All Chapters of Ang Tatay kong CEO: Chapter 1711 - Chapter 1720
1747 Chapters
Kabanata 1711
“Anong iniisip mo? Kahit anak ko siya, hindi nito mababago ang katotohanang anak kita." Alam ni Quincy ang iniisip ni Little Cupcake."Ituturing niyo pa rin ba akong tunay niyong anak?" Lalo na at mayroon ng tunay na anak ngayon ang nanay niya. "Oo naman. Kailan pa kita hindi tinrato nang mabuti?' Napagtanto na rin ni Sirius na hindi tunay na anak ng nanay niya si Little Cupcake… Hindi niya magawang huminahon dahil sa inaasahang balita.Tumalikod siya para pumunta sa kaniyang kwarto. Biglang sumigaw si Quincy, "Sirius, saan ka pupunta?""Gusto kong mapag-isa." Malalaki ang hakbang niya nang umalis pagkatapos magsalita.Hindi siya hinabol ni Quincy. Naiintindihan niyang kailangan ng oras ni Sirius para maproseso ang lahat ng ito."Sirius…" Gustong sumunod ni Little Cupcake kay Sirius. Akala niya ay nalungkot ito dahil sa sinabi niya.Gayunpaman, pinigilan siya ni Quincy. "Huwag mo siyang abalahin. Kailangan niyang mag-isip nang mag-isa." Sinasabi ng kutob niyang magagawa iyo
Read more
Kabanata 1712
Nanginginig ang mga kamay ni Tia habang nagsusulat sa papel. 'Bumalik na si Quincy Lane. Gusto akong sunugin ni Dayton para sa kaniya.'Kuminang ang mga mata ni Hayley. "Ayos lang kung hindi namatay noon si Quincy, pero bakit ang lakas ng loob niyang bumalik matapos mawala nang ilang taon?!"Ang malala pa ay ang tuluyang pagbabago ni Dayton pagkatapos bumalik ni Quincy. Napakalupit ng ginawa nito sa sariling pamilya! Nagsulat ulit sa papel si Tia. 'Tita, dapat niyo akong ipaghiganti. Gusto kong mamatay si Quincy Lane!'Magaang tinapik ni Hayley ang kamay niya at sinabing, "Kahit hindi mo iyan sabihin sa akin, ipaghihiganti kita. Dahil malakas ang loob niyang bumalik, dapat niyang hintayin ang kamatayan niya."Isang masama at kahindik-hindik na kinang ang nakita sa kaniyang mga mata.…Kinagabihan, kumatok si Quincy sa pinto ng kaniyang anak. "Sirius, hindi ka pa naghahapunan. Niluto ko ang paborito mong braised pork rib. Buksan mo ang pinto."Naghintay siya sandali, pero walang
Read more
Kabanata 1713
Inimpake na niya ang mga gamit niya at sumakay ng elevator pababa sa underground car park.Ding! Dumating na ang elevator sa cark park sa ibabang palapag ng ground floor. Pagkabukas ng pinto ng elevator, lumabas siya. Dalawang tao ang biglang lumapit sa kaniya. Sa sumunod na segundo, tinakpan ng tela ang ilong at bibig niya. Nalanghap niya ang malakas na amoy na naging dahilan ng matindi niyang pagkabiko. Nanlambot at katawan niya at nawalan siya ng malay.Ang dalawang lalaki na nakasuot ng itim na mga maskara ay binuhat siya at sinakay sa nakaparadang sasakyan. Pagkatapos ng dalawang minuto, isang kotseng walang plaka ang lumabas ng car park.…Nagising si Quincy sa isang abandunadong pabrika. Napagtanto niyang nakatali ang mga paa at kamay niya.Kinidnap ba siya?Hindi ito kagagawan ni Dayton. Sino pa ang mayroong malalalim na alitan sa kaniya?"Gising ka na ba?" Mayroong lumitaw na tao habang nag-iisip nang malalim si Quincy. Tumingala siya at lumingon. Naintindihan niya na
Read more
Kabanata 1714
Pagkatapos ng dalawang putok, bumagsak sa sahig ang dalawang lalaking magbubuhos sana ng gasolina may Quincy!Bumagsak sila sa tabi ni Hayley. Umaagos ang dugo mula sa mga ulo nila…Gulat na tinitigan ni Hayley ang dalawang lalaki. Kaagad silang namatay matapos mabaril sa ulo!Napatalikod siya. Sino ang ganoon kasama at karahas para gawin ito?Mayroong hawak na baril si Terry. Sa sandaling ito, tinututok niya ito kay Hayley habang lumalapit. Saka siya huminto sa harapan ni Quincy. "Pasensya na at nahuli ako, Miss Quincy. Nahirapan kayo."Alam ni Quincy na darating si Terry. Kaya naman, hindi siya nag-aalalang masusunog siya nang buhay ni Hayley."Hindi ka huli. Sakto lang ang dating mo," Nakangiti niyang sagot. Gumamit si Terry ng kutsilyo para putulin ang mga lubid na nagtatali sa mga paa at kamay ni Quincy.Hindi makapaniwala si Hayley."Ikaw…gunman mo siya?"Hindi niya inakalang mayroon ganoong klaseng tao sa panig ni Quincy. Masisisi niya lang ang sarili dahil sa hindi pa
Read more
Kabanata 1715
Alam niyang kasama noon ni Dayton si Hayley sa pag-angkin sa lahat ng pagmamay-ari ng mga Lane. Si Hayley ang kumumbinsi kay Dayton na gawin ang mga kasamaan na iyon.Tumalikod si Hayley at puno ng galit siyang tinitigan. Wala siyang mabanggit ni isang salita.“Tara na, Terry.” Ayaw na ni Quincy na tapunan pa ng isang tingin si Hayley.…Katatapos pa lamang ni Yvonne ng isang session ng acupuncture treatment nang makatanggap si Dayton ng balita tungkol sa pagsugod sa tiyahin niya sa emergency rescue room.Bumaba siya kaagad sa kama. Kailangan niyang pumunta sa ospital.Kunot ang noo ni Yvonne nang tingnan si Dayton. “Saan ka naman pupunta ngayon?”“Sa ospital.” “Sa ospital? Anong problema? May sakit na naman ba ang anak mo?” Tanong niya.“Ang tiyahin ko naman ngayon.”“Ang tiyahin mo?” Hindi na naniniwala pa si Yvonne sa kaniya. “Ang anak mo noong nakaraan, ngayon naman ay tiyahin mo. Sino ang balak mong gawing dahilan sa susunod? Balak mo bang gamitin lahat ng kamag-anak m
Read more
Kabanata 1716
Nagdilim ang ekspresyon ni Dayton nang marinig ang sinabi ng tiyahin niya. “Kinidnap niyo siya at sinubukan siyang sunugin nang buhay\?”“Oo, gusto kong ipaghiganti si Tia.”“Bakit hindi niyo iyon sa akin ginawa? Ako ang gumawa niyon kay Tia, hindi si Quincy!” Hindi inakala ni Dayton na mayroong gagawin ang tiyahin niya nang hindi niya nalalaman.“Alam kong hindi mo iyon gagawin kay Tia kung hindi dahil kay Quincy Lane.”Mas naging katakot-takot ang ekspresyon ni Dayton. “Mali ka. Ginawa ko iyon kay Tia dahil gusto ko. Wala itong kinalaman kay Quincy. Kung gusto niyo talagang ipaghiganti si Tia, ako dapat ang saktan niyo. Hindi niyo dapat hinanap si Quincy.”“Ikaw…” Tinitigan siya ni Hayley at galit na sinabing, “Paano kita masasaktan? Dapat ba kitang sunugin nang buhay? Gusto ko rin gawin iyon pero pamangkin kita. Hindi ko pwedeng balewalain ang pagiging magkadugo natin!”“Asawa ko si Quincy. Hindi niyo siya dapat inabala. Mabuti na lang at ayos lang siya. Kung hindi…” Isang kat
Read more
Kabanata 1717
“Basta hindi ka nasaktan. Hindi na ulit ito mangyayari.”Hindi mapigilan ni Quincy na tingnan nang kakaiba si Dayton matapos marinig ang sinabi nito. “Hindi ba’t nagpunta ka rito para ipaghiganti ang tita mo?”“Ipaghiganti? Kinidnap ka niya at sinubukan kang sunugin nang buhay. Kung alam ko na mangyayari ito, hindi ko siya hahayaan.” Kinakampihan ba siya nito?Madilim siyang tiningnan ni Dayton at dinagdag, “Lalo na at asawa kita.”Bahagyang natulala si Quincy. Gayunpaman, kaagad siyang napuno ng pagkamuhi. “Hindi mo na ako asawa. Pakiusap, tigilan mo na ang pagsasabi niyan.”“Kung hindi ka narito para maghiganti sa akin, umalis ka na. Hindi ka pwedeng pumasok rito kung kailan mo lang gustuhin.” Wala siyang oras para makipag-usap kay Dayton.Mariin siyang tiningnan ni Dayton. Bahagyang malalim ang kaniyang boses. “Hindi ko na kailangang mag-alala dahil ayos ka naman.”Pagkatapos magsalita, tumalikod siya para umalis. Hindi na siya nagsalita pa o gumawa ng gulo. Hindi niya binigy
Read more
Kabanata 1718
Akala ni Quincy ay hahanapin siya ni Dayton at pagbabayarin sa paglumpo sa mga paa ni Hayley.Gayunpaman, walang nangyari kahit na matapos ang ilang araw na paghihintay. Wala ba itong balak na ipaghiganti si Hayley?Gayunpaman, alerto pa rin siya upang maging handa siya kung hahanapin siya nito ulit.Ngayong araw, nagpunta si Mrs. Lindsay sa school entrance para sunduin ulit ang mga bata.Pagkatapos ng klase, sabay na lumabas sina Little Cupcake at Sirius ng eskwelahan. Nakita nila si Mrs. Lindsay na naghihintay na sa kanila.Lumapit ang dalawang bata. Bigla namang mayroong dalawang nakaitim na lalaki ang humarang sa daan nila.“Little Young Master, gusto kayong makasamang kumain ng Young Master,” Isa sa kanila ang nagsalita. Mga tauhan sila ni Dayton.Malamig silang tiningnan ni Sirius at sinabing, “Ayaw ko siyang makasamang kumain.” Pagkatapos magsalita, hinawakan niya ang kamay ni Little Cupcake at tumalikod para umalis.Sinungitan ni Little Cupcake ang dalawang lalaki at si
Read more
Kabanata 1719
Labis na nataranta si Mrs. Lindsay. Wala siyang nagawa kung hindi ang tawagan si Quincy para sabihin ang lahat ng nangyari.Katatapos pa lang ni Quincy sa kaniyang trabaho. Nagulat siya nang matanggap ang tawag ni Mrs. Lindsay.Kinidnap ni Dayton ang dalawa niyang anak?Imposibleng hindi ipaghihiganti ni Dayton si Hayley. Gayunpaman, hindi niya inakalang pupuntiryahin nito ang mga bata!Noon pa man ay marahas at masama na si Dayton. Wala rin sa katwiran ang mga ginagawa nito. Nahulaan na niya dapat na hindi lalambot ang puso nito kahit sa sariling anak!Naging pabaya siya. Dapat ay nagsagawa siya ng precautionary measures para sa mga bata.Pinauwi niya si Mrs. Lindsay. Siya mismo ang maghahanap kay Dayton.Hindi niya alam kung anong balak ni Dayton sa pagkidnap sa dalawang bata. Balak ba nitong ilayo si Sirius para hindi na sila magkita? Kung ganoon nga, walang rason si Dayton para kidnapin din si Little Cupcake. Marahil…plano nitong gamitin si Little Cupcake para bantaan siya?
Read more
Kabanata 1720
Naupo si Dayton sa tabi ng malaki at bilog na mesa. Saka niya kinaway ang kamay at pinaupo ang dalawang bata.“Maupo kayo. Pwede kayong mag-order ng kahit anong gusto niyo.” Kinuha ni Dayton ang tablet sa tabi ng mesa. Pwede siyang mag-order ng pagkain gamit ito.Nanatili si Little Cupcake sa tabi ni Sirius at naupo sa upuang katapat ni Dayton. Ayaw nilang masiyadong lumapit kay Dayton.Paulit-ulit na sinasabi ni Little Cupcake na hindi niya kakainin ang anumang pagkain na orderin ni Dayton. Gayunpaman, hindi niya mapigilang mapalunok ng laway ng makita ang mga litrato ng masasarap at nakakatakam na pagkain sa tablet.Tiningnan siya ni Sirius at sinabing, “Pwede kang mag-order ng pagkain kung gusto mo.”“Uh-huh…” Napatango si Little Cupcake. Gayunpaman, kaagad siyang umiling. “Hindi no, hindi ko pwedeng kainin ang anumang pagkaing ibigay niya sa akin. Mayroon iyon lason.”Kahit na mahina ang boses niya, narinig pa rin siya ni Dayton.Natatawa niyang sinabing, “Hindi ako ang nagh
Read more
DMCA.com Protection Status