Euén's POV. Ilang araw na ang nakakaraan simula ng pag-babarahin ko yung mag ina. Simula non ay hindi na ulit nila ako ginulo. Nakapag tataka nga na nandito pa rin ako. Siguro dahil hindi pa nakakauwi ang tatay ko. Garden ang madalas naming pinag tatambayan ng mga multo. Malakas kasi ang hangin dito at nakakakalma ang mga halaman. Natigil ako sa pag mamasid sa mga halaman nang maagaw ng pansin ko ang mga multong nag bubulungan. "Mag share kayo. Wag niyong ibulong" nakangusong saad ko. Ewan ko ba piling ko nahawa na ako kay Azil. Malaki ang tenga sa balita. "A-ano, ang ganda ng langit mare no? tignan mo yung ulap mukang gago-- a-ano! I mean mukhang sago. tama sago hehe" Taka akong tumingin kay Azil ng mag iba ito ng topic at mukhang kinakabahan pa. Napapalunok pa ito at kung saan-saan napapatingin halatang
Read more