Lahat ng Kabanata ng Ang Tatay kong CEO: Kabanata 1581 - Kabanata 1590
1747 Kabanata
Kabanata 1581
Nararamdaman niyang hindi ganoon kasimple ang pagkamatay ng mga magulang niya.Pagkatapos nilang makabalik ni Dayton sa ospital, kaagad tinawag ni Dayton ang doktor para suriin si Quincy.“Pagkatapos kong suriin ang kondisyon niya ngayon, mukhang ayos naman ang bata. Pero mayroong ilang bagay na pwedeng magdulot ng panghihina ng bata. Kaya naman, subukan niyong dalawa na magtulungan sa stabilization process. Kailangang maging magaan ang pakiramdam ng ina.” Paalala sa kanila ng doktor.Gumaan na rin ang seryosong ekspresyon ni Dayton. “Walang problema, naiintindihan namin.”Saka umalis ang doktor.Nagpahinga si Quincy habang nakasandal sa headboard ng kama. Hinaplos niya ang tiyan at tiningnan ang lalaki sa tabi niya. “Tama ako, hindi ba? Walang magiging problema sa pagbisita ko sa mga magulang ko.”“Alam mo ba kung gaano ako nag-aalala habang nasa biyahe?” Nakakunot ang noong tanong ni Dayton.“Alam kong nahihirapan ka.” Hinawakan ni Quincy ang kamay ni Dayton. Binuhat siya nito
Magbasa pa
Kabanata 1582
Naglinis muna ng katawan si Sharon pagkatapos niyang maibaba ang bagahe. Napagod siya sa mahabang flight. Gusto niya ng isang mahaba at mainit na bath.Pagkatapos nito, mayroong isang dosenang missed calls sa kaniyang phone na nasa mesa. Mula kay Simon ang lahat ng tawag.Bakit siya nito tinatawagan nang sunod-sunod?Muli ulit tumunog ang kaniyang phone. Kaagad niya itong sinagot. “Hello---”“Bakit ang tagal mong sagutin ang mga tawag ko?” Napakalalim at mayroong bahid ng pag-aalala ang boses ni Simon.Natawa si Sharon at sinabing, “Katatapos ko lang maligo ngayon, kaya hindi ko dala ang phone ko. Bakit ka madaling-madaling hanapin ako?”“Naliligo ka?” Kumalma si Simon matapos marinig ang sagot ni Sharon. Gayunpaman, hindi pa rin siya masaya.“Oo, kabababa ko lang ng eroplano. Kailangan kong maligi.” Saka niya dinagdag, “Hindi mo pa sinasabi sa akin kung bakit mo ako tinatawagan?”“Wala naman. Gusto ko lang malaman kung nakarating ka nang ligtas.”Napansin ni Sharon ang pagtat
Magbasa pa
Kabanata 1583
“Ang dami mong hinandang pagkain. Mukhang kasama na ang parte ko,” Sabi ni Sharon kay Dayton.Walang emosyon ang tono ni Dayton nang sumagot, “Walang ganang kumain si Quincy nitong nakaraan, kaya nagpahanda ako ng mas maraming pagkain sa chef para sa kaniya. Sa gayon, pwede niyang makain ang gusto niya.”Sumimangot si Sharon. Gusto niyang purihin si Dayton sa pagiging mabuting host, pero mukhang mali siya ng akala.Tiningnan nang masama ni Quincy si Dayton. Mabuti na lamang ay alam niyang madalas na direkta ang prangka si Dayton. Kung hindi, magrereklamo siya sa masungit nitong ugali.“Shar, tingnan mo kung mayroon kang gusto sa mga pagkain na ito. Kung wala, sasabihan ko sila na ipagluto ka ng iba.” Puno ng pag-aalaga na katulad ng isang ina si Quincy simula nang magdalang-tao siya.Tahimik siyang sinuri ni Sharon. Nahilo siya bigla. Napakatapang na tao noon ni Quincy. Hindi ito takot sa sakit o kamatayan at pinipilit na labanan si Dayton hanggang sa huli.Ang totoo, maganda na
Magbasa pa
Kabanata 1584
Nahirapang sumagot si Quincy sa tanong ni Sharon. Nakakatakot pakinggan ang kaniyang sitwasyon.Matapos ang sandaling katahimikan, sinabi niyang, “Hindi ko alam ang nangyayari…Kahit na nag-aalala ako noong nalaman kong buntis ako, masayang-masaya ako. Pero noong nakaraang buwan…Nagsimula akong magkaroon ng masamang panaginip gabi-gabi.Kumunot ang noo ni Sharon matapos marinig ang sinabi niya. “Masamang mga panaginip?”Tumango si Quincy at sinabing, “Oo, paulit-ulit kong napapanaginipan ang aksidente ng mga magulang ko. Palagi silang balot ng dugo, katakot-takot ang itsura…”Nawala ang mga alaala niya at hindi na maalala kung anong nangyari noong naaksidente ang kaniyang mga magulang, pero palaging malinaw ang mga imahe nila sa kaniyang panaginip.Palagi silang nakatitig sa kaniya nang masama habang puno ng dugo ang buong katawan. Para bang galit na galit sila sa kaniya.Napahawak siya sa kamay ni Sharon. Hindi niya mapigilan na kilabutan nang maalala niya ang mga eksena sa kaniy
Magbasa pa
Kabanata 1585
Pumasok si Sharon sa kabilang ward at nakita si Dayton na mag-isang naninigarilyo habang nakaupo sa isang single-seater sofa. Ang gwapo nitong mukha na mala-diyablo na sa sobrang banayad ay nababalot ng usok. Para bang labis itong nangangamba.“Nakatulog na si Quincy. Pumunta ka na roon para masamahan siya,” Sabi ni Sharon.Tumalikod si Dayton para tingnan siya. Nanatiling walang emosyon ang gwapo nitong mukha. Sa sumunod na sandali, nilagay nito ang upos ng sigarilyo sa ashtray.“Anong sinabi niya sa iyo?” Matalim ang tingin niya kay Sharon.Hindi natakot si Sharon sa bangis ni Dayton. Lalo na at nasanay na siya sa masama nitong ugali. Ngumiti lang siya at sinabing, “Sikreto namin iyon dalawa. Hindi ko pwedeng sabihin sa iyo.”Tumayo si Dayton at nilagay ang isang kamay sa bulsa ng pantalon. Dahan-dahan siyang lumapit kay Sharon.Hindi nahiya o umatras si Sharon mula sa kaniya. Tumayo siya roon at pinanood si Dayton na unti-unting lumapit sa kaniya. Makikita ang tapang at bangis
Magbasa pa
Kabanata 1586
Hindi na nagkaroon ng masamang panaginip si Quincy sa nakalipas na dalawang gabi. Siguro ay dahil nabisita na niya ang puntod ng mga magulang at nabigyan sila ng bulaklak.Ang mga fragrances na niregalo sa kaniya ni Sharon ay nakatulong rin nang malaki sa kaniyang pagtulog. Kaya naman, masigla siya nitong mga nakaraan.Dahil masigla siya, gumanda rin ang pakiramdam ni Dayton.Dumating naman ang doktor para magsagawa ng B-ultrasound examination sa kaniyang anak.“Ayos naman ang bata. Kailangan mong mapanatili ang sigla mo at magpahinga ka pa. Kailangan mo rin mas kumain ng masustansya. Uminom ka ng maraming sabaw.” Paalala sa kaniya ng doktor pagkatapos ng eksaminasyon.Kumalma ang nangangambang puso ni Quincy at nagtanong, “Kailangan ko pa rin bang uminom ng stabilizing pills?”“Kahit na wala naman masiyadong problema ngayon, muntik ka nang makunan noong nakaraan, kaya kailangan mo pa rin inumin ang stabilizing pills,” Sabi ng doktor.Tumango si Quincy at sinabing, “Sige po, nak
Magbasa pa
Kabanata 1587
Maingat na tinulungan ni Dayton si Quincy na bumaba ng sasakyan. Kaagad na lumapit ang butler para batiin sila.“Welcome back, Young Master at Young Madam,” Sabi ng butler.Dalawang hilera ng mga tagasilbi sa likod ng butler ang bumati sa kanila, “Welcome home, Young Master at Young Madam.”“Ipasok niyo sa bahay ang mga bagahe na nasa likod ng sasakyan,” Sabi ni Dayton sa butler.Kaagad na inutusan ng butler ang mga tagasilbi na gawin ang sinabi ni Dayton. Saka siya sumunod kina Dayton at Quincy.“Young Master…Narito si Miss Tia,” Ulat ng butler.Kaagad na nagbago ang ekspresyon ni Dayton matapos marinig ang sinabi ng butler. Bago pa siya makapagsalita, isang tao ang mabilis na lumabas ng bahay at sumigaw, “Dayton, nakauwi ka na rin!” Boses ito ng isang dalaga.Matapos ang isang sandali, isang babaeng nakasuot ng kulay rosas na bestida ang tumayo sa harapan niya.Hindi pinansin ni Tia Smith ang mga taong nasa tabi ni Dayton at kaagad na hinawakan ang kaniyang kamay. Malambing a
Magbasa pa
Kabanata 1588
Pagkatapos matulala ay tumawa si Quincy. Hindi siya naniniwala. “Paano iyon naging posible? Pinsan niya si Dayton.”“Binanggit mong malayo silang magkamag-anak. At saka, hindi sila maituturing na pamilya. Hindi niya kapatid si Dayton,” Sabi ni Sharon.Kaagad na naglaho ang ngiti ni Quincy. Tila mayroon siyang naisip. Nagsalubong ang kaniyang mga kilay.Napansin ni Sharon ang pagbabago sa ekspresyon ni Quincy. Mukhang hindi nito alam ang nararamdaman ni Tia para kay Dayton.“Kung ganoon nga talaga, hindi nakapagtataka kung bakit ayaw niya na sa akin noong una pa lang.” Maingat na inalala ni Quincy ang pakikitungo ni Tia kay Dayton at piniling maniwala sa sinabi ni Sharon.Saka niya dinagdag, “Walang silbi kahit gusto nga niya talaga si Dayton. Hindi siya magugustuhan ni Dayton. At saka, ako ang asawa niya.””Tinitigan siya ni Sharon at nagtanong, “Nagtitiwala ka ba sa nararamdaman ni Dayton para sa iyo?”“Oo naman, naniniwala akon hindi siya mahuhulog sa ibang babae.” Lalo na sa
Magbasa pa
Kabanata 1589
“Ang sabi ko ay hindi lang siya ang pwedeng magbigay sa iyo ng anak. Mayroong napakaraming babae ang pwedeng magsilang ng anak para sa iyo.”“Siya lang ang gusto kong magdala ng anak ko. Wala akong kinalaman sa ibang tao. Wala silang karapatan na ipagdalang-tao ang mga anak ko!” Katakot-takot ang aura ni Dayton.Nararamdaman ni Hayley ang galit ni Dayton. Dinagdag niya, “Paano kung hindi niya mabubuhay ang bata?”“Itikom mo ang masama mong bibig! Isisilang niya nang ligtas ang bata!” Malamig na sigaw ni Dayton.Nakita ni Hayley ang madilim at galit na galit na ekspresyon sa mukha ni Dayton. Mapanghamak siyang tumawa at sinabing, “Sige, ipagdadasal ko na ligtas niyang maisilang ang bata.”Pagkatapos magsalita, tumayo siya at sinabing, “Malalim na ang gabi. Magpapahinga na ako. Bantayan mo siyang mabuti para maiwasan ang anumang kumplikasyon sa pagbubuntis niya.”Hindi siya pinansin ni Dayton. Pagkatapos umalis ni Hayley, patuloy siyang naupo sa sofa at hindi gumalaw.Dapat maisil
Magbasa pa
Kabanata 1590
“Shar, bumalik ka pagkatapos ng kasal, ha?” Sabi ni Quincy habang nakahawak sa kamay ni Sharon. Ayaw niyang umalis ito kaagad.“Oo, babalik ako kapag mayroon akong oras para samahan ka.” Nakikita niyang unti-unti ng bumubuti ang kondisyon ngayon ni Quincy. At saka, malapit na ang kasal ni Eugene. Makakauwi na siya nang walang inaalala.Nakatayo si Quincy sa gilid ng kotse habang nakikipag-usap sa kaniya. Nakatingin si Dayton sa kanila mula sa malayo.Wala ng iba pa ang nasa tabi nila. Hininaan ni Quincy ang boses at sinabi sa kaniya, “Huwag mong kalimutan ang pinangako mo sa akin. Mas madali para sa iyo na imbestigahan ang nangyaring aksidente kapag nakauwi ka na.”Alam ni Sharon na tinutukoy ni Quincy ang hiling nito na tulungan niya itong alamin ang katotohanan sa likod ng aksidente ng mga magulang ni Quincy.Bumugso ang kumplikadong emosyon sa kaniyang mga mata. Ang totoo, hindi niya na kailangang imbestigahan iyon. Alam niyang si Dayton ang nasa likod ng lahat.Gayunpaman…Hin
Magbasa pa
PREV
1
...
157158159160161
...
175
DMCA.com Protection Status