All Chapters of The Cold Heartless Bitchy Nerd: Chapter 91 - Chapter 100
108 Chapters
KABANATA LXIX.1
  "And, there! We're done." Nagpapalakpak na usal ni Dexie sa kanila matapos na matagumpay nilang nagawa ng mas maayos at tama ang pagbato ng mga karayom.   Akmang tatanggalin na nila ang kanilang mga gloves ng mabilis silang pinigilan ni Dexie. Matalim silang tinignan nito at saka biglang ngumiti.   "Bakit?" Nakataas ang kilay ni Venuz na napatanong kay Dexie.   "Sino may sabi sa inyong tanggalin niyo iyan?"   "Luh, anong ibig mong sabihin?" singit namang sambit ni Trixie.  "Hindi niyo pa maaaring tanggalin ang bagay na iyan. Tatanggalin niyo lang iyan pagkatapos ng party."
Read more
KABANATA LXIX.2
Angelica's POV "Kumusta pinapagawa ko? May progress na ba?" usal ko sa taong nasa harapan ko ngayon."Well..."Napataas ang kilay ko dahil sa ginawa nitong pag-upo sa sofa ng aking opisina sa bahay. Parang masyado niyang na-feel at home dito, tinanggal pa nito ang sapatos niya at inangat pa nito sa sofa. Inunat pa ng hayop ang kaniyang binti sa sofa, aba!Kinuha ko ang ballpen na nasa harapan ko at pinindot ang dulo no'n, at agarang binato sa kaniya. Agad siyang napatayo sa kaniyang kinauupuan habang hawak-hawak ang gitnang bahagi niya. Sayang!"Gag* ka, Angelica! Huwag naman ito," sigaw nito sa akin pero nginisian ko lang siya.Hindi ko naman talaga balak patamaan doon, tumarak lang naman iyong ballpen na may patalim sa kabilang dulo nito sa sandalan ng sofa kung saan katapat nito ang gitnang bahagi niya. Gusto kong matawa sa hitsura niya."So, ano na nga?" muli kong sambit sa kaniya.
Read more
KABANATA LXX.1
  "Dr. Waltz," agaw kong pansing tawag sa kaniya.   Tila nagulat naman ito sa pagtawag ko sa kaniya at halos muntikan na niyang mabitawan ang kaniyang hawak-hawak. Hindi maipinta ang mukha nitong lumingon sa akin pero nginisian ko lang siya.  "Ano ba yan, Angelica! Sabi ko sa 'yo huwag mo na akong ginugulat. Paano kung nakakamatay na chemical ang hawak ko?" saad nito sa akin na parang inis na inis sa akin.   Nagkibit-balikat lang ako sa kaniya at napa-iling na lang ito sa akin. Hindi pa sa akin, e halos kalahati ng buhay ko kilala na niya ako. Haynako.  "Oo nga pala, may progreso na sa kaniya. Nakita kong naigalaw na niya ang kaniyang mga daliri." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.  Akala ko ba
Read more
KABANATA LXX.2
Third Person POV "Hoy! Bilisan niyo na riyan," sambit ni Venuz..Nauna silang umalis sa table at hinihintay na lang ang dalawang lalaki. Minamadali niya kasi ang mga ito na magbayad ng kanilang mga kinain sa isang sikat na restuarant sa lugar nila. Inaya kasi sila nila Steve at Romnic na kumain, at hanggang ngayon ay hindi pa rin nila nakakasama sina Kurt at James. Wala pa rin sila idea kung naasan ang dalawang ito."Ito na, kung magpamadali ka naman. Ikaw kaya magbayad ng mga kinain natin do'n?" Pang-aasar na usal ni Steve sa kaniya.Ngumiti ng alanganin si Venuz at saka nag-peace sign kay Steve. Natawa na lang ang iba pang mga babae, samantalang ang mga lalaki ay napa-iling na lang kay Steve. Lumakad na sila palabas ng restaurant at magalang naman silang pinagbuksan ng pinto ng doorman. Palihim naman itong nilagyan ni Romnic ng envelope na may laman na pera sa bulsa nito at nagpasalamat naman ang lalaki sa kaniya.
Read more
KABANATA LXX.3
    "Sino ang mga iyon?" usal ni Venuz sa kaniyang sarili habang palipat-lipat ang kaniyang tingin sa side mirror at sa kalsada.     Kalmado lang si Venuz pero hindi nito alam kung paano niya matatakasan ang pick-up van na sumusunod sa kanila. Tinitignan niya ang mga bawat likuan na puwede nilang paglikuan hanggang sa lumapit sa kaniya si Steve.     "Ako na riyan," ani nito.     Hindi naman nakipagtalo pa si Venuz at walang salita siyang umalis sa kaniyang pwesto habang inaalalayan ni Steve ang manibela. Maayos naman silang nakapagpalit ng pwesto      "Sinong may baril sa inyo?" tanong ni Dexie.      Ang lahat ay umiling lang sa kaniya kaya't bagsak ang balikat niyang naihilamos ang mga kamay sa
Read more
KABANATA LXX.4
 "Oo, Venuz. Ako nga ito." Walang kabuhay-buhay na sambit ni Angelica kay Venuz.Halos tapik-tapikin ni Venuz ang kaniyang pisngi dahil sa pagbabakasakaling nananaginip lang siya pero napadaing siya sa kurot ni Alex sa kaniyang pisngi. Agad ding umalis ang mga armadong lalaki pagdating ni Angelica."Aray ko! Bakit mo naman ginawa 'yon?" sambit pa ni Venuz.Natatawang sumagot naman si Alex, "tinulungan lang kita," sagot nito."Sakit no'n, ah!" Angal pang muli ni Venuz pero tinawanan lang siya ni Alex."Teka nga, ikaw na naman may pakana nito?" Hindi makapaniwalang saad ni Steve kay Angelica.Nginisian lang siya ni Angelica at saka nagtuloy na naglakad papunta sa sofa. Sumandal pa ito at saka pinagkrus ang kaniyang mga binti bago ito tumingin kay Steve ay inangat pa nito ng bahagya ang kaniyang salamin."Bakit? Sino pa ba naiisip ninyong gagawa nito?" Nakapangalumbaba pa si Angelica
Read more
KABANATA LXXI
 "Uhm..." sambit ni Venuz pagkagising.Siya man ang napuyat sa kanila ay siya pa rin ang naunang nagising sa kanila at tumayo na siya para maghanda ng kanilang kakaining almusal. Kahit papaano naman ay may alam siya sa pagluluto dahil madalas siya ang humahawak ng kusina sa kanila at gustong-gusto niya ang tungkol sa pagluluto.Pero ngayon ay pinili niya lang lutuin muna ang madadaling luto dahil baka magising na ang iba pa. Nagluto siya ng sunny side up, hotdog, bacon at garlic rice para sa kanilang almusal. Naglagay na rin siya ng bread para sa mga kasama niyang hindi mahilig mag-rice pag umagahan.Sakto namang pagtapos niyang magluto ay saka naman dumating sa kusina si Alex na kakagising lang. Napalingon naman si Venuz dito at saka niya ito binigyan ng ngiti."Tulungan na kita riyan." Kinuha ni Alex ang dala-dala niyang malaking mangkok na may nakalagay na garlic rice.Isa-isa nilang inihain ang niluto
Read more
KABANATA LXXII
 "Hoy, ang tatagal ninyo naman kumilos!" sigaw ni Steve mula sa ibaba ng sala dahil nasa taas pa ang mga babae at nagbibihis pa.Samantalang sila ay ayos na ayos na at naghihintay na lamang sa mga babae nilang mga kasamahan."Mauna na kayo sa sasakyan! Susunod na lang kami!" rinig nilang sigaw ni Venuz.Wala namang nagawa ang mga lalaki kundi mapakamot na lang ng ulo at mauna na sa kanila pagbaba. Pagsakay ng elevator ay pinindot na nila ang huling ground floor kung saan doon naghihintay ang kanilang sasakyan. Ilang minuto lang ang lumipas ay nakarating din sila sa ground floor at lumabas na sila roon.Nakita naman nila agad ang limousine na nasabing kanilang magiging sasakyan para sa lugar na kanilang pupuntahan. May nakatayo sa pintuan ng sasakyan na lalaki at tingin nila ay ito ang magsisilbi nilang bodyguard. Lumapit din sila agad sa pwesto nito at magalang na yumukod sa kanila at pinagbuksan pa sila nito ng pintua
Read more
KABANATA LXXIII
 "Maraming salamat at nakadalo kayong lahat ngayon sa party na ito."Nakatayo ngayon sa entablado ang isang lalaking may hawak na microphone at may kasama rin itong babae na naka-emerald green gown ang kulay. Gaya ng lalaki ay may hawak rin itong mikropono at silang dalawa ang MC.Inikot ni Venuz ang kaniyang paningin at sinuri ang iba't-ibang lahing dumalo. Pakiramdam niya ay hindi basta-basta ang mga estado nito sa buhay dahil mula pa lang sa damit hanggang sa palamuti ng mga ito sa kanilang katawan ay nagkikinangan."Alex, be ready." Isang tinig ang narinig nila mula sa suot nilang maliit na earpiece na nagkokonekta sa kanilang mga kasama.Sila Venuz naman ay napatingin kay Alex at pagtataka naman ang bumakas sa mukha ni Alex dahil hindi niya alam ang nangyayari. Nagtitinginan na sila sa bawat isa ng palihim dahil kahit ang mga ito ay walang idea."Ano, Angelica? Bakit?" mahinang bulalas ni Alex. Nakiki
Read more
KABANATA LXXIV
Angelica's POV "Baby, mag-iingat, ha? Promise me." Napangiti naman ako sa lalaking naglalambing sa akin kanina pa.Kanina pa dapat ako nakaalis pero dahil sa kaniya ay hindi ako makaalis-alis, gusto kasi niyang sumama. Buti napilit kong huwag na muna, kakaligtas ko lang ng buhay niya pagpahingahin niya naman sarili niya. Jusko! Ewan ko na lang talaga."Of course, I will." Nakayapos pa ito mula sa likuran ko habang nag-aayos ako ng aking sarili.Hindi na muna ako maglalagay ng pekeng bangs at pekeng freckles dahil baka mahirapan ako makakilos mamaya. Matagal ko ng pinlano ito kaya't hindi ako makakapayag na hindi ako magtatagumpay, sisiguraduhin kong mabubura sila sa mundong ito."Tawagan mo na lang ako kapag kailangan mo na ako, just like before." Napangiti akong muli at humarap sa kaniya.Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at binigyan siya ng mabilis na halik sa labi. Mukhang nag
Read more
PREV
1
...
67891011
DMCA.com Protection Status