Lahat ng Kabanata ng Ang Napakalambing Kong Asawa: Kabanata 11 - Kabanata 20
1087 Kabanata
Kabanata 11 Huwag Kayong Maglandian sa Harapan ko
Hindi napaatras si Jason sa mga salita ni Nell.Matikas siyang tumugon, “Dahil nandito ka rin naman, may itatanong ako. Saan ka ba nagpunta kahapon? Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?”Kumislap ang mga mata ni Nell.Ilang beses nga naman talaga siyang tinawag ni Jason kagabi, pero kasama niya si Gideon Leith at hindi rin niya ito narinig.Nakita niya rin ang “missed calls” kaninang umaga subalit hindi na rin niya ito binigyang tuon pa.Matapos ang lahat, kung nag-aalala man ito o sinusubukan lang siyang pangaralan, sa kasalukuyan nilang sitwasyon, hindi naman ito nararapat.Nang maisip ito, itinaas ni Nell ang kanyang kamay at sumagot nang tamad, “Jason Morton, sino ang namatay para maging isa kang hari?”Nagulantang si Jason. “Ano?”“Bakit kailangan kong sagutin ang mga tawag mo?”Napatigil si Jason at ilang segundo pa ang lumipas bago pumasok sa isip niya ang sinabi ni Nell, mamaya-maya namuo ang galit sa kanyang mukha.“Nell! Huwag kang bastos! Nag-aalala lang ako
Magbasa pa
Kabanata 12 Ang Magiging Mrs. Leith
Lumingon na rin si Gideon at saka tinignan si Nell.Nakasuot ito ng beige na windbreaker at mukha itong malinis at maaliwalas tingnan, subalit may kaunting bakas ng lungkot ang nasa ilalim ng mga mata nito.Lalo pa niya itong tinitigan pero wala na rin siyang sinabi. Sa halip, tumango siya nang bahagya.“Mm, kaunti lang.”Pinilit ni Nell na ngumiti.Ang galing talagang magsinungaling ng mga lalaki. Sa lakas pa lang ng amoy ng alak, paanong kaunti lang ito?Halata namang naparami ang inom niya!Subalit, wala rin naman siyang karapatan na tanungin ito at nakakahiya naman na mag-alala nang sobra para sa kanya, kaya hindi na lamang siya nagsalita.Lumingon si Matthew at tinanong siya ng may ngiti, “Ms. Jennings, saan ka nakatira?’Sinabi ni Nell ang kanyang address at agad itong nilagay ni Matthew sa navigation device bago tuluyang nagmaneho.Napakatahimik sa loob ng kotse. Nilagay ni Nell ang kanyang kamay sa kanyang hita at saka tumingin na lamang sa bintana.Dahil siguro ito
Magbasa pa
Kabanata 13 Pagpirma sa Fenghua
Sa sumunod na araw, maagang dumating si Nell sa kompanya.Pagpasok niya ng opisina, naramdaman niyang may kakaiba sa ere ngayon.Nagbubulungan ang lahat sa mababang boses. Nang makita nilang pumasok siya, agad na nagbago ang ekspresyon nila at isinara nila ang kanilang bibig, nakatingin sila ng may kakaibang mata.Nanliit ang mga mata ni Nell at pumasok na lang siya ng opisina nang hindi sila tinitignan.Nang nakaupo na siya, tinawagan niya si Hannah gamit ang company internal phone para pumasok.Agad namang naninigas na pumasok si Hannah at tumingin kay Nell nap uno ng simpatiya.Bumaling si Nell sa kanyang upuan at nagtaka na siya. “Anong nangyari? Dalawang araw lang naman ang nakararaan. Bakit ka nakatingin ng ganyan sa akin?”Ngumiti nang malamya si Hannah at sinabing, “Ms. Jennings, hindi mo alam… hindi ka ba nakatanggap ng balita tungkol sa magaganap ngayon?”Napataas ang kilay ni Nell at agad niyang kinuha ang tasang nasa mesa niya para maglagay ng tubig. Kaswal lamang n
Magbasa pa
Kabanata 14 Aalis na Siya
Matapos ang lahat, isang A-list celebrity si Celine sa pamamagitan ng kanyang mga koneksyon, at magaling rin ang kanyang kakayahan sa negosyo. Masasabing isang naglalakad siyang pera sa ngayon.Ang isang kagaya niya ay handang pumirma sa Fenghua. Natural, masaya ang lahat.Halata namang natuwa si Jason sa reaksyon ng lahat at agad niyang tinaas ang kanyang kamay para sumingit sa mga galak na boses nila.“May isa pang bagay. Ang babaeng nasa tabi ko ay si Skylar Terrell. Halos lahat sa inyo ay hindi pa siya kilala, subalit higit sa sampung taon na siyang nasa industriya. Umaasa ako na sana narinig na siya ng iba.”“Ang dahilan kung bakit dinala ko siya rito ngayon ay dahil siya na ang magiging bagong PR manager at ang mangunguna sa public relations upang dalhin ito sa mas mataas na antas! Papalaguin natin ang kompanya at gagawin itong mas matatag.”Nang mabitawan niya ang mga salitang ito, natahimik ang lahat.Halos walang makapagbigay ng reaksyon, subalit matapos ang ilang segund
Magbasa pa
Kabanata 15 Gumawa ng Sariling Kumpanya
“Manager Nell!”“Nell, ikaw… Huwag kang maging pabigla-bigla!”“Ms. Jennings, hindi iyan ang gustong iparating ni President Morton!”Nagbago ang lahat ng ekspresyon ng mga executive ng Fenghua sa sinabi ni Nell.Binuka nila ang lahat ng kanilang bibig para pigilan siya.Matapos ang lahat, may iilan mang hindi natuwa kay Nell sa pagiging department manager nito, dahil lang naman iyon sa inggit nila na ang batang kagaya niya ay nalagay sa ganyang posisyon gamit ang sarili niyang kakayahan.Subalit, wala naman talagang may gusto na umalis siya.Magaling siya at maraming kakayahan. Dahil kay Nell kung bakit nasa ganitong lebel ang PR Department ngayon sa loob lamang ng dalawang taon.Nang maging malakas ang PR Department, naisalba rin nito mula sa mga problema ang artist department pati na rin ang management department.Ang ikinatatakot ng management department ay kung sakaling may mangyari sa kanilang mga artista. Dati, sa tuwing may aksidente, agad itong magagawan ng paraan kapa
Magbasa pa
Kabanata 16 Huwag Ibenta sa Kanya
Umalis si Nell sa Fenghua.Nang umalis siya, may iilang tao ang inihatid siya palabas habang may awa sa kanilang mga mukha, subalit parang hindi naman ito tunay.Matapos ang lahat, kahit umalis siya sa kanyang trabaho, hindi naman siya aalis sa industriya, may tsansa pa ring magkita sila sa hinaharap.Ang isang kaibigan ay mas mabuti na kaysa sa isa pang kalaban!Hindi na pinansin ni Nell ang mga pagpapanggap nila. Nang makarating na siya sa paradahan ng kotse, nilagay na niya ang kanyang mga gamit at saka nagpunta sa Morton Corporation.Si Thomas Morton ay kilala para sa kanyang pagtupad sa mga pangako. Handa na ang mga dokumento pati na rin ang mga cheke para sa mga kumpanya.Nasa isa siyang meeting nang dumating si Nell, at agad namang tinanggap ito ng kanyang secretary.Mula sa tatlong subsidiaries na hiningi niya kagabi, maayos na ang dalawa, at isa na lamang ang natitira.May pirma na ni Nell ang dokumento at ibinigay niya ang kalahati ng marriage agreement sa kabilang pa
Magbasa pa
Kabanata 17 Huwag Ibenta sa Kanya
Humakbang paharap si Nell “The Assistant” Jennings at itinaas ang kanyang braso ng may ngisi. “Paano kung gusto kong sukatin?”Napasimangot ang shop assistant. May nakarinig ng komosyong ito at napalakad papunta sa kanila.“Ano bang nangyayari?”Napabulong ang shop assistant sa kanyang kasama, at agad na ngumiti nang peke ang kararating lamang na assistant.“Ms., ang dami na ito ay bahagi ng aming seasonal lineup. Mahal po ito, 88,800 yuan. Sigurado po ba kayong gusto nito itong bilhin?”Napatawa nang malamig si Nell. “Hindi ko pa nga nasusukat pero tinatanong niyo na ako kung bibilhin ko ba. Hindi talaga marunong mag-asikaso ng kostumer ang tindahang ito!”“Pasensya na po, pero sinusubukan rin po naming protektahan ang interes ng aming mga kostumer. Matapos ang lahat, mahal po ang mga damit dito. Kung susukatin siya ng lahat, magiging second-hand na lang po ang mga ito? Hindi po ba?”Nakangiti ang shop assistant, subalit puno ng panghahamak ang kanyang mga mata.Naramdaman ni
Magbasa pa
Kabanata 18 Samahan Siya sa Isang Pasyal
Matthew Starks?Bakit naririto siya?Agad na nanigas si Nell at tumingin sa likod ni Matthew, subalit wala naman siyang nakitang anyo ng isang lalaki.Hindi kilala ni Hayley at napasimangot na lamang ito sa inis. “Sino ka ba?”Kahit hindi rin ito kilala ng shop assistant, nakita naman niya agad ang mall manager at agad niyang hinila ang manggas ni Hayley bago bumulong sa kanya.Napangisi si Matthew at inutusan ang taong nasa likod niya, “Laging may batas ang Leith Corporation na hindi dapat mambully ng kostumer. Kung ang isang maliit na shareholder ng kumpanya ay nangangahas na gawin ito, hindi ba masisira nito ang reputasyon ng Leith Corporation?”“Manager Riley, pakisulat ang sinabi ni Ms. Morton ngayon at ipahatid ito kay President Morton mamaya. Pakisabing sinuway ng Morton ang kasunduan sa Leith Corporation kaya paalisin na sila. Mula ngayon, hindi na pwedeng makialam ang pamilya Morton sa Times Square!”Nagulantang si Manager Riley at agad na pumayag.Namutla naman si Hay
Magbasa pa
Kabanata 19 Hindi Siya Nagkulang sa Pera
Nagtanggal ang pamamasyal nila mula tanghali hanggang gabi.Napatunog ang tiyan ni Nell sa gutom.Inimbitahan siya ni Gideon sa isang hapunan upang pasalamatan siya sa pagtulong nitong pilian siya ng damit.Gutom na si Nell, kaya hindi na siya tumanggi pa. Alas siyete ng gabi, nagtungo na rin sila sa isang malapit na restawran para kumain.Kumain si Nell ng sampung Chinese mitten crabs mula sa Yangcheng Lake.Napaisip bigla ang lalaking nasa kabilang mesa habang pinapanood si Nell, ‘Mukha namang mayaman at gwapo pa ang lalaking ito, bakit naman niya ginutom ng ganyan ang girlfriend niya? Ilang araw ba itong hindi nakakain?’Dahil sa gutom ni Nell, kumain lang siya na tila ba wala siyang paki sa mundo.Isa itong bagay na nakasanayan niya sa ilang taon sa trabaho.Laging siyang abala sa lahat ng pagkakataon, kaya kasaganahan na sa kanya ang makakain sa tamang oras. Kaya bakit pa niya iisipin kung ano ang itsura niya?Ang iniisip lang niya ay kumain nang mas mabilis para makabali
Magbasa pa
Kabanata 20 Birthday Party
Kinabukasan, sa birthday party ni Celine.8:00 ng gabi sa Dijue HotelKahit kasisimula lamang ng party, halos lahat ng mga bisita ay dumating na.Halos lahat ng mga makapangyarihan at sikat na mga tao sa Jincheng ay nagtipon-tipon sa lugar na iyon at sa ilalim ng magagandang mga chandeliers. Masaya ang paligid at lahat ay nakabihis nang marangya.Nakasuot si Celine Jennings ng isang kulay lila na mahabang damit at may mga embroidery pa ito. Tube naman ang disenyo ng kanyang pang itaas. Ang laylayan naman nito ay abot hanggang paa. Sa patong pa ng mga bulak na nakalatag sa sahig, tila ba mala-anghel ang ganda niya sa gabing iyon.Habang hawak ang isang baso sa kanyang kamay, binati niya ang lahat bisita isa-isa.Ang paraan ng kanyang pananalita ay malambing at kalmado, at ang kanyang asal ay talagang isang perpektong babaeng nagmula sa mataas na pamilya.Maraming papuri ang maririnig mula sa palibot.“Napakaganda talaga ni Ms. Jennings. Bagay lang talaga na maging isa siyang A-l
Magbasa pa
PREV
123456
...
109
DMCA.com Protection Status