All Chapters of Ang Napakalambing Kong Asawa: Chapter 41 - Chapter 50
1087 Chapters
Kabanata 41 Muling Makita ang Isang Dating Kaibigan
Binuksan ni Matthew ang pinto para kay Nell at magalang na nagtanong. “Saan po tayo pupunta ngayon?”Sumulyap si Nell sa paligid at tumingin sa safe na nasa backseat.Lumipas ang isang sandali at sinabi niyang, “Umuwi muna tayo sa bahay.’Pagkatapos bumalik ng Leith Gardens, nakita ni Aunt Joyce na may dalang malaking safe si Matthew at inisip niyang nagdala si Nell ng isang mamahaling alahas.Masaya niyang sinalubong ang dalawa, subalit hindi niya inakala na isang ordinaryong kuwintas lamang ang makikita niya pagkabukas nito sa itaas.Kahit ang maganda ang hugis nito at maningning ang mga emerald, hindi naman ito mukhang mamahalin para ilagay pa sa isang safe.Nahihiya rin nang bahagya si Nell.Naghanda ng malaking safe si Matthew dahil inisip niyang maraming gamit ang ilalagay o kaya mahirap dalhin ang mga ito.Sa hindi inaasahan, isang simpleng kuwintas lang pala.Hindi mapigilan ni Nell na mapatawa. Subalit, masaya pa rin naman siya na nakuha na niya ang ari-arian na iniwa
Read more
Kabanata 42 Sunduin Siya Para Maghapunan
Maganda ang impresyon ni Nell kay Lucy.Matapos ang lahat, kahit may mga bagong dating, lahat sila ay nakakulong sa ideya ng tukso, kasikatan, at kayamanan. Nagmamadali silang lahat, at kakaunti lamang sa kanila ang talagang magaling umarte.Nagmula si Lucy Katz sa isang mahirap na pamilya at hindi rin maganda ang kanyang kabataan, subalit salamat sa mga pagkakataong iyon, nakita na niya ang tunay na mundo at malalim ang pag-unawa niya sa mga bagay-bagay kaysa sa iba niyang kaedad.Dahil talaga rito kung bakit naunawaan niya na ang kakayahang umarte ang siyang pundasyon ng buhay ng isang artista. Ang iba ay pansamantalang dangal lamang.Ang makita siya sa Xinghui ay katumbas ng pagkadiskubre ng isang magandang piraso ng dyamante na nasa ilalim ng bato.Tuwang-tuwa si Nell. Nagkataon rin na ang agent na nagdala sa kanila ay agad na tinawag si Lucy sa opisina.Napuno ng sorpresa si Lucey nang makita si Nell.Kilala niya na si Nell bago pa man siya mapunta sa Fenghua.Kahit hindi
Read more
Kabanata 43 Hidden River: Ashley
Agad na pumasok si Nell at Gideon sa villa, nakakita sila ng isang malaking lawa pagkatapos ng mabato ngunit magandang daan.Sa ilalim ng madilim na gabi, may mga kumikislap na mumunting alon sa lawa gawa ng ilaw ng poste at ng liwanag ng buwan. Sa isang sulyap, hindi mo agad makikita ang dulo ng lawa.Ganoon din, sinamahan sila ng empleyado sa may pinto na pumunta sa hagdan patungo sa lobby, sunod gumamit sila ng escalator bago makarating sa private room.Moon Lake ang tawag sa private room na iyon, at tila ba nababagay ito sa magandang ere na binibigay ng restaurant.Napakaganda ng disenyo ng private room. Antigo ito, subalit ang mga detalye ay modern, nakapagbibigay ito ng isang magandang karanasan sa kostumer.Isang malaking bintana rin ang nasa timog na bahagi ng kwarto, mula roon, kita ang lawa. Kung tatayo sa isang magandang posisyon, mas makikita kung gaano kalawak ito kumpara sa tanawin mula sa ibaba. Dagdag pa roon, ang mga liwanag kanina na nasa kalayuan ay mas kita na
Read more
Kabanata 44 Hinabol nang Anim na Taon
Agad na nagtype si Nell ng isang reply. [Tignan mo ang second supporting female, sa tingin ko naman nababagay sa iyo ang karakter. Hindi ganoon karami ang bahagi niya gaya ng first supporting female at ng female lead, pero masayahin siya, at nakaw atensyon ang kanyang role. Kung gagalingan mo, magiging maganda rin ang epekto nito na para bang ikaw rin ang nasa unang dalawang roles.]Saka lamang tinignan ni Lucy ang mga detalyadong bahagi ng karakter nito.Tumugon siya kay Nell pagkatapos ng sampung minuto.[Elder Sister Nelly, nakita ko na, at gusto ko ang karakter na ito, pero kaya ko bang makuha ang role na iyan sa laki ng production nito?]Napangiti lang si Nell.[Aralin mo lang nang mabuti ang . Ako na ang bahala sa ibang bagay.][Sige, maraming salamat, Elder Sister Nelly.]Pagkatapos kausapin ni Nell si Lucy, inilagay na niya ang kanyang cellphone sa tabi at nag-isip isip.Pagkatapos ng isang sandali, kinuha niya ang kanyang laptop at inilagay ang pangalan ni Gareth Leith
Read more
Kabanata 45 Hindi Makatotohanang Resulta
Mabuti na lang at mabait ang babaeng nasa harapan ni Nell at Lucy. Binigyan agad sila nito ng tig-isang flag ng car-racing team ni Liam.Pinaalalahanan niya pa nga si Lucy, “Sis, dahil pareho tayong fans ni Liam, bibigyan kita ng payo. Huwag mo masyadong balutin ang sarili mo; baka isipin nila na espiya ka mula sa kalaban.”“Pero huwag kang mag-alala, may tiwala ako sa iyo! Medyo pamilyar ka nga sa akin, kaya sigurado akong hindi ka espiya!”Naramdaman ni Nell na nanigas nang bahagya si Janet.Nahihiyang ngumiti si Janet. “Ganoon ba? Salamat sa tiwala mo sa akin!”Sa kabilang banda, nagpipigil naman ng tawa si Nell, kaya agad niyang binago ang usapan. “Gaano pa katagal bago magsimula ang kompetisyon?”“8:00 ng gabi.” Tinignan ng babae ang kanyang relo. “Malapit na.”Pagkasabi niya nito, isang malakas na sipol ang maririnig sa kabilang panig.Sunod doon, may mga malalakas na hiyawan ang maririnig pagkatapos magpakita ng mga racers mula sa walong grupo!Halos mabaliw rin si Jane
Read more
Kabanata 46 Pustahan
Kahit sa local o mga international competitions, wala pang nakakaabot ng gano’ng resulta sa apat na kilometrong circuit!Muli na namang nagbago ang mukha ng lahat, maliban kay Gareth na kalmado.Tinignan niya si Nell habang madilim ang mukha. “Ano naman? Sinasabi mo ba ito sa akin para sumuko na lang ako, sasabihin ko agad sa iyo — imposible iyan!”Tumawa si Nell. “Mali ka ng pagkakaunawa! Hindi ko sinabing sumuko ka; sinasabi ko lang ang totoo na sa kasalukuyang lakas ng Dark Horse, imposibleng makukuha niyo ang titulo.”“Ikaw!”Hindi na makapagpigil ang mga miyembrong mainitin ang ulo. Gusto na nilang sapakin si Nell.Agad naman silang pinigilan ni Gareth.Kalmado siyang tumingin kay Nell. “Ano ba ang gusto mong sabihin?”Ngumisi si Nell. “Pwede kitang tulungan na makuha ang first place.”“Ano?”Hindi makapaniwala ang lahat.Dagdag ni Nell, “Basta ba may ipangako ka sa akin, sisiguraduhin kong Dark Horse ang magiging champion ngayong taon.”Napasinghal si Gareth. “Naiinti
Read more
Kabanata 47 Isang Labanan Para Sa Titulo
Ayon sa sinabing kondisyon ni Gareth, kapag natalo silang muli, isang taon na naman ng pagkabigo ang kanilang pagdudusahan.Kapag nanalo sila, hindi lamang nila makukuha ang titulo, magkakaroon pa ng isang magaling na racer ang Dark Horse Racing Team. Dahil doon, wala nang dapat alalahanin ang Dark Horse sa loob ng limang taon.Pagkatapos ng panahong iyon, marami ng mga bagong talento ang papalit sa kasalukuyang mga puwesto, kaya hindi na mahalaga kung mananatili si Nell o hindi.Ganoon pa man, mas matalino ang matandang ito!Wala ng paraan para umatras si Nell sa sinabi ni Gareth.Malakas naman ang loob ni Nell para kunin ang first place, bakit ngayon pa siya matatakot?Ngumiti siya at inabot ang kanyang kamay. “Sige, walang problema!”“Mabuti!”Nang kinamayan nila ang isa’t isa, nagsimula na ang pustahan.Pagkatapos ng kalahating oras, nagsimula na ang final round.Bumalik na ang mga racers ng tatlong car-racing teams sa circuit. Subalit, nakakita sila ng isang babaeng naka
Read more
Kabanata 48 Panalo sa Huling Race
Inisip ni Liam na hindi marunong si Nell sa race.Kaya, agad niya itong tinanggihan nang walang alinlangan nang magsalita ito.Kahit pumayag siya pagkatapos ng kanilang pustahan, hindi naman siya umaasa ng kahit ano.Sino naman ang nakakaalam na napakagaling ni Nell!Nang tinignan ni Liam ang kotseng nakasunod sa kanya, agad niya naisip ang babae. Nakasuot ito ng mask at nahihiyang nagtatago sa likod ni Nell kanina.Ang mga mata ng babaeng ito ay tila ba gawa sa pinatandang alak, marami itong dalang komplikado at masasakit na emosyon mula sa ilalim ng kanyang puso.‘Buwisit!’‘Sino siya para magpakita sa harap ko!’Sinuntok ni Liam ang manibela, at talagang nandidilim ang mukha niya.‘Gusto niyang kumain kasama ako?’‘Hah! Sa panaginip niya!’Ngumiti siya nang malagim habang nakatitig sa kanyang rearview mirror.Nakasunod pa rin sa malapit si Nell, halata namang magaling talaga ito.Ganoon pa man, ano namang paki niya?Hindi siya matatalo!Determinado si Liam na hindi ha
Read more
Kabanata 49 Iwanan ang Relihiyon
Nanigas si Janet.Gusto niyang sabihin, ‘Hindi ako ang gumawa ng pustahang iyon!’Ganoon pa man, isang mabuting kaibigan si Nell sa kanya. Lagi siya nitong iniisip at gusto lamang nito na magkaroon siya ng tsansa kay Liam.Bukod pa roon, nangibabaw si Janet kanina nang maganap ang pusta, kaya hindi siya pwedeng umatras.Inilagay niya ang kanyang buhok sa likod ng kanyang tainga at pinaluwag ang kanyang lalamunan.“Uhm… Hindi kita tinatakbuhan! M-May kukunin lang ako. Oo, may kukunin lang ako.”Inulit niya pa ang kanyang sarili para makumpirma ang binanggit niya.Ngumisi s ainis si Liam.Dahil hindi naman nakalock ang pinto, binuksan niya ito at umupo sa passenger’s seat.Nalito si Janet.Nang makitang nakatayo at nakatulala pa ang babae, tinitigan ni Liam nang malamig si Janet at walang pasensyang nagtanong, “Bakit nakatayo ka lang dyan? Hindi ba tayo kakain?”Janet. “…”“Oh,” agad siyang tumugon nang makabalik siya sa kanyang kamalayan. Ganoon pa man, kahit gusto pang puma
Read more
Kabanata 50 Mahirap Ipaliwanag sa Iilang Salita
Nabawasan na rin ang lungkot sa puso ni Janet.“Mm, tama ka, pero nakalimutan ko paano ipakita iyon. Pwede bang turuan mo ako!”Hindi naman nahiya si Nell. Agad siyang tumugon, “Sige, hindi ako natatakot na umulit nang ilang beses; ginagawa ko ito para sa best friend ko. Teka lang, ibababa ko ang tawag at magvivideo call ako.”Binaba niya ang tawag gaya ng sabi niya at saka sila nagvideo call.Sa kabilang linya, niyakap ni Janet ang kanyang mga braso saka sumandal sa pader para panoorin si Nell.“Sis, tara na! Magsimula ka na.”Sabay silang lumaki, kaya sanay na silang walang tinatagong kahit ano sa isa’t isa.Hindi natatakot si Nell; nilagay niya ang kanyang cellphone sa lagayan ng libro at saka nagsimulang umarte.Nagsimula siya sa mga nakakadiri at mapagmalabis na mga linya mula sa mga prime-time shows, ganoon rin ang mga pickup lines dito.Halimbawa, sinabi ni Nell, “Ilang taon kitang hindi nakita; miss na miss na talaga kita.”“Iniisip nilang nasa akin na ang lahat sa mu
Read more
PREV
1
...
34567
...
109
DMCA.com Protection Status