko ang relasyon natin hangga’t wala akong sinasabi. Pangalawa, huwag mo akong hawakan nang walang paalam!”Nanlamig ang ngiti ni Gideon sa mukha. “May pangatlo pa ba?”Nag-isip panandalian si Nell pero wala na rin siyang masabi, at umiling na lang. “Wala na.”Matapos ang isang sandal, nagdagdag pa ito. “Pag-iisipan ko mamaya.”Sinabi ni Gideon sa isang mababang boses. “Gusto mo palang maging monghe ako?”Nagitla si Nell.“Mrs. Leith, lalaki rin ako. Kung hindi ka papayag, ano na lang ang mangyayari sa natitirang kong buhay?”Lumapit ang lalaki habang nagsasalita ito, at hindi magawang alisin ni Nell ang kanyang sarili.“H-Hindi naman iyan ang sinasabi ko…”Ang dahilan kung bakit binigay niya ang mga kondisyong ito ay dahil sa iniisip niyang hindi naman magtatagal ang kasal na ito.Sobrang pag-iis
Magbasa pa
Kabanata 28 Walang Atrasan
Wala nang aatrasan si Sylvia ngayon.Sa kabilang banda, nariyan si Gideon Leith, na hindi niya pwedeng galitin, sa kabila naman ay si Isaac Collins, na pinagtaksilan sila.Sa kahit anong kaso, mali naman talaga siya.Hindi niya pwedeng galitin si Gideon Leith, kaya isasakripisyo na lamang niya si Isaac.Basta ba mapatunayan niyang may relasyon si Isaac at Nell, lahat ng ginawa niya ngayon ay mabibigyang katwiran.Hindi lamang iyon, masisisi rin si Nell sa panlalalaki.Sino ba si Gideon Leith? Hahayaan niya bang hindi maging tapat ang babae niya sa kanya?Sa pagkakataong iyon, hindi malilinis ni Nell ang kanyang pangalan, matitinag rin ang posisyon ni Nell sa puso ni Gideon. Hindi na magiging huli ang lahat para maturuan niya ito ng leksyon!Nang maisip ito, nanlamig nang kaunti ang mga mata ni Sylvia.Subalit, sa sumunod na segundo, narinig niya agad ang paliwanag ni Isaac. “President Leith, nagsisinungaling siya! Hindi ko pa nga nakikita si Ms. Jennings dati, paano naman kami
Magbasa pa
Kabanata 29 Hindi Makapaniwala
Humarap si Isaac at tinignan si Gideon habang may nagmamakaawang ekspresyon, at agad na sinabing. “President Leith, totoong hindi ko pa nakikita si Ms. Jennings dati, pero narinig ko na ang pangalan niya, kaya nang magpadala ng isang tao ang matandang ito para kausapin ako, natukso talaga ako.”“Maaga akong dumating ngayong gabi at sinabi nila sa akin kung ano ang plano. Sinabi nila na lagyan ko ng droga ang inumin ni Ms. Jennings, sunod sasabihin nila sa publiko na may relasyon kami, at saka namin siya tatangayin habang nalilito ang lahat.”“Ang nagawa ay hindi na mababawi pa. Sa ganitong paraan, kailangan niyang umamin kahit ayaw niya. Ang dahilan kung bakit nila ito ginawa ay ang orihinal na nobyo ni Ms. Jennings, si Jason Morton!”“Ninakaw ng pangalawang anak ng pamilya Jennings ang boyfriend ng kapatid niya, pero masyadong kampi ang matandang ito sa paborito niyang apo, kaya nag-isip sila ng ganitong plano para mapatahimik si Ms. Jennings!”“Piyesa niya lamang ako sa buong pag
Magbasa pa
Kabanata 30 Asawa Niya
Huminga nang malalim si Sylvia at nagsimulang magsalita.Wala namang masyadong dapat na marinig.Dahil lamang sa gabing iyon, sa araw na bumalik siya sa Jennings villa, sinubok ni Nell ang kanyang awtoridad sa harap ng maraming tao at umalis na lamang na parang walang nangyari.Alam ni Sylvia na dahil sa iniwang ari-arian ng nanay ni Nell, talagang pupunta ito sa kaarawan ni Celine.Subalit, alam niyang sa ugali nito, hindi siya nito susundin gaya ng inaasahan niya.Kaya, nagplano pa siya at gumawa ng dagdag na hakbang para mahulog si Nell sa kawalan!Alam ng lahat kung anong klase ng tao si Isaac Collins.Kapag napunta si Nell sa kanyang kamay, imposibleng makakatakas pa itong muli!Sa pagkakataong iyon, kahit may sabihin pa si Nell, walang maniniwala sa kanya.Si Celine naman, sa kabilang banda, ay mapapanatag at patuloy siyang magiging Mrs. Morton.Maaalagaan nila ang reputasyon ni Celine kasama na ang kanyang posisyon sa entertainment industry.Ibig sabihin pwede itong m
Magbasa pa
PREV
123456
...
109
DMCA.com Protection Status