All Chapters of The Cold Heartless Bitchy Nerd: Chapter 101 - Chapter 108
108 Chapters
KABANATA LXXV
  "Victoria!" nag-aalab sa galit ang ina ni Kurt habang nakatitig kay Victoria na nakangisi pa sa kaniya.  "Bakit? Hindi ba totoo? Inagaw mo sa akin si Octavius kahit pa alam mong pinagbubuntis ko na ang anak namin!"   Napasinghap ang lahat ng bisita sa kanilang narinig, maging sina Venuz ay hindi makapaniwala. Si Alex naman ay napatitig na lang kay Kurt at parang siya ang nasaktan para dito. Hindi niya inaasahan ang malalaman niya sa pamilya nila Kurt, pero nanatili lang na malamig ang tingin ni Kurt at hindi ito umiimik.  Tumayo muli si Victoria mula sa ilang ulit niyang pagkakasalampak. Hindi nito maalis ang ngisi sa kaniyang mukha at nakatitig ng matalim sa dalawang taong nasa harap niya.  "Shut up!" Nagtatagis na ang ngipin ng ina ni Kurt habang ang ama naman nito ay naka
Read more
KABANATA LXXVI
  "Octavius..." tawag ni Angelica sa bawat pasilyong inaakyatan niya.   "Ang akala ko ba ay gusto mo ako mamatay? Bakit ngayon ay tinataguan mo naman ako?" bulalas pa niyang muli.  Biglang napangisi si Angelica dahil may biglang bala na lumipad papunta sa direksyon niya pero mabilis niya itong naiwasan. Para siyang demonyong natawa dahil hindi man lang siya nito madaplisan.   "Ano ba 'yan, Octavius. Paano mo ako papatayin niyan? E, hindi nga tumatama ang bala mo sa akin," pang-aasar pa ni Angelica.   Umakyat siya muli sa isa pang palapag dahil alam niyang umakyat muli ang dalawa niyang kailangan. Lalong gumuhit ang malaking ngisi sa kaniyang labi dahil ilang armadong lalaki ang nag-
Read more
KABANATA LXXVII
  Nanatili pa ring nakapikit si Angelica at pinapakiramdaman lang ang kaniyang paligid.   "Angelica, si Romnic nandito," usal ni Dexie sa kaniya.  Dumilat si Angelica at malamig lang ang tinging ibinigay nito kay Romnic. Dahan-dahan niya itong nilapitan at biglang napasinghap ang mga naroon dahil sa biglaang pagsampal ni Angelica rito gamit ang likuran ng palad niya.  "Anong ginagawa mo rito?" Malamig ang tinig ni Angelica maging ang mata nito ay wala man lang emosyon na pinapakita. Diretso lang ang tingin nito kay Romnic.  "Anong ginawa mo kay Octavius?" mariing tanong pa rin ni Romnic.   "Wala kang pakialam, sagutin ko ang tanong ko. Anong ginagawa mo rito?" Sa bawat salitang binibitawan ni Ang
Read more
KABANATA LXXVIII
  Isang malaking pagsabog ang narinig nila Dexie mula sa bodega na kanilang pinanggalingan. Hininto ni Steve ang sasakyan at napatingin sa direksyon sa gawing iyon. Hanggang sa mapansin nila ang sasakyan na dumaan sa kanilang gilid.   Napatitig sila sa sasakyan at na dumaan at may hinala na sila kung sino ang taong nagmamaneho no'n.  "May binuhay kaya si Angelica doon sa tatlo?" biglang sambit ni Trixie.   "Wala," diretsong sagot ni Venuz habang nakatitig pa rin sa sasakyan na palayo na sa kanila.   "Kilala ko ang babaeng iyon, sa tagal naming magkaibigan alam ko na takbo ng utak no'n. Walang bubuhayin 'yon sa tatlo, iyong galit niyang matagal niya ng kinikimkim ay nailabas niya na,
Read more
KABANATA LXXIX
  Angelica's POV  Wala akong maramdaman na kahit ano sa pag-alis ko sa lugar na iyon. Walang kahit na anong awa o pagsisisi akong naramdaman sa nagawa ko sa pamilyang iyon, puro galit lang ang natira sa akin.   "Sa wakas dad. Naipaghiganti na rin kita," usal ko sa aking sarili habang nagmamaneho.  Patungo ako ngayon sa taong kikitain ko ngayon pero bago 'yon ay may dadaanan muna ako. Kinuha ko ang cellphone ko at nag-dial ako sa aking telepono.   "I'm already here, baby." Napangiti ako sa sinabi nito.  "Alright. Malapit na ako," sagot ko rito ng hindi natatanggal ang ngiti sa aking labi.  "Okay, baby. Take care!" 
Read more
KABANATA LXXX
"Hi dad, kumusta ka riyan?" mahinang sambit ni Angelica.Narito siya ngayon sa sementeryo kung saan nakalibing ang kaniyang ama. Ilang araw bago pa siya nakadalaw dito at siya lang mag-isa.Umupo siya sa at saka hinawi niya ang mga dahon sa lapida ng kaniyang ama at saka niya nilapag ang mga bulaklak na kaniyang binili. Nagsindi na rin siya ng puting kandila at tinirik iyon. Nakangiting pinagmasdan niya ang lapida ng kaniyang ama. "Pasensiya ka na ngayon lang ulit ako nakadalaw sa 'yo. Tinupad ko lang iyong pangako ko sa 'yo na hindi ako magpapakita sa puntod mo hanggat hindi kita naipaghihiganti. And look dad, nandito na ako. Sana masaya riyan kung nasaan ka man, medyo natagalan lang ako sa pagdalaw.""Oo nga pala, dad. May kasalanan din ako sa 'yo, napatay ko si Romnic. Ihingi mo na lang ako ng tawad sa kaniya kung sakaling magkita kayo riyan, ha?" Hindi napigilang matawa ni Angelica sa kaniyang sinasabi at unti-unting bumu
Read more
WAKAS
ANG PAGTATATAPOS 5 years later ... "Nasaan na ba si Alex? Magsisimula na," saad ni Trixie sa kaniyang mga kasama. Napalingon silang lahat sa babaeng halos masira ang pinto dahil sa lakas ng pagbukas nito. Hingal na hingal ito na para bang tumakbo ng ilang kilometro. "Ayan na pala si Alex, e," tumatawang usal ni Alicia kay Alex na nakasalampak na sa sofa at naghahabol ng kaniyang hininga. "Anong nangyari sa 'yo, te?" usal ni Trixe."Hinintay ko pa si Angelica." Hinihingal nitong sagot."Ha? Gaga ka, alam mo naman sumusulpot lang iyon pag gusto niya." "Ay, hindi puwede 'yon. Alam niyang importanteng araw ito.""Hintayin na lang natin siya, baka mamaya nandito na rin iyon." Napabuntong hininga na lang si Alex sa sinabi ni Venuz at hindi na nagsalita pa."O siya, umupo ka na roon pa
Read more
LIHAM NI AUTHOR
Hello ka-Nerdys,   Gusto ko lang magpasalamat sa inyo, lalo na sa 'yo na sumuporta sa aking akda hanggang dulo. Lubos ang aking pasasalamat sa pagsubaybay ninyo sa journey ng buhay ng mga taong nasa loob ng aking kwento na ito. Nawa'y patuloy ninyo akong suportahan sa mga susunod ko pang akda. I am truly grateful to have you, guys! Sa mga matyagang nagke-claim ng rewards, at lalo na sa gumagastos para mabasa ang mga lock chapters ng aking kwento, maraming salamat! Sa inyong mga pagboto ay akin ring ikinagagalak ng lubos-lubos. Nawa'y napahanga ko kayo sa ating bida na si Angelica na parang kabute madalas. HAHAHA   Hanggang sa muli aking mga ka-Nerdy! Maraming salamat,   Nagmamahal, _iamlezy / Bebe
Read more
PREV
1
...
67891011
DMCA.com Protection Status