All Chapters of The Substitute Wife: Chapter 11 - Chapter 20
93 Chapters
CHAPTER TEN
CALISTA I was staring my self at the full length mirror wearing a spaghetti strap black dress pair with black pin heels. Hindi ko alam kung ilang oras na ba akong nananatili rito. Napakagat ako sa ibabang labi dahil sa kaba. May live interview kasi kami ni Dayne ngayon sa isang evening show. Kakatapos lang ng taping namin last week pero sunod-sunod na ang nag-i-invite sa amin ni Dayne. Hindi ko maiwasang isipin, ano kaya ang mangyayari sa akin mamaya? Baka magmukha akong ewan kapag nasa harapan na ako ng maraming tao. Isa pa, baka sa isang salita ko lang ay magkamali ako lalo na’t kakatapos lang ng issue. May mga taong mas naniwala sa sinabi ni Klaire ngunit ang ilan naman ay hindi. “What took you so long?” Salubong agad ni Dayne sa akin pagkababa ko ng hagdan. Bigla siyang natigilan nang tuluyan na niya akong makita. Tinitigan niya ako magmula ulo hanggang paa. Nailang ako dah
Read more
CHAPTER ELEVEN
CALISTA “Bakit ka pumayag?” Nagmistula akong parang isang yelo, hindi ko magawang igalaw ang sarili kong katawan. Halos matumba rin ako dahil sa sobrang panginginig ng tuhod ko. Bakit siya narito? “C-Clarisse. . .” Wala akong ibang masabi. Bakit ganito? Bakit siya nagpapakita sa akin? “May oras ka pa! May oras ka pa, Cali!” Tinakpan ko ang sarili kong tainga dahil nabibingi ako sa paulit-ulit na tinig na iyon. “T-tama na p-please!” “Mamamatay ka, Cali! Katulad ko ay papatayin ka rin nila! Mamamatay ka!” Habol-habol ko ang aking hininga! Napahawak ako sa may gawing pisngi ko at basang-basa iyon ng luha. Hindi ko man lang namalayan na umiiyak na pala ako. 
Read more
CHAPTER TWELVE
CALISTA HINDI ko alam kung saan ako lulugar sa bahay na ito. Tatlong araw na ang lumipas matapos mangyari iyon. Todo iwas sa akin si Dayne at gano’n din ako. Inaamin kong natakot ako sa kaniya ngunit hindi ako galit sa kaniya. Siguro nga gano’n talaga. Kamukha ko ang fiance niya at lasing siya noong mga oras na ‘yon. Isabay pa ang pangungulilang nararamdaman niya kay Clarisse. “Ate Clarisse?” “H-ha?” “Kanina pa po kita tinatawag pero hindi mo ako pinapansin. Pareho kayo ni Kuya. I mean, both of you are acting weird.” “I-I’m sorry. Ano nga ulit ‘yon?” tanong ko para maiba ang usapan. “Magpapaturo po sana ako ng homework ko, eh.” “Ah,” biglang nasaad ko at saka kinuha ang notebook at libro niya. Binasa ko iyon at i
Read more
CHAPTER THIRTEEN
CALISTA “Nate. . .” Napalunok ako nang bigla itong umiwas ng tingin. “Narito ka na pala,” malamig na pagkakasaad nito. Bahagya akong nalungkot dahil pakiramdam ko ay galit ito sa akin. Lalapitan ko sana siya ngunit dumating na si Lola Paz kasama si Miko. “Magmeryenda muna kayo,” saad ni Lola sabay lapag ng turon sa may mesa. “Nathan? Nandito ka na rin pala. Halika, samahan mo ang kababata mo kasama ang kaibigan niya,” dugtong ni Lola. Nagulat na lang ako nang biglang naglakad si Dayne palapit kay Nate. “Dayne, Pare.” Nilahad niya ang isa niyang kamay ngunit tinanguhan lang siya nito.  “Busog pa ho ako, Lola,” tipid na sagot ni Nate saka umalis. “Naku! Pagpasensyahan niyo na ang batang iyon!
Read more
CHAPTER FOURTEEN
CALISTA NAGISING ako nang maaga. Dahil dalawa lang ang kuwarto rito, magkasama kami ni Dayne sa iisang kwarto ngunit mas pinili niyang matulog sa lapag. Nang tignan ko si Dayne ay kusa na lang nahulog ang panga ko nang makita kong wala na siya roon. 'Hindi kaya ay hindi siya nakatulog nang maayos kagabi?' Nang maayos ko ang aking hinigaan ay agad akong lumabas ng kuwarto. Naabutan ko na lang si Lola Paz na kasalukuyang nagluluto ng almusal. "Lola," saad ko at agad naman siyang napalingon sa akin. "Oh, Cali. Gising ka na pala." Ngumiti ako at tumango. Inilibot ko ang aking paningin. Pansin kong tanging si Lola lang ang narito sa loob ng bahay. Nang tignan ko ang orasan ay alas-sais pa lang ng umaga. "Uhm, Lola, nakita niyo po ba si Dayne?" "Ah, oo. Nasa labas siya. Maaga ngang nagisin
Read more
CHAPTER FIFTEEN
CALISTA   Alas-diyes na ng umaga, ngunit ayoko pang gumising. Napuyat kasi ako kagabi dahil sa kakaisip dahil sa mga binitiwang salita ni Dayne. Babaguhin niya ang Alta Vieza? Paano?   Napakunot ang aking noo nang makarinig ako ng ingay sa labas ng kwarto. Sari-saring boses ang naririnig ko habang ang iba ay nagtatawanan.   Nang bumangon ako ay naabutan ko si Lola Paz na naghahanda ng napakaraming prutas sa tatlong basket. Sigurado ako na pananim iyon lahat ni Nate. Mayroon ding isang bilao ng pansit.    "Lola, ano pong meron?"   Nabaling ang atensyon sa akin ni Lola. Agad namang kumorte ang ngiti nito sa labi bago magsalita. "Kaarawan kasi ni Miko ngayon."   Nanlaki ang mga mata ko. "Kaarawan po?" gulat na gulat kong tanong.   Tumango ito.   "Sorry po, Lola. Nawala po sa isip ko." Napal
Read more
CHAPTER SIXTEEN
CALISTA "I will surely miss this place." Napatingin ako kay Dayne na kasalukuyang nagmamaneho. Katulad niya ay mami-miss ko rin dito sa Alta Vieza. "Pwede naman tayong bumalik dito, Dayne, eh," saad ko at binalik ang tingin sa labas ng bintana. Napabuntonghininga ako. Masyadong mabigat sa loob na iwanang muli ang Alta Vieza. Kahit pa masyadong mahirap sa lugar na 'to ay narito pa rin ang puso ko. Kung papipiliin man ako, dito ko pa rin gustong manirahan. Kaso, hindi pa natatapos ang misyon ko bilang isang substitute wife ni Dayne. Isa pa, hindi ko pa rin nahahanap ang kasagutan sa lahat ng tanong ko. Kung ano nga ba ang totoo kong pagkatao. Isa pang nagpapagulo sa isipan ko ay ang pag-alis ko sa lugar na ito nang hindi nakakausap si Nate at Madge. Masakit para sa akin na masaktan si Nate. Hindi ko alam o wala man akong ideya na may nararamdaman pala siya
Read more
CHAPTER SEVENTEEN
CALISTA   “C-Cali . . . P-Please help me!”   Napatutop ako sa sariling bibig dahil sa aking nasasaksihan. Hindi ko siya kayang tignan. Tagaktak na ang pawis ko sa noo at sobrang bilis ng pintig ng puso ko.   “C-Clarisse,” nasambit ko.   Naliligo na siya sa sarili niyang dugo at pilit niyang inaabot ang aking kamay. Hindi ko malaman kung ano ang gagawin ko. Gustuhin ko mang sumigaw at humingi ng tulong ngunit tila mayroong pumipigil sa akin.   “H-hindi ko kaya, Cali. H-hindi ko pa kayang iwanan si Dayne! Nagmamakaawa ako, tulungan mo ako!” Garalgal na ang boses niya at nanghihina na. Pilit pa rin niyang inaabot ang kamay ko kaya’t humugot ako nang malalim na hininga at lakas para abutin iyon.   Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang kanyang kamay na unti-unting naglalaho. Ang kanina
Read more
CHAPTER 18.1
-DAYNE's POV- Nag-order ulit ako ng alak sa sikat na bar na ito. Ramdam ko na rin ang pagkahilo dahil sa sobrang dami ng nainom ko. Gusto kong makapag-isip isip at mag-relax. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan ang ginawa kong pagh***k kay Cali kagabi. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ko nagawa ang bagay na 'yon. Mayamaya lang ay may lumapit sa aking babae, wearing red dress with a seductive smile on her face. “Cassey?” “Hey, Dayne! What brings you here?” Hindi ko siya sinagot, sa halip ay nagpatuloy lang ako sa pag-inom. “May nangyari ba?” “It’s nothing serious,” diretsang sagot ko sa kaniya. Wala akong ganang makipag-usap ngayon. “Kaibigan ako ng asawa mo, Dayne. Wala naman sigurong masama kung magkuwento ka sa akin.”&
Read more
CHAPTER 18.2
-CALISTA- "Aray!" Napahawak ako sa may bahaging ulo ko dahil sa tindi ng sakit nito. Bumangon ako at nilibot ang aking paningin. Nasa kwarto na pala ako. Napatutop ako sa bibig nang maalala ko ang nangyari kahapon. Biglang nanikip ang aking dibdib dahil sa alaalang iyon. Nakita ko si Dayne habang nakikipaghalikan kay Cassey matapos no'n ay tumakbo ako palabas habang malakas ang ulan. Nang magbalik ako sa bar upang balikan si Klaire ay saka naman ako naglasing. Pagkatapos no’n ay wala na akong maalala. Pero teka, ano bang nangyari matapos kong uminom? At ano kayang mukha ang maihaharap ko kay Dayne matapos ko siyang takbuhan kagabi? Pero bakit ko nga ba siya tinakbuhan kagabi? Muling nanikip ang bahaging d****b ko. Umiling. Ako. Hindi. . . Hindi maaari itong nararamdaman ko. Ang mabuti pa ay kalimutan ko na lang iyon. Bumangon na ako at inayos ang higaan
Read more
PREV
123456
...
10
DMCA.com Protection Status