All Chapters of The Rented Wife: Chapter 61 - Chapter 70
364 Chapters
Chapter 61
Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang kaba na nararamdaman ko sa mga oras na ito. Para bang may kung ano akong maaaring matuklasan na talaga namang nagbibigay sa akin ng kakaibang kaba.Napahinga ako ng malalim. Kanina pa ako palakad lakad dito sa kwarto na tinutulugan ko rito sa villa ni Michael. Magmula kasi nang umalis si Redenn matapos naming mag-usap ay hindi na nawala sa isip ko ang mga bagay na napag usapan naming dalawa.Flashback"Wala namang nagsasabi sa akin ng totoo," sagot ko. Napalingon naman siya sa akin.Narinig ko ang malalim niyang pagbuntong hininga."Walang nakakapagsabi pa sa iyo ng totoo, Renice dahil hindi pa ito ang tamang panahon," sabi lang niya sa akin bago siya tumayo at naglakad ng mabagal sa aking harapan."Ngayong wala ka pa ngang alam ay ginagamit ka na nila laban kay Michael, paano kaya kapag meron na? Tingin mo ba hindi ka nila gagamitin knowing na ikaw ay asawa ng taong kagalit nila?" bigla niyang sabi sa akin.Hindi naman ako kaagad nakaimik. P
Read more
Chapter 62
Pakiramdam ko kaagad na nag-init ang buong mukha ko sa inis nang dahil sa narinig ko. Hindi kasi 'yon ang inaasahan kong isasagot sa akin ng lalaking ito. "Maayos kitang kinakausap," sabi ko gamit ang naiinis na boses. Kahit kailan talaga ang lalaking 'to napaka walang kwenta! Nakita ko namang napabuntong hininga siya. "Then let's stop talking," sabi lang niya bago akmang dadaanan ako para lampasan. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata para mapigilan ang inis na nararamdaman ko sa mga oras na ito. "Kailan mo ba planong magpaliwanag sa akin? Kailan mo ba planong sabihin sa akin ang totoo? Hindi ako bulag. Nakikita ko ang mga nangyayari!" naiinis na sabi ko. Mabilis ko siyang tinignan ng diretso sa kanyang mga mata. Wala akong nakitang kahit anong reaksyon mula rito. Nakayuko lang siya habang tulala at nakatingin sa sahig. "Pagod pa ako," sagot lang niya sa akin bago muling naglakad. Kinagat ko naman ang pang ibaba kong labi. "Huwag mo akong iwasan. Nagsasawa na ako sa mga pa
Read more
Chapter 63
Tulala lang akong nakaupo rito sa swing sa malapit na park dito sa villa ni Michael. Kanina pa ako rito, at halos maggagabi na rin. Hindi ko nga alam na rito ako pumunta matapos kong umalis sa bahay na 'yon.Malalim akong napabuntong hininga bago ko pinunasan ang luha na tumulo mula sa aking mga mata.Hanggang ngayon ay nakakaramdam pa rin ako ng bigat sa aking dibdib. Hindi ko alam kung bakit ganito ang epekto sa akin, pero ang sakit. Ang sakit ng mga salitang binitawan sa akin ni Michael.Kinagat ko ang pang ibaba kong labi. Pero sino nga ba naman kasi ako para mag-demand na magsabi siya sa akin ng totoo? Hamak nga namang rented wife lang niya ako.Napayuko ako bago ko ginulo ang kanina ko pang magulong buhok. Hindi ko alam pero naguguluhan ako. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko.Redenn's POVAgad kong pinaypayan ang aking paligid nang mapuno ng usok ang buong kwarto kung nasaan kaming tatlo nila Tyron.Kanina pa kami rito sa hindi namin malamang dahilan. Basta ipinatawag na lang ka
Read more
Chapter 64
Redenn's POVKanina pa ako kakamot kamot habang nakatayo sa tapat ng pinto ng bahay nila Renice. Matapos kasi namin mag-usap nila Michael ay inutusan niya kaming hanapin ang asawa niyang kanina pa raw nawawala."Sigurado ho ba kayo na wala rito? Hindi ho ba nagawi rito si Renice, Madam?" tanong ni Tyron bago tuluyang lumabas ng pinto."Hindi talaga siya nagawi rito. Bakit? Nasaan ba ang anak ko?" kunot noong tanong nito. Nagkatinginan pa kami ni Tyron. Kung alam lang namin kung nasaan ang anak niya edi sana wala kami rito sa harap ng bahay nila.Napakamot pa si Tyron bago sumagot."Hindi rin ho namin alam, Madam," sabi niya bago ngumiti."Nasaan na kaya 'yon si Renice? Anong oras na pa naman," sabi naman nito sa kanyang sarili bago napatingin sa kalangitan.Napatango naman ako. Iyan ang isa sa dahilan kung bakit nag-pa-panic na sa paghahanap ang inlababo naming kaibigan."Gusto niyo ba tumulong na ako sa paghahanap?" pagpresenta pa nito.Agad naman akong umiling habang si Tyron naman a
Read more
Chapter 65
"Renice," agad akong napatigil sa paggalaw nang makita ko kung sino ang lalaking ngayon ay nasa aking harapan. Ilang beses ko pang ipinikit at idinilat ang aking mga mata upang masigurado kung tama nga ba ang nakikita ko sa mga oras na ito. Ngunit hindi nga ako nagkakamali, si Michael nga! "M-michael?" kinakabahang tanong ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ang kaba na nararamdaman ko. Mabilis din ang tibok ng puso ko. Akala ko ay magsasalita pa si Michael, ngunit nanatili lang kami sa gano'ng posisyon ng ilan pang segundo. "A-anong ginagawa mo rit---" hindi ko na naituloy pa ang akin sanang sasabihin nang mabilis niyang inagaw sa aking kamay ang bato at inihagis iyon sa kung saan. Akma ko na rin sanang ibubuka ang aking bibig upang magsalita, ngunit ang mabilis at sumunod na pangyayari ay kaagad nagdulot sa akin ng katahimikan. Ngayon ay yakap na ako ni Michael. Mahigpit 'yon at puno ng pag-aalala. "I was worried," narinig kong sabi niya habang hawak pa rin ako. Gusto ko sanang
Read more
Chapter 66
Hindi ko alam kung bakit ganito ang kaba na nararamdaman ko sa mga oras na ito. Hindi ko alam kung bakit gano'n ang epekto sa akin nang huling sinabi ni Michael. Si Michael ang unang pumasok sa loob ng kwarto rito sa loob ng opisina niya bago ako mabagal na sumunod. "Ano ba kasing gagawin natin dito?" tanong ko. Mabagal naman akong nilingon ni Michael bago niya binuksan ang ilaw sa loob ng kwarto. Mabilis ko namang ipinikit ang aking mga mata upang i-adjust ang aking paningin sa biglang liwanag na siyang nagbigay ilaw sa amin. "I know you have loads of questions," panimula niya sa usapan naming dalawa. Mabagal ko namang idinilat ang aking mga mata at tinignan siya. Nakatayo si Michael ngayon sa tapat ng isang silver na box. Ito 'yong mga box na nakita ko no'ng nakaraan. Katabi rin ng mga box na 'yon ang isang mahabang silver na lamesa. "Oo, marami. Masasagot mo na ba ang mga bagay na 'yon?" tanong ko. Gusto ko ng malaman ang totoo kaya buong tapang ko ng haharapin ito. Nakita ko
Read more
Chapter 67
Tulala lang akong nakatingin kay Michael. Gusto ko siyang sampalin dahil sa ginagawa niyang pakikipaglaro sa akin."Itigil na natin ang kontrata. Hindi ko gustong mapahamak ang pamilya ko at ako nang dahil lang sa walang kwentang bagay," sabi ko pa.Hindi naman siya kaagad umimik."You can't," sagot lang nito sa akin. Gusto ko sanang sumigaw dahil sa sobrang frustration na nararamdaman ko sa mga oras na ito."May karapatan akong itigil ito dahil wala naman sa usapan natin na wala akong karapatang mag back out," sabi ko.Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya bago siya naglakad papalapit sa akin."I want to tell you the truth, but how?" sabi niya habang patuloy lang siya sa paglalakad papalapit sa akin.May kung ano talaga akong nakikitang emosyon sa mga mata niya na hindi ko mapangalanan."Bakit ba hindi mo na lang sabihin ng diretso?" tanong ko. Napahinto naman siya mula sa paglalakad."What if, ikagalit mo? Aalis ka pa rin ba kahit matapos kong sabihin sa iyo ang totoo?" bigla
Read more
Chapter 68
Renice's POVNakatayo ako ngayon sa tapat ng isang malaking pinto. Hindi ko alam kung bakit nandito ako, pero mayroong parte sa akin na gustong pumasok upang makita ang loob nito.Malalim akong napabuntong hininga bago ako naglakad papasok sa loob no'n. Malakas ang tibok ng puso ko. May kung ano akong naaamoy. Ibat't ibang amoy na gusto kong isuka dahil sa baho.Mabagal akong naglakad papalapit sa pinto at binuksan 'yon. Nagulat naman ako nang makita ko ang isang babae na nakayakap sa isang lalaki habang may mga taong nakahandusay sa sahig at naliligo sa sarili nilang mga dugo.Ngunit mas nagulat ako nang makilala ko kung sino ang dalawang taong magkayakap ngayon sa harapan ko.Ako ang babae, habang si Michael naman ang lalaki.Nanatili akong nakatingin sa nakayakap na ako kay Michael. Hindi ko alam kung ilang minuto ang tagal na magkayakap sila.Patuloy akong nanatiling nakatingin sa kanila hanggang sa maramdaman ko ang pag ikot ng paligid ko."A-anong nangyari?" tanong ko bago ako h
Read more
Chapter 69
Nanatili lang akong nakaupo sa kama habang pinagmamasdan si Michael na nakaupo rin at nakatingin sa kung saan. Gusto ko sanang malaman kung ano bang ginagawa niya rito at kung bakit nasa iisa kaming kwarto. "Alam ko nagtataka ka kung bakit nandito ako," sabi ni Michael bago ako nilingon. Mabilis naman na nagkasalubong ang mga mata naming dalawa. Ngunit ako ang kaagad na umiwas mula sa tingin niya nang mahalata ko ang pamumungay nito. "N-nagtataka nga," sagot ko na lang bago ako akmang tatayo na mula sa pagkakaupo. "Wala ka bang gustong sabihin sa akin?" narinig kong biglang sabi ni Michael. Natigilan naman ako sa kung ano mang ginagawa ko. Napahinga pa ako ng malalim bago ko siya tinignang muli. "Ano bang gusto mong sabihin ko?" tanong ko naman sa kanya pabalik. Nilingon niya akong muli. Hindi ko alam kung bakit may kung anong emosyon akong nakikita sa kanyang mga mata. Emosyon na sa tingin ko ay ilang beses ko ng nakita sa mga mata niya. "Hindi ka ba natatakot sa akin?" bigla
Read more
Chapter 70
"And I as well, patay na."Malalim akong napahinga ng maalala ko ang huling sinabi ni Michael sa akin. Mabilis ding kumalabog ang dibdib ko."Kung ako sa iyo, Renice kakain ako ng umagahan para 'di naman ako bigla na lang natutulala," sabi ni Redenn habang diretsong nakatingin sa daan.Mabilis ko naman siyang nilingon habang nakakunot ang aking noo."Anong pinagsasasabi mo d'yan?" nakakunot noo pa ring tanong ko.Bahagya naman siyang tumawa."Pansin ko kasi kanina ka pa tulala d'yan. Napapabuntong hininga ka pa. Kumain ka ba ng umagahan?" natatawang tanong muli nito sa akin.Kinagat ko naman ang pang ibaba kong labi bago ako sumandal sa headrest nitong upuan.Papunta kami ngayon sa Seth Corporation para sa hindi ko ring alam na dahilan. Basta sinabihan na lang ako ni Michael na maghanda dahil susunduin ako ni Redenn sa villa at pupunta kami ng kompanya."Kumain ako, loko ka," sabi ko bago ko ipinikit ang aking mga mata.Narinig ko naman ang marahang pagtawa niya."Sige naniniwala ako,"
Read more
PREV
1
...
56789
...
37
DMCA.com Protection Status