Lahat ng Kabanata ng Ang Tatay kong CEO: Kabanata 1591 - Kabanata 1600
1747 Kabanata
Kabanata 1591
“Hindi ba’t mayroon silang anak? Malaki na ang anak nila. Sa tingin ko ay hindi lang sila basta nagkabalikan lang.”“Baka nga. Kung hindi, bakit siya pakakasalan ni President Eugene pagkatapos makipag-divorce?”“Naku, ang first love talaga ng mga lalaki ang tangi nilang hahanapin.”Hindi tumitigil ang mga bisita sa pag-uusap tungkol sa kanilang dalawa.Tumutulong si Sharon sa makeup room. Pagkatapos asikasuhin ang makeup ni Fern nang halos kalahating araw, natapos na rin sila. Nakapagbihis na rin ng wedding gown si Fern.“Sister-in-law, kailangan kong aminin na napakaganda mo ngayon. Kung lalaki ako, kikiligin ako dahil sa iyo,” Puri ni Sharon.“Nambobola ka.” Tumawa si Fern.“Hindi ako nambobola. Nagsasabi ako ng totoo. Matalas ang mata ng kapatid ko. Napakaganda ng gown na dinisenyo niya para sa iyo.”Kung sinabi ni Sharon ni maganda ito, siguradong kamangha-mangha ito.“Ang laki ng ginastos niya rito.” Para kay Fern ay sapat na ang isang simpleng gown. Hindi niya gusto ang
Magbasa pa
Kabanata 1592
Nakalimutang huminga ni Fern nang halikan siya ni Eugene. Malakas niya itong tinulak at sinabing, “Sinisira mo ang lipstick ko.”Tinitigan ni Eugene ang mga labi niya. Talaga ngang kumalat ang lipstick sa mga labi niya. Mahina ang boses niyang sinabi, “Tutulungan kitang ire-apply.”Nagdududa siyang tiningnan ni Fern. “Alam mo kung paano gawin iyon?”Umiling si Eugene at tapat na sinabi, “Hindi, pero hindi naman iyon dapat mahirap gawin.”Pagkatapos magsalita, kinuha niya ang lipstick sa vanity table at naghanda ng tulungan si Fern na ayusin ang makeup.Naniwala si Fern sa kaniya at tumayo roon nang hindi gumagalaw upang hayaan si Eugene na i-apply ang lipstick sa kaniya.Mariin na tinitigan ni Eugene ang mga labi ni Fern na para bang pipirma siya ng isang kontrata na nagkakahalaga ng isang daang milyong dolyar. Ginamit niya ang lipstick upang lagyan ng outline ang hugis ng mga labi ni Fern. Saka niya maingat na inapply ang lipstick.“Tapos ka na ba?” Gusto niyang tingnan ang sar
Magbasa pa
Kabanata 1593
Si Fiona ang sumigaw. Tulak-tulak nito ang old master na nakaupo sa wheelchair.Alam ni Fern na hindi siya gusto ng old master. Tutol ito sa pagbabalikan nila ni Eugene.Narito ba ito para pigilan ang kasal nila?Kumunot ang noo ni Eugene nang makita ang pagdating ng kaniyang lolo.Bago ang kasal, inimbita niya ang kaniyang lolo na dumalo ngunit hindi siya sinagot ng old master. Akala niya ay hindi dadalo sa seremonya ang old master.Pumunta ba ito rito nang biglaan para pigilan siya na pakasalan si Fern?Hinawakan ni Eugene ang kamay ni Fern para bigyan ito ng lakas at ipaalam na sisiguraduhin niyang makukumpleto ang seremonya anuman ang sabihin ng matanda.“Narito ang Old Master Newton.”“Narinig kong hindi sang-ayon ang old master sa kasal na ito. Si President Eugene ang siyang nagpumilit na pakasalan ang babaeng ito na hindi niya makalimutan.”“Ibig sabihin ba ay narito ang old master para pigilan ang kasal nila?”Yumuko ang mga bisita at muling nagsimulang magbulungan…
Magbasa pa
Kabanata 1594
Sa sandaling ito, ang atensyon ng lahat ay nasa old master.Iritable at seryoso pa rin ang ekspresyon sa mukha ng old master. Tila hindi ito masaya.“Tinawag ka ng lolo ni Fern. Kailangan mo siyang pakitaan ng respeto bilang granddaughter-in-law mo sa harap ng maraming tao,” Bumulong si Eugene sa old master habang nakatayo sa tabi nito.Inirapan siya ng old master at suminghal, “Pinayagan ko ba siyang tawagin akong ganoon?”“Narito ka na para dumalo sa kasal namin. Ibig sabihin ay tinanggap niyo na siya. Hindi niya ba dapat kayo tawagain ng ganoon?”Tiningnan ng old master si Eugene na banayad at magalang sa kaniya. Suminghal siya. Alam niyang kinakausap lang siya nang madignidad ng batang ito para hindi siya umalis.Lumapit si Rue at hinawakan ang kamay ng old master. “Lolo, malulungkot ako nang sobra kung hindi kayo mananatili.” Saka siya sumimangot at nagpakita ng malungkot na ekspresyon.Pinagmasdan sila ng old master. Alam niyang babastusin niya si Eugene kung aalis siya ng
Magbasa pa
Kabanata 1595
Dinala ang old master sa emergency room.Naghihintay ang lahat sa kaniya sa corridor.Nakasuot pa rin ng wedding gown si Fern. Pumunta silang dalawa ni Eugene. Nahimatay ang old master habang nasa seremonya ng kasal nila. Natural lang na kailangan niyang sumama kay Eugene papunta rito.Ilan din sa mga tiyuhin at tiyahin mula sa pamilya Newton ang pumunta.Tiningnan nila ang nakasaradong pinto ng emergency room, pagkatapos ay si Fern na nakasuot pa rin ng magarbong wedding gown. Isa sa kanila ang hindi napigilang magsalita, “Hindi nakapagtataka kung bakit ayaw sa kaniya ng old master noon. Ito ang dahilan. Mayroon siyang dalang malas.”“Narinig ko rin iyon. Sa tingin ng old master ay hindi siya mabuting babae. Hindi siya bagay kay Eugene, pero hindi nakinig sa kaniya si Eugene at pinilit na pakasalan siya.”“Mukhang isa siyang mang-aakit. Kung hindi, hindi niya magagawang mapa-ibig si Fern nang ganito kalala.”“Sa tingin ko ay hindi talaga siya tinanggap ng old master. Natatakot
Magbasa pa
Kabanata 1596
Nakita ni Eugene ang old master na nakahiga sa kama matapos pumasok sa emergency room. Mayroong ventilator na nakatakip sa ilong at bibig nito, pero hinihingal pa rin ito. Mukhang kritikal nga ang kondisyon nito.“Lolo!” Lumapit si Eugene at mahigpit na hinawakan ang kamay ng matanda. Bumigat bigla ang kaniyang dibdib.Tinuon ni Old Master Newton ang nanlalabong paningin sa apo. Buong lakas niyang hinawakan ang kamay nito. Nanginginig ang kaniyang mga labi habang nagsasalita, “Eugene…” Kanina niya pa ito hinihintay.“Lolo, ako ito. Ginagamot ka ng mga doktor. Magiging ayos ka rin.”Naiintindihan ng old master ang sariling sitwasyon. “Mas naiintindihan ko ang katawan ko kaysa sa kanila. Makinig ka sa akin…Pagkatapos kong pumanaw, kailangan mong alagaan ang pamilya Newton…” Habang mas lalo siyang nagsasalita, mas lalo siyang hinihingal.Kumikirot ang puso ni Eugene. “Anong sinasabi niyo? Walang mangyayari sa inyo!”“Narinig mo ba ang sinabi ko?” Mahigpit na hinawakan ng old master
Magbasa pa
Kabanata 1597
Binitawan bigla ni Eugene ang kamay niya at tumalikod para tingnan nang malamig ang doktor. Umalis kaagad ang doktor sa kwarto dahil sa takot.Hinawakan siya ni Fern at inalo gamit ang mahina at banayad na boses, “Eugene, hayaan mong pumanaw nang payapa si lolo. Kailangan nating maghanda para sa burol niya ngayon.”Yumuko si Eugene para tingnan si Fern. Tinikom niya ang mga labi at walang sinabi. Nakikita ni Fern na labis ang lungkot ni Eugene base sa matigas nitong ekspresyon sa mukha.Niyakap niya ito, “Natural na yugto sa buhay natin ang kamatayan. Nagpunta na si lolo sa ibang mundo para patuloy na mabuhay. Huwag ka masiyadong malungkot.”Nagdilim ang tingin ni Eugene habang nakatitig sa kaniya. Marahil ay nagdesisyon itong makinig sa sinabi niya. “Sorry, dapat ay binibigyan kita ng kasal na hindi mo makakalimutan, pero kailangan mo akong samahang maghanda ng isang burol ngayon.”Sinadyang magpakita ni Fern ng masungit na ekspresyon at sinabing, “Mali ka. Asawa mo ako. Siyemp
Magbasa pa
Kabanata 1598
Napagtanto ni Quincy na biglang natahimik si Dayton. Tumingala siya para tingnan ito. Nakita niyang nakakunot ang noo nito. Mabigat at malamig din ang ekspresyon sa mukha nito.“Anong problema? Hindi ba talaga ako marunong makipagkaibigan noon? Wala ako masiyadong kaibigan?” Inaalala niya talaga ito.Pinisil ni Dayton ang ilong niya at umiwas ng tingin kay Quincy. Saka siya tumango at sinabi, “Oo, medyo hindi ka marunong makipag-kaibigan.”“Bakit?” Naguguluhan ang itsura ni Quincy. Pangit ba ang ugali niya noon?“Kasi…” Nilaro ni Dayton ang mga hibla ng buhok ni Quincy gamit ang mahahaba niyang daliri, “Bilang isang young miss, medyo maikli ang pasensya mo. Walang gustong gumalit sa iyo, kaya iniwasan ka ng lahat.”Kumunot ang noo ni Quincy. Sinubukan niyang alalahanin ang nakaraan, ngunit walang pumasok sa isipan niya. Mainitin ba talaga ang ulo niya noon?“Sabihin mo sa akin kung gaano kasama ang ugali ko.” Bakit wala siya ni isang kaibigan?Tinuon ni Dayton ang madilim at hug
Magbasa pa
Kabanata 1599
Lahat ng miyembro ng pamilya Newton ay narito para ihatid sa huling hantungan ang old master.Nakasuot ng itim ang lahat. Mayroon din mga puting bulaklak sa kanilang mga dibdib. Halos lahat ng isang daang miyembro ng pamilya Newton ay nakapalibot sa puntod ng old master.Bilang head ng pamilya, nakatayo sa unahan si Eugene. Samantala, nakatayo sa tabi niya si Fern.Katatapos pa lamang ng kanilang kasal, pero kailangan nilang magdaos ng libing ngayon. Hindi ito magandang tingnan.Gayunpaman, hindi ito inaalala ni Fern. Kahit na noon ay hindi siya tinatanggap ng old master, lolo pa rin ito ni Eugene, ibig sabihin ay lolo niya rin ito.Nagsimulang umambon pagkatapos ng libing. Isang tauhan ang humawak ng payong para sa kanilang dalawa.Hinawakan ni Eugene ang kamay ni Rue habang ang isa ay nakapulupot sa baywang ni Fern. Sama-sama silang umalis.Mayroon silang narinig na nagreklamo, “Siya iyon. Narinig kong isa siyang malas. Noong buhay pa ang old master, nabanggit niyang magdadala
Magbasa pa
Kabanata 1600
Pinagmasdan nang malamig ni Eugene ang lahat ng taong nasa libing at sinabing, “Ito na ang huling beses na sasabihin ko ito. Ayaw ko nang marinig ang sinuman na pagsasalitaan ng masama ang asawa ko. Kung hindi, huwag niyo akong sisisihin kung hindi ko na kayo irerespeto. Kung mayroon man gustong umalis sa pamilya Newton, malugod kong tutuparin ang hiling niyo.”Manipis ang paghinga ng lahat ng miyembro ng pamilya Newton matapos marinig ang sinabi ni Eugene. Nagkatinginan silang lahat. Hindi sila naglakas-loob na magsalita kahit na ayaw pa rin nilang tanggapin ang sinabi niya.Pagkatapos magsalita ni Eugene, binalewala niya ang ekspresyon sa mga mukha nila at umalis sa sementeryo kasama ang kaniyang asawa’t anak. Sumakay sila sa kotse at umalis.Tiningnan ni Fern si Eugene na masama pa rin ang ekspresyon sa mukha. Hindi niya mapigilang magtanong, “Hindi ba’t masiyadong marahas ang mga salitang sinabi mo sa kanila?”“Anong mga salita?” Lumingon sa kaniya si Eugene. Tinaas ang kilay a
Magbasa pa
PREV
1
...
158159160161162
...
175
DMCA.com Protection Status