All Chapters of Whisper of the heart: Chapter 51 - Chapter 60
76 Chapters
Chapter 51
DevineMainit at nakakakiliti na halik ang nagpagising sa akin sa umaga. Bahagya akong umungol kasabay ng aking pag-inat. Narinig ko ang bahagyang pagngisi ni Garrett kasabay ng kanyang pagbulong.''Good morning, honey.'' malambing na saad niya. Saka niya ako hinalikan sa may batok.Hinaplos ko sandali ang kanyang pisngi, saka ko siya hinarap. Ang gandang gumising sa umaga sa ganitong paraan. Kasama ko ang lalaking pinakakamahal ko. Iyong bawat umagang imumulat ko ang aking mga mata, siya ang una kong makikita. Iyong uumpisahan ko ang araw na yakap niya ang unang magpapasigla sa akin. Iyong umagang halik niya at maiinit niyang haplos, tapos iyong malambing niyang boses ang gigising sa akin. Hindi ko naman hiniling sa Dios ang ganitong bagay. Pero binigay pa rin niya. Napaka-swerte ko dahil sobra pa sa hiniling ko ang binigay ng Dios. Sinong mag-aakalang ang lalaking halos patayin na ako para lang mawala ko sa landas niya ay mamahalin ako ng higit pa sa paraang i
Read more
Chapter 52
DevinePilit kong binabalewala ang galit na naramdaman ko sa sinabi ni Garrett, na tutulungan niya si Owen na hanapin si Sage. Tutuusin hindi na dapat siya magtiwala sa kaibigan niya dahil sa ginawa niya sa bestfriend ko. Akala ko ba noong nalaman niyang plinano ni Owen na itago ang kaibagan sa Batanggas ay galit siya. But now! What make him change his mind to help him at gagawin pa talaga ang lahat para hanapin si Sage.Mahalaga sa akin ang kaibigan ko, at lahat gagawin ko para maprotektahan siya. If he only knew na binantaan ng Papa ni Owen ang buhay ni Sage. Haist... Nakakainis sila. Nakakainis si Owen. Noon pa man wala na talaga akong tiwala sa taong iyon. Sa dami kasi ng pwedeng makabuntis sa kaibigan ko iyon pa. I never thought that would happened kasi galit din si Sage sa kanya.Isang malakas na buntonghininga ang pinakawalan ko bago tuluyang lumabas ng banyo. Paglabas ko ay nadatnan kong nakaupo sa gilid ng kama si Garrett. Nakapatong ang kanyang mga sik
Read more
Chapter 53
DevineIlang sandali din akong natulala nang makita ang plane ticket niyang papunta sa Dubai. dahan-dahan akong tumingin sa kanya. Nakayuko pa rin siya at mataman na pinagmamasdan ang kanyang laptop."Tutuloy ka pa rin?" Halos mangingig na ang boses ko sa pagtatanong. Gusto ko siyang pigilan.Pinanood ko siya. Marahan niyang itiniklop ang laptop niya tapos nagpakawala siya ng malalim na buntonghininga. He smiled at me. Sweet, yet I can see the bitterness on it."Hindi naman ako magtatagal honey... Bakit ayaw mo bang umalis ako?" Naroon ang lambing sa sinabi niya.Kung sasabihin ko bang ayaw ko. Hindi na ba siya tutuloy? Pero sabi niya sobrang napaka importante ang meeting na dadaluhan niya sa Dubai.Tipid ko siyang nginitian. I want to say something. Pero hindi ko magawang magsalita dahil na nanakit ang lalamunan ko. Parang hindi ko kakayaning magpigil ng luha. Hindi ko alam kung bakit sa maraming beses siyang umalis. Bakit sa pagkakataong i
Read more
Chapter 54
Devine''Bakit mo ninakaw? Hindi ba galit ka sa akin noon?'' Wala sa sariling saad ko sa kanya.Naging malungkot ang itsura niya sa naging tanong ko.''I was fooled.'' Maikling sagot niya.Tipid akong ngumiti. Alam kong hindi niya nagustuhan ang naging pahayag ko. Minsan kasi hindi ko maiwasan na magtanong. Minsan din ang hirap kong maniwala na totoo lahat ito. Na mahal na niya ako at nagbago na siya. Sino ba naman kasi ang hindi masu-surpresa sa mga nangyayari. Kahit pa siguro sino ay hindi maniniwalang mahal ako ng asawa ko. He hated me at gusto pa niya akong burahin noon sa buhay niya.But now... Look? Kaya palang baguhin ng tunay na pagmamahal ang matigas na puso ng isang tao. Life somethimes' surprising. Hindi mo talaga alam kung ano ang pwedeng mangyari. Like how love grows and fades.Humugot ako ng malalim na hininga tapos marahan akong naglakad palapit sa kanya. I stoped behind him at niyakap siya sa kanyang leeg mula sa likuran.
Read more
Chapter 55
Devine''Honey... Are you okay?'' Halata sa boses ni Garrett ang pag-aalala nang katukin niya ako sa loob ng bathroom.Nagpakawala muna ako ng buntonghininga bago binuksan ang pinto. May higit kalahating oras na siguro ako dito sa loob. Nahihiya kasi akong lumabas, iniisip ko rin na baka malalaking tao ang bisita ni Garrett. Baka kasi kung ano ang isipin nila sa akin.''Umalis na ba ang bisita mo?'' Alanganing tanong ko kay Garrett. Sandali kong pinasadahan ang mukha niya. May kaunting lipstick nga sa may bandang baba niya at sa kanang pisngi niya. Madali lang iyong mahalata dahil sa maputi siya.Nagkamot siya ng kanyang batok at sandaling nilingon sa may living area. Hindi ko makita kung meron pa siyang bisita dahil hindi pa ako tuluyang nakalabas. Nakaharang kasi siya sa may pintuan.''Hindi pa hon...'' Ngumiti siya sa sinagot niya sa akin.Kumunot naman ang noo ko. Dahil bakit kailangan pa niya akong tawagin dito kung meron pa naman siyan
Read more
Chapter 56
DevineGanoon na lang ang pagkamangha ko nang buksan ko ang malaking pintuan ng mansyon. Napaka engrade ang dekorasyon sa kabuuan ng mansyon.Lumingon lahat sa akin ang mga bisita ni Lolo. Batid kong tila nagulat sila sa pagdating ko. Sandali kong ikinalat ang paningin ko sa mga taong naroon. Lahat sila ay halatang may kaya at mayayaman. Kilala ko ang iba sa kanila. Marami sa kanila... Mga taong minsan akong hinusgahan at sinaktan. Dumagundong nang husto ang dibdib ko, hindi ko inaasahan na ganito ang madadatnan ko. parang muli kong naramdaman ang takot na tulad ng kung paano nila ako itinakwil noon.''Iha...'' Hinanap ko ang boses na iyon.Si Lolo? Nasa taas siya may hawak na mikropono. Masaya siyang nakatingin sa akin. Napalunok ako at nakatitig lang sa kanya. Kita ko sa mga mata ni Lolo kung gaano siya kasaya noong makita niya ako.''Ipinakikilala ko sa inyong lahat, ang aking nag-iisang apo at kaisa-isang tagapagmana ng pamilya Valdez! Ang akin
Read more
Chapter 57
DevineMarahan akong tumayo mula sa aking inuupuan. Nanginginig ang mga binti ko naging mabigat din ang dibdib ko dahil sa sunod-sunod na malalakas na tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung na nanadya siya o talagang nagpapansin lang siya.Napansin ko ang paghinga niya ng malalim. Parang humigpit din ang pagkakahawak niya sa batang hawak niya.''Did I disturb the both of you?'' May pagkasarkastikong tanong niya.Hindi ko namamalayang naikuyom ko na pala ang kamay ko.''Anong ginagawa mo dito?'' Walang buhay na tanong ko. Kung hindi ko lang iniisip na may kasama siyang bata, baka hindi ko mapigilan ang sarili na saktan siya.Sarkastiko siyang ngumiti sa akin. Tumaas din ang kabila niyang kilay.''Did nobody told you? I was invited?'' Mayabang niyang sagot sa akin.Napagitgit ako ng aking ngipin sa sinabi niya. Ang kapal naman nang mukha niyang sabihan akong imbitado siya? Hindi ba siya nahihiya sa ginawa niya sa akin noon? O talag
Read more
Chapter 58
Devine Parang sinasaksak ng pauli-ulit ang puso ko sa nakikita ko. The way he took care of Reinver is how he took care of that baby. His eyes were full of love sa tuwing tinitignan at kinakausap niya ang batang hawak niya. Unti-unting lumabo ang paningin ko dahil sa pamumuo ng mga luha sa mga mata ko.Paano niya nagagawang mangako at magsabi ng mahal niya ako. Kami ng anak ko? Sa tuwing sinasabi niyang natatakot siya na baka iwan ko siyang muli. Hindi ba siya nakakaramdam ng konsensya? Nakakapagod kang mahalin Garrett, nakakapagod kang unawain. Hanggang kailan mo ako sasaktan ng ganito? Hanggang kailan mo ako pahihirapan?Hindi ko tinanggal ang paningin ko sa kanya at sa bata. Kung gaano kasakit ang naramdaman ko kanina ay mas doble ang nararamdaman ko ngayon. Si Janine kasama niya? Nakahawak pa ang malanding babae niya sa balikat niya? Ang galing niyang magpanggap! Ang galing niyang umarte! Kaya ba niya pinaalis si Janine sa party dahil ayaw niyang mabuki
Read more
Chapter 59
DEVINENapayakap ako sa aking sarili nang maramdaman ang malamig na pag-ihip ng hangin. Tumingala ako sa kalangitan. Madilim. Wala ni isang bituin akong nakita mula roon. Tila nagbabadya ang ulan. Pakiramdam ko ay dinadamayan ako ng panahon sa nararamdaman ko ngayon. Mula kaninang dumating kami dito sa mansyon ay hindi pa ako pumasok. Kahit anong pilit sa akin nila Lolo at ni Manang na kumain hindi ako gumalaw. Wala akong gana. Ang gusto ko lang ngayon mapag-isa, gusto ko ng katahimikan. Pero kahit saang sulok siguro ako ng mundo magtago hinding-hindi ko mahahanap ang katahimikan na gusto ko. Malumbay akong bumuntonghininga kasabay ng aking pagpikit. Kung pwede lang ipatangay sa hangin ang sakit. Kung pwede lang ipaanod sa alon lahat ng mabibigat na dala ko ngayon. Gagawin ko.''Hindi ka pa ba papasok Iha?"Bahagya akong nagulat sa pagsulpot ni Manang Josie. Tamad ko siyang nilingon. Panandalian lang iyon, agad ko ding ibinalik ang tingin sa kalangitan. Na
Read more
Chapter 60
Third person POV'sMalimig ang simoy ng hangin noong gabing yun. Unti-unti na ring pumapatak ang makakapal na patak ng ulan. Bagsak ang balikat ni Garrett habang paatras na lumalabas sa bakuran ng mansyon. Walang tigil ang pagpatak ng kanyang mga luha habang nakatingin kay Devine na ngayon ay patuloy pa rin sa paghikbi. Marahil ay hindi na niya kayang tanggapin ang ginawang paglilihim ni Garrett sa kanya.Hindi tinanggal ni Garrett ang tingin kay Devine hanggang sa sumarado ng kusa ang gate. Galit niyang ginulo ang buhok niya kasabay ng pagsipa niya ng kanyang sasakyan. Galit siya sa sarili niya dahil sa maling mga naging desisyon niya. Wala naman siyang balak na ilihim kay Devine ang katotohanan na may anak siya sa iba. Pero natakot siyang amininin iyon ng mas maaga dahil ayaw niyang madagdagan pa ang nagawa nitong kasalanan kay Devine. Pinangunahan siya ng takot na kung malaman ni Devine na may anak siya sa ibang babae ay lalong hindi na niya ito patawarin. Tamad siy
Read more
PREV
1
...
345678
DMCA.com Protection Status