Lahat ng Kabanata ng Nakakahumaling na Pag-ibig : Kabanata 811 - Kabanata 820
908 Kabanata
Kabanata 812
Gayunpaman, nang ginalaw niya ang kanyang katawan, mayroong kirot sa kaliwang balakang niya kung saan siya sinipa ng lalaki, na siyang nagpakunot sa kilay niya. “Masakit ba?” ang malamig na tinig ay muling umalingawngaw sa kanyang tainga. Pagkatapos, ang magandang kamay nito ay lumapat sa kanyang balakang kung saan siya nakakaramdam ng kirot. Agad na nanigas ang katawan ni Ling Yiran. Naramdaman niya na parang umakyat ang lahat ng dugo niya sa iisang parte ng kanyang katawan. Malapit ang mukha ni Yi Jinli sa kanya. Sobrang lapit na kita na niya kahit ang mahahabang itim na pilikmata nito. ‘Sigurado na akong... magaganda ang mga ito!’Mukhang nahahawakan nito ang puso ng mga tao sa oras na kumibot ito nang marahan. Kaya siguro walang kabuhuluhang napaamo nito ang puso ni Ling Yiran, ngunit ngayon ay nawawala ulit sa wisyo ang kanyang puso. “Ayos lang ako,” pinatatag ni Ling Yiran ang sarili at kumalma. “Maraming salamat sa tulong mo, Mr. Yi. Ayos... Ayos lang ako.”Habang
Magbasa pa
Kabanata 813
Na parang ito lamang ang bagay na may kabuluhan. “Opo,” sagot ni Gao Congming.Sa parehong oras, marami sa mga tao ang hindi maiwasang hulaan sa kanilang mga puso. ‘Sino ang babaeng umalis?’‘Kayang lumpuhin ni Young Master Yi ang paa ng isa sa batang pinuno ng Feng Lai Group para sa babaeng iyon! Na parang gusto nito magpalaganap ng giyera sa Feng Lai Group!’‘Ang Feng Lai Group ay isa lamang sa pangalawang klase ng pang-pamilyang negosyo sa syudad ng Shen, pero... ganoon ba kahalaga na tumayo sa ganoong babae?’...Sa kabilang banda, natitisod na bumalik si Ling Yiran sa pribadong silid. Marahil ay ang nangyari ngayon-ngayon lang ang nagparamdam sa kanya na parang mas lalong umeepekto na ang alak sa kanyang sistema, dahilan kung bakit mas lalong umiikot ang paningin niya. “Yiran, anong problema? Mukhang hindi ka maayos,” sabi ng kasamahan niya. “Wa... Wala,” pilit na ngumiti si Ling Yiran. “Sige. Sige. Halos patapos na naman ang welcome party natin, kaya tapusin na natin
Magbasa pa
Kabanata 814
Ngiting panalo si Guan Lili habang dinidiin si Ling Yiran ng mga kasamahan nila na masayang sinalubong siya sa kompanya kani-kanina lang.Iyon ang gusto niyang makita. Kapag mas lalong napapahiya si Ling Yiran, mas gumagaan ang pakiramdam niya!Kung hindi ito para kay Ling Yiran, paano siya natanggal sa dati niyang kompanya at nahirapan din siyang maghanap ng trabaho simula ‘non?Ang lalaking kasamahan nila ay hindi na natiis ito at sinabi, “Ano bang problema niyo? Hindi kailanman sinabi ni Ling Yiran na babayaran niya ang pagkain natin. Dahil lahat naman ay nakakain ng pagkain, mag-ambagan tayo.”Nahihiya ang iba na magsabi pa ng kung ano nang binanggit niya ito. Tsaka, totoo naman na hindi nga nagsabi si Ling Yiran. Bukod pa ‘ron, ang lahat sa silid as nagttrabaho sa parehong kompanya. Wala ang makakapagsabi na hindi sila makakapagbayad. Binilang ng kasamahan nilang lalaki kung magkano ang babayaran ng lahat at sinabihan ang waiter para sa bill, pero sinabihan sila nito ng, “
Magbasa pa
Kabanata 815
‘Sino ‘yon? Sino ang nagsabi ‘non?’ Sobrang tamis ngunit malungkot ito na parang gusto niyang maiyak. “Po-protektahan kita habang buhay. Hindi ko hahayaang magdusa ka sa kahit katiting na kawalan ng katarungan at hindi na ulit kita hahayaan pang saktan ng iba.”‘Boses... Boses iyon ni Jin... Ito ang sinabi niya sa akin.’Nag-squat si Ling Yiran sa sahig at naramdaman na ‘tila naririnig niya lamang ay ang mga salita ni Yi Jinli na minsan niyang sinabi sa kanya. ‘Huwag mong isipin ang mga sinabi niya. Huwag mo silang isipin...’ pilit niyang tinatatak ito sa kanyang isipan. Pagkatapos ay... Mukhang may tunog ng mga yapak papalapit sa kanya. Malinaw ang bawat hakbang ng mga yapak. ‘Kaninong mga yapak ito?’Ang pares ng itim na leather na sapatos ang pumukaw sa kanyang paningin. Dahan-dahan niyang inangat ang kanyang ulo at nahuli ng tingin ang isang pamilyar na mukha. ‘Mukha ito ni Jin... Tulad nung nakita niya sa Druken Days‘Dahil ba lasing ako? Kaya ako nakakarinig ng mg
Magbasa pa
Kabanata 816
Pinaglapat niya ng isang linya ang kanyang manipis na mga labi, at pinagmasdan niya ng tahimik si Ling Yiran. “Jin, Ayoko... nang isipan kang muli. Hindi na kita iisipin simula ngayon...” pagpatuloy niya ng pabulong na para bang sinasabi niya ang mga salita na nakalibing sa kanyang puso mula sa kanyang kalasingan.“Lumabas na... sobrang dali para sa’yo na hindi magmahal ng kung sino. “Sabihin mo sa akin. Sino sa atin... Uhh... ang nanloko ng iba?“Gusto rin kitang pasalamatan... ngayon. Salamat sa pagligtas sa akin... at pagbayad ng bill para sa akin... pero... wala... wala akong maaalok para sayo...“Hindi, mabibigyan... mabibigyan kita ng kung ano bilang kapalit... at iyon ay... ang hindi na ako magpapakita sa’yo. Huwag kang mag-alala. Hindi ako... tulad ng iba na gumugulo sa buhay ng iba.”Daldal niya, hindi namamalayan na nasasaktan si Yi Jinli sa bawat salita na sinabi niya. Mayroong sikip sa kanyang dibdib na hindi siya kumportable dito. ‘Naghiwalay na kami. Hindi ko
Magbasa pa
Kabanata 817
#Gayunpaman, bago siya umabot kay Yi Jinli, ay pinigilan siya kaagad ni Gao Congming. “Umalis ka nga!” gustong pumiglas ni Qin Lianyi kay Gao Congming, pero paano siya hahayaan ni Gao Congming?Hindi makalapit si Qin Lianyi kay Yi Jinli pagkatapos niyang subukan ng mahabang oras nang nakalilipas. Kaya ay sinabihan niya si Bai Tingxin na mabagal na lumalabas ng sasakyan, “Hoy, tara at tulungan mo ako!”Humakbang si Bai Tingxin pero lumingon siya kay Yi Jinli at sinabi, “Young Master Yi, gusto ng girlfriend kong kuhain si Ling Yiran pauwi. Pakiusap ay sabihin mo ang desisyon mo upang makaalis na sila”Nginuso ni Yi Jinli ang kanyang maninipis na labi at hindi nagsalita ng kung ano. Ang kanyang mga mata ay nakatuon lamang sa katawan ng tao sa kanyang mga bisig. “Yi Jinli, bakit mo hawak si Ling Yiran? Huwag mong kalimutan, ikaw ang gustong makipaghiwalay kay Ling Yiran! T*ng*na ikaw ang nakipaghiwalay, kaya bakit hawak mo pa rin siya?” mura ni Qin Lianyi!Habang nasisilayan si Yi
Magbasa pa
Kabanata 818
Namutla ang mukha ni Bai Tingxin habang nagmamadali siyang humarang sa harapan ni Qin Lianyi, at sinabi, “Young Master Yi, ginagawa lang ito ni Qin Lianyi para sa kaibigan niya. Kung nakakairita para sa’yo, sasaluhin ko ang kapalit para sa kanya.”“Bai Tingxin, hindi ko kailangan ng tulong mo. Kaya kong saluhin ang parusa!” ani Qin Lianyi. “Paano mo gagawin ‘yon?! Ano sa tingin mo ang masasalo mo?” galit na utas ni Bai Tingxin. “Hahayaan ko siyang bugbugin ako! Handa ang isipan ko roon!”“Qin Lianyi, iniinis mo ba ako?”Nakita ni Bai Tingxin na ang kanyang pasensya, na siyang palagi niyang nakokontrol noon, ay laging napipiglas pagdating kay Qin Lianyi. Malamig na tumitig si Yi Jinli kay Qin Lianyi, malinaw na hindi niya hahayaang palagpasin ito. Gayunpaman, si Ling Yiran, na sobra ang kalasingan at mahimbing ang tulog, biglang kinuskos ang kanyang ulo sa balikat ni Qin Lianyi. Bulong niyang sinabi, “Lianyi... Huwag kang matakot... Po-protektahan ko si Lianyi...”Agad namul
Magbasa pa
Kabanata 819
“Na-frame ako noon na nagnakaw ng pera sa klase, at akala ng lahat ay ninakaw ko ‘yon. Patuloy akong sinermonan ng guro naming, gustong paaminin ako. Ang mga magulang ko ang nagbigay inasyitiba na magsabi na handa silang bayaran ang pera na ninakaw ko kahit na hindi ko naman talaga ginawa!”Sabi ni Qin Lianyi habang sumisinghot, pakiramdam niya ay bigla na lamang humapdi. “Hindi ko alam kung maiintindihan mo na wala akong magawa. Ganoon ang pakiramdam na ang buong mundo ay pinagkakaisahan ka, kaya wala kang magawa at mapag-isa. Sobrang walang katuturan nito na kahit na subukan kong ipaliwanag na inosente ako. Sa mga oras na iyon... naniwala sa akin si Yiran at tinulungan din ako para hanapin kung sino talaga ang nagnakaw. Sa paraang iyon, tumawa ulit si Qin Lianyi. “Nagdesisyon ako nag awing matalik na kaibigan si Yiran habang buhay!”Nginuso ni Bai Tingxin ang kanyang manipis na labi. ‘Ito ay parang... isang maliit na bagay na kusang loob niya kayang ibuwis ang lahat para kay Ling
Magbasa pa
Kabanata 820
Marahan niyang kinuha ang kamay ni Qin Lianyi at mahinahon bago sabihing, “Oo, kaya ko. Kaya kong maging espada sa iyong mga kamay kahit na si Yi Jinli ang kalaban mo.”Kaya niyang gawing kalaban ang kahit na sino para sa kanya habang kahilingan niya ang lahat ng iyon. Dahil iyon ay... nahulog na siya kay Qin Lianyi. Oo, mahal niya si Qin Lianyi. Gayunpaman, hindi pa niya kailanman talagang sinasabi ang tungkol sa kalaliman ng kanyang pag-ibig. Sobrang nagagalit siya kay Qin Lianyi, kinamumuhian, at sinumpa niya ito, pero sa huli, nakita niya na ang lahat ng nararamdaman niya ay walang-wala sa pagmahahal niya kay Qin Lianyi. Noong nawalay sila ng tatlong taon, akala niya ay kinamumuhian niya si Qin Lianyi, pero sa huli ng mga araw, nanatili pa rin ang pagmamahal niya kay Qin Lianyi. Iniisip niya si Qin Lianyi araw araw. Kalaunan, ang pag-ibig na ito ay bigla na lamang lumalim nang lumalim. “Lianyi, ako ang magiging espada mo,” sabi niya.Biglang tumibok ng bayolente ang p
Magbasa pa
Kabanata 821
‘Tsaka, sa mga nakalipas na araw, maraming mga Cinderella ang nangmamata sa mga pera ng mga matataas na president at gustong mamuhay sa miserableng buhay habang nasa relasyon.’Iyon ang akala ng babaeng kasamahan niya na iyon ang kaso. Kanina, marami sa kanila ang nagsama-sama at pinag-usapan ang tungkol sa kung sino ang eksaktong nagbayad ng bill kagabi. “Hindi.” Tinanggi ito ni Ling Yiran. ‘Noon oo, pero hindi na ngayon.’“Eh? Hindi?” nagulat ang babaeng kasamahan niya, hindi inaasahan na ganoon na lamang itanggi ito ni Ling Yiran. “Pero sabi ni Guan Lili...”“Dapat ba ay boyfriend ko ang kahit na sinong sabihin niya?” tanong ni Ling Yiran. Natameme ang babae, hindi alam kung paano ipagpapatuloy ang usapan.Umalis si Ling Yiran sa kusina kasama ang baso ng tubig sa kanyang kamay. Ang gusto na lamang niya sa ngayon ay ang magtrabaho at magtrabaho ng mabuti sa syudad na ito... para maging abogado ulit!Sa paraan lamang na ito magiging karapat-dapat siya sa mga taong nagmamahal
Magbasa pa
PREV
1
...
8081828384
...
91
DMCA.com Protection Status