All Chapters of Ang Tatay kong CEO: Chapter 1601 - Chapter 1610
1747 Chapters
Kabanata 1601
“Huh? Talaga?”Tinitigan nila pareho ang nakaumbok na parte ng tiyan ni Quincy at sinimulan itong imbestigahan.Nang nalaman ni Tia na gustong dalhin ni Dayton si Quincy para sa isang bakasyon, nagpumilit siyang sundan sila.Kinuyom niya ang mga kamao at kaagad na lumapit. “Dayton, nalaman kong pwede tayong mangisda sa dagat. Pwede mo ba akong isama?”Lumapit siya at kinuha ang braso ni Dayton. Saka niya ito inalog sa malambing na paraan.Kumunot ang noo ni Dayton at inalis ang kamay ni Tia. “Kung gusto mong mangisda, pwede kang magpasama sa manager. Mas marami siyang alam tungkol sa pangingisda kaysa sa akin.”“Pero…gusto kong sumama ka sa akin.” Sumimangot si Tia at nagmamakaawang tiningnan si Dayton.“Hindi ako pwede.” Hindi siya pinansin ni Dayton.“Wala ka naman ginagawa ngayon.” Bahagya ng nagagalit si Tia. Tiningnan niya nang masama si Quincy na nakaupo sa tabi ni Dayton.Tiningnan ni Quincy si Tia na parang bata umasta ngayon. Naisip niya bigla ang sinabi ni Sharon sa
Read more
Kabanata 1602
Pinag-isipan ito sandali ni Dayton. Hindi niya kailanman pinagbalat ng hipon noon si Tia. Marahil ay mali ito ng pagkaka-alala. Maaaring sinasadya rin nitong magsinungaling.Malamig ang eskpresyon sa mukha niya nang sabihin, “Walang nangyaring ganoon.”Kaagad na sinabi nang malakas ni Tia, “Siyempre nangyari iyon. Paano mo nakalimutan?” Nilagay niya ang hipon sa harapan ni Dayton at sinabing, “Tulungan mo akong balatan iyan, okay?” Napakalambing ng kaniyang boses.Nanatiling walang emosyon si Dayton. Tinulak niya pabalik ang hipon kay Tia at sinabing, “Gawin mo mag-isa kung gusto mong kainin iyan.”“Ikaw…” Ngumuso si Tia. Galit na galit siya.Pinanood ni Quincy ang interaksyon ng dalawa. Napaka wala sa katwiran ni Tia.Gayunpaman, nagsimula siyang matakam sa garlic prawn matapos maamoy ang aroma nito.Lumingon siya sa lalaking nasa tabi niya. Kinurap niya ang mga mata at sinabing, “Gusto kong kumain niyan.”Hindi pa napoproseso ni Dayton ang hiling ni Quincy. “Huh? Anong gusto
Read more
Kabanata 1603
…Nang gabing iyon ay nakaramdam ng pagod si Quincy, naghanda na siyang bumalik sa kaniyang kwarto para magpahinga.Madilim na ang langit sa labas. Binalot ng kulay abong mga ulap ang buong kalangitan kasabay ng malalakas na bugso ng hangin mula sa karagatan. Mukhang uulan nang malakas.Ang manager ng isla na si Mr. Cabot ay nagmamadaling pumasok sa kwarto at sinabi kay Dayton, “Young Master Night, ang dalagang kasama niyo ay sumakay sa cruise kanina. Hindi pa siya bumabalik. Base sa kondisyon ng panahon, mayroong papalapit na bagyo. Dapat niyo siyang kontakin at sabihin na bumalik na.”Hindi inasahan ni Dayton na sasakay ng cruise si Tia sa karagatan nang mag-isa pagkatapos ng pagsasagutan nila.Tiningnan niya ang nagwawalang bugso ng hangin sa labas. Alam niyang madali para sa isang bangka na tumaob sa ganitong klaseng panahon. Sinumang nasa dagat ay mamamatay.Kahit na mayroong ginawa si Tia na hindi nito dapat gawin, miyembro pa rin ito ng pamilya ng tita niya. Hindi niya maa
Read more
Kabanata 1604
Pinagmasdan ni Quincy ang nagwawalang bagyo sa labas. Paulit-ulit na humahampas ang mga alon sa dalampasigan, pero hindi pa rin nakakabalik si Dayton. Paano niya mapipigilan ang sarili na lumabas?Gayunpaman, nakatanggap ng utos ang mga tauhan ni Dayton mula sa akniya. Hindi nila pwedeng hayaang lumabas si Quincy anuman ang mangyari.Isang malakas na kalabog ang narinig. Isang puno na hindi malayo mula sa pinto ang nahati dahil sa lakas ng hangin!Lumukso ang puso ni Quincy dahil sa malakas na kalabog. Napuno siya ng pagkataranta at pag-aalala.“Tumabi kayo! Gusto ko siyang hanapin!” Malamig niyang sigaw.Apat na lalaki ang lumuhod sa harapan niya habang nagmamakaawa, “Young Madam, inutusan kami ng young master na bantayan ka. Kapag mayroong mangyari sa inyo, katapusan na ng mga buhay namin. Kung gusto niyong lumabas, patayin niyo muna kami.” Sigurado naman na ang kanilang kamatayan kung lalabas si Quincy.“Kayo…Balak niyo ba akong patayin sa galit?” Hinihingal si QUincy. Marahil
Read more
Kabanata 1605
“Doktor, gamutin niyo kaagad ang sugat niya.” Tumabi si Quincy para makalapit ang doktor. Saka niya tiningnan si Dayton nang puno ng pag-aaala at nagtanong, “Mayroon ka pa bang ibang injury? Sabihin mo sa doktor ang lahat.”Napangiti si Dayton nang makita niya ang labis na pag-aalala sa kaniya ni Quincy. Tinaas niya ang kamay at pinisil ang pisngi nito habang sinasabi, “Ito lang. Bakit sobra kang nag-aalala? Maliit na injury lang ito. Hindi mamamatay ang asawa mo.”Para sa kaniya, wala lang talaga ang injury na ito. Ang pinakamalalang injury niya ay ang ginawa sa kaniya noon ni Quincy. Sinaksak siya nito ng kutsilyo sa dibdib na muntik nang kumuha ng buhay niya.Nainis si Quincy sa kaniya. Tinabig niya ang kamay nito at sinabing, “Wala ako sa mood para makipagbiruan sa iyo.”Ininspeksyon ng doktor ang injury ni Dayton at sinabing, “Mukhang galing ang sugat mo sa pagkaka gasgas sa ocean reefs.”Tumango si Dayton at sumagot, “Oo.”Nagulat ulit si Quincy. “Ocean reef? Lumangoy ka sa
Read more
Kabanata 1606
Akala ni Tia ay importante siya para kay Dayton dahil tumalon ito sa dagat para iligtas siya.Gayunpaman, pinapabalik siya nito ngayon sa mainland sa lalong madaling panahon. Isa rin siyang panggulo para kay Dayton!Siyempre ay ayaw niyang makinig sa mga utos nito. Tumakbo siya palapit kay Dayton at hinawakan ito. “Ayaw kong bumalik sa mainland. Gusto kong magbakasyon dito!”Wala ng pasensya ngayon si Dayton. “Sinama ko si Quincy dito para mag-relax. Kung gusto mong magsaya sa isla, pwede kitang ipadala sa ibang lugar.”“Ayaw kong pumunta sa ibang lugar. Gusto ko rito!” Ayaw gawin ni Tia ang sinasabi ni Dayton. Kapag wala si Dayton sa tabi niya, mawawalan ng kahulugan ang lahat kahit saan man siya pumunta para magbakasyon.Nanatiling walang emosyon si Dayton. “Pwede kang bumalik sa mainland o pumunta sa ibang isla. Hindi ka pwedeng manatili rito.”Pagkatapos magsalita, tinabig niya ang kamay nito at inakbayan si Quincy. Saka sila umalis.“Dayton…” Gustong humabol ni Tia, pero pi
Read more
Kabanata 1607
“Darling, tapos ka na bang hangaan ang katawan ko?” Narinig ang mahinang tawa ni Dayton.Naiilang na ngumiwi si Quincy, “Pumasok ka na sa bathtub at mahiga.”“Pero hindi mo pa tapos hubarin ang pantalon ko.”“Hindi ba’t nahubad on na ang pantalon mo?” Tiningnan niya si Dayton. Nakasuot pa ito ng…boxers.“Hubarin mo iyan nang mag-isa.”Hinawakan ni Dayton ang kamay niya at pinigilan siyang umalis. “Hindi pwedeng kalahati lang ang ginagawa mo. At saka, mayroon akong sugat. Mahirap maghubad nang mag-isa.”Tiningnan ni Quincy ang sugatang kamay nito at suminghal. “Bakit ka tumalon sa dagat, kung ganoon?” Pwede naman nitong utusan ang mga tauhan na tumalon sa dagat para iligtas si Tia.Pinagmasdan siyang mabuti ni Dayton at saka kumunot ang noo. “Bakit pakiramdam ko ay nagseselos ka ngayon?”Pinantayan ni Quincy ang tingin ni Dayton at tapat na sinabing, “Oo, nagseselos ako. Asawa kita, pero nasugatan ka dahil sa pagliligtas ng ibang babae. Paano gagaan ang pakiramdam ko tungkol doo
Read more
Kabanata 1608
Pinagmasdan ni Quincy si Dayton na madilim ang ekspresyon sa mukha. Bakit hindi niya napagtanto noon na takot itong uminom ng gamot?“Hindi ka bibigyan ng gamot ng doktor kung hindi mo kailangan. Injured ka ngayon at mayroong sakit. Kailangan mong uminom ng gamot,” Mahinahon at banayad niyang pang-aalo kay Dayton.Tiningnan ni Dayton ang mahinhing babae sa harapan niya. Kahit na ayaw niyang uminom ng maraming pills, nakumbinsi siya ng paglalambing ni Quincy.“Ikaw ba ang magpapainom palagi sa akin ng gamot?” Hiling niya.Ngumiti si Quincy at sinabing, “Oo ba, basta pumayag ka lang na inumin ang mga iyon.”Kinuha niya ang pills na binigay ng doktor kay Dayton at sinabing, “Sige na, ngumanga ka. Ibibigay ko sa iyo.”Ginawa nga ni Dayton ang sinabi niya. Isa-isa niyang nilagay ang pills sa bibig nito at tinapat ang baso ng tubig sa mga labi nito. “Uminom ka ng tubig.”Masaya si Dayton sa paraan nang pag-aalaga sa kaniya ni Quincy, pero bakit pakiramdam niya ay mayroon siyang kapans
Read more
Kabanata 1609
“Sino ka? Bakit ka naglilibot-libot sa kalaliman ng gabi at nananakot ng mga tao?” Tinapik ni Quincy ang dibdib habang tinitingnan nang masama ang tao. Hindi naalis ang takot sa kaniyang puso.Pinagmasdan niya ang suot nito. Isa ba ito sa mga tauhan ni Dayton?“Miss Quincy, hindi niyo ba ako nakikilala?” Mahinang tanong ng tao. Natatakot siyang mayroong ibang makakita sa kaniya.Base sa tono ng boses nito, mukhang magkakilala sila noon.Pinagmasdan siya ni Quincy mula ulo hanggang paa at umiling. “Sino ka? Magkakilala ba tayo?”“Ako si Terry, ang personal bodyguard mo. Hindi mo ba talaga ako naaalala?” Tiningnan niya ang malaking tiyan ni Quincy at mapait na tumawa. “Tama. Kung naaalala niyo ako, hindi kayo magiging asawa ng bastardong Dayton Night na iyon at hindi niyo dadalhin ang anak niya!”“Bakit mo pinagsasalitaan si Dayton nang ganiyan? Mayroon ba kayong alitan?” Mapaghinala siyang tinitigan ni Quincy.“Wala akong tanim na galit sa kaniya. Kayo ang siyang mayroong galit s
Read more
Kabanata 1610
Newton Corporation. Malamig ang tingin ni Eugene kay Wyatt na pumasok para mag-report sa kaniya. Malamig niyang sinabi, “Ibig mong sabihin ay si Asher Gibbs ang nagpapakalat ng mga sabi-sabi na iyon?”Tumango si Wyatt at sinabing, “Opo, sinuhulan niya ang mga tao mula sa respetadong mga bahay ng mga elders ng pamilya Newton at sinabihan sila na ipakalat ang sabi-sabi na sisira sa reputasyon ng Madam. Kaya naman lahat ng elders ng pamilya Newton ay ayaw sa kaniya.”“Napakamapalinlang!” Naningkit ang mga mata ni Eugene. Hindi niya inaasahang bababa nang sobra ang isang lalaking katulad ni Asher.“President Eugene, dapat ba akong magsama ng mga tauhan para turuan siya ng leksyon at balaan siya na lumayo?” Matagal ng puno si Waytt kay Asher. Ang lakas ng loob nitong agawin ang asawa ng boss niya?!“Sa tingin mo ba ay mapapaalis mo ang isang katulad ni Asher gamit ang dahas?” Tiningnan siya ni Eugene.“Ah…” Nag-isip nang malalim si Wyatt. “Kung hindi tayo gagamit ng dahas, makatwira
Read more
PREV
1
...
159160161162163
...
175
DMCA.com Protection Status