Lahat ng Kabanata ng Ang Tatay kong CEO: Kabanata 1731 - Kabanata 1740
1747 Kabanata
Kabanata 1731
Dahil ganoon ang sitwasyon, gagawin niya ang lahat ng gusto niya ngayon. Wala na siyang pagkakataon pa sa susunod na panahon.Pinunasan niya ang dugo sa gilid ng kaniyang bibig at nahiga sa pwesto niya sa kama.Sinubukang tumayo ni Quincy, pero niyakap niya ito nang mahigpit mula sa likuran. Pinatong niya ang baba sa leeg ni Quincy. Bahagyang namamaos ang kaniyang boses nang sabihin, “Huwag kang umalis.”Sandaling nawala sa pokus si Quincy. Gayunpaman, kaagad siyang bumalik sa sarili. Tinabig niya ang kamay ni Dayton at sinabing, “Umalis ka na.”Niyakap siya lalo nang mahigpit ni Dayton. “Sasamahan mo lang akong matulog ngayong gabi.” Kaagad niyang hiling.“Dayton Night, kahit kailan ay napaka walang hiya mo!” Galit na galit na sigaw ni Quincy.“Oo, walang hiya at masama akong tao. Pwede mo akong sigawan sa anumang paraan na gusto mo. Kailangan mo lang akong samahan ngayon rito.”“...” Walang masabi si Quincy.Si Dayton ang pinaka walang hiyang tao sa mundo, ano?“Paano kung i
Magbasa pa
Kabanata 1732
Sumunod na araw, alas dies nang umaga nagising si Quincy. Tinitigan niya ang relo sa mesang nasa gilid ng kama. Matagal na siyang hindi nakakatulog nang ganito kahaba.At saka, malalim ang tulog niya kagabi. Hindi niya naramdaman na katabi niya si Dayton.Wala na ito sa tabi niya. Ang bwisit na lalaking iyon. Maaga siguro itong tumakas dahil natatakot itong masigawan niya sa oras na magising siya.Inalis niya ang kumot at yumuko para inspeksyunin ang kaniyang damit. Mabuti na lang ay wala itong ginawa sa kaniya habang natutulog siya.Nakapagtataka na mahaba ang naging tulog niya pero inaantok pa rin siya.Napakabigat ng kaniyang ulo. Hindi niya maituon ang atensyon sa anumang bagay.Minasahe niya ang kaniyang sentido. Kailangan niyang mag-isip ng paraan para makaalis sa lugar na ito ngayong araw.Bumaba si Quincy pagkatapos magsipilyo. Hinihintay na naman siya ni Dayton sa dining room.Napakunot ang noo niya pagkatapos tingnan ang pagkain sa mesa. “Ikaw na naman ang nagluto ng
Magbasa pa
Kabanata 1733
Hindi rin umalis si Dayton. Tumayo siya sa pinto at pinagmasdan si Quincy.Narinig niya noong nakaraan mula sa anak niya na natikman na nito ang mga luto ni Quincy. Sobra siyang nagseselos sa anak niya. Kaya sinadya niyang hindi magsama ng chef. Niluto niya ang mga walang lasang pagkain na iyon para pilitin si Quincy na magluto para sa kaniya.Sa wakas ay pumasok na ito ngayon sa kusina. Kahit na hindi ito naghahanda ng masarap na pagkain, mayroon pa rin itong niluluto. Kahit na wala itong intensyon na ipatikim sa kaniya ang pagkaing niluto nito, magiging matigas ang ulo niya at titikman ang niluto nito.Naghanda si Quincy ng isang simpleng pagkain. Nagbate siya ng itlog at hinalo rito ang dinurog na mga halaman. Saka siya ito prinito para gumawa ng pancakes.Hindi masarap tingnan ang hinalo niyang halaman. Mahina ang binibigay nitong amoy pagkatapos niya itong ihalo sa itlog.Marami siyang dinalang halaman. Kaya naman, marami rin siyang nalutong pancakes.Pagkatapos itong makita
Magbasa pa
Kabanata 1734
Naghintay pa nang kaunti si Quincy hanggang sa mawalan na ng malay ang lahat ng tauhan sa labas. Kaagad siyang kumilos.Binuksan niya ang pinto at lumabas. Nakita niya si Dayton na walang malay na nakahiga sa living room.Kinuyom niya ang mga kamao. Gusto niya itong patayin. Gayunpaman, wala siyang magagawa kung hindi hayaan itong mabuhay dahil ito ang tatay ng anak niya.Kailangan niya kaagad umalis sa lugar na ito.Dumating siya sa pier at sumakay sa isang cruise na nakadaong sa dagat.Alam niya kung paano magpaandar ng cruise. Pinaandar niya ito at inikot sa direksyon ng mainland.Malayo na rin ang distansya ng cruise mula sa isla. Hindi pa rin siya kumakalma. Puno ng pag-aalala ang puso niya.Marahil laging nakasunod sa kaniya ang presensya ni Dayton. Natatakot siyang lumitaw ito sa gilid niya anumang sandali.Unti-unting nawala sa paningin niya ang isla. Patuloy siyang naglalayag. Dahan-dahan din siyang kumalma.Rumble, rumble, rumble…Isang malakas na tunog ang umalinga
Magbasa pa
Kabanata 1735
Pinagmasdan ni Quincy ang mabangis na ekspresyon sa mukha ni Dayton. Para bang gusto siya nitong punitin ngayon. Ito ang Dayton Night na pamilyar sa kaniya. Marahas, walang-awa, at hindi tao.Kaya naman, bakit niya sasamahan ang lalaking katulad nito?“Wala akong rason para patuloy kang samahan.” Ilang araw pa lang pero hindi na siya makatiis pa. Paano niya ito matitiis ng isang buwan?Siguradong mababaliw siya.“Kung ganoon, hindi kita hahayaang gawin ang gusto mo.” Hindi siya pakakawalan ni Dayton. Kinaway niya ang kamay at sinenyasan ang mga tauhan niya na hawakan si Quincy.Nanigas ang katawan ni Quincy. Isang bagay lang ang pumasok sa isip niya. Hindi niya pwedeng hayaan na mahuli siya ulit ni Dayton|!“Dayton Night, huwag mong isipin na gawin ulit akong bihag!” Sa sitwasyon niya ngayon, wala siyang ibang nagawa kung hindi ang tumalikod, umakyat sa railing ng cruise at tumalon sa dagat!“Quincy Lane!” Kaagad na nanlaki ang mga mata ni Dayton kasabay nang pagsigaw niya. Naki
Magbasa pa
Kabanata 1736
Kaagad silang dinala ng mga tauhan ni Dayton sa dalampasigan.Mayroong inutusan si Dayton para dalhin si Quincy sa kwarto ito. Humingi pa siya ng tulong para palitan ito ng damit. Bumagsak siya pagkatapos makita si Quincy na tahimik na nakahiga sa kama. "Young Master!" Ang assistant ni Dayton na nakatayo sa tabi niya ay kaagad siyang tinulungan na makatayo. Gayunpaman, nakita niya kung gaano kaputla ang mukha ni Dayton. Kaagad siyang nag-utos na bigyan siya ng isang baso ng tubig upang mainom ni Dayton ang gamot niya.Gayunpaman, hindi bumuti ang kondisyon ni Dayron pagkatapos uminom ng gamot. Nawalan din siya ng malay."Hindi, kailangan natin papuntahin si Doctor Leif." Nagsimulang mataranta ng mga tauhan ni Dayton matapos makita ang kasalukuyan niyang kondisyon. Natatakot silang lumala ang lagay niya. Nag-utos si Dayton na huwag ipaalam kay Yvonne kung nasaan siya. Wala na siyang balak pang ipagpatuloy ang pagpapagamot niya. Matagal nang kasama ni Dayton ang mga tauhan ni
Magbasa pa
Kabanata 1737
Mas lalong nagiging walang hiya si Dayton!Tumalikod si Quincy at nagtungo kung saan nakadaong ang lahat ng mga speed boats. Alam ng mga tauhan ni Dayton ang intensyon niya. Kaagad nilang hinarang ang daan niya. "Young Madam, mas mabuting bumalik na kayo. Babalik din anh Young Master pagkatapos ng dalawang araw..”“Tumabi kayo!” Sigaw ni Quincy.Natural na hindi tumabi ang mga tauhan ni Dayton. Kung papakawalan nila ang Young Madam, siguradong sa oras na magising ang Young Master ay papatayin sila nito!“HIndi ba’t tinatawag niyo akong Young Madam? Umalis na kayo ngayon!” Muling sumigaw si Quincy.“Pasensiya na, Young Madam. HIndi namin kayo pwedeng pakawalan. Inutusan kami ng Young Master na bantayan kayo.”Kinuyom ni Quincy ang mga kamao. Gusto niyang pagpira-pirasuhin ang mga taong ito at itapon sila sa dagat para ipakain sa mga isda.Gayunpaman, pinagmasdan niya ang sitwasyon sa ibang perspektibo. Dahil wala rito si Dayton, makakapag-isip siya ng paraan para ibaling sa iba
Magbasa pa
Kabanata 1738
Noong una, nagpaplano pa rin si Quincy na makatakas. Dito niya napansin na nagpadala ng napakaraming tauhan si Dayton para bantayan siya. TInatrato siya nitong parang isang bilanggo!Kaagad siyang nagliyab sa galit. Hindi niya na kailangan magplano. Haharapin niya na lang ang mga ito sa marahas na paraanKung haharapin niya ang katulad ni Dayton, kailangan niyang gumamit ng dahas. Walang maikukumpara sa mga madayang tricks nito.Gayunpaman, hindi makatotohanan para sa babaeng katulad niya na kalabanin ang napakarami nitong tauhan. Kaya naman, kailangan niyang mag-isip ng paraan para makinig ang mga ito sa sinasabi niya.Habang wala sa isla si Dayton, malaki ang pagkakataon na makaalis siya sa sinumpang lugar na ito!Binuksan niya ang pinto ng kwarto at sinabi sa lalaking nagbabantay sa pinto, “Papuntahin mo rito si Lennon.”Si Lennon ang assistant ni Dayton. Hindi ito sumama kay Dayton. Sa kaniya pinaubaya ni Dayton ang pagbabantay kay Quincy. Ibig sabihin ay importante si Lennon
Magbasa pa
Kabanata 1739
Napansin ni Lennon ang panghahamak sa tono ng boses ni Quincy. Hindi talaga ito nag-aalala kung pagod ba sila o hindi.Yumuko siya at tinuon ang atensyon sa pagbabalat ng mansanas. Hindi na niya pinagpatuloy ang pakikipag-usap.“Ako na ang magbabalat. Hindi malinis ang kamay mo.” Inabot ni Quincy ang kutsilyo.Hindi ito masiyadong pinag-isipan ni Lennon. Bahagya lang siyang natakot. Inabot niya kaagad ang kutsilyo at mansanas.Kinuha ni Quincy ang fruit knife. Hindi niya kinuha ang mansanas mula kay Lennon.Habang iniisip ni Lennon kung marumi ba ang mga kamay niya, hawak na ni Quincy ang kutsilyo at nilapitan siya. Kaagad na tinapat ni Quincy ang kutsilyo sa leeg ni Lennon.“Young Madam…” Napagtanto ni Lennon ang nangyayari. Ito ang totoong intensyon ni Quincy.Malamig siyang tinitigan ni Quincy at malamig na sumigaw, “Lakad!”Walang nagawa si Lennon kung hindi sumunod at maglakad palabas.Nagulat ang mga tauhan na nagbabantay sa pinto nang makita nila si Quincy na tinututuka
Magbasa pa
Kabanata 1740
Hindi mapigilang magulat ni Quincy matapos makita si Dayton. Tinitingnan siya nito na para bang kakainin siya nito nang buhay!“Nasa isla ka?” Tanong niya rito. Bakit siya niloko ng mga tauhan nito?“Sinusubukan mo bang gawing hostage ang mga tauhan ko dahil akala mo ay wala ako rito?” Puno ng galit si Dayton.“Dayton Night, anong karapatan mong ikulong ako rito?” Siya dapat magalit sa kaniya.Dito naman sumunod si Yvonne kay Dayton.“Bumalik ka na.” Paalala niya kay Dayton nang makalapit siya rito.Gayunpaman, si Quincy lang ang laman ng isipan ni Dayton. Para bang hindi niya narinig ang sinabi ni Yvonne.Isang mapanghamak na kinang ang lumitaw sa mga mata ni Quincy nang makita niyang nasa isla rin si Yvonne. Hindi na nakapagtataka kung bakit ayaw sabihin sa kaniya ng mga tauhan ni Dayton na narito na siya sa isla. Nagdala ito ng ibang babae.Imposibleng hindi niya makilala ang babaeng ito. Ito ang babaeng kalandian ni Dayton sa bahay nito habang mayroong sakit ang anak nila.
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status